Kabanata 3 : Pagkawalay


Kabanata 3 : Pagkawalay

6years later


"Kuya." sabi ni Hestia ng makita ang kapatid niya na humarang ang kotse nito sa taxi kung saan sakay siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Hades sa half sister habang karga nito ang sanggol na anak nito sa pinsan niyang si AJ Valiente

Tumawag si Aj kay Hades na puntahan si Raven pero siyempre ang inuna ni Hades ang kapatid niyang si Hestia para alamin ang kalagayan nito. Kaya naman ng sabihin ni Aj kung nasaan ito agad siyang umalis hindi para sundin ito kundi para makuha ang kapatid niya dahil kilala ni Hades si Aj, may mga alipores ito na mahirap kalabanin, mga halang ang bituka at mga tauhang si Aj lang ang nakakapagmanipula.

"Lalayo." sabi ni Hestia sabay yakap sa sanggol na dala nito.

"Anong nangyari? Bakit ka lalayo?" may pag-aalalang sabi ni Hades sa bunsong kapatid.

"Si Aj may relasyon sila ni Luna." sumbong na sabi ni Hestia na ikinakunot noo ni Hades ng makita ang namumuong pagluha ni Hestia.

Kapatid ni Hades si Hestia, anak ito ng nanay ni Hades sa unang pinakasalan nitong lalaki. Pero ngayon kasal na ang nanay niya sa tatay niya matapos mamatay sa cancer ang tatay ni Hestia. (Read Heaven Novel)

"Babae? Baka naman nagkakamali ka. Mahal ka nun." sabi ni Hades. Pinsan niya si Aj, nobyo ng kapatid niya, kaedad niya ang pinsan at sampung taon ang tanda kay Hestia. Walong taong gulang pa lang si Hestia ng magkasama na ang pinsan niyang si Aj at ang bunsong kapatid at kahit tutol siya magbahay-bahayan ang dalawa wala siyang magawa dahil iba ang utak ni Hestia na ikinatatakot din niya na baka maligaw ito ng landas.

Nagpaiwan kasi si Hestia sa side kamag-anak ng tatay nito sa NYC kung saan alam ni Hades na liberated at wild ang mga bata kaya naman para maagapan napagdesisyunan ng pamilya na ireto ito kay Aj para matigil si Hestia sa isang lugar.(Read Infinity Novel)

"Narinig ko sila at nahuli sa Canmore Tower. Kuya tulungan mo ako, niloloko ako ng pinsan mo." sabi ni Hestia na ikinatiim ng bagang ni Hades.

Ang alam ni Hestia naglalaro lang ito kay Aj ng bahay-bahayan hanggang sa malaman nito na kinasal na ito kay Aj, at ito nga gumawa ang pinsan ni Hades ng sanggol para ikadena si Hestia sa oras na magwala ito kapag nalaman ang lahat na nakatali ito kay AJ sampung taon na.

"Nakita mo talaga?" sabi ni Hades.


"Oo kuya oo."
todo tangong sabi ni Hestia.

Napatingin si Hades sa paligid, alam niyang pinasusundan ni Aj si Hestia kay Shiloh kaya any moment alam niyang susulpot ang isa niyang pinsan para kunin si Hestia o ang anak ng kapatid niya kay AJ.

"Kuya, tulungan mo kami ng pamangkin mo." sabi ni Hestia na ikinatingin ni Hades sa pamangkin niyang ubod ng ganda.

Maganda ang sanggol na dala ni Hestia at iyon talaga ang una mong mapapansin, sa unang tingin nga parang manika lang ang dala ni Hestia. Halo ang mukha ng sanggol mula kay AJ at kay Hestia at ang kombinasyon perpekto para sa kay Hades. Nalaman nila na sa capsule ginawa ang anak nila Aj at Hestia kung saan makakapamili ng puwedeng manahin ng sanggol at ito hanggang ngayon hindi sila makapaniwala na nagawa ni AJ ang isang obra sa tulong ng hiningang binigay ng Diyos sa sanggol na nasa harapan niya.

"Langyang AJ iyon nakuha pang manloko, at talagang sa pinsan pa namin nakuhang mangabit. Ang ganda na ng mag-ina niya nambabae pa." sabi ni Hades sa isip.

"Kuya." sabi ni Hestia sabay yakap nito sa kapatid habang karga ng isang kamay nito ang sanggol

"Aissst! Bakit ba ako sayo papanig? Kailangan ako ng kapatid ko at sa lahat ng ayoko cheater dahil sobrang bait ko." sabi ni Hades sa isip ng mapahinto ng may maalala.

"Aissst! Mabait ako kaya ako umurong sa kasal. Mabait si Hades." sabi pa ni Hades sa isip.

"Kuya, ano na? Tulungan mo na ako." sabi ni Hestia habang napapalingon sa paligid dahil ilang sandali lang alam niyang may kasunod na siyang tauhan ni Aj.

"Okay." sabi ni Hades saka nito kinuha ang damit ng sanggol na dala ni Hestia.

"Anong gagawin mo?" sabi ni Hestia.

"Okay na iyang balabal sa baby, ilagay mo itong mga damit niya diyan sa taxi." sabi ni Hades.

"Paano?" sabi ni Hestia na hindi alam ang gagawin.

Napangisi si Hades ng makita ang reaksyon ng kapatid.

"Langya ka Aj ang inosente ng kapatid ko nakuha mo pang mambabae." inis na sabi ni Hades sa isip ng makita ang natatarantang mukha ni Hestia.

Kinuha ni Hades ang damit ng sanggol, na pamangkin niya, saka niya pinuntahan ang driver ng taxi na naghihintay ng bayad dahil alam ni Hades walang pera ang kapatid niya, at alam din niyang daan iyon ni Aj para hindi makatakas si Hestia dito.

"Manong, kunwari naiwan ng pasahero mo. Huwag kang maingay. Ito dalawang libo piso, sayo na." sabi ni Hades na ikinangiti ng driver.

"Ang laki naman nito, salamat Sir." masayang sabi ni driver dahil kung tutuusin malapit lapit lang naman ang tinakbo ng taxi niya.

"Basta huwag kang maingay." sabi muli ni Hades.


"Yes Sir."
sabi ng driver.

"Umalis ka na at kapag may sumunod sayo hayaan mo lang, hindi ka gagalawin ng mga iyon kasi iyong kapatid ko ang pakay nila." sabi ni Hades sabay abot muli ng isang libo ng makitang natakot ang driver sa sinabi niya.


"Tsss. Ito isang libo uli, behave ka lang."
sabi ni Hades na ikinatango ng driver.

Umalis ang driver na ikinangisi ni Hades saka nito tiningnan si Hestia.


"Kuya, kay Raven muna ako."
sabi ni Hestia na ikinahingang malalim ni Hades dahil alam niyang hindi sasama ang kapatid sa kanya o kahit sa mama niya at kapatid nila dahil mula ng magpakasal ang mama at papa niya lumayo si Hestia sa kanila o sa mama niya dahil ang tingin nito istorbo lang ito sa pamilya nila.

"Kay Raven? Aissst! Hindi ka puwede sa place ni Raven. Ihahatid na lang kita sa hotel, ako magbabayad." sabi ni Hades dahil kahit naman inis siya kay AJ ngayon sa ginawa nito sa kapatid niya ayaw naman niyang maging masama ang imahe ni Hestia. Baka mabaliktad pa ito at sabihin na ito ang nagcheat sa relasyon ng dalawa.


"Kuya, pleeaaassse."
sabi ni Hestia na ikinatingin ni Hades sa bunsong kapatid dahil minsan lang ito maglambing sa kanya at kahinaan niya iyon sa mga kapatid niya. Ganoon siya kabait sa babae.

"Dali na kuya, sa condo muna ako ni Raven." sabi ni Hestia na ikinahingang malalim ni Hades dahil hindi niya mapahindian si Hestia lalo na at ngayon lang ito lumapit sa kanya para humingi ng tulong. Kaya pakiramdam ni Hades superhero kuya siya.

"Okay, ihahatid kita doon." sabi ni Hades na ikinangiti ni Hestia.


"Salamat. Best kuya ka talaga."
masayang sabi ni Hestia.

"Oo naman best kuya ako." sabi ni Hades dahil iyon ang gusto niya, ang maging best na kuya para sa mga kapatid niya na parehong babae kaya nga mabait siyang lalaki dahil ayaw niyang makarma at mag bounce sa mga kapatid niya ng mga pangit na gagawin niya. Kaya sobrang ingat niya makasakit ng babae.

....................

Hours later

Blaze Hotel, Makati

Kanina pa nakamasid si Hades sa building na natatanaw niya mula sa kinauupuan. Nasa isang hotel siya kung saan nakacheck-in siya at talagang sinakto niyang makita ang gusaling natatanaw.

"Asar." sabi ni Hades sa isip.

Mula ng ihatid niya si Hestia sa condo ni Raven, muli siyang bumalik sa hotel kung nasaan siya ngayon at mula doon nag-iisip na naman siya kung paano makukuha ang para sa Mama niya.

"Makakaupo din ako diyan." sabi ni Hades sabay turo sa gusali.

Ilang taon na ni Hades inaasam ang gusaling iyon, at ang totoo pinaghandaan at pinag-aralan na niya ang lahat. Tapos siya ng kursong BS Fashion and Apparel Designing na kahit lalaki siya, natuon ang pansin niya sa paggawa ng mga lingerie o mga damit na pambabae o sa fashion design.

Una niyang natapos ang kursong law kaso ng pumalpak ang plano ilang taon na ang nakakaraan sa pagkuha ng para sa kanya, naisipan niyang kumuha pa ng ibang course na ipinagtaka ng pamilya niya dahil ang kurso niya sinasabing pambabae o pang binabae na wala naman siyang pakialam.

Hindi rin niya nagamit ang pagiging abogado niya na sa edad na bente otso anyos nangangapa siya sa buhay na tatahakin niya.

"Haysss! Buhay." napahingang malalim na sabi ni Hades.

Napapikit si Hades ng maalala na naman ang lahat, kasama ang araw na iniwan niya si Katara. Ang araw na pinili niya makuha ang lahat kaso sa huli, niloko siya, nilinlang dahil ang inaasam niya hindi pa rin niya nakuha.

Sa araw na pag-iwan ni Hades sa dating nobya, naisip ni Katara na katulad siya ni Amon na ikinaiinis niya dahil malayong malayo siya kay Amon. Pero hindi niya iyon mabago sa isip ng babaeng sa ikalawang pagkakataon hindi pinili ang mundo nito.

"Buweset!" inis na sabi ni Hades ng biglang magring ang cellphone nito.

Kinuha ni Hades ang cellphone sa katabing mesa saka tiningnan ang numero ng caller

"Tsss. Si Aj." sabi ni Hades na kahit tingin niya palpak ang ginagawa nito hindi niya magawang mainis sa pinsan.

Alam niya kasi na nahihirapan din ito kunin ang kanya na nasa pinsan nilang si Amon. Kaya naman sa inis din niya kay Amon, mas nag-stick ang loyalty niya akay AJ kahit na nga ba si Amon pa rin ang kinikilalang leader ng grupo at ng Cheung Clan.

"Hello." usal ni Hades.

"Nasaan si Hestia?" seryosong tanong ni AJ

Napakunot noo si Hades dahil ang boses ni Aj ay kakaiba talaga, kahit galit ito may timbre na mapapaisip ka kung anong itsura nito na kahit lalaki siya ang kuryusidad na makita ang anyo nito ay maiisip mo. Malamyos kasi ang boses nito na sinasabing namana nito sa inang si Chhaya kahit na punlaan lang ang ina nito.

"Hindi ko alam." sagot ni Hades.

"Akala mo hindi ko malalaman? Ikaw ang tumulong sa kapatid mo." sabi pa ni Aj na ikinangisi ni Hades.

"Okay. Niloko mo siya, at talagang kay Luna pa." sabi ni Hades.


"Nasaan si Hestia?"
sabi muli ni AJ na ikinangisi ni Hades dahil habang tumatagal nagiging bossy ang dating ni AJ tipong kapag seryoso ang mood nito maiinis ka.

"Na kay Raven." napangising sabi ni Hades.


"Ahhh. So, ikaw talaga nagdala sa kabit niya."
sabi ni Aj na ikinahingang malalim ni Hades.


"Aj, ikaw ang nagloko at nakita ka ng kapatid ko. At saka kung nasa katayuan mo ako ganoon di n ang gagawin mo.Tutulungan mo rin ang kapatid mong babae."
sabi ni Hades.


"Hindi rin. Hahaha!"
sabi ni Aj saka ito tumawa ng malakas na ikinalunok ni Hades.


"Langya, dapat ito sa mental hospital nakatira."
sabi ni Hades sa isip dahil kapag tumatawa si Aj ng ganoon pakiramdam niya nagtatawag ito ng kalahi niya base sa pangalan niya.

"Anong hindi?" sabi ni Hades.

"Ibalik mo si Hestia sa akin." sumeryosong sabi uli ni AJ na hindi sinagot si Hades.

"Pinoprotektahan ko lang ang kapatid ko sayo." sabi ni Hades.

"Insan, hindi mo kailangan protektahan ang taong may taga protekta na. At ako iyon. Ako ang protector ng reyna ko at talagang sinama niya ang Prinsesa namin." sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Hades na kahit alam niyang naiinis si Aj ang tono nito tila kalmado o nagagawa nitong ikalma.

"Hayaan mo siya bumalik sayo. Ayoko pilitin ang kapatid ko kung ayaw na niya sayo." sabi ni Hades.


"Kapag hindi mo siya binalik, kasalanan mo."
sabi ni Aj

"Bakit ako?" sabi ni Hades.

"Si Hestia ang bakod ko, si Hestia ang buhay ko at si Hestia ang puso ko." sabi ni Aj

"Excuse me lang, bangag ka ba sa gamot na iniinom mo?" sabi ni Hades dahil alam ng grupo mula ng mapatay ni Aj ang nobya nito nagsimula ito uminom ng gamot para sa depression o sa sakit ng angkan nila na mabuti na lang wala siya.

"Ahhmm." napailing na sabi ni Hades ng maalala ang dalawang lalaking hinulog niya mula sa helipad ng La Secretos na hangganag ngayon tinatanggi niya iyon kahit na may testigo na siya ang gumawa at iyon ay ang dalawa niyang tiyuhin si Blaze at si Aqua Cheung.

"Okay, hindi kita pipilitin dahil alam ko nawalan ka ng tiwala sa akin. Pero sabi ko naman sa inyo hindi ako kasing galing ng tatay ko at ng lolo ko. Mas magaling pa nga si Amon sa akin kaya nga nakita mo kapag nakikita ako parang anino lang ako o parang wala siyang ginagawang masama." sabi ni Aj na ikinangisi ni Hades dahil hindi naman siya naniniwala doon dahil alam niyang hawak na ni AJ ang Mafia, ang lab company at ang tube factory. Kaya para kay Hades tila side dish na lang ni Aj ang pagiging leader ng grupo at ng Cheung Clan dahil inaangkin pa rin iyon ni Amon na wala namang pakialam si AJ o nagpapaubaya na lamang ito.

"Ako na lang ang kukuha ng akin, huwag ka ng mag-alala kasi baka ma-pressure ka pa at makasama pa sayo." sabi ni Hades na ikinangisi ni Aj.

"Ibalik mo si Hestia dahil kapag hindi manganganib tayo." sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Hades dahil mukhang nababaliw na naman ang pinsan niya sa tono nito na tila nagha-hallucinate.

"Okay ka lang?" sabi ni Hades na nakaramdam ng pag-aalala.

"Buweset. Ibababa ko na m naririyan na siya." sabi ni Aj saka nito binaba ang tawag na ikinakunot noo ni Hades.

"Aissst! Nabuwang na." sabi ni Hades saka ito napailing.

..................

Nicolas Lingerie Co. Building

Makati

"Nakahingi ba kayo ng schedule?" sabi ni Elis sa mga tauhan na ikinatingin ng tauhan sa istriktong amo nila.

"Madame, ayaw po niya. Busy daw siya sa tower na gagawin niya." sabi ng tauhan ni Elis na ikinangisi ni Elis.

..............

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

....................


February 6, 2023 12.40pm

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top