Kabanata 33 : Kilos ng Selos
Kabanata 33 : KIlos ng Selos
Dressing Room 1
"Arghhhhh!" malakas na sigaw ni Elis saka ito nagwala sa loob ng dressing room niya.
"Buweset ka Hades!" inis na sigaw ni Elis saka nito hinawi ang lahat ng damit na nakasampay sa dressing room at pinagbabato iyon sa lapag.
"Mahal? Huh! Okay sige gusto mo makipaglaro at mag-utuan tayo, pagbibigyan kita." sabi ni Elis saka ito nagtungo sa vanity desk at hinawi ang lahat ng nakalagay sa mesang iyon.
"Pinaiikot mo lang ako para makuha mo ang lahat ng malinis at mapayapa." sabi ni Elis.
"Ahhhh! Fuck you! Hades!" sigaw ni Elis saka nito tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin.
"Niloloko mo lang pala ako. Pinapasakay. Tssss! Akala mo ganoon ako kadali matalo. Akala mo lang iyon dahil ngayon makikita mo ang bangis ni Elis." sabi ni Elis saka nito kinuha ang lipstick na nasa lapag at pinahid iyon sa salamin.
"Akin ang NLC, akin ang trono na ipapasa ko kay Airess. Ang baby namin ni Aj ang magmamana ng lahat." sabi ni Elis saka nito sinulat ang pangalan ni Airess sa salamin sa pamamagitan ng lipstick na red at sa tuktok ng pangalan ay gumuhit ng isang korona na tila nakapatong sa pangalan ng batanga babae.
"Makikita mo, pagbabayaran mo ang lahat." sabi ni Elis na napangising pinagmamasdan ang ginawa nito sa salamin.
..................
Parking Area
"Ano ba ibalik mo ako sa loob?" sabi ni Astraea na pilit kumakawala sa pagkakabuhat sa kanya ni Jan Carl.
"Uuwi na tayo, ito ang gusto mo di ba? Pinagbigyan kita." sabi ni Jan Carl.
"Siraulo ka." inis na sabi ni Astraea.
Napatingin naman si Katara at Hades na pasimpleng bumitaw sa yakapan ng isa't isa ng marinig ang dalawa na papalapit.
"Anong siraulo? Paano ako naging siraulo? Pinili nga kita at bumitaw na ako." sabi ni Jan Carl.
"Bumaba ka sa trono pero ibinigay mo ang korona sa kawangis pa ng kuya ko." sabi ani Astraea na ikinakunot noo ni Katara at Hades sa sinabi ni Astraea.
"Ayoko makipagtalo sayo. Uuwi na tayo dahil asawa na kita." sabi ni Jan Carl.
"Mukha mo. Sinadya mo ang lahat kaya hindi ako sasama sayo." sabi ni Astraea.
"Tsss! Sasama ka sa akin at sa palasyo tayo pupunta at maninirahan." sabi ni Jan Carl.
"Ayoko!" sigaw ni Astraea.
"Tumigil ka at kanina pa ako naririndi sayo." seryosong pagalit na sabi ni Jan Carl.
Napatingin si Astraea kay Jan Carl saka ito tumahimik ng makita ng dalaga na napipikon na nga ito.
"Okay, kakalma ako para mauto kita uli at mabago ang lahat." sabi ni Astraea sa isip.
Nang huminto si Astraea sa kakapalag napatingin si Jan Carl sa daan papuntang sasakyan nito. Nang makita nito si Katara kasama si Hades.
"King." napayukong sabi ni Katara ng mapatingin si Jan Carl sa kanya.
Napatingin si Jan Carl kay Hades saka ito napangisi.
"Nice, mukhang nakuha mo ang trono mo base sa plano ni Aj." sabi ni Jan Carl ng makalapit kay Hades at Katara.
"Walang trono, hindi ito palasyo o kaharian. Nasa Pinas tayo." sabi ni Hades na ikinangisi ni Jan Carl.
"Si Burn nahawakan ang Tube Factory, si Alex sa Cheung Hospital at ikaw sa NLC. Kung hindi nakulong si Amon malamang kasama siya sa haring binubuo ni AJ. Kaso mukhang mali ang plano niya." sabi ni Jan Carl.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Hades.
Napatingin si Jan Carl kay Katara na umiwas ng tingin.
"Pinain niya ang kabit niya para manmanan ako at bantayan ang mga kagrupo niya sa loob ng palasyo ko. Tsss! Ngayon ang espiya ay mapuputol sa pagmamatyag sa loob ng palasyo dahil ang preso na kanyang pinakasalan ay isa na ngayong hari na siyang magpapahinto sa espiyang asawa nito." sabi ni Jan Carl na ikinagulat ni Katara kaya napangisi si Jan Carl.
"Mas matanda ako sa inyo, at mas hamak na mas maraming akong karanasan. Ngayon makikita natin kung anong gagawin ni Aj sa pag-upo ng kamukha niya." sabi ni Jan Carl ng magulat si Katara sa sinabi niya.
"Huh! Ayos ka lang? Hindi puwede ang sinabi mo." sabi ni Hades.
"Bumaba na ako at ibinigay ko ang puwesto kay Amon." sabi ni Jan Carl
"Imposible." sabi ni Katara na ikinangisi ni Jan Carl.
"Matalino si Amon, at sa paghahangad niya na makuha ang lahat hindi siya tumigil alamin ang dugong nananalaytay sa kanya. Bagay na sinisiguro kong hindi makakalapit si AJ sa palasyong buhat sa angkan ko. Ang hari ay pinasa ko kay Amon. Isang mana na nasa dugo niya at ang espiya ay mapuputol sa kanyang paglilingkod sa kalaban ng palasyo." sabi ni Jan Carl
"Hindi." sabi ni Katara saka ito tumakbo paalis para magtungo sa Dome.
"Katara." sabi ni Hades at akmang susundan nito si Katara ng magsalita si Jan Carl.
"Ang ikatlong hari ni Aj ay mukhang nalilito tulad niya." sabi ni Jan Carl na ikinatingin ni Hades dito.
"Alam mo tama ka, mas matanda ka sa amin ng ilang taon na kung tutuusin puwede mo ng maging anak ang buhat mo ngayon. Pero mukhang hindi ka hinubog ng panahon dahil ang asal mo ay huminto sa kung anong edad ng karga mo." sabi ni Hades saka ito napatingin kay Astraea na nakatitig kay Jan Carl.
Napatiim ng bagang si Jan Carl sa sinabi ni Hades.
Napangiti naman si Hades ng tingnan nito si Astraea na nakatitig kay Jan Carl.
"Mag-iingat ka, dahil baka ang lahat ay isang ilusyon at magising ka sa katotohanan na wala ka pa lang buhat." nakangising dugtong na sabi ni Hades kay Jan Carl habang nakatitig pa rin si Hades kay Astraea at ang dalaga ay nanatiling nakatitig kay Jan Carl.
"Good luck sa kapalarang pinili mo na isang ilusyon." sabi pa ni Hades saka ito tumingin kay Jan Carl bago ito umalis.
....................
Backstage
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sam ng makita si Eye sa backstage.
"Oras na para sa magandang tagpo." sabi ni Eye.
"Tapos na ang show." sabi ni Sam.
"No dear, nasa exciting part pa lang tayo." sabi ni Eye sabay tanggal ng dress nito na tanging tali lamang ang nagdurugtong sa long dress na suot para matakluban ang katawan ng reporter.
Napatingin si Sam sa ginawa ni Eye at bumadya sa mukha nito ang gulat.
"Ako ang nanalo kaya ako dapat ang nasa spotlight." sabi ni Eye.
Napalunok si Sam habang nakatingin sa suot ni Eye.
"Saan mo iyan nakuha?" sabi ni Sam na ikinangiti ni Eye ng kakaiba.
"Tingin mo? Saan kaya? Huh! Biruin mo, nagawa mong magreplika ng gawa ni Elis. Ano kaya ang masasabi ng lahat kapag nalaman nila na ang top model na si Sam Sanchez ay nanggaya ng design ng isang sikat na fashion designer na si Elis." nakangising sabi ni Eye.
Napatiim ng bagang si Sam sa sinabi ni Eye at ng makita ni Eye ang reaction ni Sam saka ito napangiti.
"Hindi ako kalaban Sam, dahil isa akong kakampi. Iyon ay kung ibibigay mo ang dapat na puwesto ko na akin naman talaga. Huh! Biruin mo mapapaisip ang lahat kung bakit kinuha mo si Astraea para magsuot.." udlot na sabi ni Eye na napaikot ang mga mata saka muling nagsalita.
"Ahhmmm. Hindi pala magsuot dahil walang suot kundi pala...
....para maghubad." sabi ni Eye sa mapanuyang tono.
"Tsss! Gumagawa ng kuwento ang isip mo. Masyado malawak ang imahinasyon mo kaya ang paghahabi mo ay sobra-sobra." sabi ni Sam na ikinangiti ni Eye.
"Reporter ako Sam, nasa dugo namin ang maghabi, gumawa at mag-ulat. Pero tandaan mo ang bawat bitaw ng salita at sulat ng mga kataga sa aming mga reporter ay may katotohanan kahit saan mo kami ilagay.
Ang balitang nakakalap namin ay totoo kahit na nga tsismis ang napapalabas ng iba." sabi ni Eye sabay lapit kay Sam na ikinatingin ng dalaga dito.
Napatitig pa lalo si Sam kay Eye ng muli itong magsalita.
"Mananatili akong tahimik pero sa isang kondisyon ang event na ito ay iibahin natin mula sa kanila papunta sa akin. Dahil sayang naman ang oras kung hindi ko susulitin ang unang pag-akyat ko sa taas." sabi ni Eye
"Huwag mo akong gamitin sa ambisyon mo." sabi ni Sam.
"Hindi ako ang nanggamit sayo, at alam mo kung sino ang gumagamit sayo." sabi ni Eye.
"Umalis ka sa harapan ko dahil hindi mo ako mauuto." sabi ni Sam ng biglang may bumungad mula sa backstage.
Napatingin sila Sam at Eye sa dumating at bumakas ang pagtataka sa mukha ng dalawa ng makita si Elis.
"Magsisimula na tayo sa bagong pamumuno ng NLC." seryosong sabi ni Elis na ikinakunot noo ni Rye at Sam.
..................
Dressing Room 1
"Elis?" sabi ni Hades habang hinahanap nito ang dalaga na kanina pa niya hindi nakikita.
"Aissst! Nasaan naman kaya iyon?" sabi ni Hades sa isip.
"Elis!" sabi ni Hades sa pagbukas ng dressing room pero napaudlot ito ng makita ang itsura ng loob ng kuwarto.
"Elis?" ulit na tawag ni Hades ng magtaka ng mabungaran ang magulo at makalat na kuwarto.
Pumasok si Hades sa loob ng kuwarto saka ito nagmasid sa paligid. Nasa sahig ang lahat ng damit, ang mga nakalagay naman sa tokador ay nasa lapag at sa pagbaling ni Hades ng tingin sa salamin napakunot noo ito.
Lumapit si Hades sa salamin saka nito tinitigan ang nakasulat roon.
"Airess." usal ni Hades saka nito hinaplos ang nakasulat at sinundan ng daliri nito ang nakaguhit na korona na pininta ni Elis sa tuktok ng pangalan ni Airess.
"Elis." napahingang malalim na sabi ni Hades saka ito lumabas ng kuwartong yaon.
......................
Backstage.
"Elis." sabi ni Sam na napalunok.
Napatingin si Elis kay Sam na nakatingin sa kanya.
"Anong suot ni Astraea?" sabi ni Elis kay Sam na ikinangisi ni Eye sabay baling ng tingin ni Eye kay Sam.
"Elis, magpapaliwanag ako." sabi ni Sam.
Napatingin si Elis kay Eye at napangisi ito ng makita ang gawa niya.
"Nagtataka ako kanina dahil sa loob ng net na suot ni Astraea nakita ko ang gawa ko, pero sa kalaunan nahinuha ko na iba ang size." sabi ni Elis.
"Elis, sorry pero hindi ko intensyon gawin iyon." sabi ni Sam pero hindi ito pinansin ni Elis
"Ang damit na ginawa ko ay kasukat ko kaya naisip ko, sa liit ni Astraea malabong magtugma kami ng sukat." sabi ni Elis.
"Ohhh! Elis." sabi ni Sam na halatang naiipit ito.
"Hindi ko tatanungin kung sinong nag-utos sayo na gumawa ng replika ng gawa ko na nakasukat ni Astraea sa isang kondisyon." sabi ni Elis sabay tingin muli kay Sam.
Napahingang malalim si Sam ng tingnan siya muli ni Elis. Hindi sumagot si Sam kaya muling nagsalita si Elis.
"Mananahimik ako, at hindi ko ilalagay ang maganda mong pangalan at reputasyon para dumihan na kasing dumi ng pangalan ng kasama natin ngayon sa kuwartong ito, pero sabi ko nga may isang kondisyon." sabi ni Elis kay Sam na ikinangisi ni Eye sa sinabi ni Elis na siya ang pinapatungkulan.
"Okay ano?" sabi ni Sam.
"Ngayon gabi tulungan mo si Eye na baguhin ang imahe niya sa lahat sa pamamagitan ng pagkinang niya suot ang gawa ko." sabi ni Elis.
Napangisi ng lihim si Eye sa sinabi ni Elis.
"Mukhang lahat ay tumutugma sa akin. Ang suwerte ay tila namamagnet ko ng kusa." sabi ni Eye sa isip.
"Elis, tapos na ang show. Ikaw ang bida dito at hindi siya." sabi ni Sam
"Bida? Huh! Eye ano ako bata? Hindi ako si Jollibee at hindi ito kasal ni Luna." sabi ni Elis na ikinapigil sa tawa ni Eye.
Samantalang napahingang malalim muli si Sam dahil tapos na ang lahat at lagot siya kapag sinunod niya si Elis.
"Sayang ang libre Sam tutal nandito na tayong lahat at sa tingin ko hindi ko maiimbitahan ang ganitong karaming tao na meron ang grupo nila Hades kaya sasamantalahin ko ang pagkakataon para ipakita ang closeness namin ni Hades na hawakan ang NLC." sabi ni Elis.
"Elis, magagalit si Hades wala ito sa plano." sabi ni Sam na ikinangisi ni Elis.
"So nasa plano ba ang paglabas ni Astraea?" sabi ni Elis na ikinahawak sa batok ni Sam.
"Okay, hindi alam ni Hades na si Astraea ang kinuha ko sa replika ng gawa mo. Ang alam niya ang kukunin ko ay isa sa modelong nag-apply sayo na kasing katawan ni Astraea kaso hindi siya nakadalo." sabi ni Sam na ikinakunot noo ni Elis.
"Natipuhan niya?" sabi ni Elis
"Fashion designer si Hades at alam mo sa mundo ng fashion may mga modelo kang nagugustuhan para sa damit na nasa isip mong gawin. At tingin ko gusto lang ni Hades na makita mo rin ang gawa mo sa iba at maipakilala ito sa lahat kasabay ng unang gawa ni Hades para sa NLC na lingerie." sabi ni Sam.
"Naisip mo si Astraea para sa lingerie?" sabi ni Elis na napataas ang kilay.
"No choice ako tatlong araw lang ang preparation. Si Hades ang taong mabilis kumilos, mag-isip at magplano. Ayaw niya nade-delay." sabi ni Sam.
"Huh! Sabagay mabilis nga siya kumilos. Biruin mo ilang linggo pa lang ang dami na niyang nagawa at nabago." sabi ni Elis.
"Elis, huwag mong masamain ang ginagawa ni Hades kasi tingin ko naman makakabuti iyon sa kompanya lalo na sayo." sabi ni Sam.
"Wow! Mukhang close nga kayo." sabi ni Elis kay Sam habang mataman lang na nakikinig si Eye sa pag-uusap ng dalawa.
"Naging mentor niya ako bukod doon magkaibigan kami ni Hades." sabi ni Sam.
"Mukha nga." sabi ni Elis.
"Elis, tapos na ang event at oras na para magkainan." sabi ni Sam na na-slang ang dulong salita imbes na kumain ang lahat.
"Magkainan? Hahaha! Muntikan na nga eh." natawang mapanuyang sabi ni Elis.
"Tangnang Hades iyon, muntik na akong makuha at kainin pero mabuti na lang nakita ng mga mata ko at nalaman ko ang totoo." sabi ni Elis sa isip
"Buweset siya, may gusto pa kay Katara tapos may natipuhan pang pandak na nag-apply sa modelo ko." sabi pa ni Elis sa isip.
"Gusto ko manakit, sampalin ko kaya ang dalawa sa harapan ko." inis na sabi ni Elis sa isip.
.................
(Images are not mine, credit to the owner.)
para sa kaunting tulong at suporta.
Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.
gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua
.................
February 19, 2023 2.21pm
Fifth Street
..............
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top