Kabanata 35 : Pasaring


Kabanata 35 : Pasaring

Dome


"Hi! Ate Elis." nakangiting bati ni Fayra kay Elis ng makalapit ito kasama si Hades habang magkahawak kamay.

"Hello." nakangiting sabi ni Elis kay Fayra.


"Elis, kapatid ko si Fayra. Then si Lisica pinsan ko. Iyong apat na iyon mga kapatid ni Luna sila..."
udlot na sabi ni Hades ng pisilin ni Elis ang kamay niya na ikinatingin ni Hades sa dalaga.

"Kilala ko na sila dahil nakikita ko sila sa business site." sabi ni Elis ng tingnan siya ni Hades.


"Ahhh. Okay."
nakangiting sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Nasaan ang parents mo?" tanong ni Elis kay Hades.

Napatingin si Hades sa grupo ng Papa niya pero wala na doon ang mga magulang niya.

"Fayra, nasaan sila Papa?" tanong ni Hades sa kapatid ng hindi na makita ang mga magulang sa paligid.

"Kuya, umuwi na sila Papa kasi sumakit ang ulo ni Mama." sabi ni Fayra.

"Ganoon ba." sabi ni Hades sabay tingin kay Elis.

"Umuwi na daw sila Mama." sabi ni Hades kay Elis.


"Bakit?"
sabi ni Elis kahit narinig na niya ang rason kay Fayra.

"Sumakit daw ang ulo ni Mama." sabi ni Hades.

"May sakit siya?" sabi ni Elis na bahagyang napangiti sa isip.

"Migraine na madalas umatake sa kanya." sabi ni Hades


"Kawawa naman pala."
sabi ni Elis na napangisi sa isip.

"Binabantayan naman siya ni Papa at hindi siya iniiwan." sabi ni Hades.


"Ahhmm! Mabait naman pala ang Papa mo. Mabuti nagkadevelopan sila kahit na ginahasa ng Papa mo ang mama mo."
sabi ni Elis na ikinatingin ni Fayra at Hades kay Elis ng mapalakas ang boses nito.

Napangiti naman si Elis ng tingnan siya ng mag-kapatid at ng iba sa pinsan ng mga ito ng marinig ang sinabi niya.

"Ahh! I mean ang ganda ng lovestory nila. Mukhang may spark nga sila kasi biruin niyo nakadalawa pa sila. Ikaw Hades at ang kapatid mong si Fayra." nakangiting balewalang sabi ni Elis.

"Mabait ang Papa ko at hindi rapist." sabi ni Fayra na ikinangiti ni Elis.

"Ahhhmm. So totoo pala ang balita na willing rape victim ang mama mo... nasarapan siguro sa Papa mo." sabi ni Elis na ikinanlaki ng mga mata ni Fayra at ikinatiim ng bagang ni Hades.


"Ano bang pinagsasabi mo sa asawa ko?"
sabi ni Borealis ng marinig ang sinabi ni Elis at makita ang reaksyon ni Fayra.


Napatingin si Elis sa lalaking nagsalita, hindi niya ito kilala pero base sa sinabi nito napangisi siya.


"Asawa? Wala naman, naisip ko lang iyong sinasabi ng Mama ko dati. By the way ako si Elis step second cousin nila Hades at ng wifey mo."
sabi ni Elis sa maarteng tono.

"Ahhh. Okay, akala ko kasi witch ka." sabi ni Borealis kay Elis na ikinamilog ng mga mata ni Fayra at ikinangisi ni Elis.

"Anong sabi mo?" sabi ni Elis na napataas ng kilay kay Borealis.

"Joke lang. By the way din ako si Borealis isang doctor sa pag-iisip. Gusto mo gamutin kita?" nakangiting sabi ni Borealis na ikinatingin ng magpipinsan sa sinabi ng lalaki kay Elis.

"Boris doon nga tayo." yayang sabi ni Fayra kay Borealis ng makita ang matalim na tingin ni Hades kung kanino hindi niya alam basta alam ni Fayra galit ang kuya niya.

"Okay. Hindi fresh ang simoy ng hangin dito masama sa innocent mind mo, hon." sabi ni Borealis kay Fayra.

Agad naman hinila ni Fayra si Borealis at umiwas naman ang magpipinsan kay Elis na ikinataas ng kilay ng dalaga.

"Hindi sila pumapatol sa kasama ng kagrupo nila." mahinang sabi ni Hades kay Elis na ikinatingin ni Elis dito.

"Wala naman akong ginagawa bakit naman may pagpatol kung sakali?" sabi ni Elis na ikinatitig ng abuhing mata ni Hades kay Elis kaya napalunok ang dalaga.

"Hindi mo sila tauhan. At huwag mong hayaan na patulan ka nila kasi hindi mo magugustuhan." mahinang sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Nandiyan ka naman di ba para sa akin? At saka joke lang iyon, mahilig kayo magbiruan magpipinsan di ba? So, akala ko okay lang. Hindi ba in kapag ako ang makipagbiruan?" sabi ni Elis na ikinatitig ni Hades kay Elis.

"May biruang pasaring at may biruang kasiyahan. At ang sayo birong masakit sa tenga." sabi ni Hades.

"Hahaha! Ito naman joke lang." sabi ni Elis sabay yakap kay Hades.

"Pag-aralan mong magsalita ng tama." seryosong sabi ni Hades habang yakap siya ni Elis.


"Tsss. Hindi na mabiro. Yakap na."
sabi ni Elis sabay yakap pa lalo ng mahigpit kay Hades.


Napahingang malalim si Hades saka nito niyakap si Elis.

Napangisi naman si Elis ng yakapin siya ni Hades.

"Tito." sabi ng tinig na ikinakunot noo ni Hades at Elis ng marinig ang munti at malambing na tinig.

"Ayyy tiyanak!" gulat na sabi ni Elis ng may naramdaman sa may paanan niya.

Napatingin si Hades sa paanan niya ng may yumakap sa kanang hita niya.

"Tito." nakangiting sabi ng batang babae na ikinangiti ni Hades ng makita si Strawberry.

"Hello rosy cheeks." napangiting sabi ni Hades sabay bitaw ng pagkakayakap kay Elis para kargahin ang pamangkin.

Napabitaw naman si Elis at napangisi ito ng bitawan siya ng kusa ni Hades at ang atensyon ng binata ay nakuha ng batanag babae.


"You want strawberry?"
nakangiting alok na sabi ng batang babae na pinakita ang hawak nitong strawberry.


"Wow. Pahingi nga."
sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis sa dalawa.

"Opo." sabi ng batang babae sabay subo ng strawberry kay Hades.


"Hmmnn. Ang sarap. Matamis."
masayang sabi ni Hades na tila nalimutan nito si Elis kaya napataas ng kilay si Elis pero agad na nawala iyon ng napatingin ang batang babae sa kanya.


"Hello po. I'm Strawberry Skadi Valiente, three."
sabi ng batang babae sabay pakita ng tatlong daliri nito, na ikititig naman ni Elis sa bata.

"Ang pretty niya di ba? Anak ni Hestia at Aj." napangiting sabi ni Hades na hindi ramdam ang pag-iiba ng timpla ni Elis.

"Maganda nga." sabi ni Elis na ikinangiti ng batang babae.

"Thank you po." sabi ng batang babae kay Elis.

"Matatas magsalita, matalino tulad ni Maho. Iyong anak ni Burn." sabi ni Hades na halatang proud ito sa pamangkin na karga nito.

"Huh!" napangising mahinang sabi ni Elis na hindi napansin ni Hades.

Napatitig si Elis sa bata dahil maganda nga ang batang babae, hindi mo maitatanggi iyon. Para itong manika, at ngayon pa nga lang pinagtitinginan ito ng mga bisita. Agaw ang atensyon ang bata at kahit nga si Hades naagaw nito ang atensyon sa kanya na ikinaiinis niya.

"You want berry?" nakangiting sabi ng batang babae kay Elis.


Napangisi si Elis dahil kahit ang boses ng batang babae ay malambing. Wala ka ngang makitang maipintas dito. Ultimo kilos ng bata ay pino na tila Prinsesa ito.

"Paborito ko po." sabi pa ni Strawberry sabay lapit ng strawberry kay Elis na ikinatitig ni Elis sa prutas na malapit sa bibig niya.

"Tamis po." sabi ng batang babae sa malambing nitong tinig.

"Kainin mo, hindi ka magsisisi." sabi ni Hades kay Elis na hindi naman sa kanya bago ang kilos ni Elis dahil sanay siya sa awra nitong mataray.

"Lahat po sila kinain ang sinubo ko." masayang sabi ni Strawberry na ikinangisi ni Elis sa isip.


"Ayoko."
sabi ni Elis na ikinagulat ni Hades at ikinatikom ng bibig ng batang babae, pero saglit lang iyon na ikinatitig pa lalo ni Elis sa bata ng mabilis na nagbago ang expression nito mula sa pagkagulat na ngayon kalmado na ang batang karga ni Hades.

"Okay po. Huwag pilitin ang ayaw kasi hindi lahat ay may gusto ng gusto mo at iyon ang sabi ni Mama. At ang sabi ni Papa, huwag sasama ang loob kung hindi mo makuha ang gusto mo kasi hindi lahat ay makukuha mo." napangiting sabi ng batang babae sabay subo ng strawberry na para sana kay Elis.


Napangiti si Hades sa sinabi ng pamangkin na ikinataas ng kilay ni Elis.

"Masaya bang maging solong anak?" sabi ni Elis sa batang babae na ikinakunot noo muli ni Hades sabay tingin kay Elis na kanina pa nakatitig sa batang babae.


"Yes and no. Yes kasi lahat sila sa akin ang atensyon. And no kasi I don't want to feel selfish. At ang totoo may kuya ako si Kuya laurent."
sabi ni Strawberry.

"Hmmn. Kuya. You want a sister?" sabi ni Elis.

"Elis." sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Yes and no again. Yes kasi gusto ko ibigay ang mga dress ko po, and no kasi po baby pa ako. Nagdedede pa po ako wala pang budget sila mama at papa para sa baby na kasunod." nakangiti at inosenteng sagot ng batang babae sabay subo muli ng strawberry.

"Ahhh. Okay, ang bibo mo naman sumagot at nakikita ko mabait kang kapatid." sabi ni Elis.

"Thank you." sagot ni Strawberry.

"Red. Nandiyan ka lang pala." sabi ni Hestia na kanina pa hinahanap ang anak.

"Mama. Hinabol ako ni Maho kanina kaya po tumakbo ako." sabi ni Strawberry sabay lahad ng mga kamay para abutin si Hestia.


Agad naman kinuha ni Hestia ang anak mula sa pagkakarga ni Hades.

"Uuwi na tayo." sabi ni Hestia kay Strawberry pero napatingin ito kay Elis na nakatingin sa kanya.

"Hi." napangiting sabi ni Hestia habang karga na nito si Strawberry.

"Tsss. Nagmana sa ina." sabi ni Elis sa isip ng marinig ang malamyos na tinig ni Hestia at ang pagngiti nito ay katulad ng sa anak nito.

"Hello." sabi ni Elis na kahit na pinalambing niya ang boses mukha pa rin mataray ang kinalabasan.


"Congrats sa event niyo ni Kuya. Type ko iyong gawa mo na suot ni Eye. Bibili ako."
pilyang sabi ni Hestia na ikinangisi ni Hades.


"Baka masundan iyan."
sabi ni Hades sa kapatid.


"Hahaha! Si Kuya naman, aakitin ko lang."
masayang pilyang sabi ni Hestia.


"Mukhang masaya ang pagsasama nila, magiging ganyan ka pa kaya kasaya kapag nalaman mo ang ginawa ng asawa mo sa tagpong may anak na kayo sumingit pa siya sa iba or nakuha pa niyang magtrabaho sa ibang kandungan."
sabi ni Elis sa isip.

"Ikaw talaga. Tinatawag ka na yata." sabi ni Hades ng makita si AJ na lumilinga-linga na tila may hinahanap

Napatingin si Elis kay Aj saka ito napangiting sumigaw.

"AJ, nandito si Hestia." sigaw ni Elis na ikinatingin ni Aj.

Napangiti si Aj saka ito lumapit, samantalang napatingin si Hades kay Elis saka ito hinawakan sa kamay.


"Samahan mo ako may kukunin pala ako."
sabi ni Hades kay Elis saka nito hinila ang babae na ikinagulat ni Elis.

"Uyyy. Sandali." sabi ni Elis pero sa lakas ni Hades napasunod siya sa paglalakad dito

"Kuya! Relax ka lang, ipakilala mo muna kay Mama." natawang pilyang sabi ni Hestia.

Napatingin si Elis kay Hestia at napangisi ito ng makitang nakalapit na si AJ dito.

"Sayang hindi mo nakita ang bago ni Kuya Hades." sabi ni Hestia na naulinigan pa ni Elis.

"Huh! Bago? Ano ako gamit." sabi ni Elis sa isip.

"Mukhang ayaw niya ipakita sa akin. Hahaha!"natawang sabi ni Aj na naulinigan nila Hades at Elis.

"Hahaha! Baka agawin mo daw kasi." natawang sabi ni Hestia na ikinatingin ni AJ dito.

"Aagawin ko?" sabi ni Aj na napangisi.

"Hahaha! Joke lang." sabi ni Hestia sabay yakap ng isang kamay kay Aj habang ang isa ay karga si Strawberry.

"Hahaha! Wala akong aagawin dahil meron na akong sweets." sabi ni Aj saka nito idinikit ang tungki ng ilong sa tungki ng ilong ni Hestia.

Napangisi lalo si Elis ng makita ang dalawa habang papalayo sila ni Hades paalis sa puwesto ng mga ito.

"Uuwi na tayo, sweetheart." sabi pa ni AJ kay Hestia saka nito dinampi ang labi sa labi ni Hestia.

"Sweets? Huh! Tingnan natin kung gaano katagal ang tamis." sabi ni Elis sa isip.

....................

Nicolas Mansion, Manila

Hours Later

"Wait lang." sabi ni Hades ng akmang pababa na ng kotse niya si Elis.

"Bakit?" sabi ni Elis na kanina pa tahimik dahil hindi niya sukat akalain na talagang uuwi nga sila ni Hades mula N.E pabalik ng Manila sakay ng chopper at ngayon nasa kotse sila matapos ilapag ang chopper sa NLC Manila helipad.

Napangiti si Hades saka nito may inabot sa likuran ng kotse.

Napatingin si Elis at sa ilang sandali pa ng makita nito ang box of flowers.


"Para sayo."
sabi ni Hades sabay abot ng box of flowers.


"Sa akin?"
sabi ni Elis.

"Yup." sabi ni Hades.

"Bakit? Anong meron?" sabi ni Elis ng kunin ang flowers kay Hades.

"Hindi ba ang sabi ko sayo manliligaw na ako. So, iyan flowers and..." udlot na sabi ni Hades sabay kuha ulit ng bagay sa likuran ng kotse.

"....chocolates." sabi ni Hades sabay abot ng chocolates kay Elis.

"Typical." napangiting sabi ni Elis sabay kuha muli ng chocolates kay Hades na ikinatitig ni Hades dito.

"Tipikal? Ayaw mo? Wala bang dating?" sabi ni Hades na nagulat sa reaksyon ni Elis.

"Meron naman kaso I'm not impressed or surprised." sabi ni Elis.

"Ahhhmm. Okay." sabi ni Hades na hindi inaasahan ang reaction ni Elis dahil ito lang kasi ang babaeng hindi man lang kinilig sa flowers and chocolates sa lahat ng binigyan niya o siguro sa lahat ng babae dahil alam ni Hades lahat ng babae kikiligin sa flowers and chocolates.

Napatingin si Elis kay Hades saka ito napangiti.

"Huwag kang mag-alala, alam kong ganito ang panliligaw kaya puwede na rin." sabi ni Elis ng makitang tila nagulat o nagtaka si Hades sa reaction niya.

"How about dinner date?" sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Sure. Pero kakagaling lang natin sa party mas gusto ko magpahinga." sabi ni Elis.

"Okay." sabi ni Hades saka ito napasandal sa upuan.

"Hayss! Ang moody naman ng babaeng ito." sabi ni Hades sa isip.

"Hindi mo ako pagbubuksan ng pintuan ng kotse mo?" sabi ni Elis ng manatiling nakaupo si Hades at hindi man lang lumabas ng kotse.

Napatingin si Hades kay Elis saka napangiti ang binata.

"Tipikal din pala kailangan pagbuksan." sabi ni Hades sa isip na napangiti.


"Ahhmm! Sorry baka kasi sabihin mo tipikal."
sabi ni Hades na agad na bumaba ng kotse para pagbuksan ng pintuan si Elis.

Pagkabukas ni Hades ng pintuan agad na bumaba si Elis hanggang sa magkaharap na sila ni Hades na nakatayo sa isa't isa.

Napatingin si Hades kay Elis ng makababa ito ng kotse niya na ikinatingin ng dalaga kay Hades.


"Galingan mo manligaw, mahirap talaga ako ligawan. Mataas kasi ang standards ko na kahit na ang criteria ko hindi ganoon kasimple."
sabi ni Elis.


"Ano ba ang criteria mo?"
sabi ni Hades sabay lagay ng mga kamay nito sa kotse na ikinalunok ni Elis ng masukol siya ni Hades ng ang mga kamay nito ay tila nakayakap sa kanya habang nakatungkad sa kotse nito.

"Magaling sa lahat." sabi ni Elis.

"At?" sabi ni Hades.


"Hindi simple iyon Hades. Magaling sa lahat."
sabi ni Elis na ikinatitig ni Hades sa dalaga at ikinalunok ng pasimple ni Elis ng magkatitigan sila ni Hades.

"Magaling ako sa lahat Elis." sabi ni Hades sabay yuko nito para makapantay ang mukha ni Elis.

"Mabuti." bahagyang napapiyok na sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.


"Magaling ako.... sa lahat."
nakangiting sabi muli ni Hades.

.................

Para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

...............


February 20, 2023 7.40pm

Fifth Street

Good night, try ko lang isa pa.


Ngayon lang nakapag UD pumunta kasi ako ng doctor.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top