Kabanata 19 : So It's You

Kabanata 19 :  So It's You

Hi Way

Hours Later


Kanina pa pinagmamasdan ni Hades si Elis mula ng umalis sila buhat sa NLC Makati matapos ang ginawang modelling event, tahimik na ito na hindi niya alam kung bakit.

"Arhhmm." tikhim ni Hades habang nasa sasakyan sila at binabaybay ang trapik na daan na iyon ng Kamaynilaan.

Hindi umimik si Elis kaya napabuntung hininga si Hades.


"May problema ba? Iyong kay Eye ba? O doon sa pagsundo ko sa baby para iuwi?"
tanong ni Hades dahil hindi siya sanay na may babaeng masama ang loob sa kanya kahit na nga ba ang babaeng iyon ay pekeng pinsan niya na nagnakaw ng trono niya.

"Nagtataka lang ako mula kanina, ang sabi mo ayaw mo si Eye pero heto pinapasok mo sa kompanya bilang modelo ko." sabi ni Elis.

"Huh! Hindi ko sinasadya ang pagtaas ng placard na 100 dahil zero dapat iyon." sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis dito.

"Alam mo imposible na hindi mo alam. Pero sige kasi at least ikaw ang nagpapasok sa kanya at hindi ako, so sarili mo ang sisihin mo." sabi ni Elis.

"One-month lang naman itatakbo ng contract niya. Pictorial, modelling, guesting magiging busy siya kaya siguro naman wala siyang gagawin. Isama pa na mabilis lang ang one month." sabi ni Hades.

"Okay sabi mo eh. At saka mukhang okay naman siya dahil ang sabi mo nga nag-aral siya ng modelling at sa nakita ko naman mukhang pasok siya sa gusto ko mangyari." sabi ni Elis.

"Think positive na lang basta huwag mong kakaibiganin. Be professional lang." sabi ni Hades.

"Kahit hindi mo sabihin alam ko iyon dahil trabahador ko lang naman siya at hindi ako nakikipagkaibigan sa empleyado ko lang." sabi ni Elis

"Mabuti." sabi ni Hades na kahit na taliwas ang pananaw niya sa sinabi ni Elis kailangan niya iiwas ang dalaga sa reporter na si Eye.

....................

HBN Station

"Anong next?" sabi ni Gill kay Eye habang naglalakad na sila sa hallway ng HBN Building.

"Alamin ang buhay nila sa pamamagitan ng kakaibigan ko si Elis." sabi ni Eye.

"Kaya mo?" sabi ni Gill.

"Oo naman." sabi ni Eye.

"Mataray iyon sabi ko naman sayo antipatika iyon na namimili ng kasama." sabi ni Gill.

"Lahat ng bagay may solusyon, may puwedeng plano. Kung gusto mo maraming paraan kung ayaw mo maraming dahilan. Eh, gusto ko kaya hindi ako mawawalan ng maraming paraan." sabi ni Eye.

"Okay so goodluck." sabi ni Gill.

"Sa ngayon gagawan ko muna ng kuwento ang lahat kasabay ng libreng broadcast ng gagawin kong project sa NLC.

Ako ang bida, ako ang producer at sa pamamagitan ni Elis ang mga tuhan ko ay ang grupo ni AJ. Sa libreng broadcast na ibibigay ko titiyakin ko na tatabo sa takilya ang telenovela ng buhay ko sa lahat.

Eye, the NLC Super Model. Huh! Hahaha!" natawang sabi ni Eye.

"May tiwala ako na kaya mo. Ikaw pa, mautak ka at tama ang ginawa mong plano. Biruin mo ikaw na ibo-broadcast sa sarili mong tv station, para kang kumuha ng malaking sponsor para kumita ng malaki. Na mapupunta rin lamang sa bulsa mo. Two birds in one stone." sabi ni Gill.

"Tama, at babayaran kita. Huwag kang mag-alala ang kikitain ko dito ay makikinabang ka rin." sabi ni Eye sabay tingin kay Gill.

".....yayaman tayo sa loob ng isang buwan kasabay ng pagtutok ng lahat sa station ko." sabi ni Eye na iknangiti ni Gill.

..................

NLC Mansion

Hours Later

"Kukuha tayo ng dede baby." sabi ni Elis habang patungo ito sa kusina karga ang sanggol.


"Smile, and that's how it all started

And you came right in time"


Napahinto si Elis ng may marinig na kumakanta sumilip ito sa kusina habang karga ang baby at sa pagsilip niya napakunot noo siya ng makita si Hades na naggagayat ng mga lulutuin nito habang kumakanta ito.

https://youtu.be/E9UBzwT_5EE

(So it's you by Raymond Lauchengco)


Hades : When I needed someone

And we said, "Hello"


Napangiti si Elis na hindi tinuloy ang pagpunta sa kusina, nanatili ito nakatayo at bahagyang nakasilip lamang.

"Mahilig nga kumanta. Maganda ang boses. "napangiting sabi ni Elis sa isip habang pinapakinggan ang tinig ni Hades at pinapanood ang ginagawa nito.

Hades : Suddenly, my heart was beating fast

So it's you, I've been waiting for so long

So it's you, where were you all along?

"Marunong din magluto." napangising sabi ni Elis ng makita ang mga gulay na nasa dirty kitchen at hinihiwa ni Hades.

"Talented ang loko." sabi pa ni Elis sa isip.

Hades : Very special moments, this will always be with me

We are here, you and I, we belong

Napahingang malalim si Elis habang nakatitig kay Hades, nakasuot ng maong na pantalon ang binata at white t-shirt na humakab sa matipunong katawan nito, nakasuot ito ng apron at hindi hadlang ang telang iyon para hindi mo mapansin ang magandang katawan ng binata.

Hades : We touched, and we felt more beautiful

And two hands reaching out

Napangiti naman si Hades habang kumakanta, ngayon lang kasi uli siya nakapagluto uli na madalas niyang gawin sa bahay nila sa N.E. Mula kasi ng nagkolehiyo siya sa El Paradiso siya tumira at doon nag-aral kaya nawalay siya sa Mama at Papa niya at dahil solo lang naman siya sa mansion ng Lopez sa isla kaya hindi na siya nagluluto.

"Masarap ito baka mainlove iyon sa akin. Hahaha!" natawang sabi ni Hades sa isip habang naghihiwa ng mga gulay na lulutuin niya sa sinigang na baboy.

Hades : Filled with so much longing

It felt good inside there is no denying, I'm in love

"Nakita ko na talaga siya, bakit ba hindi ko matandaan? O baka sa panaginip lang. Guwapo naman siya kaya imposible na malimutan ko siya.

Hay Naku Elis! Iyan ka na naman, erase-erase muna dahil si Aj ang asawa mo." sabi ni Elis sa isip.

Napahingang malalim si Elis, madali siyang mainlove pero magaling din siya magpigil at magtago. At kalaunan nawawala naman ang mabilis na pagkainlove niya sa tao kapag nagiging busy siya na lagi naman nagaganap sa dami niyang trabaho sa NLC.

Hades : So it's you, I've been waiting for so long

So it's you, where were you all along?

"Nice. Bumibirit kahit kaya sa banyo kumakanta ito." sabi ni Elis sa isip ng biglang pilyang napangiti.

"Aissst! Ang bad mo." napangiting sabi ni Elis sa sarili na may kaharutang naisip.

"Magagalit si Mama at baka kurutin ako." sabi pa ni Elis sa isip ng biglang mawala ang ngiti sa labi ni Elis ng maalala ang Mama niya.

Hades : Very special moments, this will always be with me

We are here, you and I, we belong

Sa tindi ng kasiyahan ni Hades nawala sa isip nito na hindi siya solo sa bahay na iyon kaya napalakas ito kumanta hanggang ginamit nito ang kutsilyo bilang microphone.

Hades : So it's you, I've been waiting for so long

So it's you, where were you all along?

Napangiti naman uli si Elis habang pinapanood si Hades.

"Masaya siguro ang pagkabata niya. Siguro nakahawak siya ng lupa o siguro naman tumakbo siya ng tumakbo ng nakapaa ng walang katapusan.

Hays! Panahon na unti lang pero hindi ko naramdaman. Ano kaya pakiramdam ng may kalaro? Ano kaya ang pakiramdam na pinipingot ka ng nanay mo kasi ayaw mo pang umuwi sa bahay dahil maglalaro ka pa sa kalsada kahit tanghaling tapat na?" napahingang malalim na sabi ni Elis.

"Aissst! Elis iba ka iyon ang sabi ng Mama mo. Bawal ka madumihan, bawal ka umiyak na ang pangit mo tingnan dapat pag-aralan mo maging maganda umiyak, magalit o dapat malaman mo kung ano ang reaksyon mo sa bawat tao." mahinang sabi ni Elis.

"Natutunan ko naman Mama di ba? Very good nga po ako." sabi ni Elis saka ito napapitlag ng bumirit si Hades sa pagkanta.

Hades : Very special moments, this will always be with me

We are here, you and I, we belong

Napangiti si Hades saka ito tumayo ng deretso at tumingin sa unahan na tila nasa stage siya habang hawak nito ang kutsilyo bilang microphone nito.

"We are here, you and I, we belong." pagtatapos na pagkanta ni Hades pero nagulat ito ng makita si Elis bitbit ang sanggol na nakatingin sa kanya.

"Arrhhmm. Kanina ka pa ba diyan?" napatikhim na sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis.


"Nice, maganda pala ang boses mo."
sabi ni Elis na naitago din ang gulat ng makita siya ni Hades at nahuling nanonood dito.

"Ahhhmm. Narinig mo? Lahat?" sabi ni Hades na tila nahiya.

"Oo." sabi ni Elis na nagawa inormal ang boses kahit na kinakabahan siya dahil nahuli siyang nakikinig.

"Bakit hindi ka nagpakita agad?" sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis dahil mabilis siyang makatago ng emosyon turo iyon ng Mama niya para hindi siya matalo ng kahit sino, dahil..

"ang emosyon mo ang magiging kahinaan mo na kagamitin sayo" at iyon ang sabi ng Mama niya

"Nakakahiya naman kung iistorbuhin ko ang mini kitchen concert mo." sabi ni Elis habang papunta na ito sa ref para itimpla ng gatas ang sanggol.

"Malakas ba? Sobrang lakas?" sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis kay Hades.

"Ibaba mo nga iyang kutsilyo at baka masaksak ka niyan." sabi ni Elis.


Napatitig si Hades kay Elis, wala siyang emosyon na nakikita dito. Plain o iyong tipong normal at natural lang.

Napangiti ng lihim si Elis dahil hindi niya akalain na madaling ma-distract si Hades at madali mabasa ito tulad ngayon, nakikita niya sa reaksyon nito na nahihiya o naiilang sa ginawa nito.

"Anong niluluto mo?" sabi ni Elis habang nagtitimpla na ng gatas ng sanggol.

"Ahhhmm." sabi ni Hades dahil ang totoo naiilang siya sa babae kaya nga hanggat maaari tinitingnan at inaalam niya ang reaksyon ng mga ito o inaalagaan niya ang damdamin ng mga babaeng nakakasalamuha niya na kahit naman marami siyang naikamang babae sigurado siya give and take ang nagaganap o hinihigitan niya ang pagkagentleman niya dahil ayaw naman niya makasakit o iyong tipong naiilang ang babae na pakiramdam nito iniisahan niya.

"Ano ba? Tinatanong ko lang kung anong niluluto mo?" napangiting sabi ni Elis na hindi muli inaasahan na natetensyon si Hades sa mga eksenang biglaan o hindi nito inaasahan, nakatitig lang kasi ito sa kanya.

"Sinigang na baboy." sabi ni Hades saka nito pinagpatuloy ang paghihiwa ng gulay na ikinatingin ng Elis sa binata.

"Mukhang nahiya." sabi ni Elis sa isip ng yumuko na si Hades at hindi na nagsalita.

"Hala! Narinig niya ako kumakanta. Nakakahiya, buweset. Hahaha!" natawang naiinis na sabi ni Hades sa isip.

"Bakit hindi si Manang ang pinagluto mo?" sabi ni Elis para mawala ang tila harang o nakakailang na awra na nakapagitan sa kanila ni Hades.

"Namiss ko kasi ang pagluluto." sabi ni Hades.


"Nagluluto ka sa inyo?"
sabi ni Elis.

"Oo, pinagluluto ko si Mama dati. Bata pa lang ako marunong na ako magluto." napagiting sabi ni Hades.


"Talaga? Eh, anong ginagawa ng Mama mo?"
sabi ni Elis habang inaalog na nito ang bote ng gatas para matunaw.

"Naglalabada." mahinang sabi ni Hades na ikinatahimik ni Elis ng ma-realize ang tinatanong niya dahil buhay na iyon ng pamilya ng step cousin ng Mama niya.

Nang tumahimik si Elis napangiti si Hades dahil halata naman iwas ang dalaga pag-usapan ang totoong nagmamay-ari sa kayamanan ng Mama nito.


"Lumaki ako sa squatter's area, nakamulatan ko na ang buhay doon kasama ang Mama ko. Mahirap, pero alam mo iyong level na masaya kapag nakakaraos?"
sabi ni Hades.

"Hindi." mahinang sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.

"Kapag may kita si Mama na malaki sa paglalabada bumibili siya ng one fourth na baboy iyong buto-buto, mura lang iyon dati tapos ako nagluluto. Masaya, pakiramdam ko fiesta. Kaya kapag may kita si Mama talagang nag-iinsist ako sa kanya na ako ang magluluto." sabi ni Hades na ikinalunok ni Elis dahil hindi niya alam ang naging buhay ng pamilya ng step cousin ng mama niya ni ang mukha nga nito hindi alam ni Elis.

"Mahirap pero masaya kasi iyong part ng buhay mo na mapapawow ka kasi may mataas pa na maaabot mo." sabi ni Hades habang sinasariwa nito ang lahat noong bata pa siya. (Read Heaven Novel)

...............

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

.................


February 13, 2023 4.19pm

Fifth Street


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top