Kabanata 30 : Ang Ikatlong Hari
Kabanata 30 : Ang ikatlong Hari
"Grabe ang suwerte nila." sabi ni Malic tukoy sa mga apo na nagkakatuwaan sa pagpili ng mga modelo sa stage, na ikinahampas naman ni Venus sa braso ni Malic.
"Tumigil ka nga, hindi ito Casa." sabi ni Venus.
"Babe, front lang ang lahat maniwala ka. Isa itong pulo. Casa na ginawang pulo ng apo ko." bulong ni Malic habang seryoso lang ang buong grupo ng mga ito sa nagaganap.
"Tumigil ka na." sabi ni Venus pero hindi nagpaawat si Malic na muling nagsalita.
"Alam mo ang pulo? Kapuluan. Mga isla. Halimbawa kapag ang baso nabasag maraming bubog iyon ang magiging mini Casa. Binuwag na naging kapuluan." sabi ni Malic sabay takip ng bibig ni Venus dito.
"Uuwi na tayo kapag hindi ka tumigil." sabi ni Venus.
"Titigi na." pangungong sagot ni Malic habang nakatakip ang kamay ni Venus sa bibig niya.
...............
Crowd
"Nasaan si Queenie?" sabi ni Jan Carl sa mga tauhan ng pahanapin niya ang dalaga kung nasaan na ito dahil nagsisimula na ang event pero wala naman ang presensiya ni Astraea.
"King, nasa dressing room pa." sabi ni Simon.
"Okay." sabi ni Jan Carl saka ito tumayo mula sa kinauupuan na ikinatingin ng mga babaeng kasama nito at ni Amon.
"Huwag niyo na akong sundan." sabi ni Jan Carl ng tumayo din ang tatlong babaeng kasama nito.
........................
Backstage
"Nasaan si Astraea?" tanong ni Sam sa isang modelo ng ang mga ito lamang ang lumabas sa backstage
"Magpapahuli daw siya." sagot ng modelo na pinagtanungan ni Sam.
"Ano? Hindi puwede." sabi ni Sam sabay tingin sa mga modelong nasa stage pa at nagsasagawa ng pagrampa.
"Iyon ang sabi niya tutal dapat makita ni Elis ang gawa nito sa isang magandang pagpasok niya." sabi ng modelo.
"Tsss! Si Elis ang huli at hindi siya." sabi ni Sam
"Mas maganda daw kapag huli ang suot niya para masurpresa si Elis." sabi pa ng modelo.
Napahawak sa noo si Sam hindi puwede masira ang pagpasok ng mga modelo dahil si Elis ang dapat maging sentro. Siya ang gumawa ng program ng buong Fashion Event at gamay naman niya ang paggawa ng ganoong mga pagdiriwang kaya nga siya ang kinuha ni Hades.
"Problema itong malaki." sabi ni Sam sabay tingin sa paligid.
May pangalawa at pangatlong batch pa bago si Elis at dapat nakasali si Astraea isa sa ng grupo ng mga modelo na papasok dahil kung hindi masisira ang lahat.
........
Samantalang ng makita ni Eye na umalis si Jan Carl ng walang kasama agad niya ito sinundan.
"Mukhang may masasagap na akong balita." sabi ni Eye sa isip ng pasimple itong umalis habang nakatutok ang lahat ng camera sa stage at audiences na umeere ng live sa HBN Station na ngayon ay pumapalo sa mataas na rating.
.......
Dressing Room 2
"Okay, ako na." sabi ni Astraea sa sarili habang nakaharap sa salamin ng marinig ang palakpakan ng lahat mula sa labas na galing sa stage, pero akmang nasa pintuan na siya ng may humila sa kanya papasok muli ng dresssing room.
"Ano ba?" sabi ni Astraea sabay harap sa humila sa kanya.
"Oh fuck! Anong klaseng suot iyan?" galit na sabi ni Jan Carl ng makita ang suot ni Astraea sa loob ng tapis nito.
"Ito iyong napanalunan ko." seryosong sabi ni Astraea sabay ayos sa sarili.
"Anong napanalunan?" sabi ni Jan Carl
"Sa event ni Elis." sabi ni Astraea.
Mabilis naman na nasundan ni Eye si Jan Carl at ng makita ang binata na pumasok sa isang dressing room. Napatingin si Eye sa paligid at masigurong walang tao dahan-dahan si Eye lumakad papunta roon para sumilip.
"Hindi ka nanalo doon." inis na sabi ni Jan Carl.
"Anong hindi nanalo? Ito nga suot ko." mapanuyang sabi ni Astraea.
"Hindi mo susuutin iyan." sabi ni Jan Carl.
"Ay tanga. Suot ko na nga, di ba?" inis na sabi ni Astraea na ikinapikon ni Jan Carl.
"Wala kang saplot!" sigaw na pagalit na sabi ni Jan Carl na ikinatitig ni Astraea sa binata na hindi man lang kinabakasan ng takot mula sa hari.
Mula sa nakasiwang na pintuan na nalimutan ni Jan Carl isara narinig ni Eye ang sigaw ng hari kaya sumilp mula sa siwang si Eye
"Ngayon sisimulan ko ang pagpasok sa buhay niyo at alamin ang kuwento ng bawat isa." sabi ni Eye sa isip.
Mula sa siwang nakita ni Eye si Jan Carl, nakatagilid ito at may kausap pero sa pagbaling ni Eye ng tingin sa kausap ng hari nagulat si Eye.
"Ohhh shit! Hindi puwede." sabi ni Eye sa isip ng makita si Astraea at ang suot nito.
"Wala ka ng magagawa, King. Suot ko na, at ngayon ako ang rarampa sa trono na dapat akin kaso sumulpot ka kaya ayon si Eye ang nanalo.
Pero sabi nga kapag iyo.... iyo. Kaya heto pinasuot sa akin ni Sam dahil si Eye mas pinili magreport sa station niya kahit na hindi naman siya ang tinitingnan ng lahat kundi ang mismong grupo namin.
At boom! Ako si Queenie at tulad sa El Casa ang pagdiriwang sa El Emperio Bar ay nasa reyna." sabi ni Astraea na ikinalunok ni Eye sa sinabi ni Astraea.
"Hindi ka lalabas doon kung ayaw mong masira ang lahat." sabi ni Jan Carl na may halong galit at pagbabanta.
"Huwag mo akong takutin dahil kahit kailan hindi ako natakot sayo. At kung ang iniisip mo ay may manggugulo, think again King dahil walang manggugulo dahil ang event na ito ay pag-upo ni King Hades..
.... ang ikatlong hari ng grupo na iuupo ng pinakahari." sabi ni Astraea na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl.
Napatitig si Astraea kay Jan Carl hanggang hindi nakaalpas sa mata ni Astraea ang namumulang leeg ni Jan Carl na lalong ikinainit ng dugo ng dalaga sa inis.
"Huwag kang pupunta. Huwag kang rarampa!" diin na sabi ni Jan Carl bilang utos.
"Huwag mo akong manduhan dahil wala ka naman posisyon sa buhay ko." sabi ni Astraea saka nito tinulak si Jan Carl kaso hindi niya matulak kaya namilog ang mga mata nito na ikinangisi ni Jan Carl.
"Asar! Kapag tinulak kita kunwari matutulak ka." inis na sabi ni Astraea na ikinangiti ni Jan Carl.
"Ulitin ko. Tutulak kita uli." sabi ni Astraea sabay lagay ng kamay sa dibdib ng binata na ikinangiti ni Jan Carl.
"Game ha..." sabi ni Astraea saka ito tumingin kay Jan Carl.
"Langya, dapat talaga nag-artista ito." sabi ni Jan Car sa isip na tila umaakting lang si Astraea sa isang play.
Napatitig si Jan Carl kay Astraea na ikinalunok ng binata ng kakaiba na naman tumingin si Astraea sa kanya.
Napangiti naman si Astraea ng ma-hypnotize na naman niya si Jan Carl saka nagsimulang magsalita.
"Umalis ka sa harapan ko, dahil rarampa pa ako." sabi ni Astraea sabay tulak kay Jan Carl na ikinabuwal ng binata ng bahagya.
Napakunot naman ang noo ni Eye sa usapan ni Astraea at ng hari.
"Anong ginagawa ng mga ito parang mga baliw." sabi ni Eye sa isip ng tila nasa acting workshop ang dalawang pinapanood niya sa loob ng dressing room.
"Ay uto-uto pa rin." sabi ni Astraea ng magpatulak nga si Jan Carl.
"Pagkakataon ko na." sabi pa ni Astraea saka ito nagmamadaling lumabas ng pintuan na ikinagulat ni Eye kaya nagkunwari itong papunta pa lang sa dressing room.
"Hoy! Bumalik ka!" sigaw ni Jan Carl ng lumabas si Astraea ng pintuan.
Sa pagmamadali ni Astraea para hindi maabutan ni Jan Carl hindi nito napansin si Eye kaya napangiti si Eye.
Mabilis na lumabas ng dressing room si Jan Carl pero sa paglabas nito nakita nito si Eye.
"Hi! King." malamyos na sabi ni Eye na ikinakunot noo ni Jan Carl ng makita nito ng malapitan ang reporter.
"...Eye Hamilton." pakilala ni Eye.
Napangiti si Jan Carl dahil maganda ang babae, at halatang may sinsabi ito dahil sa kilos, galaw at pananalita.
"May maitutulong ba ako?" sabi ni Eye ng titigan lang siya ng hari.
"Nakita kita sa event ni Elis." sabi ni Jan Carl.
"Ano naman ngayon?" sabi ni Eye.
"Babayaran kita kung kukunin mo ang spotlight sa babaeng tumakbo palabas kanina." sabi ni Jan Carl na ikinangiti ng lihim ni Eye.
"Mukhang hindi lang si Elis ang passes ko para makapasok sa grupo nila. Okay Eye pagkakataon mo na." sabi ni Eye sa isip.
"May ibang kabayaran akong gusto." sabi ni Eye na ikinakunot noo ni Jan Carl.
"Ano?" tanong ni Jan Carl
"Bigyan mo ako pass para makapasok sa grupo." deretsahang sabi ni Eye na ikinangiti ni Jan Carl
"Okay, may kapalit." sabi ni Jan Carl
"Ano?" sabi ni Eye
"Ang ulo mo bilang loyalty sa hari." sabi ni Jan Carl na ikinalunok ni Eye ng makaramdam ng takot.
Napangisi si Jan Carl saka ito yumuko na ikinalapit ng mukha nito kay Eye.
"Hindi ako tanga, huwag mo akong paikutin dahil puwede kitang ipapatay sa balak na panloloko sa akin." sabi ni Jan Carl na ikinabutil ng pawis sa noo ni Eye.
"Eye, kailangan mo siya kaya i-grab mo." sabi ni Eye sa isip.
Napahingang malalim si Eye saka ito kumalma at nagsalita.
"Okay. Sayo ang loyalty ko at kapalit ay ulo ko kapag nagkamali ako basta akin ang balita tungkol sa grupo nila." sabi ni Eye
"Patunayan mo muna ang loyalty mo ngayong gabi saka kita tutulungan pasukin ang grupo nila na nagawa ko na. Pagkatapos nun tinitiyak ko na ang nais mo ay matutupad kasama ng pagtaas ng HBN." sabi ni Jan Carl.
Hindi nakaimik si Eye dahil hindi niya alam kung paano magsisimula para mapatunayan ang loyalty na sinasabi ni Jan Carl.
"Whoahhh!" sigawan ng mga tao sa Dome na ikinatingin ni Jan Carl at Eye sa daan patungo sa Dome.
"Gawin mo ang trabaho mo." sabi ni Jan Carl saka ito nagmamadaling umalis.
Naiwang naguguluhan si Eye. Napatingin ito sa paligid at ilang sandali lang may napansin ito sa lugar.
.................
LS Dome
"Ohhhh!" sigawan at palakpakan ng lahat ng bumungad si Hades sa stage matapos ang tatlong salang ng grupo ng mga modelo na rumampa kanina.
"Magandang gabi sa lahat ng naririto at sa mga manonood o nanonood ngayon sa HBN Station. Paano ba ako magsisimula? Ahhhmm." sabi ni Hades saka ito tumingin sa paligid kung saan marami ding tao ang dumalo nakisaya.
"Ganito na lang, ipapakilala ko ang sarili ko sa lahat bilang introduction ng susunod na sasalang sa entablado." Sabi ni Hades
.............
"Uyyyy! Meron ba daw." nakangiting sabi ni Haco na ikinatawa ng grupo.
"Sana isang batalyon iyon na nakabold na." sabi ni Umiko.
"Mga siraulo. Ano ito Cabaret?" sabi ni Lisica sa mga lalaking pinsan.
"Sister, huwag kang maingay nagsasalita si Kuya Hades." sabi ni Viggo na ikinangisi ng mga babae sa grupo na tila nasilihan kasi ang mga pinsan nilang lalaki sa mgagandang nakikita sa stage na halos hubad na ang suot.
................
"Ako si Hades Nicolas Lopez, apo ng namayapang si Teodore Nicolas ama ng aking ina na si Shimmer Nicolas, ang nagpasimula at namuno sa Nicolas Lingerie Corporation na mahigit ng ilang dekada." sabi ni Hades na ikinatahimik ng lahat.
Samantalang nakikinig lang si Elis sa backstage sa boses ni Hades hindi niya inaasahan na magsasalita muna ito bago ipakita ang gawa nito sa lahat na imomodelo niya at unang gawa nito para sa NLC.
"Sabi nila, ang buhay daw ay maganda kapag simple. Sa tingin ko tama, pero minsan kailangan mo kulayan o minsan kahit ayaw mong kulayan kusang kumukulay tulad ng buhay ko. Tulad ng mga suot ng mga modelo. Ang simpleng pantulog, damit, gown, o pambahay ay magiging makulay kung bibigyan mo ng bagong mukha.
Iyon tayo... iyon ang buhay natin."sabi ni Hades saka ito napatingin sa stage na wala naman tao kundi siya na nasa gilid lang dahil ang gitna ay puwesto ng mga magmomodelo ng lingerie.
"Ang susunod na modelo, ay babaeng nagpatuloy ng kinang ng NLC sa mahigit na ilang taon. Nagpapasalamat ako dahil minahal niya ang kompanyang nagbigay kulay sa buhay ng pamilya ng nanay ko." sabi pa ni Hades.
"Magpapakilala na siya bilang bagong may-ari sa lahat, ang event na ito ay pagbagsak ko at pag-angat niya." sabi ni Elis sa isip ng marinig ang sinasabi ni Hades.
"Ang lolo kong si Dennis Lopez Jr ay minsan kong nakausap at ang isang bagay na hindi ko malilimutan na sinabi niya ay huwag mong hahayaan na mawala ang bagay na tinadhana sayo. Ang bagay na pinaghirapan ng angkan mo na siyang ipapamahagi mo sa susunod na henerasyon mo." sabi ni Hades na ikinalunok ni Elis at ikinatingin ng grupo sa isa't isa sa patutunguhan ng sinasabi ni Hades.
"Ngayon naunawaan ko, hindi kita pakakawalan dahil kasama ka sa kukunin ko." sabi ni Hades na ikinakunot ng noo ni Elis sa pagtataka.
"Madame, kayo na po ang susunod." bulong ng staff kay Elis para humanda na ikinalunok ni Elis na tila siya kinabahan sa pagrampa lalo na at nagsasalita pa si Hades.
..................
(Images are not mine, credit to the owner.)
para sa kaunting tulong at suporta.
Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.
gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua
February 17, 2023 1.57pm
Fifth Street
Masama pakiramdam ko pero para sa inyo isa pa....
Wait niyo lang...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top