Kabanata 34 : Kontrabida


Kabanata 34 : Kontrabida


"Elis, lumabas na tayo at makisalo sa lahat para sa success ng event." sabi ni Sam.

"Okay pero bigyan natin sila ng panghimagas." sabi ni Elis.


"Elis hin..."
udlot na sabi ni Sam ng lumapit si Elis at sabunutan ang buhok niya.

"Aray!" nasaktang sigaw na sabi ni Sam habang mahigpit na hawak ni Elis ang buhok niya na ikinangisi ni Eye.


"Susundin mo ako o ngayon din mismo masisira ang career mo tulad ng pagkasira ng career ni Eye, kasabay ng pagkawasak ng boutique mo tulad ng pagkawasak ng HBN Station.

Ano Sam? Mamili ka, madali akong kausap." sabi ni Elis sabay higpit ng pagsabunot nito sa buhok ni Sam na ikinaigik ni Sam

"Okay sige, susundin kita pero last na ito at hindi na ako magpapakita sa inyong lahat." inis na sabi ni Sam na ikinangiti ni Eye at ikinangisi ni Elis.

"Oo tama lang na huwag ka ng magpakita at huwag mong tatangkain magsalita dahil sabog ka, hindi ako mangingiming pabagsakin ka."sabi ni Elis sabay bitaw sa buhok ni Sam.

"Hahaha! Mukhang mauuto ko na ang isang ito dahil mukhang nagbago ang timpla at kung bakit nagbago, saka ko na aalamin." sabi ni Eye sa isip habang napangising nakatingin kay Elis.

Umayos ng pagkakatayo si Sam saka ito nagsalita.

"Babayaran na kita ngayon sa atraso ko sayo kapalit ng pananahimik ko, at pag-iwas sa mga landas natin na tila walang naganap at hindi ko kayo nakita pagkatapos nito." sabi ni Sam sa sarkastikong tinig.

"Okay. Bilisan mo, at siguraduhin mo na mapapaganda mo pa lalo ang event at maagaw ang eksena na kinuha ng grupo ni Hades kanina." sabi ni Elis na ikinangisi ni Sam.

......................

Dome

"Asar! Nasaan na ba iyon?" sabi ni Hades ng makapasok sa loob ng Dome.

"Uy! Sinong hinahanap mo?" sabi ni Alex kay Hades ng makitang palinga-linga ito.

"Si Elis, hindi ko makita." sabi ni Hades.

"Napuntahan mo na ba sa backstage?" tanong ni Alex.


"Ay oo nga pala baka nandoon. Doon kasi kami nanggaling kanina bago maghiwalay so baka nga doon siya naghintay."
sabi ni Hades at akmang maglalakad ito papunta sa backstage ng magbago ang ilaw ng stage

"Ohhhh! Baka meron pang pakulo!" sigaw ni Haco na ikinasigaw ng magpipinsan.

"Mamaya na tayo kumain, manood muna tayo." sabi ni Viggo sa mga pinsan.

Napatingin si Hades sa stage ng biglang pumailanlang ang isang tinig.

"Para sa huling pasabog ng NLC Fashion Show malugod na ipinakikilala ng Nicolas Lingerie ang isang bagong mukha ng Fashion World." malamyos na sabi ng tinig.

"Si Sam." mahinang sabi ni Hades habang nakatingin sa stage ang lahat ng mabosesan ang tinig.

"Whoahhhh!" hiyawan ng lahat ng maging kulay pula ang ilaw sa stage na nakakaakit tingnan.

"Sabi ko na nga ba sa Nicolas na ako kukua ng bebot." sabi ng isang Prinsipe na ikinatingin ng grupo sa mga ito na tila nasilihan ang lahat dahil ang ilaw ay tila nang-yayaya na kakaibang kaligayahan.

"Whoahhh!" muling hiyawan ng lahat ng magkulay asul ang ilaw, na malamig sa mata kasabay ng pag-usok sa stage na tila ilang sandali na lang papasok ka na sa langit.

"Ang uukit sa mundo ng Fashion...." muling sabi ng tinig sabay pagpatay ng lahat ng ilaw at sa ilang sandali lang lahat ng spotlight ay tumutok sa gitnang bahagi ng stage.

"Tastes me." nakakaakit na sabi ng tinig na ikinalunok ng lahat at sa isang iglap nagbukas ang likuran bahagi ng stage at sumilay ang isang kagandahan na umukit sa buong industriya.

"Eye Hamilton." malamyos na sabi ng tinig na ikinalunok ng sunod sunod ng mga lalaki ng tumambad si Eye habang nakasuot ng lingerie na gawa ni Elis.

"Capturing Eye," sabi ng tinig ng pagpapakila ni Sam sa modelo sabay ngiti ni Eye saka ito nagsimulang naglakad.

"Whoahhh! Wala siyang damit panloob." sigawan ng magpipinsan, ng proud magsimulang maglakad si Eye.

"Grabe, ang sexy." sabi ni Shiloh na halos maglaway ang mga ito.

"Ang suwerte mo Uno." sabi ni Haco na ikinailing ni Uno.

"'tol nakaisa ka ba? Sayang pero sana lumapit din sa akin." sabi ni Brook kay Aidan na napangisi ng makita si Eye sa nakakaakit nitong itsura.

Napakunot noo si Hades sa nasisilayan, ang suot ni Eye ay isang lingerie na walang tabing sa loob. Hindi tulad ng gawa niya na sinuot ni Elis kanina na humahaplos ang desenyo para takpan ang kaselanan.

Ngayon ang suot ni Eye ay bukod tangi sa kakaiba nitong pagmomodelo dahil hindi ito nahihiya na nagbigay dito ng elegante at class na uri ng pagrampa ng isang sexy lingerie.

"Grabe, paano niya nagawa iyan? Alam mo iyon kung sa casa iyan puta ang dating pero bakit sa kanya, kakaiba." sabi ni Camilo habang nakatitig kay Eye.

Napangiti ang lahat habang pinapanood si Eye sa stage sa suwabe nitong paglalakad, halatang propesyonal na modelo, dalang dala nito ang minomodelo nitong lingerie na kahit x-rated ang dating nabigyan ni Eye ng katarungan na maging class ang ganoong klaseng kakapiranggot na damit.

"Mata mo." sabi naman ni Numa kay Burn ng halos hindi ito kumurap.

"Hahaha! Magaling siya, tingnan mo hindi siya nahihiya."sabi ni Burn.

"So?" sabi ni Numa na ikinangiti ni Burn saka nito tiningnan si Numa.

"Ang modelo magiging epektibo sa pagmomodelo ng damit kapag nadala niya ang produkto. At sa nakikita ko hindi ang katawan lang ni Eye ang nakikita ng mga tao kundi iyong mismong damit kung paano niya nadala."sabi ni Burn na ikinakunot noo ni Numa kaya napangiti muli si Burn saka nito inakbayan ang asawa.

"Mahirap i-justify o i-explain pero sa nakikita ko, mukhang okay at epektibo siyang modelo. Isama pa na magaling siya rumampa sa seksi niyang katawan na humulma ng tama sa damit na suot niya." sabi ni Burn na ikinatawa ng buong grupo na nakikinig pala sa sinasabi niya.


"Hahaha! Nice Burntot sana pinalitan mo iyong host na nagsasalita magaling ka magpaliwanag."
sabi ni Ezio.

"Tama naman si Kuya Burn, sexy si Eye at kahit babae ako hindi ako nababastusan o nahahalayan sa suot niya kasi para siyang beauty queen na nadala ng tama ang gown sa pageant." sabi ni Fayra.

Samantalang napangiti si Eye ng makita ang reaksyon ng lahat kaya naman mas ginanahan siya lalo na at lahat ng camera nakatutok sa kanya.

"Sa mundo ng fashion na isang art ang mga makakaunawa lang sa dating ni Eye ay isang marunong din kumilatis sa fashion." sabi ni Raven.

"Nice so ang pagiging marunong mo sa pagpinta ay na-aapply mo kay Eye." tudyo ni Umiko kay Raven

"Puwede. Para iyang pagpipinta ng hubad na katawan ng babae ang pagkakaiba nga lang sa fashion dinamitan mo ang subject mo." sabi ni Raven.


"Grabe, alam niyo ngayon lang ako nakakita ng babae na hindi ko pinagnanasaan ang katawan,"
sabi ni Umiko.


"Wheee."
tudyong natatawang sabi ng magpipinsan.

"Oo nga kasi ang iniisip ko iyong gitna niya mga insan kapag bumuka." sabi ni Umiko na ikinatawa ng mga pinsan nito.

"Hahaha! Manyak ka." natawang sabi ng magpipinsan kay Umiko.

"Hahahaha! Sabagay may punto si Umiko dahil pare-pareho lang naman ang dibdib at tatsulok ng babae at magkakatalo lang sa gitna kapag bumuka. Parang tayong mga lalaki sa haba naman." sabi ni Haco.

"Teka, bakit sa gitna?" natatawang sabi ni Rollo.

"Sa gitna kasi makikita kung sariwa pa." natawang sabi ni Umiko.

"Hahaha!" tawanan ng magpipinsang lalaki.


"Grabe! Mga baboy."
sabi ni Lisica sa usapan ng mga pinsan niyang lalaki

"Hahaha! Ano iyan tahong?" tawanan ng magpipinsan.

Sa malakas na tawanan na iyon napatingin si Eye sa grupo ng mga ito saka siya napangisi ng lihim.

"Mga walang alam sa buhay." sabi ni Eye sa isip saka ito umikot na ikinatigil sa tawanan ng grupo ng masilayan ang ikuran ni Eye sa lingerie na halos lambat na lamang sa katawan nito.

"Nasasaksihan niyo ngayon ang bagong style na ilalabas ng NLC at asahan niyo ang mga susunod pang produkto ng Elis Brand." sabi ni Elis.

Napangiti si Eye saka pa ito nagrampa na halos sakupin nito ang buong stage.

Napatingin si Hades sa relo, sampung minuto na si Eye sa stage habang naka live ang lahat.

"Hahaha! Ang tanga niya." biglang sabi ni Lake na ikinahinto sa tawanan at biruan ng magpipinsan.

"Ha?" sabi ni Haco kay Lake.

"Sa ginagawa niya lalo niyang hinihila ang station niya para bumagsak." sabi ni Lake sabay angat ng salamin nito.

"Tama si Lake." sabi ni Run, na kanina pa pinakikinggan ang usapan ng magpipinsan pero ang anak niya hindi nakakasali na kanina pa niya pinag-aaralan.

"Daddy Run?" sabi ni Haco sa tatay tatayan ng apat na si Run.

"Hindi siya nag-isip dahil ang gusto niya marating ng sabay ang tuktok." sabi ni Run.

"Anong ibig mong sabihin daddy Run?" sabi ni Umiko.

"SPG ang ginawa niya na lalong makakasira sa imahe niya at ng HBN. Ang live telecast na ginawa niya ay rated G lamang. Ngayon sa ginawa niya pag-uusapan nga siya at sisikat pero sa kabila nito hindi makakaahon ang HBN dahil sa maling hakbang niya." sabi ni Lake na siyang sumagot sa tanong para sa tatay niya.

Napangisi naman si Hades sa sinabi ni Lake dahil iyon ang naisip niya kanina habang nakatingin sa ilang minutong pagrampa ni Eye na halos namnamin nito ang spotlight.

"Kahit nasa Pinas tayo at uso ang bold movies bawal pa rin ang mga palabas na ginawa niya. Isama pa na wala siyang koneksyon sa gobyerno para tulungan siya. Sa bansa natin, nakakapagpalabas ng mga malalaswang pelikula at nakikita sa socmed dahil may sumusuporta dito na mga tao. Pero sa ginawa ni Eye, lalo niyang hinatak pababa ang HBN." sabi ni Lake.

Napatingin ang lahat sa stage habang naroroon pa rin si Eye

"Ang tanga niya. Binabalandra niya ang katawan niya sa mga taong ayaw sa kanya. Isang katatawanan sa mga taong walang alam sa ginagawa niya.

Tulad ng sabi ni Raven kanina na ang makakaunawa lang sa Fashion o sa Art ay ang mga taong marunong nito pero sa bansa natin mas maraming walang alam na ang nakikita ay mali mo at ididikit sa iyo kahit na class ka tingnan." sabi ni Lake.

"Isang kaso ang kakaharapin niya kapag hindi siya tumigil." sabi ni Run sa mga pamangkin.

"Daddy Run." sabi ni Raven sabay tingin sa lolo niyang si SatA.

"Ang lolo mo ay tumatawag na dahil hindi siya papayag na ang imahe niya sa politika at ng buong alyado nito ay masisira ni Eye. Alam ng Senado na naririto ang partido ni Senador SatA Valencia na puwedeng kuwestiyunin siya o kaming lahat dahil ang lugar na ito ay malapit din sa La Secretos bar na pinaghanguan ng El Casa at El Emperio Bar." sabi ni Run.

Napangisi si Hades saka ito napatingin sa stage.

"Bigyan natin muli ng masigabong palakpakan si Eye Hamilton." sabi ni Elis saka ito lumabas ng entablado at pinuntahan si Eye.

Nagsipalakpakan ang lahat at ilang sandali lang namatay ang ilaw sa stage kasabay ng pagbukas ng ilaw sa audiences.

Samantalang pagkasara ng ilaw napangisi si Sam saka ito umalis sa backstage.

"Huh! Mga tanga. Akala niyo na sa inyo ang huling halakhak at matatakot ako. Think again stupids." sabi ni Sam saka ito umalis.

Mabilis naman pumunta ng backstage si Hades ng biglang masalubong nito si Sam na papaalis.

"Sam." sabi ni Hades na ikinangiti ni Sam

"Tsss. Si Elis ang salarin, kaya aalis na ako at baka madamay ako. Hay Naku! Huwag mo na akong tatawagin pa uli." sabi ni Sam na ikinatawa ni Hades.

"Hahaha! Salamat." sabi ni Hades sabay yakap kay Sam.

"Asar! Sinabutan na naman ako ng babaeng iyon." sabi ni Sam na ikinayakap ng mahigpit ni Hades kay Sam habang tumatawa si Hades.

"Magpahinga ka muna, at salamat uli." sabi ni Hades.

"Bisitahin mo ako, hihintayin kita."sabi ni Sam ng biglang bumungad si Eye at Elis na kalalabas lang ng backstage.

"Mr Lopez, okay ba ang presentation ko?" sabi ni Eye na napataas kilay ng makita magkayakap sila Sam at Hades.

Napatingin si Hades at bumitaw ang dalawa sa yakapan.

"Naka live ka." sabi ni Hades kay Eye.

"Yes, iyon ang kontrata." sabi ni Eye ng biglang may mga security na dumating na ikinatingin ni Eye sa mga ito.

"Miss Eye, pinatatawag kayo ni Sen Valencia, ang ginawa niyo ay wala sa program na dinaluhan niya. Naka live po tayo at isang paglabag ang ginawa niyong intensyong paghuhubad sa tv." sabi ng security na ikinanlaki ng mga mata ni Eye sabay tingin kay Elis na napangisi.

"Oh shit." sabi ni Eye habang nakatingin kay Elis na ikinatingin ni Elis dito.

"Huwag mo akong tingnan na para kang batang naloko." nakataas na kilay na sabi ni Elis na ikinatiim ng bagang ni Eye at ikinailing naman ni Sam.

"Huh! Ayos ha." sabi ni Eye kay Elis na ikinakunot noo ni Elis.

"Ikaw ang lumabas at pumigil sa pagkakataon na makapasok sana sa grupo nila. Hindi ako tanga Eye, hindi mo ako magagamit."sabi ni Elis.

"Ah ganoon." inis na sabi ni Eye na tila nautakan siya.

"Huh! Tandaan mo hindi ako bida at iyon ang sabi ko kanina dahil kong bibigyan ako ng pagkakataon...

.....mas nanaisin ko maging kontrabida, at ang kontrabida ay hindi magiging bida kahit na may kontrabida sa tabi niya." mataray na sabi ni Elis kay Eye.


"Bitch."
sabi ni Eye na ikinangisi ni Elis habang nakatitig si Hades kay Elis.

"Yes, bitch talaga ako. Di ba alam mo na dati pa? Na kahit ang mga empleyado ko alam iyon na antipatika ako." sabi ni Elis sabay irap nito kay Eye

"May oras ka rin." sabi ni Eye saka nito kinuha ang dress nito at sinuot.

Napatingin muli si Elis kay Eye habang nagsusuot na ito ng dress na hinubad nito kanina.

"Iyan takpan mo ang katawan mo dahil laspag na sa paningin ng iba." sabi pa ni Elis na ikinamula ng mukha ni Eye.

"Demonyita." sabi ni Eye kay Elis.

Sa galit ni Eye mabilis nitong nahawakan ang buhok ni Elis pero sa ginawa ni Eye mabilis ni Elis hinablot ang buhok ni Eye na ikinasigaw ni Eye sa higpit ng pagkakasabunot nito sa kanya.

"Elis, tama na." sabi ni Hades pero akmang lalapit ito ng nangigigil na hilahin pa lalo ni Elis ang buhok ni Eye na ikinabitaw ni Eye sa buhok ni Elis sa pagkakahawak.

"Bitch, sabi ko hindi ako tangang bida kaya huwag mo akong tatakutin dahil wala akong kinatatakutan. Gaga! Kung may magaling na kontrabida dito ako iyon.

Kaya lumayas ka sa lugar ko, at huwag na huwag mo akong sasaktan dahil AKO lang ang may karapatan manakit lalo na kung TAUHAN LANG KITA." gigil at diin na sabi ni Elis habang mahigpit na nakasabunot ang kamay sa buhok ni Eye na hindi mapagsalita sa sakit na nadarama.

Napalunok naman si Sam ng makita ang pag-igik ni Eye dahil alam niyang masakit ito manabunot.

"Damputin niyo yan at itapon ang basura na nasa harapan ko." sabi pa ni Elis sa mga security sabay tulak kay Eye habang sabunot nito ang buhok ng dalaga.

Muntikan ng nabuwal si Eye kung hindi ito naagapan ni Hades.

"Tapos na ang event. Salamat sa napakagandang palabas." sabi ni Elis saka ito umalis na ikinasunod ng tingin ni Hades sa dalaga at ikinalunok ni Sam sabay pagtingin ng matalim ni Eye kay Elis.

.............

Dressing Room 1

Anong ginawa mo?" sabi ni Hades kay Elis ng sundan ito sa dressing room matapos ihatid si Sam sa kotse nito.

"Anong ginawa ko?" sabi ni Elis habang nagreretouch na ito ng make-up.

"Sinalang mo si Eye at alam mong naka-live at bawal iyon." sabi ni Hades.

"Naisip ko kasi bakit hindi ko na isabay ang pagpapakita ng bago kong product tutal naman nandito na si Eye kaya the best time para sa lahat." sabi ni Elis.

"Para sayo ang event na ito at hindi kay Eye." sabi ni Hades

"Sa akin? O sayo? Sa pag upo mo." sabi ni Elis.

"Sayo at sa atin." sabi ni Hades.

"Ganoon naman pala. So may karapatan ako na isingit ang product ko katulad ng product mo."sabi ni Elis.

Napakunot ang noo ni Hades sa paraan ng pakikipag-usap ni Elis.

"Sandali, may problema ka ba?" sabi ni Hades

"Wala naman gusto ko lang sulitin ang libreng live telecast ng HBN sa NLC." sabi ni Elis saka ito napatingin kay Hades at ngumiti.

"... wala naman masama di ba? At saka okay lang naman sayo na gumawa ako ng produkto ko na ilalagay sa NLC?" nakangiting dagdag na sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades saka ito lumapit kay Elis.


"Oo naman okay lang."
sabi ni Hades saka nito niyakap ang baywang ni Elis.


"Pasalamat ka sa akin, wala na si Eye."
nakangiting sabi ni Elis.


"Ha?"
sabi ni Hades.


"Sa ginawa ko may magandang resulta, at iyon ay ang pagpuputol ng ugnayan ni Eye na pumasok sa grupo mo. Sa ginawa niya wala na rin siyang kontrata. Tutal binigay ko na ng buo ang bayad niya sa kontratang pinirmahan niya sa akin."
sabi ni Elis.


Napangiti si Hades saka ito nagwika.


"Nice idea."
sabi ni Hades.


"Hindi na siya idea dahil nagawa ko ng paalisin ang napapasok mo na hindi mo sinasadya."
sabi ni Elis sabay kawit ng kamay sa leeg ni Hades.


"Hmmmn! Akala ko galit ka?"
sabi ni Hades ng yakapin ni Elis ang leeg niya.


"Bakit naman ako magagalit sayo?"
sabi ni Elis.

"Ewan ko, iyon ang pakiramdam ko kanina at saka..." sabi ni Hades saka ito napatingin sa paligid.

"...magulo dito, nagwala ka ba?" sabi ni Hades sabay tingin muli kay Elis.


"Ako? Bakit naman ako magwawala?"
sabi ni Elis.

"Hindi ko nga alam kung bakit? Kaya nagtaka ako kung bakit mukhang dinaanan ng bagyo ang dressing room mo." sabi ni Hades.

"Hmmn! May hinahanap kasi ako kanina at iyon ang nakita kong suot ni Eye. Kaya naman ng makita ko na suot niya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ako nakaisip ng paraan para magamit ang gawa kong lingerie kasabay ng pagpapakilala nito at pag-alis ng tulayan ni Eye sa grupo." sabi ni Elis sabay tingkayad nito at dinampi ang labi kay Hades.


"Matalinong pag-iisip."
sabi ni Hades saka nito sinalubong ang labi ni Elis.

Napangisi ng lihim si Elis at tumugon sa halik ni Hades.

"Isa ka pa. Anong palagay niyo sa akin? Uto-uto katulad ng hari. Tsss! Ang grupo niyo tingin sa mga sarili ninyo ay magagaling pero tingnan natin kung hindi kayo magkagulo kapag ang anak namin ni Aj ay pumuwesto." nakangising sabi ni Elis sa isip habang kahalikan si Hades.

...............

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

...............


February 19, 2023 2.23pm

Fifth Street

Good Night


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top