Kabanata 21 : Fallen

Kabanata 21 : Fallen

NLC Manila

One week later


"May dala akong turon." sabi ni Hades ng bumungad ito sa opisina na ikinatingin ni Elis habang nakaharap ito sa laptop.

"Masarap ito bagong luto. Nabili ko sa naglalako." sabi ni Hades.

"Ang dami naman niyan." sabi ni Elis na wala yatang araw na walang dalang pagkain si Hades kapag umuuwi ito galing sa meeting nito sa labas .

"Pinakyaw ko tapos binigay ko sa mga tauhan na nasasalubong ko. Inuna ko ang mga guard sa baba." sabi ni Hades.

Napatitig si Elis sa binata, noong una ang akala niya pakitang tao lamang ito sa mga empleyado para makuha ang loob ng mga ito o para makuha nito ang loyalty ng lahat pero hindi, dahil mula ng umupo ito isang linggo mahigit na ang lumilipas consistent si Hades sa pinapakita nito.

Totoong tao. Iyon ang naririnig ni Elis sa mga empleyado ng NLC na sinasabing karakter ni Hades. Nakikita naman niya iyon sa binata katunayan kahit sa kanya mabait ito na hindi niya inaasahan. Noong una kasi hinanda niya ang sarili niya sa pang-iinis nito para umalis siya pero kabaligtaran ang lahat.

At ilang araw lamang naisip ni Elis na baka taktika ni Hades ang lahat na binabaliktad lang nito ang ugali para kusa siyang umalis. Iyong tipong silent killer, kunwari mabait para makonsensya siya at tuluyan ibigay sa binata ang lahat pero hindi rin.


"Uy! Masarap ito. Kumuha ka at ikaw tumikim ka ng lutong Pinoy."
sabi ni Hades ng tingnan lang siya ni Elis.

"Kumakain ako ng pagkaing pinoy." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades dahil sa isang linggo mahigit na kasama niya sa iisang opisina si Elis walag araw na hindi ito nawalan ng mamon. Mamon na sa bakery galing o sa nakikita niyang simpleng wrapper galing pa ang mamon ng N.E na ipinagtataka niya.

Nang mapatingin si Hades sa mamon ni Elis napangiti ang dalaga.

"Mamon ito ng N.E, matagal na ang bakery bata pa lang ako nandoon na iyon. Meron din ito sa El Paradiso, pareho ng may-ari at pareho din ang pagkakagawa." sabi ni Elis.

"Mahal ba iyan?" sabi ni Hades na kahit alam niyang mura iyon dahil bumibili din siya noong bata pa siya sa bakery na sinasabi ni Elis na nakapangalan sa mumurahing wrapper, tinanong pa rin niyo para makita kung ikakaila nito.

"Kinse pesos." sabi ni Elis sabay subo ng mamon na ikinangiti ni Hades dahil tama ang pagkakasabi ni Elis na ang akala niya magsisinungaling ito.

"Mabuti hindi ka nagtatae." sabi ni Hades sabay lagay ng turon sa plastic na dala nito at inilapag sa mesa ni Elis.

"Hindi naman ako nagtatae. Masarap itong mamon." sabi ni Elis na napangiti habang ninanamnam ang mamon.

"Paano mo nalaman iyan? Sa yaya mo?" sabi ni Hades na nagtataka dahil sa ilang araw na nagkukuwentuahn sila ni Elis nalaman niya na wala itong naging kaibigan bahay eskuwela lang ito at kung meron ibang pinupuntahan ang dalaga noong kabataan nito mga ballet class, swimming class, speech class or modelling. Mga tipong ginagawa ng mga mayayamang batang babae.

"Sa Ale." sabi ni Elis

"Babae? Ale? Sinong Ale?" sabi ni Hades na nagtataka.

"Sa taong grasa na ayaw ni Mama." sabi ni Elis saka ito natawa.

"Ano?" nalitong tanong ni Hades


"May nakilala ako dati, bata pa ako. Pulubi si Sisa tapos binigyan niya ako nito."
sabi ni Elis.

"Sisa? Pangalan ng babae?" tanong ni Hades.

"Hahaha! Hindi niya name iyon pinangalanan ko lang kasi hinahanap niya ang mga anak niya kinuha daw ng asawa niya tapos pumunta ng ibang bansa." sabi ni Elis.

"Tapos?" sabi ni Hades na na-curious sa kuwento ni Elis dahil ngayon lang ito nagkuwento ng kakaiba, tipong hindi kalevel nito. Ang akala kasi ni Hades ang mundo ni Elis nakaikot lang sa level ng buhay nito na puro mayayaman ang nakakasalamuha.

"May nagbigay daw sa kanya ng mamon pero binigay niya sa akin. Napagkamalan siyang pulubi kasi madungis siya, sira ang tsinelas niya. Binigyan ko siya ng pagkain tapos binigay niya sa akin ang mamon. Sabi niya masarap kasi iyon daw ang kinakain niya mula ng.. ahhmmm.

Nalimutan ko siguro mula ng naging baliw siya. Hahaha! Biruin mo first time ko kumausap sa ganoong tao kaso nahuli ako ni Mama." sabi ni Elis na natawa ng maalala ang nakaraan.

"Nahuli ka ng Mama mo? Pinalo ka?" sabi ni Hades ng maalala ang kuwento ni Bronze, asawa ni Luna.

"Hindi ako pinapalo." Sabi ni Elis na ikinahingang malalim ni Hades.

"Okay. So, anong ginawa ng Mama mo?" sabi ni Hades na tila nabunutan siya ng tinik sa sinabi ni Elis.


"Nilayo lang ako tapos ng nasa kotse na ako nakita ko nabangga iyon babae."
sabi ni Elis habang kinakain ang mamon nito.

"Nabangga so namatay ba?" sabi ni Hades

"Ewan pero alam mo ba ginawa ni Mama sa takot iniwan niya iyong lalaking kausap niya tapos mabilis kami umalis sakay ng kotse niya." sabi ni Elis na ikinatitig ni Hades kay Elis dahil may pagkakahawig ang kuwento nito tungkol sa babae sa kakilala niya.

"Tapos?" sabi ni Hades na dala ng kuryusidad gusto niyo pa malaman ang tungkol sa pulubi o ale na kinukuwento nito.


"Hindi ko nakita iyong babae kung anong nangyari pero sabi ni Mama patay daw iyong babae."
sabi ni Elis sabay tingin sa mamon.


"So hindi mo sure kung namatay nga?"
sabi ni Hades.

"Hindi kasi mabilis nagpatakbo si mama ng kotse." sabi ni Elis na napailing.


"Hindi ka ba natatakot, baka patay na iyong nagbigay ng mamon sayo tapos hanggang ngayon mukhang naadik ka sa mamon na binigay niya."
sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis dito.

"Mabilis ang buhay, mabilis din ang nagaganap sa mga paligid natin at kadalasan iba ang nangyayari sa mga inaasahan natin na magaganap.

Wala naman dahilan para hindi ko kainin ang binigay ng ale kahit na namatay nga siya. Kasi ang mahalaga doon namatay man siya naibahagi niya ang isa sa masarap na nangyari sa buhay niya at iyon ang makatikim ng masarap na mamon." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.


"Mabait ka pala."
napangiting sabi ni Hades habang kumaakin na ito ng turon at nakaupo sa harapan ni Elis.

"Hindi. Hindi ako mabait." sabi ni Elis.


"Alam mo baguhin mo lang ang ugali mo."
sabi ni Hades.

"Ganito ako. At hindi na iyon mababago." sabi ni Elis.


"May nabasa akong libro, ang sabi doon ang mga introvert na tao daw may fight mechanism. Ito daw ang reaction nila para maprotektahan ang inaakala nilang panganib.

Inuunahan nila ang magaganap sa takot na mapahiya or magkamali. At tingin ko sayo isa kang introvert dahil sa mga kuwento mo, nag-iisa ka lang na ikinasanayan mo. Nakikihalubilo ka nga pero limit lang ang oras mo. Nakikipagkuwentuhan ka pero madali kang mainip dahil gusto mo mag-isa ka lang." sabi ni Hades.


"Hahaha! Dapat nag Psychology course ka na lang. Puwede ka, promise."
sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.

"Sinasabi ko lang naman. Sa grupo kasi namin may ganyan din si Aj, si Suri at siguro si Lake the rest extrovert na.

Tingnan mo si Lake introvert siya pero politician siya at nagagawa niyang makihalubilo sa iba. Si Aj, kapag may gathering ang grupo nasa gilid lang lagi o minsan hindi nga dumadalo iyon o kung dumadalo man hindi nagpapakita.

Si Suri pinsan ko at bulag siya kaya siguro mas nangibabaw ang pagiging introvert niya pero kahit ganoon namahala siya dati ng Emperio at kahit bulag siya nakapaglabas siya ng kita." sabi ni Hades.

"Hahaha! Puwede ka nga, sana nagdoctor ka na lang Psychologist or Psychiatrist bagay sayo." sabi ni Elis.

"Abogado ako at fashion designer sapat na iyon sa akin." napangiting sabi ni Hades sabay subo ng turon kay Elis na agad naman sinubo ni Elis.


"Masarap nga."
sabi ni Elis ng malasahan ang turon.

"Masarap maging mayaman kasi kaya mong abutin ang isang mahirap. Lahat matitikman mo kapag mayaman ka bagay na hindi makakaya ng mahirap pero alam mo ba may magagawa ang mahirap na hindi kaya ng mayaman." sabi ni Hades sabay subo uli ng turon kay Elis.


"Ano iyon?"
sabi ni Elis habang nakatitig sa abuhing mata ni Hades.

"Magmahal ng totoo." sabi ni Hades.

"Hahaha! Maraming kabit na mahihirap o kumakabit dahil gusto nilang umangat," natawang sabi ni Elis habang nginunguya ang turon.

"Maraming simpleng mahirap, hindi mo lang nakikita kasi madaming mahihirap. Alam mo iyon parang sa tao hindi mo makikita ang kabutihan ng isang tao dahil mas nakapokos ka sa kamalian nito...." sabi ni Hades sabay subo ng turon kay Elis.

"...parang ikaw." sabi ni Hades na ikinaubo ni Elis sabay kuha ng tubig nito at ininom iyon at biglang tingin kay Hades pero ang binata seryosong nakatitig sa kanya.

"Lahat tayo may kabutihan pero nangingibabaw ang kasamaan dahil ang tao mas nakikita ang kasamaan ng kapwa nito para mapaghandaan niya sakaling umatake ito. Naunawaan mo?" sabi ni Hades .

"Hindi kasi ang gulo mo." sabi ni Elis na nauubo pa rin.

"Hahaha! Minsan isasama kita sa tinirhan namin dati ni Mama." sabi ni Hades.

"Ayoko nga, ang sabi mo squatter iyon baka mamatay pa ako. O baka gusto mo ako patayin." sabi ni Elis na iknatawa ni Hades.

"Hahaha! Iyan ang sinasabi ko, ang nakikita mo ang kasamaan hindi ang kabutihan." sabi ni Hades na ikinatahimik ni Elis.

"BFF, iyong ang sabi mo tayong dalawa dahil ayaw mong maging kapatid kita, o pinsan so bilang BFF lahat ng naranasan ng bestfriend mo dapat aware ka." sabi ni Hades.


"Hays! Pag-iispan ko dahil sa ngayon magtrabaho muna tayo."
sabi ni Elis.

"Okay, mukhang nasarapan ka sa turon dahil ubos na." sabi ni Hades na ikinagulat ni Elis.

"Uy! Ikaw nakaubos." sabi ni Elis.

"Hahaha! Ang introvert na tao mahirap umamin ng nararamdaman niya pero huwag kang mag-alala extrovert ako BFF na magbabalanse sayo." nakangiting sabi ni Hades saka ito tumayo pero ang akala ni Elis ay aalis na si Hades at pupunta sa sariling mesa pero yumuko ito na ikinaatras ni Elis.

Ngumiti si Hades saka ito umusal.

"Madali akong ma-fall kaya huwag mo akong sasaktan kapag na-fall ako sayo, BFF." sabi ni Hades na ikinamula ng mukha ni Elis pero agad itong nakabawi.

"Shhhh! Gago ka." sabi ni Elis na ikinatawa ni Hades ng malakas.

"Hahaha! Magtrabaho ka na Madame." natawang sabi ni Hades saka ito pumunta ng mesa nito.

Napahingang malalim si Elis saka ito tumingin sa laptop niya.

"Siraulo! Grabe mag prank" mahinang sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades ng marinig ang sinabi ni Elis.

Ilang minuto ang lumipas at seryoso ang dalawa sa sari-sariling trabaho at ng hindi sinasadya ng parehong napatingin ang dalawa sa isa't isa.

"Nauna ka." sabi ni Hades na mabilis na naitago ang gulat sa sabay na pagtingin nila ni Elis sa bawat isa.

"Uyyy! Nag-uunat ako." sabi ni Elis ng maunahan siya ni Hades makabawi.

"Ulo inuunat?" sabi ni Hades na natawa sa reaksyon ni Elis na halatang nahuli ito makabawi.

"Tsss! Hayss! May meeting ako." sabi ni Elis saka ito tumayo sa kinauupuan.

Napangiti si Hades saka nito pinagmasdan ang opisina. Hindi pa tapos ang kalahating parte ng opisina kung saan naroroon sila ngayon. Ang kalahating parte na ginagawa ay ang opisina ni Elis kaya ang siste sa iisang kuwarto sila nag-oopisina mahigit isang linggo na.

"Chairman, excuse me po nasa Blaze Hotel na po si Miss Sanchez" sabi ni Gelai ng biglang bumungad ito sa opisina matapos kumatok ng tatlong beses.

Napakunot noo naman si Elis sa sinabing pangalan ni Gelai.

"Okay sige." sabi ni Hades na agad na tumayo na ikinagulat ni Gelai dahil mamaya pang alas singko ng hapon ang meeting ni Hades, sinabi lang nito na kararating lang sa Blaze hotel ng kameeting nito at alam naman ng amo niya na magchecheck in si Miss Sanchez doon.

"Mauna na ako," sabi ni Elis pero nasa isip nito ang pangalan ng kameeting ni Hades.

Naunang umalis si Elis na ikinangiti ni Hades saka ito nagmamadaling sinundan si Elis.

Nagpang-abot ang dalawa sa elevator ng akmang magsasara iyon na nasa loob na si Elis.

Napakunot noo si Elis ng pigilan ni Hades ng kamay nito ang pagsara ng elevator.

Muling bumukas ang elevator at pumasok si Hades saka ito pumuwesto sa likuran ni Elis.

Hindi umimik si Elis dahil may kasama sila ni Hades sa elevator dalawang empleyado na nakatingin sa kanila ng pasimple.

"P." sabi ni Hades pero walang gumalaw sa sinabi niya.

"Excuse me." sabi muli ni Hades ng hindi pinindot ni Elis ang P kahit na ito ang malapit sa button.

Nang hindi umimik si Elis napangiti ng lihim si Hades dahil ganoon si Elis kapag lumalabas ng opisina nila tila hindi siya kilala. Kaya ang alam ng lahat hindi sila nagkikibuan ni Elis sa loob ng opisina o kung nagkikibuan man tinatarayan siya.

"Excuse me." muling sabi ni Hades sabay lahad ng bisig nito para maabot ang button.

Napaatras ng bahagya si Elis nang sa harapan niya talaga nakuhang idaan ni Hades ang kamay nito.

"P for pretty." nakangiting sabi ni Hades na ikinatitig ni Elis ng may maalala saka ito napalunok.

"Oh my God siya iyong lalaki sa La Secretos." sabi ni Elis sa isip ng matandaan na nito si Hades pero ang binata mukhang hindi siya natatandaan.

"Thank you." nakangiting sabi pa ni Hades ng mapindot ang button.

Napayuko si Elis at nagsimula magbutil ng pawis niya sa noo.

"Oh! Shit Bakit ngayon ko lang naisip? Ang La Secretos ay pagmamay-ari ni Heaven Lopez at ang gabing iyon ay malamang birthday ni Hades." sabi pa ni Elis sa isip.


"Mabait ako sa babae, no girls kapag birthday ko. Ayoko kasi maulit ang naganap sa mama ko." umaalingawngaw na sabi ni Hades sa isip ni Elis sa sinabi ng binata dati sa kanya sa elevator ng La Secretos na ikinalunok ng dalaga.

"Mabait nga siya, consistent ang pagkakasabi niya at mukhang...." sabi ni Elis sa isip sabay tingin kay Hades.

"Chairman, thank you po sa turon." sabi ng babaeng empleyado kay Hades.

"Wala iyon, iyong isa bigay mo sa kapatid mo nakita ko kanina hinatiran ka ng pagkain." sabi ni Hades na ikinangiti ng empleyado.

"Nabigay ko na po salamat daw po." sabi ng babae na ikinataas ng kilay ni Elis.

"Chairman, next time kwek kwek naman." sabi ng isa pang empleyado.

"Magtrabaho kaya kayo ng hindi kayo nagmamalimos." mataray na biglang sabi ni Elis na ikinamula ng mukha ng dalawang babae at ikinatingin ni Hades kay Elis.

"Tsss! Mahaharot." mataray na sabi ni Elis pero nagulat ito ng akbayan ito ni Hades na ikinagilid naman ng dalawang empleyada habang nakatingin kay Hades at Elis.

"Isasama kita sa meeting ko tutal mamaya pa iyon." sabi ni Hades kay Elis.

"Mamaya pa pala bakit ka na aalis?" sabi ni Elis sa mataray na tono na ikinangiti ni Hades.

"Kasi sasamahan kita sa meeting mo." sabi ni Hades.


"Ano? Bakit?"
mataray na sabi ni Elis na napalakas ang boses kaya napayuko ang dalawang empleyada.


"Bodyguard mo para sa hyper mong pag-uugali,"
sabi ni Hades na ikinapigil ng pagngiti ng dalawang empleyada.

Napatingin si Elis sa dalawa at akmang sisitahin ito ni Elis ng bulungan siya ni Hades.

"Iyan na ang fight mechanism mo na ang akala mo mapapahiya ka o napapahiya, pero akala mo lang iyon kaya kalma ka lang." bulong ni Hades sabay pisil sa braso ni Elis habang akbay ang dalaga.

Napatigil si Elis at hindi na ito nagsalita ng pisilin ni Hades ang braso niya dahil kakaiba sa pandama niya.

"Bakit wala akong maramdaman na naikama ko siya?" sabi ni Hades sa isip ng tila bago ang pakiramdam na iyon sa kanya ng pisilin niya ang braso ni Elis.

"Iyan ganyan nga." sabi ni Hades saka ito sumeryoso na ikinatingin ng pasimple ni Elis sa binata.

Ilang saglit lang sa pagtitig ng pasimple ni Elis sa binata ng may maalala muli ang dalaga na ikinanlaki ng mga mata ni Elis.


"Oh shit! Siya iyong naghulog ng dalawang lalaki mula sa helipad."
sabi ni Elis sa isip sabay tungo nito at napalunok ito sa kaba. Nakaramdam ng paninigas si Elis dala ng takot at kaba.

"Relax ka lang, makakatulong iyan para sa utak mo." mahinang sabi ni Hades kay Elis sa inaakalang ang paninigas ni Elis at paglunok nito ay para pigilan tarayan ang dalawang empleyada.

"Oh my God! Baliw ba ang kasama ko?" sabi ni Elis sa isip.

"Sasamahan kita sa meeting mo at huwag kang tatanggi." sabi ni Hades at sa takot ni Elis tumango ito ng sunod-sunod na ikinatingin ng dalawang empleyada sa isat isa.

"My God baka ihulog ako nito sa NLC building kapag sumanib muli si Hudas sa pagkatao nito." sabi ni Elis sa isip.

Napangiti naman si Hades ng sunod-sunod na tumango si Elis.

................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

.................

February 13, 2023 7.00pm

Fifth Street

Good night

3 Updates for this day done.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top