Kabanata 17 : Paghinto
Kabanata 17 : Paghinto
NLC, Makati
"Nakita mo, si Elis ang taong tumutugma sa kaharap niya. Pero kung hindi aabot sa level ng standards niya ang kausap niya malamang sinabon na niya ito." sabi ni Eye kay Gill sa mahinang tono.
"So hindi ako pasok sa standards niya? Dahil iba niya ako kausapin kanina." sabi ni Gill na napataas ang kilay.
"Puwedeng oo pero puwedeng hindi." sabi ni Eye.
....................
"Okay mauna ka rumampa at ipakita mo sa lahat na ang talas ng dila mo ay may katuturan kaysa naman puro ka lang talk wala ka naman silbi. Or nonsense ang sinasabi mo hindi tugma sa kayabangan at kaartehan mo." mataray na sabi ni Lisica kay Elis na ikinabutil ng pawis ng mga empleyado ni Elis dahil panigurado sila ang masasabon mamaya and worst may matatanggal na empleyado.
"Sure." sabi ni Elis saka nito tiningnan ang lahat.
..................
"Nasaan sila?" sabi ni Hades ng makarating sa gusali ng NLC Makati
"Chairman nasa 16th floor po ang kuwarto ng para modelo." sabi ni Gelai.
"Okay." sabi ni Hades saka sumakay ang mga ito ng private elevator.
................
"Hindi ako mamamahala ng isang top one lingerie business sa bansa kung hindi ko alam ang salitang modelling at hindi ko alam ang paggamit nito." sabi ni Elis ng nasa stage na ito habang nakatutok ang lahat dito.
"Hindi ako gumagawa ng produkto na hindi ko sinusuportahan. Hindi ako ang negosyanteng inuuna ang ibang produkto suutin bago ang akin. Kaya ako nasa unahan at nasa tuktok dahil ako mismo ang gumagawa at nagsasabing maganda ang produkto ng NLC." sabi ni Elis ng mapasinghap ang lahat ng maghubad ng dress na suot nito si Elis.
Samantalang saktong pagbukas ng pintuan ni Hades nakita nito ang ginawa ni Elis.
Nakasuot lamang ang dalaga ng produkto ng NLC isang nakakaakit na panloob. Kulay itim iyon at tumugma at bumagay iyon sa seksing katawan ni Elis.
"Ako si Elizabeth Nicolas Samo, isang negosyante, isang modelo at isang tunay na nagsasabi ng tapat sa aking produkto." sabi ni Elis saka nito sumenyas na ikinapailanlang ng tugtog sa pagrampa.
"Oh Shit." napamurang sabi ni Hades ng magsimulang rumampa si Elis sa kakapiranggot na suot nito.
Napalunok si Lisica ng makita ang magandang katawan ni Elis at ang pagrampa nito ay halatang marunong nga ito magmodelo.
Nadala ni Elis ang sarili sa paraan na hindi ito bastusin tingnan kahit na nga ba ang suot nito ay tila tumatakip na lamang sa nipples at sa tatsulok nito. T-back style kasi ang pang-ibabang saplot ni Elis at ang bra nitong suot ay string lamang na tanging maliit na tela ang tumatakip sa nipples nito.
"Wala na siyang saplot, pero ang galing marunong nga. May ipagyayabang at kaya naman pala maarte." mahinang sabi ni Gill kay Eye na tila tinayuan siya sa modelling performance ni Elis pero kahit ganoon, class ito tingnan.
"Huh! Ganyan ang hinahanap niya sa modelo niya. Liberated look pero may class. Iyong tipong maaakit ka pero hindi ka babastusin." napangising sabi ni Eye na napahanga sa ginagawa ni Elis na pagrampa na halatang laman ito ng mga prestihiyosong ginaganap sa pagmomodelo o mga sikat na stage modelling.
"May ibubuga nga." sabi ni Hades na napangiti dahil kahit kakapiranggot ang suot ni Elis kakaiba ito sa entablado ang mukha kasi ng dalaga ay tila sa ganap na modelo. Magaling ang portrayal at face reaction ni Elis.
Naglakad si Hades sa loob ng kuwarto at nagtungo ito sa mahabang mesa ng biglang mapakunot noo ito ng makita ang tatlong lalaki na namumukhaan niyang mga pinsan ni Jan carl dahil madalas ang mga ito sa El Casa dati.
"Ayos ha." sabi ni Hades sabay upo sa silya na ikinatingin ng tatlong lalaki dito.
"Judge kami." nakangiting sabi ng isang lalaki na ikinangisi ni Hades sabay tingin kay Elis.
Napatingin naman si Elis sa harapan habang rumarampa ito, at napangiti ang dalaga ng makita si Hades na nakaupo na sa upuan niya kaya naman lalo niyang ginanahan rumampa na ikinangisi ni Hades habang nakatitig kay Elis.
"Wow! Kaya ko iyan!" sigaw ni Astraea na ikinahinto ni Elis pero may poise pa rin itong huminto na ikinangiti ng lahat sa pinakitang husay ni Elis sa pagrampa at pagdadala ng produkto nito.
"Bibili ako niyan, pag-iipunan ko." sabi ng isang empleyado ng makita ang ganda ng kakapiranggot na saplot ni Elis na halatang mamahalin iyon.
"Miss Elis, kaya ko din iyan." masayang sabi ni Astraea na ikinatingin ni Hades sa pinsan dahil nakaroba lang ito at sigurado siya may bomba sa loob nun na ikakalagot niya sa mga lolo nila dahil kompanya niya ang NLC.
"Okay, pero si Miss Lisica muna para naman maipakita niya ang yabang niya." sabi ni Elis na napangiti pa.
Napatingin si Hades kay Lisica nakabalot ang pinsan na nakasuot ng jacket at mahabang palda dahil kakauwi lang nito galing kumbento na nasa Spain pa.
Napatingin si Astraea kay Lisica, dahil hindi alam ng lahat palaban ito mala-lola Emerald nila. At sa kanilang magpipinsan ito ang gumagawa ng bagay na hindi mo aakalain na hindi makakaya ng isang tao.
"Okay." sabi ni Lisica na ikinanlaki ng mga mata ni Hades ng ngumiti si Lisica ng kakaiba dahil ginagawa lamang ito ng pinsan nila kapag may kalokohan ito tulad na lang ng pagsunod nito sa paring kapatid nito na inakit ni Lisica.
"Ayyy! Huwag na ako na lang." sabi ni Astraea.
"Hindi ako umuurong. Kaya papakitaan ko ito, hawakan mo ang mamahalin kong bag." mataray na sabi ni Lisica saka ito umakyat ng stage na ikinangisi ni Elis.
"Asar! Sandali lang." sabi ni Astraea sa isip ng hindi niya maawat si Lisica kaya mabilis nito kinalkal ang bag ni Lisica at ng makita ang pakay kinuha iyon saka ito nagdial.
"Sandali, galing kasi akong Spain malamig doon ngayon kaya alam mo na kailangan ko ng mamahaling damit na poprotekta sa maganda kong balat." mataray na sabi ni Lisica na ikinapigil ng tawa ng lahat at ikinataas ng kilay ni Eye at ikinangisi naman ni Elis.
Napailing naman si Hades ng gayahin ni Lisica ang kaartehan ni Elis na hindi naman OA dahil mataray talaga si Lisica at ito ang pinakamaldita sa mga pinsan niyang babae.
"Okay lang sayo, ilalapag ko lang sa mumurahing sahig na ito ang damit ko. Eww." sabi ni Lisica kay Elis na ikainatawa ng mga tao sa lugar na iyon.
"Ilapag mo, huwag kang mag-alala mas malinis pa iyan sa damit mo." sabi ni Elis na ikinangisi ni Lisica.
"Ganoon ba? Magdamit ka muna kasi nakikita ang buto mo." sabi ni Lisica na ikinatahimik ng lahat.
Napangiti si Elis saka nito kinuha ang dress at sinuot iyon na ikinataas ng kilay ni Lisica. Nang maisuot ang dress ni Elis napangiti si Lisica saka muling nagsalita.
"Iyan nakadamit ka na, dapat lang iyan baka kasi ma-insecure ka sa katawan ko kapag nilantad ko na." sabi ni Lisica saka ito nagsimulang maghubad ng jacket nitong suot kasunod ang polo at natawa ang lahat ng may dalawang t-shirt pang suot si Lisica.
"Hahaha! Ang init niyan mabuti hindi bumula ang kili-kili niya." sabi ng isang kasamahan ng aplikante.
"Wait ha! Kasi sabi nga nila ang natural na ganda tinatago ng sa ganoon walang inggit na magaganap." sabi ni Lisica na ikinamula ng mukha ng nagsalita kanina sa pagkapahiya.
Nang maihubad ni Lisica ang damit nito may sando pa itong suot na ikinangiti ni Elis dahil mamahalin ang lahat ng suot ni Lisica at ang sando nito libo ang halaga.
"Ito ang katawang mula sa Maykapal. Natural at huwag niyong kainggitan." malamyos na sabi ni Lisica saka nito hinubad ang sando na ikinasinghap ng lahat ng tumambad ang magandang hubog ng upper body ni Lisica dahil gifted ito at mukhang fresh ang itsura ng dalaga at higit sa lahat maganda ang pagkaka-abs ng tiyan nito.
"Tssss! Ako si Lisica Valiente Lopez Ysmael, isang international model, haciendera, at ang Prinsesa ng Heather Island." Maarte at mataray na sabi ni Lisica saka ito nagsimula rumampa habang nakasuot ito ng mahabang skirt na ikinangisi ni Elis dahil kahit upper body lang ang lantad kay Lisica narampa nito ang damit. Ang style na iyon ay nakikita at napapanood ni Elis sa mga modelling gig na dinadaluhan niya. Bra at mahabang skirt with flat shoes.
"International model siya... sa Spain." mahinang sabi ni Hades ng umupo si Elis ng bahagya sa mesa at tumapat ito sa kanya habang pinapanood si Lisica sa pagrampa sa stage.
"Alam ko." sabi ni Elis.
"Hindi mo iyan makukuha." sabi ni Hades.
"Alam ko." sabi ni Elis.
"Itigil mo na dahil sayang ang oras mo. Hindi ba time is gold sayo." sabi ni Hades.
"Tingnan natin kung tatanggalin niya ang pang-ibaba." nakangising sabi ni Elis na ikinailing ni Hades sabay tingin ng binata kay Astraea na may kausap sa phone.
"Hindi niya tatanggalin iyan." sabi ni Hades at ilang sandali pa nagsalita si Astraea.
"Lisica, kakausapin ka ni father." sabi ni Astraea na ikinahinto ni Lisica sa pagrampa.
"Lagot ka."sabi ni Astraea na ikinamadali ni Lisica saka nito kinuha ang lahat ng damit sa lapag at bumaba ng stage.
"Akin na." sabi ni Lisica saka nito hinatak ang cellphone kay Astraea at hindi na nagawang pansinin ni Lisica ang lahat.
..................
"Lisica Ysmael, isang kuwento na naman. Hay naku Gil kapag nakapasok ako sa grupo nila o magkaroon lang ako ng isang tulay tiyak ko ang station ko ay aangat." sabi ni Eye kay Gil.
"Kaya magpokos ka sa kung sino ang gagamitin mong tulay" sabi ni Gill.
"Mamaya may tulay na akong makukuha." napangiting sabi ni Eye sabay pokos ng cellphone na nakavideo kay Elis habang nakaupo ito sa mahabang mesa at nasa likuran nito si Hades na binubulungan si Elis.
...................
"I told you, hindi mo siya makukuha." bulong ni Hades kay Elis.
Napatingin si Elis sa binata saka ito tumayo mula sa pagkakaupo sa mesa at nagtungo sa harapan ni Hades.
"Excuse me may trabaho ako." sabi ni Elis kay Hades.
"Ako ang may-ari kaya kailangan ko makita ang pipiliin MO." sabi ni Hades saka nito senenyasan ang tauhan para pakuhanin ng isang upuan para kay Elis.
"Huwag kang makikialam." sabi ni Elis ng mabilis na maibigay ang upuan sa kanya ng tauhan niya.
"Of course, titingnan ko lang kung paano ka magtrabaho." sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis saka ito umupo katabi ni Hades.
"Madame, nandiyan na po iyong hinihintay niyo." bulong ni Claire na ikinangiti ni Elis.
"Okay, papasukin mo at kumuha kayo ng isa pang upuan dito sa tabi ko." sabi ni Elis.
"Sino ang hinihintay mo?" sabi ni Hades.
"Ang special judge ng modelling event ko." sabi ni Elis at ilang sandali pa ng pumasok si Jan Carl na ikinakunot noo ni Hades.
"Sorry I'm late." sabi ni Jan Carl na mabilis tiningnan ang paligid at ng matuon sa mesa napangiti ito dahil placard ang ginagamit na tila nasa Casa ka lang. Napangisi pa si Jan Carl dahil nalaman niya mula sa tauhan na nakapirma ang tatlong pinsan niya bilang judge sa NLC sa araw na iyon.
"Okay lang. Maupo ka King Canmore." sabi ni Elis.
"Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto dahil ang event ko talagang may mga Prinsipe at totoong hari at may isang..." sabi ni Elis sa isip sabay tingin kay Hades.
"Bakit?" sabi ni Hades kay Elis.
"Kasama ko ay mga totoong Prinsipe at totoong hari plus.... hari ng kadiliman si King Hades." sabi ni Elis na ikinangisi ni Hades.
"Oo at may fake na reyna si Heiress Elizabeth." sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis dahil totoong kay Queen Elizabeth sinunod ang pangalan niya dahil nga ang sabi ng mama niya siya ang magiging Reyna ng NLC kaso sumulpot ang peke niyang pinsan.
...............
"Miss Valiente kayo na po." sabi ng tauhan ni Elis kay Astraea.
"Ako na? Sige sige." excited na sabi ni Astraea.
Samantalang pagkaupo ni Jan Carl hindi na ito nagsalita at seryosong nakatunghay sa stage habang ang tatlong pinsan nito ay nagkatinginan at nagkangitian.
"Kapag tinawag ka na pumuwesto ka na agad kasi mainipin si Madame." sabi ng tauhan kay Astraea.
"Oo, alam ko iyon." sabi ni Astraea sabay lingon kay Lisica na nagdadamit na habang kausap nito ang tinawagan niya.
..................
"Oh shit, lobat." sabi naman ni Eye ng malobat ang cellphone niya.
"Itong akin na lang." sabi ni Gill kaso sa pagbukas nito ng cellphone namatay iyon.
"Lobat ka rin?" sabi ni Elis.
"Hindi full bat ito." sabi ni Gil na nagtaka.
"Aissst! Dukha ka palitan muna ang cp mo." sabi ni Elis.
"Uy, bago ito pero ayaw mabuksan." sabi ni Gill ng subukan buksan ang cellphone nitio.
.......................
Infinity Island.
"Nahack mo?" nakangiting tanong ni Aj sa kausap sa cellphone.
"Opo, tatay Aj okay na po." sabi ni Maho na ikinangiti ni Aj habang nasa balcony ang dalawa at nakaharap sa laptop.
Napatingin naman si Hestia kay Aj nasa kanila si Maho, hiniram ni Aj kay Numa at hindi alam ni Burn. Hindi naman siya against sa bata dahil may anak-anakan din sila ni Aj si Laurent na nasa Heather Island.
"Tita Hestia, nahack ko po." sabi ni Maho na ikinangiti ni Hestia.
Napatingin si Aj kay Hestia saka ito napangaiting nagsalita.
"Halika, samahan natin si Maho mamaya kukunin na siya nila Papa." sabi ni Aj na ikinangiti ni Hestia.
"May sakit ka po ba tita?" tanong ni Maho ng ngumingiti lang si Hestia.
"Wala." sabi ni Hestia na tila matamlay kahit nakangiti ito.
"Ayaw mo ako nandito? Istorbo po ba ako?" sabi ni Maho na ikinangiti ni Hestia dahil cute si Maho at bibo ito na kahit sino magugustuhan ito.
Lumapit si Hestia saka nito kinandong si Maho habang katabi ito ni Aj na kaharap ang laptop
"Hindi naman at hindi rin ako nagseselos sa bata. Kahit na marami kayo dito sa bahay na mga bata na tulad mo okay lang. Tatanggapin ko kahit sinong bata." sabi ni Hestia na ikinatingin ni AJ kay Hestia.
"Kahit sino po?" sabi ni Maho.
"Oo kasi ang totoong reyna ay mabait sa mga bata dahil ang mga bata ay mga anghel na tutulong sa reyna para maging masaya." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Maho.
"Yakap nga po tita." sabi ni Maho sabay yakap kay Hestia.
"Hmmmmn. Namimis ko tuloy si Laurent." napangiting sabi ni Hestia ng yakapin ng mahigpit si Maho na ikinangiti ni Aj.
"Tita, napatay ko ang signal sa NLC Tower Makati." sabi ni Maho na ikinatingin ni Hestia kay Aj.
"Naroroon si Astraea at Lisica mahirap na." sabi ni Aj na ikinangiti ni Hestia sabay yakap ng isang kamay kay Aj.
"May tiwala ako sayo, hindi na ako lalayo at hindi ko na gagawin ang iwan. Pakikinggan na kita at uunawain." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj sabay yakap kay Hestia.
"Salamat." sabi ni Aj na ikinahingang malalim ni Hestia ng yakapin siya ni AJ.
................
(Images are not mine, credit to the owner.)
para sa kaunting tulong at suporta.
Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.
gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua
February 12, 2023 6.24pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top