Kabanata 18 : Pagpasok

Libre na po ito, kaya huwag niyo ng kopyahin, gayahin at ireformat para masabing sa inyo.

Matuto ng salitang RESPETO!!!!

..................

Kabanata 18 : Pagpasok

NLC, Makati

"Number 96 Astraea Valiente." sabi ng host na ikinatingin ng lahat ng marinig ang pangalan ni Astraea.

Umakyat si Astraea na ikinangiti ni Elis dahil kahit nakaroba lang si Astraea mamahalin iyon, satin ang tela na hindi basta-basta ang presyo.

Samantalang ng makita ni Jan Carl si Astraea mabilis nito dinampot ang hinanda kanina at bigla itong sumigaw na ikinagulat ng lahat.

"Zero!" malakas na sabi ni Jan Carl ng paakyat pa lang ng stage si Astraea na ikinatawa ng lahat ng itaas pa ni Jan Carl ang placard na zero.

"Hahaha! Wala pa nga eh." sabi ng mga nanonood na empleyado at alipores ng mga aplikanteng na hindi na napaalis ni Elis.

"Grabe ito. Sandali hindi pa ako nagsisimula." sabi ni Astraea ng sumigaw si Jan Carl.

Tiningnan ni Astraea ang tatlong Prinsipe na hindi naman napaalis ni Jan Carl dahil pumirma ang mga ito ng kontrata bilang judge at isang kaso iyon kapag umalis ang mga ito.

"Sandali lang ha. Manood kayo." sabi ni Astraea sa tatlong Prinsipe.

"Sige, manonood kami." sabi ng isang Prinsipe na ikinangiti ni Astraea at ikinatingin ng masama ni Jan Carl sa pinsan.

"Okay! Sandali para mas intense." sabi ni Astraea at nagsimual ito tumayo sa gitna ng stage sa bandang dulo kung saan ito magsisimulang lumakad o rumampa.

"Bawal unano dito!" sigaw ni Jan Carl na ikinatawa ng lahat at ikinapigil sa pagtawa ni Elis dahil maliit nga si Astraea at hindi niya trip ang ganoong height pero maganda ang dalaga. Kakaiba ang mukha nito kahit ang balat ay halatang sunog sa araw.

"Hahaha!" tawanan ng lahat.

"Grabe ka! Sandali kasi bubuwelo pa ako." inis na sabi ni Astraea na naiiyak na sa inis dahil hindi siya makaporma.

Umayos si Astraea at akmang maglalakad na ito ng sumigaw uli si Jan Carl.

"Bawal sakang!" sigaw muli ni Jan Carl na ikinatingin ni Elis ng pasimple sa hari, hindi kasi mukhang hari ang katabi niya at hindi rin maitatagong may gusto ito kay Astraea. Distraction ang ginagawa nito sa dalagang rarampa na halata rin na ayaw nito ang ginagawa ni Astraea.

"Hahaha!" tawanan muli ng lahat bukod kay Hades at Lisica na nakatingin ng masama kay Jan Carl.

Napatingin si Elis kay Astraea, malakas ang karisma nito na kailangan naman niya sa model para sa magazine dahil puwede naman iedit ang height nito at ang mukha lamang ang gagamitin niya. May face value si Astraea at hindi iyon maitatanggi isama pa na kakaiba ang mata nito na tila nangungusap o nakakaakit kapag tinitigan ka.

"Hindi ako sakang!" balik sigaw na sabi ni Astraea sabay taas ng roba niya na ikinasulyap ng makinis at slim nitong legs kahit maliit ito.

"Ohhhh!" hiyawang ng ipakita ni Astraea ang legs nito na makinis.

"O, di ba? Makinis ako. Huwag kayo maniwala diyan hindi lahat ng hari ay tapat ang iba ay sinungaling." nakangiting sabi ni Astraea na ikinatawa muli ng lahat.

"Hahaha!" reaksyon ng lahat pati si Hades dahil pilya talaga at maloko ssi Astraea at napatunayan na nito ang salitang iyon.

"Game na." nakangiting sabi ng isang Prinsipe na halatang excited ito kay Astraea.

Napatitig ng masama si Jan Carl sa tatlong Prinisipe ng makita ang masasayang mga mukha nito na tila nanonood lang sa El Casa.

"Mga hunghang tingnan natin kung makapasok kayo sa palasyo." sabi ni Jan Carl sa isip ng biglang maghiyawan ang mga tao.

"Whooahhh!" hiyawan ng lahat ng unti-unting itaas ni Astraea ang roba niya hanggang tila kasing iksi na lamang iyon ng pekpek shorts.

"Yuyuko ba ako?" pilyang sabi ni Astraea na ikinailing ni Elis dahil naaaliw siya kahit kabuwset buweset ang nagaganap.

"Grabe! Para kaming nasa comedy bar o sa casa. Binaboy ng babaeng ito ang event ko." sabi ni Elis sa isip na halo ang nadarama sa ginagawa ni Astraea.

"Sampong milyon!" sigaw ni Jan Carl ng muntikan ng makita ang langit ni Astraea ng ipakita nito ang hita at binti sa ginawa nito.

"Hahaha!" tawanan muli ng lahat ng mapahawak sa batok si Jan Carl na halatang problemado ito.

"Ilang taon ka na?" sabi ni Jan Carl.

"Bente otso." sabi ni Astraea.

"Owws! Mukha kang kinder." sabi ni Jan Carl na ikinatawa muli ng lahat.

"Hahaha! Child abuse." tawanan ng mga tao na halatang aliw-aliw ang mga ito sa nagaganp sa stage.

"Matanda na ako." sabi ni Astraea na nandilat ang mga mata kay Jan Carl.

"Wheee! Bayaran na lang kita sampung milyon. Itigil mo lang." sabi ni Jan Carl na tila naha-highblood siya kay Astraea.

"Ayoko." sabi ni Astraea na ikinatingin ni Elis sabay pasimpleng tingin kay Eye dahil kanina pa niya napapansin ang cellphone nito na nakavideo sa kanila o hindi na nga cellphone ang hawak nito kundi digicam.

....................

"Okay ba iyan?" sabi ni Gil kay Eye.

"Oo mabuti dala ko." sabi ni Eye.

"Mautak ka rin talaga." sabi ni Gil.

"Reporter ako kaya hindi kailangan makaalpas ang lahat ng nagaganap sa mga mata ko." sabi ni Eye.

............

"Okay, pagbibigyan kita. Pero gagamitin din kita." sabi ni Elis sa isip habang nakatingin ng pasimple kay Eye.

"Ahhhh!" sigaw ni Jan Carl ng matanggal ang tali ng roba ni Astraea na ikinangisi ng dalaga.

"Magsisimula na ako. Manood kayo." nang-aakit na boses na sabi ni Astraea na ikinatutok ng mga Prinsipe sa dalaga kaya napangisi si Hades dahil iba talaga ang alindog ng pinsan niya sa mga Prinsipe.

"Ahhhhh!!!! Itigil mo! Baka hulihin ako ng pulis. Child Abuse my God ang hari makukulong." malakas na sigaw ni Jan Carl. Saka ito tumayp at lahat zero placard ay tinaas nito.

"Hahaha!" tawanan ng lahat na paniwalang-paniwala na hindi naniniwala si Jan Carl sa edad na sinabi ni Astraea kanina.

"Zero kami lahat para sayo. Ligwak ka na! Lumayas ka sa entablado." sabi ni Jan Carl na ikinatawa ng lahat kahit ni Elis dahil halatang problemado si Jan Carl na tila may giyera.

"Gusto mo ihinto ko?" nang-aakit na sabi ni Astraea.

Napailing naman si Hades dahil dati pa ganoon na makipag-usap si Hestia kay Jan Carl kaya nga nauto ito ni Astraea o nalinlang

"Oo dahil bawal bata dito sa event, at baka makulong ang hari." sabi ni Jan Carl na ikinatawa lalo ng lahat.

"Okay, kanta ka." sabi ni Astraea na ikinalunok ni Jan Carl sa paglalaro ni Astraea sa kanya.

Nailapag ni Jan Carl ang lahat ng 0% sa harapan ni Hades habang nakatitig si Jan Carl kay Astraea.

Napangisi naman si Hades sabay tingin kay Elis na halatang ninamnam nito ang oras dahil tiyak gagawan iyon ng spark ni Elis para bumenta ng mabilis ang produkto nito. Nakuha pa ni Hades na ayusin sa harap niya ang lahat ng 0% na placard.

"Titigil ako kapag kumanta ka, King." malamyos na tila nang-aakit na sabi ni Astraea habang nilalaro ng daliri ng dalaga ang tali ng roba nito na para kay Jan Carl sexy iyon tingnan.

"Matagal pa ba?" sabi ni Elis na ikinangiti ni Astraea.

"Naiinip na si Miss Elis, kaya gagawin ko na. Road to my dream to be a supermodel." sabi ni Astraea at akmang ilaladad nito ang roba niya ng biglang kumanta si Jan Carl na ikinatingin ng mga pinsan nito sa isa't isa.

Lost In Space by Lighthouse Family

Jan Carl : Sometimes I get tired of this me-first attitude

You are the one thing that keeps me smiling

Napatitig si Astraea kay Jan Carl ng kumanta ito na ikinatahimik ng lahat.

Jan Carl : That's why I'm always wishing hard for you

Napatingin si Elis kay Jan Carl, alam niyang mahilig kumanta ang grupo nila Aj mula pa sa mga lolo nito. Kaya nga lalo sumikat ang grupo dahil lahat sa kanila magaling kumanta at hindi malabong nag-aral ang hari kumanta dahil halata iyon sa boses nito.

"Ayos ha." sabi ni Hades sa isip ng mauto na naman ni Astraea si Jan Carl

Jan Carl : 'Cause your light shines so bright

I don't feel no solitude

You are my first star at night

"Nakikita mo iyan, marunong siya isa sa passes mo para makapasok ka sa grupo dapat marunong ka kumanta hindi man kagandahan ang boses basta nakakasabay ka tulad niya." sabi ni Eye

"Marunong ka ba?" sabi ni Gill na ikinangiti ni Eye.

"Kahit sa kama kumakanta ako." natawang sabi ni Eye na ikinangiti ni Gill.

Jan Carl : I'd be lost in space without you

And I'll never lose my faith in you

How will I ever get to heaven, if I do?

Napakunot noo si Elis ng may biglang nag humming at sa paglingon niya ng pasimple napangisi siya ng mahinang sumasabay si Hades sa pagkanta at maganda ang boses nito na hindi halata sa binata dahil malaking tao ito.

"Napanood ko ang kasal ni Luna sa tv ng exclusive itong kinunan ng HBN at lahat ay natuwa. Mataas ang rating nun at ganoon sila kalakas sa bansa." sabi ni Elis sa isip habang pinapakinggan ang humming ni Hades ng biglang mahinang sumabay ito sa pagkanta ni Jan Carl.

Jan Carl/ Hades : Feels, just so fine

When we touch the sky me and you

This is my idea of heaven

Why can't it always be so good?

But it's all right, I know you're out there

Nanatiling nakatingin si Astraea kay Jan Carl saka ito napangiti na ikinangiti ni Jan Carl kaya natahimik ang lahat lalo sa ngitiang iyon.

Napangisi naman si Eye sa reaksyon ng mga tao, dahil sarado sa lahat ang relasyon o pakikipagrelasyon ng grupo sa kahit na sino pero siya alam niya ang naganap sa EL Casa dahil kay Uno pero ahindi lahat dahil pinatahimik si Uno kasabay ng umiwas ito sa kanya.

Jan Carl : Doing what you've gotta do

You are my soul satellite

I'd be lost in space without you

And I'll never lose my faith in you

"Masaya siguro maging reyna nila, ang maging asawa ni Aj." napangiting sabi ni Elis sa isip.

Jan Carl : How will I ever get to heaven, if I do

And I'll never lose my faith in you

Napangiti ang lahat ng sabayan ni astraea ang pagkanta ni Jan Carl kahit patapos na ito.

Jan Carl /Astraea : How will I ever get to heaven, if I do

And I'll never lose my faith in you

And I'll never lose my faith in you

And I'll never lose my faith in you

And I'll never lose my faith in you

"I'll never lose my faith in you." pagtatapos na kanta ng dalawa na ikinalapit ni Jan Carl sa dalaga.

"Hindi ka puwede bata, bawal ka dito." sabi ni Jan Carl saka nito kinuha ang tali ng roba ni Astraea at binuhol iyon ng mahigpit na ikinangiti ng mga tao.

...............

"Astraea Valiente, binansagan bilang Quennie ng El Casa siya ang sinasabing dahilan ng pagkawala ng kaharian niya." sabi ni Eye kay Gill.

"Bakit tingin mo?" sabi ni Gill habang mahinang nag-uusap ang dalawa habang nanonood sa nagaganap.

"Dahil ang El Casa ang mata ng lahat sa grupo. Lahat ng kaaway nila." sabi ni Eye saka nito itinutok ang camera kay Hades at Elis na magkatabi sa upuan.

"At ang Emperio ay binuwag dahil lahat ng hari doon ay gagawa ng sari-sarili nilang kaharian." sabi ni Eye habang nakatutok ang camera ay Hades.

"Kaya ni Hades kinuha ang NLC?" sabi ni Gill.

"Tama, posible at malalaman natin ang sagot kay Elis dahil siya ang babaeng hindi magpapatalo kaya siguro gumawa siya ng alas para hindi maitsapwera at mawala sa katungkulan bilang reyna ng NLC." sabi ni Eye.

"Alas? Isang anak? Anak ni Hades?" kunot noo na tanong ni Gill na ikinangisi ni Eye.

"Posible pero posibleng anak mismo ng hari ng grupo." sabi ni Eye.

"Nobyo ni Elis si Amon dati." sabi ni Gill.

"Dati pero sabi ko nga mautak si Elis tulad ng lolo at mama niya na isang sampid ng mag Nicolas." sabi ni Eye.

"So kay Aj na anak." sabi ni Gill na ikinangiti ni Eye.

"Malalaman natin, kapag nilabas ko ang baraha ko para i-trigger si Elis na magpaputok ng baril." makahulugang sabi niEye na ikinangiti ni Gill.

"Kailan naman iyan?" sabi ni Gill.

"Bigyan mo ako ng isang buwan dahil kukunin ko muna ang talent fee ko." pilyang sabi ni Gill.

"Loka ka talaga," sabi ni Gill.

"Sayang ang effort ko sa gagawin ko mamaya at sa ipapasuot sa akin ng babaeng iyan. Sayang din ang perang iyon." sabi ni Eye na ikinatawa ng mahina ng dalawa.

"Excuse Miss Hamilton, kayo na daw po." sabi ng tauhan ni Elis na agad na pasimpleng tinago ni Eye ang digicam nito at ikinatigil sa pagtawa ng dalawa.

"Okay." sabi ni Eye saka ito tumayo.

"Go ghurl." sabi ni Gill na ikinangiti ni Eye.

"Ang susunod na aplikante ay si Miss Eye Hamilton." sabi ng host na ikinatahimik ng lahat dahil kilala ng lahat ang reporter at hindi nila inaasahan na papatusin nito ang offer.

Sa pagbungad ni Eye sa stage sumeryoso ito na ikinatitig ng mga judge dito at ni Hades.

Nang makita ni Eye ang atensyon ng lahat na nakatutok sa kanya nagsimula itong rumampa na ikinakunot noo ni Elis dahil maganda maglakad si Eye kakaiba ito maglakad.

"Nag-attempt siya pumasok sa Beauty pageant dati kaso hindi siya nakalusot. Ang alam ko nakapag-aral siya ng modelling sa isang beauty pageant expert agency." bulong ni Hades na ikinatingin ni Elis dito.

"Close kayo?" napangising sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades habang nakatitig kay Eye.

"Ex iyan ni Uno, kaso hindi naman umaamin si Uno na naging sila ni Eye. Naging fling ni Aidan at ng iba sa grupo." sabi ni Hades sabay tingin kay Elis.

"Mag-ingat ka sa kanya, hindi mo siya puwede piliin dahil delikado tayo." sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis.

"Ang sabi ko huwag kang makikialam sa trabaho ko." sabi ni Elis sa mahinang tono.

"Elis palitan mo ang pangalan mo ng Ekis. Kung ikaw si Elis siya si Ekis. Big X okay?" sabi ni Hades saka ito tumayo pero akmang aalis ito ng mapasinghap ang lahat ng hawiin ni Eye ang suot nitong damit na ikinalantad ng katawan nito.

Napangisi si Elis ng makita ng mabilis na mata niya ang tila gift wrapper lang kung hawiin ni Eye ang damit nito kanina at hindi niya iyon inaasahan dahil nadala nito ang awra ng mukha at ang poise ng katawan sa ganoong pakulo na tila nasa malaking entablado ito ng isang pageant o modelling gig.

"Whoahhh!" sabi ni Hades saka ito napaupo muli.

Napatitig si Elis kay Eye. Nakabody paint lamang si Eye na kakulay ng skin nito kaya isang ilusyon ang lumalabas kung nakadamit ito pero tingin ni Elis totally walang saplot si Eye habang rumarampa.

Mabilis naman na nagtaas ng 100% ang tatlong Prinsipe .

Napatigil naman si Jan Carl ng marinig ang singhap ng lahat at sa paglingon nito at ni Astraea napalunok si Astraea dahil kahit nakabody paint si Eye maaaninag ang kabuuang katawan nito.

"Hot chick." sabi ni Jan Carl na ikinatingin ni Astraea dito ng mabitawan ni Jan Carl ang kamay niya.

Sa pagkatitig ni Astraea nakita niya ang kinang sa mga mata ni Jan Carl kaya nakaramdam siya ng kung ano at sa hindi malaman kadahilanan may biglang pumasok sa isip niya.

"Mas hot ako diyan."malakas na sabi ni Astraea sabay tanggal ng roba nito na ikinatingin ng lahat sa exit door.

"Ahahhh!" sigaw ni Jan Carl ng proud na ibalandra ni Astraea ang katawan nito sa net nitong suot na bumalik at naglakad na tila nagmomodelo ito.

"Ohhhh!" hiyawan ng tatlong Prinsipe na ikinamula ng mukha ni Jan Carl sa galit saka ito mabilis na hinila si Astraea at niyakap para ikubli ito.

"Oh! shit sayang." napangising sabi ni Eye ng hindi niya nakuhanan ang eksena dahil mabilis lang iyon at dahil nasa entablado siya.

"Mas hot ako doon, lolo." mahinang sabi ni Astraea na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl ng maramdaman ang pagluha ni Astraea kasabay ng paghikbi nito habang yakap niya ito.

"Iuuwi na kita." sabi ni Jan Carl saka nito payakap na inilabas si Astraea sa kuwartong iyon habang ang suot nitong Americana ay nakayakap sa dalaga habang suot ito ng binata.

Napangisi naman si Elis sa nakitang eksena.

"Parang anak lang." sarkastikong sabi ni Elis ng maikubli ni Jan Carl si Astraea sa loob ng Amerikana nito na tila baby lang.

"Patay siya." napangising sabi ni Hades at sa hindi sinasadya naitaas nito ang placard ng katabing Prinsipe na itinaas ng Prinsipe kanina.

"Ohhhh!" sigawan ng lahat ng ikinagulat ni Hades at Elis sa hiyawan.

Napatingin si Hades sa placard na ikinatiim ng bagang ni Elis.

"Aayaw-ayaw ka pa kanina. Manyak ka rin talaga." sabi ni Elis na ikinanlaki ng mga mata ni Hades dahil hindi niya intensyon na itaas ang 100%.

"Kung sinusuwerte ka nga naman," sabi ni Eye sa isip dahil alam niyang 0% ang itataas ni Hades na placard na ginamit ni Jan Carl kanina kay Astraea na nailapag ni Jan Carl sa harap ni Hades kaso ibang placard ang nakuha nito kundi sa katabi nitong Prinsipe na kakaangat lang ng 100%.

Napatingin si Hades kay Eye na ikinakunot noo ng binata ng makita ang pagngisi ni Eye.

"Magtatrabaho na tayo Eye at gagalingan natin para sa ekonomiya ng HBN." sabi pa ni Eye sa isip ng maramdaman ang nalalapit na pagtaas ng rating ng HBN.

...............

Helipad, NLC Makati

"King, handa na po." sabi ni Panda kay Jan Carl na ikinangisi ni Astraea habang nakasuot na sa kanya ang americana ni Jan Carl na isinuot nito sa kanya habang nasa elevator sila papuntang helipad.

"Okay." sabi ni Jan Carl pero nagulat ito at si Panda ng biglang lumusot si Astraea sa pagkakaakbay ni Jan Carl at mabilis itong sumakay sa chopper.

"Astraea!" sigaw ni Jan Carl ng maliksing isinara ni Astraea ang pintuan ng chopper.

Napatingin si Astraea saka ito napangiti.

"Ito ang bayad mo sa panggugulo mo sa pag-aapply ko kanina kaya hindi ako napili." sabi ni Astraea habang binuksan na nito ang makina ng chopper.

"Ihinto mo at baka bumagsak ang chopper at mamatay ka." sabi ni Jan Carl na halata ang pag-aalala sa mukha at boses.

"Malaya ako, at ang sabi ng lolo Orion ko, ng Papa ko at ng Kuya ko. Malaya ako, at walang sinuman ang magpapabagsak sa akin kahit ano, kahit sino dahil.... matapang ako. Dahil...

....natalo ko ang hari na tulad nila. Matapang ako, na wala kahit sino ang muling mananakit sa akin kahit na malaya ako." nakangiting sabi ni Astraea saka nito pinalipad ang chopper na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl.

"Malaya ka? Wala silang pakialam sayo dahil alam nilang kaya mo ako." sabi ni Jan Carl sa isip habang nakatingin sa chopper niya na nasa himpapawid na.

Napangiti si Astraea ng mapalipad niya ang chopper ng biglang may naisip ito.

"Astraea!!!!"sigaw ni Jan Carl ng pababa ang pagpapalipad ni Astraea ng chopper na tila babagsak iyon.

"Hahaha! Malaya ako hangga't wala akong haring nahahanap tulad nila lolo, ni Papa at ni kuya." sabi ni Astraea saka nito pinataas ang lipad ng chopper.

"Ohh Fuck!" galit na sigaw ni Jan Carl na tila siya mamamatay sa inaakalang babagsak ang chopper na ngayon maganda ng lumilipad.

"Bugbog nila ako, hulog nila ako sa bus. Samahan mo ako sa C-Tower. Gusto ko na umuwi." lumuluhang sabi ng batang Astraea na umaalingawngaw sa isip ni Jan Carl.

"Uuwi na tayo. Oh Fuck. Uuwi na tayo. Iuuwi na kita!" galit na sigaw ni Jan Carl sa papalayong chopper hanggang tuluyan maglaho sa mga mata niya.

.................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

................

February 12, 2023 6.54pm'

Fifth Street

Good night 

5 Updates done Chap 14-18

Vote naman sa mga silent reader diyan.

Paki-Follow niyo na rin WattPad, YT, FB Page at Tiktok ng  Rose Chua Novels

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top