Kabanata 23 : Another Word for Love
Kabanata 23 : Another Word for Love
Blaze Hotel Makati
"Sure ka?" sabi ni Sam kay Hades.
"Oo. Alam kong may kilala kang fashion director. Gusto ko kasi iyong unang gawa ko sa NLC si Elis ang magsusuot." sabi ni Hades.
"Si Elis? Hindi papayag iyon. Maarte kaya iyon. Lagi nga ako inaaway nun." sabi ni Sam na ikinatawa ni Hades.
Alam kasi ni Hades na naging kaklase ni Sam si Elis sa kurso nito na Fashion Design at madalas ng ikuwento ni Sam ang ugali ni Elis na maldita nga si Elis na kahit sino tinatarayan nito at hindi nakaligtas doon si Sam, ang babaeng ka-meeting ni Hades na hapong iyon.
Nasa Blazing Resto ang dalawa ng tumawag si Sam na okay na ulit ito kameeting kaya naman agad na pumunta si Hades.
"Akong bahala sa kanya, basta gusto ko sana magiging maganda ang lahat sa pormal na pag-upo ko sa NLC at pagpapakilala. Isang fashion show ang gusto kong maganap. At nais ko si Elis ang pinakareyna ng show na iyon." sabi ni Hades.
Napangisi si Sam dahil hindi niya inaasahan na sa isang iglap si Hades na ang nagmamay-ari ng NLC. Naging estudyante niya ito, matanda na si Hades ng pumasok ito o nag-aral ng fashion design at isa si Sam sa naging mentor ni Hades. Sa una hindi naniniwala si Sam na kay Hades ang NLC pero ngayon na napatunayan nito ang lahat ng kinuwento nito sa kanya kaya napahanga siya nito ng makuha ang pinaka Top Fashion Lingerie Business sa bansa.
"Tulungan mo ako, maam." nakangiting sabi ni Hades ng tingnan lang siya ni Sam.
Napatitig si Hades kay Sam, naging kaibigan niya ito ng nasa kolehiyo siya. Una niya kasi tinapos ang kursong abogasya kaya naman sa pagpasok niya sa Fashion Design na kurso halos magkasing edad sila ni Sam kung saan Professor niya ito at doon nagsimula ang friendship nila.
"Okay. Ako ng bahala." sabi ni Sam.
"Salamat. Ang okasyon na iyon ay ang pag-upo ko sa NLC at gusto ko naman hindi maitsapwera o mabatikos si Elis.
Kaya gusto ko din kahit na pag-upo ko ang araw na iyon at pagpapakilala sa lahat bilang bagong may-ari ng NLC maipakita pa rin ng lahat ang respeto kay Elis na naging parte ng kompanya ng Mama ko." sabi ni Hades na ikinangiti ni Sam
"Alam mo kakaiba ka rin. Biruin mo ninakaw na ng pamilya ni Elis ang yaman ng Mama mo tapos ang gusto mo pa rin makasama ang umagaw sa mana mo." sabi ni Sam.
"Alam mo kasi Sam, hindi naman kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. Walang alam si Elis at saka kung may alam naman siya, wala naman siya sa pangyayari at hindi rin niya kasalanan na maging parte o isilang ng mga magulang niya." sabi ni Hades.
"Haysss! Bilib na talaga ako sayo Hades. Alam mo totoo nga yata ang sinasabi sa pangalan mo, na sa lahat ng loyal si King Hades na isang demonyo ang naging tapat sa babae." sabi ni Sam .
"Tinuruan lang ako ng Mama ko at saka wala naman sa akin magtanim ng galit. Kung si Papa nga napatawad ko, sila pa kaya. Mana lang iyan, pera...
... at kaya ko lang naman kinuha kasi para sa Mama ko." sabi ni Hades.
"Ang suwerte naman ng mapapangasawa mo, ang bait mo sa babae." sabi ni Sam.
"Malas nga eh." napailing na sabi ni Hades na ikinangisi ni Sam.
"Alam mo Hades. Hindi siguro kayo para sa isa't isa ni Katara, at noong araw na iyon nakita ko naman na tanggap niya na umayaw ka."sabi ni Sam.
"Nakaka-guilty kaya." sabi ni Hades.
"Ma-guilty ka talaga. Naisip ko noon siguro kung ako ang nasa kalagayan ni Katara sasampalin kita pero hindi eh. At dahil siya ang nandoon siguro hindi lang natuloy talaga ang kasal niyo dahil pareho kayong mabait. Masyadong perfect at baka ang maging anak niyo ni Katara may pakpak na isang anghel." natawang sabi ni Sam.
"Hahaha! Anghel talaga?" natawang sabi ni Hades.
"Minsan ko na nakausap si Katara, parang ikaw lang na magaan kausap. Walang ere, parang hindi nagagalit. Kaya tingin ko hindi talaga kayo para isa't isa baka magunaw ang mundo." sabi ni Sam.
"Hahaha!" natawang reaksyon ni Hades ng may lumapit dito.
"Sir Hades, okay na po." sabi ng waiter na ikinangiti ni Hades.
"Aalis na ba tayo?" sabi ni Sam ng mag-ayos na si Hades.
"Yup, kasi dapat magawa mo na ang inuutos ko sayo." sabi ni Hades na ikinangiti ni Sam.
"Huwag kang mag-alala, akong bahala sa party." sabi ni Sam.
"Iyong mga bisita alam mo naman siguro." sabi ni Hades.
"Hahaha! Talagang ginawa mo akong secretary mo." natawang sabi ni Sam.
"Kilala mo ako, kaibigan na kita matagal na kaya alam mo kung sino lang ang dapat na nasa party." sabi ni Hades.
"Sure. Akong bahala." sabi ni Sam.
Napangiti si Hades may tiwala naman siya kay Sam, at marami din itong koneksyon kaya sigurado naman siya na magiging maayos at maganda ang lahat.
................
NLC Makati
Hours later
"Madame, excuse me po." sabi ni Claire na ikinataas ng kilay ni Elis habang nakatutok ito sa laptop.
"May ginagawa ako." mataray na sabi ni Elis na hindi man lang sulyapan si Claire.
"Madame." napalunok na sabi ni Claire dahil kanina pa hindi lumalabas ang amo niya dahil mainit ang ulo nito. Hindi naman niya puwede hintayin lumabas si Elis dahil magagalit naman ang amo niyang lalaki.
"Uulitin ko pa?" mataray na sabi ni Elis ng tawagin siya ni Claire.
"Madame kasi..." udlot na sabi ni Claire ng biglang matalim na tumingin si Elis.
"Hindi ka maka..." udlot naman na sabi ni Elis ng makita ang dala ni Claire.
"Madame, pinabibigay po sa inyo." napahingang malalim na sabi ni Claire ng kumalma si Elis kaya naglakad si Claire palapit sa amo niya ng dahan-dahan.
Napakunot noo si Elis habang papalapit si Claire.
"Madame, dito ko na lang po ilalagay." sabi ni Claire sabay lapag ng bagay sa table ni Elis saka ito nagmamadaling umalis na tila hahabulin ng aso.
Pagkasara ng pintuan ni Claire ng umalis ito napatingin si Elis sa bagay na nasa mesa niya.
Bulaklak iyon na dalawang dosena kung titingnan o higit pa nga at sa gitna ng bulaklak ay may nakakumpol na mamon na paborito niya. Halatang mamahalin ang bulaklak pero ang mamon nasa sisidlan nito na nagmukhang sosyal kahit na halatang mumurahin ang tinapay na iyon.
Kinuha ni Elis ang naturang bulaklak ng may makita siyang tarheta. Sa pagbukas niya ng mabangong tarheta na halatang mamahalin din napangiti si Elis.
..........
"Friendship is another word for Love.
The name Elis is a Hebrew name that means a God's promise.
I am not your God but I am your King
and my friendship for you is like a love that stays forever,
that's my promise to you."
-Hades-
..............
"Oppps! Huwag kang kikiligin." sabi ni Elis sa sarili ng mabasa ang tarheta.
Niyakap ni Elis ang bulaklak saka ito napangiti.
"Ayieeee!" kinikilig na sabi ni Elis na sa tanang buhay niya ngayon lang siya kinilig ng todo. May mga nanliligaw sa kanya at nagpapadala ng bulaklak pero kakaiba ang ngayon siguro dahil sa...
"Hmmnn. Mamon." kinikilig na sabi ni Elis na nilalanghap pa ang mamon na nasa gitna ng mga bulaklak.
"Aahhhh!" napasigaw na reaksyon pa ni Elis sabay tingin sa painting ng magulang niya.
"Mukhang kahit hindi kita sinunod, may ihaharap ako sayo." napangiting sabi ni Elis habang nakatitig sa painting ng Mommy niya.
"I love you Mommy. Dati ang sabi ko sana iyong pulubi na lang ang nanay ko pero na-realize ko noong nawala ka na hindi pala mapapalitan ang ina kahit na napakaistrikto mo.
Hmmmn. Aalagaan ko si Airess. Pangako Mommy magiging mabuti akong ina. Ibibigay ko ang the best para sa kanya." sabi ni Airess saka ito napangiting lumuluha.
.................
Blaze Hotel
"Opps. Sorry." sabi ni Eye ng sadyang bungguin ang babae.
"Wala iyon." sabi ng babae dahil braso lang naman niya ang nabunggo ng babae.
"Sorry uli may kliyente kasi akong hinahabol kaso nakaalis na." sabi ni Eye na ikinatingin ng babae dito.
"Ganoon ba? Okay lang." sabi ng babae saka ito naglakad pero sinundan ito ni Eye.
"Nakita kong kausap mo Chairman." sabi ni Eye na ikinahinto ng babae.
"Ahhhhm. Ako si Eye Hamilton, bagong modelo nila. Ang totoo ako din ang magsasagawa ng broadcast ng fashion show para sa imomodelo ko sa HBN Station." sabi ni Eye na sadyang banggitin lahat para makuha ang tiwala ng babae.
"Ahhhmm. Ikaw ngayon ang may hawak sa HBN Station?" sabi ng babae na halatang wala itong alam sa Entertianment Industry dahil mukhang hindi nito nakikilala si Eye.
"Yes." sabi ni Eye.
Napakunot noo ang babae, matagal siya sa ibang bansa namalagi at ngayon na lang siya uli nakauwi. Hindi rin naman kasi siya mahilig sa mundo ng showbiz kaya hindi siya nanonood ng kahit ano tungkol sa entertainment news ng Pinas.
"Ang sabi mo kanina ang HBN ang magbo-broadcast ng fashion show ng? Alin nga ulit iyon?" sabi ng babae.
"Ako ang modelo nila, na magtatanghal ng new lingerie na gawa ni Miss Elis." sabi ni Eye sa paraan ng tono na ginagamit niya kapag nagrereport, iyong tipong paniniwalaan ka ng lahat.
"Ohhh. Talaga! Parang sakto yata ang pagkakabunggo natin." sabi ng babae na ikinangiti ng lihim ni Eye.
"Mahuhuli ka rin sa bitag ko." sabi ni Eye sa isip.
"Bakit naman?" sabi ni Eye na tila maamong tupa.
"Ang totoo, ako ang may hawak ng fashion show na proyekto ni Chairman Hades." sabi ng babae.
"Talaga?" sabi ni Eye na tila nasilihan sa narinig.
Napakunot naman ang babae sa reaksyon ni Eye na tila curious ito.
"Sorry, aalis na ako." sabi ng babae ng mahinuha na hindi niya kilala ang babae kaya bakit siya nagsasalita or nagkukuwento.
"Wait." sabi ni Eye sabay hawak sa braso ng babae na ikinahinto ng babae sa paglalakad.
"Miss Hamilton may gagawin pa ako." sabi ng babae.
"Fashion Show, puwede kong ibigay sayo ang alok ko kay Miss Elis tutal may kontrata kami at sa kontrata puwede gamitin ang HBN kahit saan fashion show ng NLC." sabi ni Eye.
Hindi umimik ang babae kaya mabilis na kinuha ni Eye ang kontrata.
"Heto ang kontrata ko sa kanila. At kung hindi ka naniniwala tawagan natin si Miss Elis." sabi ni Eye.
"Shit, sana kumagat." sabi ni Eye sa isip dahil ang totoo iba ang nakasulat sa kontrata.
"Huwag." sabi ng babae na ikinangisi ni Eye.
"Bingo. Mukhang surprise ang fashion show. Ang suwerte mo talaga Eye." sabi ni Eye sa isip ng makita ang pag-aatubili ng babae.
"Bakit hindi para maniwala ka? Tutal nasa kontrata na exclusive lamang ng HBN ang lahat ng fashion show na gagawin ng NLC. Para masiguro mo at hindi sila makasuhan, tawagan natin si Miss Elis." sabi ni Eye.
"Hindi na." sabi ng babae dahil sa isip ng babae isang kaso ang magaganap kapag sa ibang station siya makikipagdeal.
"May niluluto ka." napangiting sabi ni Eye sa isip ng makaramdam ng kakaibang magaganap.
"Ah ganoon ba? Okay." sabi ni Eye.
"Ahmmn. Ako nga pala si Sam Sanchez, maibibigay mo ba ang magandang reception. I mean ang buong kailangan ko para sa isang engrande at masayang pagdiriwang?" sabi ni Sam.
"Oo naman. Malaking station ang HBN at kilala ito ng lahat." sabi ni Eye.
"Okay. Tutal tingin ko mahihirapan akong kumuha ng time slot na gusto ko okay lang ba sayo kung ako ang magbibigay ng timeslot na kailangan ko at ilang oras?" sabi ni Sam.
"Okay lang, kahit ano." sabi ni Eye.
"Ahhmm." sabi ni Sam
Napakunot noo si Eye ng makita na nagdadalawang isip pa rin ang babae.
"Shit. Kailangan ko ng proof." sabi ni Eye ng mabilis itong nakapag-isip.
"Ako ang nag cover sa kasal nila Luna at Bronze." sabi ni Eye na ikinangiti ng babae.
"Tama, sabi ko na nga ba parang pamilyar ka. Maganda nga ang coverage na iyon. Okay bang ganoon din kaganda pero kakaiba naman." sabi ni Sam.
"Sure, kaya iyan ng station ko." sabi ni Eye na napangiti.
"Huli ka ngayon." nakangiting sabi ni Eye sa isip.
"Okay, bukas ko ibibigay ang kontrata kung magkano kung okay ba sayo o hindi." sabi ni Sam na ikinangiti ni Eye.
"Miss Sanchez sabi ko nga free kong ibibigay sayo ang airing tutal sa TV Station ko naman ang EXCLUSIVE na magrereport." sabi ni Eye na ikinangiti ni Sam.
"So, wala akong babayaran sa airing?" sabi ni Sam.
"Bilisan natin magclose ng deal Eye." sabi ni Eye sa isip dahil kinakabahan din siya may makakita sa kanya sa resto na iyon.
"Wala, basta lahat ng sponsor na makukuha ko ay mapupunta sa HBN. I mean ang bayad ng lahat ng sponsorship." sabi ni Eye.
"Sure, so quits. Iyon ang bayad ko." sabi ni Sam.
"Quits." sabi ni Eye.
"Ang staff ko ang maghahanda ng decoration at lahat tungkol sa pinaka-event, at aang sayo lamang ay ng coverage o airing." sabi ni Sam.
"Nauunawaan ko. Wala akong pakikialamanan sa mga magaganap dahil ang HBN lamang ang kukuha ng mangyayari sa pagdiriwang." sabi ni Eye.
"Okay kung maliwanag na. Pero, isa pa pala kaya ba ng mga staff mo na kumuha ng biglaang pangyayari. Pagpalagay natin na parang wedding footage or reception?" sabi ni Sam.
"Oo naman. Hindi kami bago sa mga ganyan dahil ang wedding ni Luna Cheung ay impromptu sa amin... sa mga staff ko at sa akin. Propesyonal kaming lahat kaya walang problema." sabi ni Eye na may halong katotohanan dahil kahit naman siya nabigla sa ganda ng wedding ni Luna na nakuhanan naman ng staff niya lahat ng naganap sa magandang coverage.
"Okay. So, mag-uusap lang tayo tungkol sa airing pero ang ibang magaganap sa okasyon ay pribado kabilang ang mga guests." sabi ni Sam.
"Okay." sabi ni Eye.
"Then, oo nga pala walang commercial break deretso lang ang telecast." sabi ni Sam.
"Sure." sabi ni Eye dahil pareho lang naman ng naganap sa kasal ni Luna wala silang commercial break pero kumita pa rin siya ng malaki dahil sa mga naglalakihang sponsor na nakuha niya kahit pahirapan dahil walang naniwala sa kanya na siya ang magcocover ng lahat sa kasal ni Luna kat Bronze.
"Okay so aalis na ako, wait mo na lang ang tawag ko or tawag mo. Ito ang calling card ko." sabi ni Sam sabay abot naman ni Eye.
"Kailan ba ang event?" sabi ni Eye habang binabasa ang calling card ni Sam.
"Sa Valentine's day." sabi ni Sam na ikinanlaki ng mga mata ni Eye dahil tatlong araw na lamang iyon.
"Ano?" sabi ni Eye.
"Hindi mo ba kaya?" sabi ni Sam ng makitang nagulat si Ey e.
"Arhhmm. Kaya ko."sabi ni Eye.
"Langya! Napasubo ako! Paspasan ito." sabi ni Eye sa isip.
...........
(Images are not mine, credit to the owner.)
para sa kaunting tulong at suporta.
Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.
gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua
........
February 14, 2023 3.36pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top