Kabanata 25 : Lingerie
Kabanata 25 : Lingerie
Canmore Telecom Tower, Manila
"Bakit tayo nandito?" sabi ni Katara kay Amon.
"Hindi ko alam." sabi ni Amon.
"Kinuha ka rin nila sa kulungan?" sabi ni Katara
"Oo." sabi ni Amon sabay tingin kay Katara na halata ang takot sa mukha.
Katulong si Katara sa Canmore Palace at ito tagadala ng pagkain sa hari at mga Prinsipe.
"Baka papatayin na nila tayo." sabi ni Katara sabay tingin sa helipad kung saan bumaba ang chopper.
Preso si Amon sa Canmore Palace, nahuli ito ng magtangkang pumasok doon ng walang paalam mula sa hari. Naka-schedule nga ito pugutan ng ulo kaso sa tulong ng gobyerno ng Pinas nauudlot ang parusa para dito.
"Hindi naman siguro." sabi ni Amon.
Napatingin si Katara kay Amon sa pagbaba niya mula sa chopper kanina naabutan na niya si Amon sa helipad na nakaposas at mukhang kararating lang din nito.
"Paano kung may gawin sila sa atin?" sabi ni Katara.
Napatiim ng bagang si Amon dahil si Aj ang nagpasok kay Katara sa Palasyo at hindi man lang inisip ni Aj ang magiging kalagayan ni Katara sa lugar na iyon.
"Maghiwalay kayo." sabi ng tauhan kila Katara at Amon habang nakatayo lamang ang mga ito.
"Saan niyo siya dadalhin?" sabi ni Amon ng lumapit ang tauhan kay Katara at hinawakan ang dalaga sa braso nito.
"Wala ka na doon." sabi ng tauhan na naroroon na ikinatiim ng bagang ni Amon.
"Amon." napaluhang sabi ni Katara sa takot
Napatitig si Amon kay Katara ng magsimula umiyak ito.
"Huwag kang iiyak. Kumalma ka lang pupuntahan kita." sabi ni Amon pero hinila na ng tauhan si Katara na ikinangisi ni Amon.
.......................
Airway going to Heather Island
"Elis." mahinang sabi ni Hades.
"Bakit?" sabi ni Katara.
Tahimik na ang sixtuplets. Nakatulog na ang mga ito dala siguro ng pagod dahil nalaman nila Elis at Hades na nagmaneho ang mga ito mula Manila hanggang N.E kaninang umaga lang kaya wala pang tulog ang anim.
"May party akong dadaluhan, gusto ko sana imbitahan ka." sabi ni Hades.
Samantalang napamulat ng pasimple ang isang mga mata ng bawat isa sa sixtuplets sa narinig. Nagkukunwari lang tulog ang mga ito para makinig sa maaaring usapan ng dalawa.
"Kailan ba?" mahinang sabi ani Elis pero nakaramdam ito ng kakaibang saya.
"Iniimbitahan ka, magpakipot ka muna." sabi ni Elis sa isip.
"Sa makalawa." sabi ni Hades.
"Ahhhm. Sige." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades habang nagmamaneho ng chopper.
"Ano ba sabi ng magpakipot ka?" inis na sabi ni Elis sa isip para sa sarili.
Pasimpleng tumingin si Elis kay Hades ng bigla ni Elis iniwas ang tingin ng makitang nakatingin si Hades sa kanya.
"Sayang eh." biglang sabi ni Elis sa isip saka ito napangiti.
"Talaga? Sasama ka?" sabi ni Hades.
"Oo naman. Nagpupunta naman ako sa party iyon nga lang mabilisan lang." sabi ni Elis.
"Tsss. Sinungaling, pumupunta ako depende sa kasama ko. Hayyss! Nagiging sinungaling ako, ano ba iyan." sabi ni Elis sa isip.
"Hindi kita iiwan para hindi ka mabagot. Promise hindi ka maboboring." sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.
"Sige." sabi ni Elis.
"Pabebe ka naman." sabi ni Elis sa isip para sa sarili ng kakaiba ang tono niya ngayon sa kausap.
Napatingin si Hades kay Elis saka ito napangiti.
"Ahhhm. May sasabihin pa ako sayo." sabi ni Hades.
"Ano iyon?" sabi ni Elis.
"Ahhhmm." sabi ni Hades sabay tingin sa minamaneho nito.
"Ano?" napangiting sabi ni Elis na ikinatingin muli ni Hades dito.
"Puwede bang manligaw?" sabi ni Hades na ikinagulat ni Elis.
"Grabe ligaw agad? Eh, wala pang one month na nakikilala ko ito. Ang bilis naman." sabi ni Elis sa isip.
Samantalang nagkurutan ng pasimple ang magkakapatid na sixtuplets sa pagpipigil na huwag matawa at kiligin.
"Prank ba ito? Baka may camera dito." sabi ni Elis na tumingin sa paligid.
Mabilis naman nagtulog-tulugan ang sixtuplets at sa pagkabog ng dibdib ni Elis hindi niya napansin ang agarang tulog-tulogan ng sixtuplets.
"Joker ka pala." sabi ni Elis ng hindi siya sinagot ni Hades.
Natahimik ang dalawa na ikinalunok ni Elis sabay tingin sa labas ng bintana ng chopper.
"Assuming ka ghurl. Babaero iyan." sabi ni Elis sa isip.
"Ano ba Hades? Ipakita mo ang galing mo?" sabi ni Hades sa isip.
"Haysss! Bakit noong si Amon ang nagsabi ng panliligaw kinilig ako pero limit pero bakit sa kanya kinikilig ako kahit na joke lang pala." sabi ni Elis sa isip ng biglang magsalita si Hades at may kunin ito sa upuan nito.
"Ang sabi ko sayo dati madali akong ma-fall. Kaya nga marami akong..." sabi ni Hades.
"Nakasex." mahinang sabi ni Shiloh na ikinasiko ng magkakapatid.
"......nakarelasyon." sabi ni Hades na hindi narinig ng dalawa ang mahinang sinabi ni Shiloh dahil sa seryosong mood at usapan nila Hades at Elis.
"Madali din akong ma-fall." sabi ni Elis sa isip.
"Ahhhm. Sa party na pupuntahan natin isang fashion show iyon ng mga fashion designer na baguhan at sumali ako." sabi ni Hades sabay bigay ng paperbag kay Elis na agad na kinuha ni Elis.
"Ano ito?" sabi ni Elis.
"Gawa ko. Unang gawa ko para sa modelo ko. Unang product ko na ilalagay sa NLC na... ikaw sana ang magmodelo." sabi ni Hades na ikinagulat lalo ni Elis.
"Ano? Ako?" sabi ni Elis sabay silip sa paper bag at nagulat ito dahil sexy lingerie iyon.
"Ang sabi ko sayo dati sa fashion walang bastos dahil isa itong art. Gusto ko ipakita ang galing ko sa fashion world sa pamamagitan ng ginawa ko na ikaw ang magsusuot." sabi ni Hades na ikinalunok ni Elis.
"Grabe! Ako talaga ang naisip niyang magsuot." sabi ni Elis sa isip habang nakatingin sa loob ng paper bag na ayaw nga niya hawakan dahil alam naman ang lingerie at magkakatalo lang sa design kapag isinuot ng bawat babae.
"Ahhhm. Iyan ang sagot mo sa akin kung puwede manligaw." sabi ni Hades.
"Anong ito?" sabi ni Elis.
"Kapag pumayag kang ligawan kita ibig sabihin pagkakatiwalaan mo ako at kasama doon kung okay lang bilang modelo ko na magsusuot niyan.
At kung hindi mo gusto na ligawan kita, huwag mong suutin at iyon ang sagot mo sa pag-ayaw mo sa akin o sa panliligaw ko sayo." sabi ni Hades.
"Sinong susuot kapag hindi ko sinuot?" sabi ni Elis na ikinatingin ni Hades kay Elis.
"Hindi ko pa alam siguro sa babaeng mafa-fall uli ako ng mabilis tulad ng sayo." sabi ni Hades.
"Kapag na-fall ka ba? Mabilis din maglaho. Tulad ng dahon na nahulog mula sa sanga kapag nasa lupa na ilang araw lang manunuyot." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.
"Iyong dahon na tulad ko susuot sa lupa na magiging pataba at siyang magbibigay ng mga bagong dahon sa puno na tutubo sa sanga." sabi ni Hades.
"Ohhh. Ang corny niya." bulong ni Ezio na ikinatakip ng bibig ni Rollo dito.
"Maraming dahon Hades, kaya pala maraming beses kang na-fall." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.
"Ang sabi ko sa sarili ko kapag nakatuntong ako sa sa sarili kong puno, sa mismong puno ako tutubo uli." sabi ni Hades sabay pindot sa auto ng chopper para kusang umandar.
Napatingin si Elis kay Hades sa ginawa nito. Tumingin si Hades kay Elis saka ito napangiti.
"Ang puno ko ay ang NLC, ang sanga ko na binabalikan bilang dahon ay nasa NLC.... ikaw iyon." sabi ni Hades.
"Grabe! Grabe siya mambola daig pa si Uno." naiiyak na sabi ni Otto na ikinapigil ng tawa ng limang kapatid nito.
"Langyang Uno iyon! Pakakasalan iyong nobya ko at hinang ng matagal sa ere sa kakabola ni Uno. Daig ka pa Laszlo sa galing sa paglalaro ng bola." mahinang umiiyak na sabi ni Otto na ikinatakip sa bibig ng magkakapatid para pigilan ang pagtawa.
"Grabe ito. Iba magpakilig. Hay naku Elis. Mag-isip ka muna, ang galing niya magsalita daig pa ang politiko mambola." sabi ni Elis sa isip.
"Pag-iisipan ko." sabi ni Elis na napalunok pa.
"Okay." napangiting sabi ni Hades saka nito niyakap si Elis na ikinalunok ni Elis at ikinadilat ng kanang mga mata ng sixtuplets
"Tangna! Maghahalikan na." napamurang mahinang sabi ni Shiloh habang nakabukas ang kanang mata ng sixtuplets para manilip.
"Pasensya ka na may kasama tayong istorbo. Masanay ka na kasi anim pa lang iyan." sabi ni Hades habang yakap si Elis sabay tingin sa sixtuplets na ikinasara ng mga mata ng anim ng sabay-sabay.
Napangisi si Hades sa kalokohan ng mga pinsan ng magtulog-tulugan.
Napahilig naman ang ulo ni Elis sa dibdib ni Hades ng makaramdam siya ng kakaibang saya.Saya na hindi niya naramdaman sa iba kahit na kay..... AJ.
...................
Nicolas Mansion, New Manila
Elis Room
Hours later
"Grabe, ang ganda." sabi ni Elis ng isukat ang lingerie na binigay ni Hades.
Kanina pa si Elis sa kuwarto niya dahil matapos nila ihatid ang sixtuplets sa Heather Island agad din sila umalis ni Hades. Pagdating sa mansion nagpaalamanan lang sila ni Hades na magpapahinga sa bawat kuwarto nila.
At ito nga ngayon madaling araw na ng maisipan ni Elis na sukatin ang lingerie at hindi niya inaasahan na sukat na sukat iyon sa kanya.
"Ang sexy, at mukhang kaya ko naman imodelo." sabi ni Elis sabay tingin sa salamin.
Nasa loob siya ng walk-in closet niya habang sinisipat ang sarili sa naturang kakapiranggot na saplot.
"Ako talaga ang naisip niya? Akin ba talaga ito?" sabi ni Elis sabay ikot nito.
Sa pag-ikot ni Elis napangiti siyang humarap muli sa salamin.
"Kakaiba ang design at wala pa akong nakikitang ganito. Kapag sinuot ko ito ng walang saplot sa loob hindi ako makikitaan dahil sakto ang design sa kaselanan ko.
Hayss! Tila sinukat kung saan lang ang tatabingan ng damit. Isang mapaglarong imahinasyon ang maglalaro sa lahat kapag nasuot ito ng isang babae." sabi pa ni Elis saka ito naglakad na tila model.
Napangiti si Elis dahil kahit na naglalakad siya sakto ang hampas ng tela at ang desenyo tugma sa pagsaklob para itago ang lahat.
"Ang ganda." sabi ni Elis na napakagat labi saka ito tumingin ng nakakaakit sa salamin.
"Ginagaya ko dati ang pananamit at ayos ni Hestia pero dahil sa damit na ito nagkaroon ako ng confidence. Tama si Mommy na maganda ako. Ang akala ko dati nanay ko lang siya kaya sinasabi niya sa akin ang katagang iyon pero hindi dahil sa damit na ito napatunayan ko na ako ang reyna ng Lingerie Fashion World." napangiting sabi ni Elis saka ito rumampa na tila nasa stage ito.
.........................
Samantalang kanina pa sa labas ng kuwarto ni Elis si Hades. May dala siyang susi ng kuwarto ni Elis na nakuha niya sa Master's bedrom kung saan nakalagay ang lahat ng duplicate keys ng bahay na iyon.
"Papayag kaya siya? Dalawang araw na lang." sabi ni Hades sabay hawak sa doorknob ng pintuan ng kuwarto ni Elis at sa kabilang kamay ang susi ang hawak nito.
"Kailangan niya pumayag." sabi ni Hades na kanina pa kinakabahan.
"Kung kausapin ko kaya siya para masigurado ko." sabi pa ni Hades saka nito sinuksok ang susi sa doorknob na ikinabukas ng pintuan.
"Bahala na." sabi ni Hades saka ito pumasok sa loob ng kuwarto.
"Elis." mahinang sabi ni Hades ng mapakunot noo ito ng makitang walang tao sa kama pero narooon ang suot na damit ni Elis kanina.
"Aissst! Sana kumatok na lang ako. Ano bang naiisip ko at binuksan ko?" sabi ni Hades saka ito napahawak sa batok
"Baka naliligo siya at magalit iyon, at lalong umayaw." sabi ni Hades.
"Aalis na ako." sabi ni Hades pero napatigil ito ng marinig ang musika sa bahagyang nakabukas na kuwarto.
Wala sa loob na naglakad si Hades at ng nasa pintuan na napakunot noo ito ng makita si Elis na nag-momodel ng lingerie na gawa niya.
"Ohhh." sabi ni Hades.
Samantalang napahinto si Elis ng may naulinigan. Nagbukas siya ng audio kanina para kunwari nasa stage siya at rumarampa.
"May tao." sabi ni Elis sa isip.
Nagkunwari si Elis na walang narinig dahil maaari naman dahil sa tugtog.
Naglakad si Elis na tila rumarampa ng babalik balik pero pasimple itong tumingin sa salamin kung saan makikita niya ang pintuan ng walk-in closet.
Ilang sandali lang napangisi si Elis ng makita nito si Hades sa siwang ng pintuan na nakatitig sa kanya at halata sa mata nito ang paghanga.
"Huh! Tatakamin muna kita." sabi ni Elis sa isip saka ito ginanahan rumampa ng suot nito.
"Oh my God. Sabi ko na nga ba kasya at tama base sa tingin ko." sabi ni Hades sa isip habang patuloy na rumarampa si Elis.
Napangiti si Elis habang nakatayo lang si Hades at ilang saglit lang umikot si Elis na ikinalunok ni Hades ng sa pag-ikot ni Elis ang dapat na makita ay hindi nakita.
"Perfect." sabi ni Hades dahil ang ginawa niya ay isang imaginary na tatakamin ang bawat isa sa bawat haplos ng tela na dadantay sa modelo.
Napangiti si Elis matapos umikot naglakad ito na tila pa rin rumarampa pero nagulat si Hades dahil ang direksyon ni Elis ay papunta sa kanya,
Napalunok si Hades dahil sa bawat indayog sa paglalakad ni Elis humahaplos sa katawan nito ang tela at tumatabing ng tama ang bawat desenyo na ginawa niya sa maselang bahagi ng katawan nito.
"Yes." nakangiting sabi ni Elis ng nasa tapat na siya ni Hades.
Napatingin si Hades mula ulo hanggang paa kay Elis at muling napatingin ito sa mukha ng dalaga.
"Perfect." muling sabi ni Hades.
"Yes, perfect." sabi ni Elis sabay yakap kay Hades na ikinalunok ng binata.
"Puwede ka ng manligaw dahil pumapayag na ako imodelo ang gawa mo." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.
"Talaga?" di makapaniwalang sabi ni Hades.
"Oo." sabi ni Elis saka ito tumingala at tiningnan si Hades.
"Salamat." sabi ni Hades ng tingnan siya ni Elis.
"Mabilis din ako ma-fall. Kaya huwag mo akong sasaktan." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades ng lumapat ang labi ni Elis sa labi niya.
Nabitawan ni Hades ang susi saka nito hinawakan ang batok ni Elis na ikinayakap ni Elis sa matipunong katawan ni Hades ng magsimula mag-alab ang halikang sinimulan ng dalaga.
................
(Images are not mine, credit to the owner.)
para sa kaunting tulong at suporta.
Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.
gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua
.........
February 14, 2023 7.38pm
Fifth Street
Good night.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top