Kabanata 4 : Mga Eba

Kabanata 4 : Mga Eba


Flashback

Years ago


"Makikipagbreak na ako sayo." sabi ni Elis na ikinagulat ni Amon pero wala naman siyang naramdaman sakit ng kalooban.

"Bakit?" sabi ni Amon.

Napatingin si Elis sa paligid, nasa isang kilalang restaurant sila ni Amon kung saan nagde-date sila magkasintahan. Tulad ng dati may bulaklak, sweet gestures at masarap na pagkain, magandang ambiance ng lugar.

"Nakikita ko kasi na parang deretso lang tayo." sabi ni Elis na totoo naman dahil cosistent si Amon na tila pumapasok lang ito sa opisina. At pakiramdam ni Elis habang tumatagal tila lamang negosyo ang lahat sa kanila ni Amon na ikinaboboring niya.

"Paanong deretso?" sabi ni Amon na sumeryoso.

"Amon, matagal ng tayo at kilala mo na ako. Simple lang talaga ako kahit na nakikita ng lahat na masyado ako mataas pero ang gusto ko kasi isang tulad mo na may buhay." sabi ni Elis.

"So, wala akong buhay?" sabi ni Amon na ikinangiti ni Elis.

"Masyado kang perfect na baka dumating ang araw hindi na tayo magmatch kasi alam mo iyon ganito ka." sabi ni Elis sabay westra ng kamay ng deretso.


Napatingin si Amon sa nobya, ilang araw mula ng makita nila si Katara at si Numa tila nagbago ito. Pero hindi naman niya nakikitaan na nagseselos si Elis, at sigurado siya na hindi naman alam ni Elis kung sino si Katara sa buhay niya dahil si Elis ang taong hindi tsismosa, o walang pake sa buhay ng iba. Self centered ito na mas gusto na ito ang pinag-uusapan.

"Perfect? Hindi ba mas maganda iyon para sa ating dalawa?" sabi ni Amon.

"Oo mas maganda pero malamig." sabi ni Elis na ikinakunot noo ni Amon.

"Malamig?' sabi ni Amon.

"Cool off. Sige iyon muna tayo, then kapag okay na uli ituloy natin." sabi ni Elis na ikinatitig lang ni Amon sa kanya.

..............

Present Day

"Pilitin niyo." sabi ni Elis.

"Madame ayaw nga po." sabi ng isang tauhan kay Elis.

"Kapag hindi niyo napilit lahat kayo tanggal dahil ibig sabihin hindi kayo effective." sabi ni Elis na ikinatingin ng mga tauhan nito sa isa't isa.

Napatingin si Elis sa opisina niya kung nasaan sila ngayon, pinatawag niya ang mga tauhan dahil sa matagal ng tao na gusto niya magmodelo sa lingerie company niya.

....................

Flashback

Year ago

"May hinahanap ka?" tanong ni Elis sa lalaking nakatunghay sa gusali niya ang NLC Tower na nasa Makati. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang itsura nito bukod sa matangkad ang lalaki.

Hindi sumagot ang lalaki nakasuot ito ng shades at nakasumbrero, nakajacket na itim, maong na pantalon o rugged style ang dating na tila ito isang Secret Agent sa napapanood niyang mga pelikula.

"Minamanmanan mo ba ako?" sabi ni Elis na hindi naman siya natatakot dahil marunong siya ng self defense at malapit na siya sa vicinity ng gusaling pagmamay-ari ng pamilya niya.

Napatingin ang lalaki kay Elis at ilang sandali lang napanganga si Elis ng makita ang lalaki dahil kamukha ito ni Amon, iyon nga lang mas maangas ito tingnan. Kung si Amon desente tingnan tipong kagalang-galang pero ang lalaki sa harap niya bastusin o....


"Oh my God, mukhang masarap magpabastos."
pilyang sabi ni Elis sa sarili na umandar ang kakerihan niya na itinatago-tago niya dahil bawal siyang makita sa pangit na imahe.

"Hello." napangiting sabi ng lalaki na ikinamula ng mukha ni Elis sabay kagat sa labi niya dahil ang tinig na iyon ay kilala niya at hinahanap-hanap niya.

"Pipi ka ba?Hahaha!" natawang sabi ng lalaki na ikinakilig ni Elis dahil iba tumawa ang lalaki iyong pakiramdam na kumukulay ang lahat. Malayo kay Amon na kapag tumawa, para kang nanonood ng musical ng mga mayayaman na nakakaantok.

"Hahaha! Hoy!" sabi ng lalaki sabay pitik sa daliri nito sa harap ng mukha ng babae.

"Payakap puwede." sabi ni Elis na ikinagulat ng lalaki ng kahit hindi pa niya sinasabi niyakap siya ng babae.

"Amon, kung ganito ka ba kasigla hindi na kita pakakawalan." sabi ni Elis na ikinangisi ng lihim ng lalaki sa sinabi ni Elis.

"Kung ganyan kaganda ang nobya ko siguro kahit maging doraemon ako okay lang." sabi ng lalaki na ikinatingala ng babae para tingnan siya.

"Sino ka?" malambing na sabi ni Elis.

"Hahaha! Ganito ba ako kaguwapo? Nahahawa na talaga ko kay Shiloh ang tindi maka-angas look." sabi ng lalaki.

"Pogi, anong kailangan mo? Gusto mo ng date?" sabi ni Elis na ikinatitig ng lalaki sa babae.

"Si Amon." sabi ng lalaki na ikinakunot noo ni Elis.

"Anong kailangan mo sa nobyo ko?" sabi ni Elis.

Hindi umimik ang lalaki pero napangiti ito. Ngiting may naiisip.

"Pogi, sino ka?" sabi ni Elis pero ang lalaki inalis ang pagkakayakap niya saka ito yumuko ng bahagya para magkalapit ang mga mukha nila.

"Aj... Autumn Valiente Jr.." malamyos na pakilala ng lalaki saka ito nagmamadaling umalis na ikinangiti abot tenga ni Elis.

"Mama, last na ito may ihaharap na ako sayo na suwak sa panlasa mo at suwak sa akin." sabi ni Elis saka ito nagmamadaling pumasok sa gusali.

.................

Present Day.

"Madame, anong gagawin namin? Ayaw nga po." sabi ng tauhan ni Elis.


"Ayaw niya. Okay."
sabi ni Elis.

"Madame anong okay?" sabi ng tauhan ni Elis.

"Ako ang gagawa ng trabaho niyo tapos sesante na kayo." sabi ni Elis saka ito tumayo sa kinauupuan at naphingang malalim.

"Madame, huwag naman ganoon." sabi ng limang tauhan ni Elis na nasa harapan niya.

"Okay, magiging mabait ako kapag magiging okay ang lahat." sabi ni Elis saka ito napangiti.

..................

Banner Tower

Hours later


"Mukhang busy ka." sabi ni Elis na ikinatingin ni Aj habang naglalakad si Aj papunta sa site kung saan niya gagawin ang painting.

"Hestia?" napakunot noo na sabi ni Aj ng makita ang inaakalang asawa.

Napailing ng ilang beses si AJ na mahinuha na hindi si Hestiaang babae sa harapan niya.

"Namimiss ko na siya. Pero hawig lang pala niya." sabi ni Aj sa isip habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya.

Napangiti naman si Elis ng makita ang reaksyon ni Aj.

"Ginaya ko ang make-up at buhok ng nobya mo. Nobya! dahil hindi kayo kasal at confirmed iyon." sabi ni Elis sa isip

Mula ng naghiwalay sila Elis at Amon, hindi naalis ang pangalan ni AJ sa isip niya. Ang boses nito sa cellphone na una niyang narinig ay tila musika sa kaisipan niya kaya naman naging tila siya obsessed na makita ito lalo sa personal sa ikalawang pagkakataon.

"Ahhmmm." sabi ni Aj dahil ilang araw ng hindi nagpapakita si Hestia at heto may kahawig ang asawa niya o kung kahawig nga ba kasi maraming gumagaya sa ayos ng asawa niya.

"Anong kailangan mo?" sabi ni Aj sa babae ng makilala ito dahil mula ng makita siya nito hindi na ito tumigil kakatext at kakatawag sa line niya.


"Puwede bang makahingi ng souveir?"
sabi ni Elis na ikinanlaki ng mga mata ni Aj.

"Souvenir? Ano ka turista?" sabi ni Aj dahil ang babae sa harapan niya hindi halatang makulit pero kung siya ang tatanungin tetestigo siya para mapatunayan na ubod ng kulit ito. Daig pa ito ni Luna sa kakulitan, iyon nga lang marunong magtago si Elis.

"Isang gabi lang AJ okay na ako." sabi ni Elis na ikinanlaki ng mga mata ni Aj sa sinabi ng babae

"Pusanggala, ilang araw ng wala si Hestia at tigang ako. Papatusin ko ito." sabi ni Aj sa isip.

"Tutulungan kita, paalisin ang mga reporter na pinangakuan mo ng private interview. Kaya kong gawin iyon pero ang kondisyon, patikim ng langit." sabi ni Elis

Napahawak sa batok si Aj, sa sinabi ni Elis. Isa ito sa dahilan kung bakit mas nahirapan siya kunin kay Amon ang lahat ng para kay Hades. Nalaman kasi ni Amon na lihim siyang tinitext ni Elis, hindi siya tinatantanan ni Elis. Obssessed ito sa kanya tulad ng ibang babae.

Isama pa na mula ng mawala ang Casa nag-iba si Amon ng malaman nito ang tungkol sa Stem na itinuturing nitong pinalit niya sa El Casa kaya niya binuwag ang El Casa. Pakiramdam ni Amon niloko niya ito at inagawan. Nagtanim ng galit si Amon ng tuluyang magiba ang kaharian nito para ipalit ang sa kanya sa mas malawak na bentahan na hindi pa alam ng ibang kagrupo nila.

Isa siyang tinik sa lalamunan ni Amon sa dalawang bagay... babae at posisyon.a

"Isang gabi, regalo mo na sa akin at kung tutuusin regalo ko na rin sayo dahil wala naman nangyari sa amin ni Amon." sabi ni Elis na ikinatingin ni Aj sa babae saka ito napaisip.

"Regalo?" sabi ni Aj.

"Aha." maarteng sabi ni Elis na ikinangisi ni AJ ng mabilis siyang nakapag-isip ng kakaiba.

"Alam kong single ka, single din ako." sabi pa ni Elis sabay kawit ng kamay sa leeg ni Aj na ikinangisi ni Aj ng makita ang pagkakahawig ng asawa kay Elis.

"Oras na para kumuha ng armas at mga kaalyado para sa akin at para sa kompanya ko." sabi ni Elis sa isip.

"Oh my God! Kamukha niya si Hestia. Namimiss na kita sweetheart." sabi ni AJ ng makaramdam ng init mula sa babae ng ilapit ni Elis ang katawan nito sa katawan niya.

"Aj." tawag ng isang tinig na ikinalingon ni Aj at ni Elis.

"Katara." naitagong gulat na sabi ni AJ ng makita si Katara.


"Payag na ako."
sabi ni Katara habang nakatingin sa magkayakap na dalawang nilalang sa harapan niya.

"Payag ka na?" sabi ni AJ na ikinataas ng kilay ni Elis ng makilala nito si Katara. Hindi kasi nagbago ang mukha nito.

"Sasama na ako sayo." sabi ni Katara na ikinanlaki ng mga mata ni Elis sabay tingin kay Aj.

Napangisi si Aj dahil hindi niya inaasahan na papalibutan siya ng mga babae sa araw na iyon.


"Ayos ito ha."
sabi ni Elis na nakaramdam ng inis.

"Handa ka na?" sabi ni AJ kay Katara.

"Oo, kahit saan." napangiting sabi ni Katara na ikinataas ng kilay ni Elis.


"Uunahan pa ako sa souvenir."
sabi ni Elis sa isip.

Inalis ni Aj ang pagkakayakap ni Elis sa leeg niya at lumapit ito kay Katara.

Napatingin si Elis at Katara kay AJ ng lumapit ito.

"Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan. Nandito lang ako." sabi ni Aj na ikinanlaki ng mga mata ni Elis.

"Hala! Muslim ba ito? Daming chicks." sabi ni Elis sa isip.

"Salamat Aj." nakangiting sabi ni Katara sabay yakap kay AJ.

"Aalis na tayo." sabi ni Aj sabay halik sa ulo ni Katara na ikinataas ng salitan ng kilay ni Elis.

"Babaero. Langya, may buhay nga ito kaysa kay Amon. Makulay ang buhay ni AJ Valiente." sabi ni Elis sa isip.

"Huwag kang mag-alala hindi ka naman mabubuntis." sabi ni Aj na ikinahawak sa dibdib ni Elis dahil sa pag-uusap ng dalawa nakakabuo ito ng kuwento sa utak nito. Mahalay na kuwento.

"Basta diyan ka lang sa tabi ko." sabi ni Katara.


"Oo naman."
sabi ni Aj.

"Nakakaselos naman." sabi ng isa pang tinig na ikinatingin ni Elis.


"Numa."
napangiting sabi ni AJ ng makita si Numa karga si Maho.

"Papa." sabi ng sanggol na kahit one and half year pa lamang ito nakakabuo na ito ng salita.


"Wow! May anak na siya. Ayos! Ang tulis"
sabi ni Elis sa isip sabay pilyang napangiti.

"Mamaya ipapahatid ko kayo ni Maho." sabi ni AJ sabay yakap kay Numa at halik sa sanggol.

Napahawak sa ulo si Elis sa halik na iyon. Dahil kakahalik lang ni Aj sa kanya, kay Katara at ngayon sa babaeng may bitbit na sanggol.

"Exciting yata ito." sabi ni Elis ng biglang tumingin si Aj sa kanya na ikinalunok nito.

"Grabeng makatitig." sabi ni Elis sa isip.

"Mag-usap tayo mamaya." sabi ni Aj kay Elis na ikinatingin nila Katara at Numa kay Elis.

Napatingin naman si Elis sa dalawang babae ng mapakunot noo ito ng mamukhaan si Numa na kahit na tumanda ang mukha nito sigurado siya ang dalawang babae sa harapan niya ay ang dalawang babaeng nakita na niya dati sa basurahan.

"Hanep, magkaibigan talaga." sabi ni Elis sa isip.

"Pupuntahan kita." malamyos na sabi ni Aj kay Elis na ikinangiti ni Elis.


"Wow! I belong."
sabi ni Elis na tila natuwa siya sa kulay ng buhay na magkakaroon siya at makakamtan niya sa pagpasok sa buhay ni AJ.

Napatingin si Katara at Numa sa isa't isa saka ito nagbulungan ang dalawa.

"Kahawig niya si Hestia." sabi ni Numa.

"Baka sa make-up lang." sabi ni Katara sabay tingin ng dalawa kay Elis pero muli nagkatinginan ang magkaibigan.

"Ex ni Amon." sabay na sabi nila Katara at Numa ng makilala si Elis.

Napatingin si Katara at Numa kay Aj na kausap na si Elis na tila close ang dalawa.

"Aj, aalis na ako. May paparazzi." sabi ni Elis saka ito nagbago ng anyo at pasimpleng humiwalay kay Aj na ikinakunot noo ni Aj.

"Aj Valiente, mukhang nalilimutan mo." sabi ng tinig na ikinabaling ng tingin ni Aj.

"Eye." napangiting sabi ni Aj ng makita ang reporter.

"Numa halika na." sabi ni Katara sabay hila sa kaibigan ng makitang papalapit ang reporter na walang pinipiling report at talagang isasalang nito lahat para makaungos.

"Anong atin?" sabi ni Aj kay Eye.

Napangisi si Eye ng magpulasan ang mga babaeng kasama ni Aj pero natuon ang pansin niya sa unang umalis at ang nakita niyang kayakap ni AJ..... si Elis.

"Anong atin?" malamyos na sabi ni Aj ng makita ang atensyon ni Eye kay Elis na naglalakad palayo.

"Personal, private nterview for singles." sabi ni Eye kay Aj.

"hahaha! Busy ako." sabi ni Aj saka nito iniwan si Eye ng makitang nakalayo na sila Numa. Katara at Elis.

Napangisi naman si Eye sa inasta ni Aj saka ito napahingang malalim at sinundan ang tinahak na daan ni Elis.

.....................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

..................

February 6, 2023 1.02pm

Fifth Street

Good night



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top