Kabanata 36 : Matibay na Passes


Kabanata 36 : Matibay na Passes

N.E Pricinct


"Bullshit. Gagong Elis iyon, makikita niya." sabi ni Eye habang palabas ito ng presinto ng puntahan ito ni Gill.

"Bakit ka kasi nagtiwala? At bakit hindi mo man lang naisip na naka-live ka sa rank na... oh my God Eye! Panibagong dagok ito sa HBN." sabi ni Gill.

"Nawala sa isip ko." inis na sabi ni Eye na napatiim ng bagang.

"Alam mo ba ang tawag sayo sa socmed? Bobita. Naturingan daw na reporter ka hindi mo alam ang simpleng rate na binibigay sa manonood at kung ano ang bawal." sabi ni Gill.

"Buweset!" inis na sabi ni Eye na tila siya maiiyak sa pagkapikon na nadarama


"Anong balak mo ngayon sa mga naganap?"
sabi ni Gill.

"Uunahin ko lang iyong gagang babaeng iyon. Makikita niya." sabi ni Eye.

"Anong gagawin mo?" sabi ni Gill.

"Pinagrampa niya ako hindi lang dahil gusto niya ako paalisin sa lugar niya kundi dahil may malalim na dahilan kaya gaganti ako." sabi ni Eye.

"Ano naman kaya ang ibang dahilan niya?" sabi ni Gill.

"Mukhang may galit siya kay Hades." sabi ni Eye.

"Paano mo naman nasabi?" sabi ni Gill.

"Hindi niya kasama si Hades ng pumunta siya sa backstage. At tingin ko may nakita siyang kakaiba." sabi ni Eye.

"Ano naman?" sabi ni Gill na ikinahinto ni Eye sa paglalakad saka nito tiningnan si Gill.

"Aalamin ko." sabi ni Eye.


"Hahaha! Ghurl, ang gulo mo kausap. Nakainom ka ba?"
sabi ni Gill na bahagyang natawa.


"Hindi pa ako umiinom dahil dinampot ako ng mga pulis. Buweset! Hindi man lang ako nakapag-enjoy sa party. Aalamin ko sa hari ang naganap na topak ni Elis."
sabi ni Eye na ikinatigil sa pagtawa ni Gill ng seryosong nagsalita si Eye at kapag ganoon may plano itong nabubuo sa isip.

"Sa hari? Eye, sa grupo nga ni AJ nahihirapan kang makapasok at makausap man lang si AJ na leader nila. Tapos ngayon talagang ang hari ang naiisip mo na kakausapin mo?" sabi ni Gill.

"Ipapakita ko sayo na ako si Eye ang pinakamagaling na reporter sa bansang ito." sabi ni Eye saka ito napangisi.

"Anong plano mo?" sabi ni Gill.

"Akitin ang hari." sabi ni Eye.

"Okay aakitin mo si King Jan Carl Canmore." sabi ni Gill na ikinangisi ni Eye kaya napakunot noo si Gill.

"Hindi sa kanya. Hindi na siya ang hari kundi si King Amon Valiente." sabi ni Eye na ikinanlaki ng mga mata ni Gill.

"Talaga? Siya na?" sabi ni Gill.

"Panoorin mo ang pagwasak ko kay Elis at sa grupo ni AJ." sabi ni Eye saka ito muling naglakad.

..................

Kinabukasan

Prime Hotel, Manila.

"Nasaan si Katara?" sabi ni Amon kay Simon.

"Umalis siya kanina at hindi pa po bumabalik." sabi ni Simon

Napatiim ng bagang si Amon, nasa isang hotel sila sa Manila ng araw na iyon. Matapos ang party kagabi agad sila lumipad sa Manila para sumakay ng chopper papunta naman sa Palasyo na nasa ibang bansa.

"Hanapin niyo." sabi ni Amon dahil ngayon ang alis nila papuntang Palasyo pero si Katara hindi na nagpakita mula ng umalis ito sa party kagabi.

"Yes, King." sabi ni Simon.

Umalis si Simon sa kuwartong tinutuluyan ni Amon pero ilang sandali pa ng bumukas ang unit niya.


"Food service, King."
sabi ng babae saka ito pumasok.

Nakatingin lang si Amon sa pumasok na may dalang food cart, isang babae na nakasuot ng uniform ng hotel para sa mga serbidora.

Hinintay ng babae na isarado ng bantay ang pintuan saka ito napangiting nagsalita.


"Kamusta Amon."
sabi ng babae saka nito tinanggal ang suot na hairnet at salamin.

"Anong kailangan mo?" sabi ni Amon na hindi kinabakasan ng pagkagulat man lang ng makita ang babae.

"Mag-aapply maging kaalyado ng bagong hari. May bakante ba?" malamyos na sabi ng babae na tila nang-aakit.

Napangiti si Amon saka ito tumayo at pinuntahan ang babae na nasa kalagitnaan pa lang ng unit na iyon kung saan isang malaking kuwarto lamang para kay Amon.

"Anong posisyon bilang kaalyado ang gusto mo.... Eye?" sabi ni Amon sabay haplos sa mukha ng babae.

Napatitig si Eye kay Amon ng biglang mapalunok ang babae sa nakikitang imahe.

"Oh my God. Ang guwapo naman nito." sabi ni Eye sa isip ng matitigan si Amon na kahit may balbas ito nakadagdag iyon sa guwapong mukha ng lalaki.

"Magsalita ka Eye." malamyos na sabi ni Amon na ikinalunok ni Eye.


"Maging babae mo, may bakante ba?"
biglang sabi ni Eye na ikinatawa ng malakas ni Amon.

"Hahahaha!" natawang reaksyon ni Amon na ikinalunok muli ni Eye.

"Ano ba ito? Ang guwapo at bagay kami." sabi ni Eye sa isip ng ma-star struck lalo kay Amon ng tumawa ito dahil alam niyang kamukha ito ni Aj at iyon ang inaasahan niya kaso iba ang nakikita niya. Magkamukha pero sa ibang antas. Iba kasi ang dating ni Amon, tipong kontrabida na guwapo.

"Puwede ba, kahit sa side lang ako o kaya sa paanan mo." pilyang sabi ni Eye na muling ikinatawa ni Amon sa sense of humor ng babae.

"Langya! Mukhang maiinlove sa akin ito. Napatawa ko. Hahaha! Iyan na naman tayo Eye may bagong mata na naman na naaakit sa alindog mo at karisma." sabi ni Eye sa isip na tila nalimutan ang pakay dahil sa ibang nararamdaman.

"Lalandi muna ako, kay Amon Valiente." napakagat labing sabi ni Eye sa isip.

Napatitig si Amon kay Eye ng titigan lang siya ng babae ng may paghanga, ang ikalawang babaeng nakitaan niya ng ganoong klase ng tingin sa kanya.

"Puwede ka naman sa ibabaw ko kaysa sa paanan ko." sabi ni Amon.

Namula ang mukha ni Eye saka nito wala sa loob na nahampas si Amon.

"Hahahaha! Grabe ka naman. Bakit kinikilig ako sayo?" natawang maharot na sabi nai Eye na tila teenager ito na nakikipagflirt at kinikilig.

Napailing naman si Amon dahil hindi niya inaasahan ang makikitang ugali ng reporter na nasa harapan niya.

"Okay, tutal hinahanap pa nila ang asawa ko tayo muna para hindi ako maboring." sabi ni Amon na ikinangiti ni Eye.


"Sino bang asawa mo? O baka gusto mo pa ng isa? Hindi ba Muslim ang hari?"
pilyang sabi ni Eye na ikinangisi ni Amon.

"Unang sagot sa tanong si Katara. Pangalawa, puwede naman ng isa pa. at sa pangatlong tanong..... yes Muslim ako." sabi ni Amon na ikinatili ni Eye .

"Hahahaha! Puwede kahit ilang asawa?" tumatawang sabi ni Eye na may kalandian sa tono.

"Grabe! Ang harot nito." sabi ni Amon sa isip habang kinikilig na tumatawa si Eye na tila teenager ito.

"Uyyy! Pangalawa ako ha." sabi ni Eye ng hindi sumagot si Amon at nakatitig lang sa kanya.


Napangiti ng ubod ng tamis si Eye pero ilang sandali lang may kumalembang sa utak nito.

"Wait, Katara? Name ng asawa mo ay Katara?" sabi ni Eye ng mapagtanto ang pangalan at sumingit sa kanyang isipan.

"Oo." sabi ni Amon.

"Sandali, siya iyong iniwan ni Hades sa altar tama ba ako?" sabi ni Eye dahil kumalat sa media ang naudlot na kasal ni Hades at Katara ang dahilan hindi alam dahil itinago ng grupo ng mga ito ang dahilan ng lahat.

"Yes. Pero kami na bago pa naging sila." sabi ni Amon.

Napangiti ng lihim si Eye saka ito umusal muli.

"Wala pa ba siya sa hotel? So, umalis at may pinuntahan? Hindi kaya si ex?" sabi ni Eye na ikinawala ng ngiti ni Amon kaya lihim muling napangiti si Eye.

"Hay naku! Kung susuwertihin ka nga naman uli. Magiging 2nd wife ako ng hari at makakaganti pa ako sa Elis na iyon." sabi ni Eye sa isip.

"Kailangan ko ba sagutin ang tanong mong sunod-sunod na naman?" sabi ni Amon na ikinangiti ni Eye.


"Hindi."
sabi ni Eye.

"Bakit hindi?" sabi ni Amon habang nakatitig kay Eye.


"Mas gusto ko kasing inuutusan ng hari. Alam mo iyon... ahmmmn."
sabi ni Eye ng biglang magulat ito ng buhatin siya ni Amon.

"Uyyyy!" napatiling reaksyon ni Eye ng buhatin siya ni Amon.

"Mabuti naman at hindi ko kailangan sagutin." sabi ni Amon sabay hagis kay Eye sa kama.

"Ahhh!" sigaw ni Eye ng maitapon siya sa kama ni Amon.

"Ikaw na ngayon ang babae ko." sabi ni Amon na ikinanlaki ng mga mata ni Eye.

"Grabe siya kama agad. Huh Pero sabagay siya ang matibay passes." sabi ni Eye sa isip

......................

Hours later

NLC, Manila

"Hello." sabi ni Elis ng may tumawag sa cellphone niya ng tanghaling iyon.

"Hello Elis. Kamusta ang paghihintay sa lalaking kasama ay ang ex niya." sabi ng tinig sa kabilang linya.


"Eye, kung wala kang magawa pakamatay ka."
sabi ni Elis ng mabosesan si Eye at akmang ibababa ni Elis ang tawag ng magsalita muli si Eye ng mabilis para abutan ang pagputol ni Elis ng linya na nahinuha niyang gagawin ng malditang si Elis sa kanya.


"Kawawa ka naman, ang inaambisyon mong lalaki nasa ex niya. Kahit anong gawin mo isa ka lang palamuti ni Hades. Pero sabagay pareho tayo kasi ako nakabingwit ng TUNAY NA HARI.

Hahaha! Biruin mo Elis, ang sabi mo magkaiba tayo ng standards. Pero teka mukhang mali ka kasi si Amon ay asawa ni Katara tapos si Hades ay ex fiance ni Katara. Ang reyna nilang dalawa ay si Katara at tayong dalawa...

....PANTAY LANG.

Pero hindi pala, kasi ako puwedeng pakasalan. Eh ikaw, hanggang sabit lang. Alam mo iyon, kahit na kasal si Katara kay Amon hindi ka pa rin pakakasalan ni Hades kasi hindi ka orig tulad ko." sabi ni Eye sa nakakainis na tono na ikinapanteng ng tenga ni Elis.

"Ambisyosa." sabi ni Elis.

"Hahaha! Sino kaya sa atin? Biruin mo ako na isang mayaman, elitista at hindi lang iisa ang kompanya may hari sa tabi ko. Eh, ikaw isa na lang nga ang kompanya mo hindi ka pa mapakasalan ng hari na gusto mo. Pathetic.

Si Elizabeth Samo, hanggang pagsamo na lang. Tsk tsk tsk. Okay siguro namnamin mo na lang ang pangalan mo na Elizabeth para kahit sa name mo maging reyna ka." pang-aasar ni Eye

"Bitch. You moron!" sigaw na napipikong sabi ni Elis.

"Pikon. Sabagay talo ka kasi. Oo nga pala invited ka sa kasal namin ni King Amon bilang second wife niya." sabi ni Eye.

"Gaga! Kabit ka pa rin." sabi ni Elis.

"Hahaha! Ikaw din naman. Huwag kang magmalinis kasi hindi ka niya mahal... ni Hades.

Ayyy! Kawawa ka naman, umaasa na sayo si Hades pero ayon kasama ni Katara. Gusto mo ng katibayan may picture ako sinend ni Amon kasi ngayon nag-uusap ang tatlo sa kung paano hahatiin si Katara.

Hahaha! Bye Elis, pareho tayong kabit." natawang sabi ni Eye saka nito binaba ang tawag na ikinasigaw ni Elis.


"Ahhhhh! Mga buweset kayo sa buhay ko! Mag panira."
sabi ni Elis saka nito hinagis ang cellphone.

Humihingal sa galit na tumingin si Elis sa mesa ni Hades, maaga ito umalis at hindi sinabi kung saan ito pupunta.

"Puputulin ko ang pambobola mo sa akin at paglalaro niyo sa akin!" galit na sigaw ni Elis saka ito nagmamadaling tumayo at lumabas ng opisinang iyon.

...............

Prime Hotel, Manila

"Whoah!! Mabuti tanga si Elis. May tatanga pa pala sa akin. Totoo nga talaga lahat ng tao may katangahang taglay." sabi ni Eye saka ito napatawa ng malakas habang hila ang food cart na kalalabas lang ng unit ni Amon.

..................

Kinabukasan

Nicolas Mansion, Manila

Nakatitig si Elis kay Airess habang natutulog ito sa crib. Umaga ng oras na iyon at wala pa siyang tulog mula kahapon ng tumawag si Eye.

"Hindi siya umuwi, walang man lang kahit tawag. Siraulo. Anong aasahan niya na ako ang hahanap sa kanya? Ano ako gaga na tatawag sa kanya?" sabi ni Elis sa isip dahil hindi pa niya nakikita si Hades hanggang sa oras na iyon o nakakausap man lang. Hindi rin kasi tumatawag ang binata.

"Nananahimik ako tapos dumating siya at kinuha niya ang atin. Ngayon makikita niya kung sino si Elis." napaluhang sabi ni Elis saka nito binuhat si Airess.

..................

Blaze Hotel Manila

"Ang cute naman ng apo ko." sabi ni Shimmer habang karga nito si Strawberry.

Napangiti si Hestia binisita niya ang Mama niya sa unit nito sa Blaze Hotel kung saan ito nakacheck in. Nag-iisa lang ngayon ang mama niya kaya naman pumayag siya makipagkita ng solo. Wala kasi si Aj na nagpaalam na pupunta sa Green Island at dahil may baby na sila kaya hindi na masyado sumasama si Hestia dahil delikado sa anak nila ni AJ na ayaw naman niyang iwan sa iba.

"Mana sa atin mama." sabi ni Hestia.

Napangiti si Shimmer, dahil sa unang pagkakataon nakasama niya si Hestia na kahit hindi solo dahil kasama nila ang anak nito na apo niya masayang masaya pa rin si Shimmer.

Ilang taon na kasi mula ng huling magsama silang mag-ina. Lumayo si Hestia kay Shimmer ng magpakasal uli si Shimmer sa iba at iyon ay kay Heaven.

Napangiti si Hestia dahil masarap ang pakiramdam niya makasama ang mama niya uli. Matagal siyang nanabik na makita ito at makasama ng solo. Nasa Blaze Hotel sila ng araw na iyon, pinagbigyan niya ang ina ng tumawag ito sa kanya kaya naman binisita niya ito agad.

"Okay na po ba ang pakiramdam niyo, Mama?" sabi ni Hestia dahil nag-aalala siya ng malaman na umalis ito sa party agad dahil sinumpong ito ng migraine.

"Okay na ako." sabi ni Shimmer.

"Mabuti po." sabi ni Hestia dahil pakiramdam niya ngayon habang nakikita niya ang ina maraming siyang sinayang na oras na makasama sana ito pero kahit ganoon, wala pa ring panghihinayang dahil alam niyang naging masaya ito sa pamilya ni Heaven kahit wala siya na isang saling ketket.

"Mabuti pinaunlakan mo ako. Ang akala ko tatanggi ka uli." sabi ni Shimmer na ikinalunok ni Hestia sa guilt lalo na at pumayag lang siya na magpakita dito dahil may sakit nga ito.

"Mama. Sorry pero huwag ka po mag-alala, magkikita na tayo at magbabonding." sabi ni Hestia dahil ngayon pakiramdam niya okay na, dahil siguro malaki na ang ate Fayra niya na bunso ng mama niya kay Heaven Lopez. Ayaw niya kasi masapawan o kunin ang atensyon ng mama niya sa ate niya na bunso ng mga ito.

"Mabuti, matagal ko ng hinihintay ito." sabi ni Shimmer na ikinangiti ni Hestia.

"Ako din po Mama kaya kumain muna tayo at sulitin ang araw na ito. Mag-date tayong tatlo ni Strawberry." sabi ni Hestia.


"Sige."
sabi ni Shimmer na kakaiba ang kasiyahan.

.................

Blazing resto, Blaze Hotel Manila

"Tanghali na, kaya imposible hindi sila bumaba." sabi ni Elis sa isip habang nakaupo sa sulok ng resto.

Napatingin si Elis sa paligid, may kakilala siya roon na staff at ang sabi bumababa ang grupo nila AJ kapag kumakain kahit sino sa mga ito. At dahil napag-alaman ni Elis na nakacheck in doon ang mga magulang ni Hades kaya agad siya pumunta lalo na at may nagtip na naroroon sa hotel na iyon ngayon sila Hestia at Aj.

"Ipapakilala na kita." sabi ni Elis sa hawak na sanggol.

"Huh! Tingnan natin kung anong magaganap." sabi ni Elis saka ito napangisi.

................

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

................

February 20, 2023 8.06pm

Fifth Street

Good night


up next....


"Hades bitawan mo ako." sabi ni Elis.

"Hindi si Aj ang gumalaw sayu kundi ako." sabi ni Hades.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Elis.

"Sino ang bata?" sabi ni Hades na hindi sinagot si Elis.

Napaigik si Elis ng higpitan pamalalo ni Hades ang hawak sa braso niya at sa ngayon dalawang braso na niya ang hawak nito.

"Hades, nasasaktan kasi ako." sabi ni Elis.

"Kaninong anak ang bata sinong ama nun?" sigaw ni Hades na halos mabaliw siya ng malaman kay Alex na hindi anak ni Aj o niya ang bata

"Hades!" sigaw ni Elis ng itulak siya ni Hades sa kama niya.

"Gaga ka! Talagang hapit ka makapuwesto sa grupo namin. Talagang nagpabuntis ka sa iba para ipako sa pinsan ko. Hindi ako tanga, pina DNA test ko ang sanggol para mapatunayan na akin nga iyon, pero hindi rin pala.Ang akala ko pa noong una baka nga kay AJ. Pero damn it Elis wala ni isa sa amin ng pinan ko ang ama ng anak amo."galit na sigaw ni Hades.

"Hades sandali makinig ka."sabi ni Elis na kinabakasan ng takot ng mag-apoy ang mata ni Hades na tila wala ito sa tamang pag-iisip.

"Ano palagay mo sa amin tanga? Pasalamat ka mabait ang pinsan ko at naawa siya sa bata at pasalamat ka tinanggap siya ni Hestia. Sinaktan mo sila. Iyong pekeng heredera ni AJ siniksik mo talaga."sabi ni Hades.

"Hades, ano ba?"sigaw ni Elis ng hilahin siya ni Hades.

"Nagpagalaw ka sa iba, ng hindi nabuo ang bata na akala mo kay AJ. Ako ang nakatalik mo ng araw na iyon sa Stem sa mismong kuwarto ni AJ." sabi ni Hades.

"Ahhhh!" sigaw ni Elis ng pumatong si Hades sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top