Kabanata 16 : Modelo

Kabanata 16 : Modelo

Infinity Island


"Don, nasa NLC si Maam Astraea." sabi ng tauhan ni Aj.

"Hayaan mo siya." sabi ni AJ habang tinitingnan ang report ng project ni Elis na nahack niya mula sa system ng kompanya nito.

"Don, walang damit ang irarampa niya." sabi muli ng tauhan.

"Hahaha! Hindi ko naging problema kailanman si Astraea. Kaya niya ang sarili niya at huwag kang mag-alala maghuhubad pa lang siya may tataklob na sa kanya." natawang sabi ni Aj saka nito ipinakita ang laptop sa tauhan na ikinangiti ng tauhan nito.

"Nasa bansa si Jan Carl, dahil dala niya ang kanang kamay niya. Pero sa paglapag niya hindi niya magagawa ang plano niya dahil ang kapatid kong si Astraea ang pipigil sa balak niya na... lagi naman. Hahaha!" sabi ni Aj.

"Ang galing niya mag-isip, tao ang sandata niya." sabi ng tauhan ni Aj sa isip. Dahil kahit kalaban ni AJ si Jan Carl nakukuha pa rin ni AJ pumasok sa teritoryo ng kalaban nito na hindi napapahamak.

"Ang gawin mo, papuntahan mo si Katara habang walang tao sa palasyo at dalhin mo sa Stem. Tingnan natin kung hindi bumalik ng nagkukumahog ang kanang kamay ni Jan Carl." sabi ni Aj.

"Yes Don." sabi ng tauhan na ikinangiti ni AJ.

"After mo gawin, magbakasyon ka muna iwan niyo kami ni Hestia dito." sabi ni Aj na ikinangiti ng tauhan saka ito umalis.

..........................

NLC Makati


"Ahhhhh!"
malakas na sigaw ni Lisica ng ipasilip ni Astraea ang suot nito sa loob ng bathrobe na satin na suot nito.

"Hahahaha! Sexy di ba?" sabi ni Astraea ng matawa sa reaksyon ni Lisica na tila nakakita ng demonyo sa loob ng bathrobe niya.

"Diyos ko Lord magkakasala na naman po ako. Bakit ka nakabold?" sabi ni Lisica sa mahinang tinig ng masilip na net lang ang suot ni Astraea sa loob ng satin robe nito.

"Hahaha! Para intense unang salpak pak na pak." natawang sabi ni Astraea na ikina-sign of the cross ni Lisica sa kahalayan ng pinsan niya na ang akala niya kanina maikssing shorts at tube ang suot nito na madalas na suot ng escort ng El Casa.

Napatingin naman ang lahat sa dalawa pati si Eye na ikinangisi nito.

"Mukhang palaban." sabi ni Gill ng sumigaw si Lisica ng silipin nito ang suot ni Astraea na hindi nila alam kung ano pero sa tili ni Lisica na alam nilang madre sigurado sila ni Eye na kakaiba iyon

"Sabi ko nga akong bahala." nakangiting sabi ni Eye na hindi kinabakasan ng takot o pangamba.

...................

Canmore Palace

"Maiwan ka muna." sabi ni Jan Carl na ikinatango ng kanang kamay nito.

"Okay." sagot ng lalaki.

"Pag-aralan mo ang ibinigay ko sayo habang wala ako." sabi ni Jan Carl.

"Sige." sagot muli ng lalaki.

"King, nagsisimula na daw po." sabi ni Panda.


"Aalis na tayo."
sabi ni Jan Carl at nagmamadali itong sumakay muli ng chopper.

"Huh! Sa chopper talaga sumakay." sabi ng kanang kamay ni Jan Carl ng makaalis ang chopper ng hari.

............................

One Hour later

"Malapit na ako." sabi ni Astraea na hindi niya inaasahan na mabilis lang ang lahat. Hindi kasi pinapatapos ni Elis ang mga modelo kapag hindi nito trip at halatang istrikto nga ito.

Napatingin naman si Elis sa mga natitira na bumaba ng bente. Tatagalan niya sana kaso ayaw niya talaga ng maaksaya ng oras lahat kasi ng mga nauna hindi niya trip at naiirita siya kapag pinapanood ang ayaw niya. Ganoon kasi siya walang pasikot-sikot kapag ayaw niya ayaw niya.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" sabi ni Lisica kay Astraea.



"Oo, pero nawiwiwi ako. Dito ka lang at babalik ako agad. Mga sampu mahigit pa naman bago ako."
sabi ni Astraea.

"Iiwan mo ako dito?" sabi ni Lisica na nakaramdam ng kaba.

"Wala naman gagalaw sayo dito at saka may mga kasama ka na hindi rin rarampa kumbaga mga alipores din." sabi ni Astraea na halatang excited ito iyon nga lang naiihi ito.

"Okay sige. Bilisan mo ha." sabi ni Lisica

"Oo." sabi ni Astraea.

................

Helipad, NLC Makati

"King, nasa restroom daw." sabi ni Panda na ikinangisi ni Jan Carl.

"Okay, sunduin mo iyong tatlo at pauwiin mo." sabi ni Jan Carl tukoy sa tatlong pinsan na lalaki.

Agad na pumunta si Jan Carl sa restroom na tinukoy ng tauhan para puntahan si Astraea.

....................

Restroom, NLC Makati

Minutes later

"Nakaihi din." sabi ni Astraea saka nito inayos ang suot matapos na mabilis na umihi.

"Nice." sabi ng tinig na ikinagulat ni Astraea.

"Ahhh!" napasigaw na reaksyon ni Astraea.

"Ano ito Casa?" inis na sabi ni Jan Carl ng makita ang suot ni Astraea sa loob ng satin robe nito.


"Bakit ka na naman nandito? Sa CR ka ba naninirahan? Ano ka tae?"
sabi ni Astraea ng hindi inaasahan na talagang sa CR sila lagi nagtatagpo ni Jan Carl.

"Magkano?" sabi ni Jan Carl na ikinamilog ng mga mata ni Astraea.



"Ano palagay mo sa akin? Huh! Mag-aapply ako ng trabaho kasi may kinuha ng tauhan sa farm at pinaalis ako nila Papa at lolo doon. Puno na daw wala ng bakante." sabi ni Astraea na ikinatingin ni Jan Carl kay Astraea dahil nangitim ang balat nito.

"And?" sabi ni Jan Carl habang pinagmamasdan ang dalaga

"Nagtatanim ako sa Green Island Jail kaso hindi ako pinapupunta doon ni Kuya kapag wala siya." sabi ni Astraea na ikinatingin ni Jan Carl sa kamay ng dalagaa na halatang malambot pa naman iyon nga lang nagbago ang kulay ni Astraea.

"Tapos?" sabi ni Jan Carl na napatitig muli sa mukha ng dalaga dahil ilang buwan niya ito hindi nakita.

"Aissst! Magmomodelo ako mamaya manood ka para may kikitain ako. Malaki kasi ang offer na talent fee." nakangiting sabi ni Astraea sabay ayos ng pagkakatali ng satin robe nito na ikinahingang malalim ni Jan Carl saka nito nilapitan ang dalaga.

"Magkano ba? Seryoso ako?" sabi ni Jan Carl sabay kuha sa tali ng roba ni Astraea at ang binata mismo ang nag-ayos sa pagkakatali ng roba.


"Secret."
sabi ni Astraea habang nakatingin sa kamay ni Jan Carl na itinatali ang roba niya.

"Magkano?" ulit ni Jan Carl na ikinatingala ni Astraea.

Napangiti si Jan Carl dahil nakaflat shoes lang ang dalaga kaya nakikita lalo ang maliit na height nito na hindi umabot sa balikat niya. Dibdib lang niya kasi ito.

"Secret." nakangiting sabi ni Astraea na ikinatitig ni Jan Carl sa dalaga.

"Ako na lang magbabayad." sabi ni Jan Carl.

"Ilang gabi?" sabi ni Astraea na ikinalunok ni Jan Carl.

"Secret." sabi ni Jan Carl na ikinangiti ni Astraea.

"Susubukan ko iyong offer ng NLC." sabi ni Astraea.

"Hindi ka matatanggap doon kasi pandak ka, kung pinapatos mo ang offer ko sure ka pa. Kasi kapag inayawan mo tapos pumunta ka doon at hindi ka napili hindi ko na ibibigay uli ang offer ko sayo." sabi ni Jan Carl.

"Okay lang." sabi ni Astraea ng biglang magulat ito ng kargahin siya ni Jan Carl at ilapat sa pader.

"Para kang baby, para kang bata kaya bawal ka doon." sabi ni Jan Carl habang iniipit nito ang katawan ni Astraea na nailapat niya sa pader ng kargahin niya ito.

"Matanda na ako at ipapakita ko sa inyo kahit maliit ako makukuha ako." sabi ni Astraea saka ito nagpumiglas na ikinabitaw ni Jan Carl.

Tumayo si Astraea ng tuwid saka ito napangiti.

"Hindi na kita peperahan kasi nagkomunyon na ako sa Spain. Bawal na ako gumawa ng mali." sabi ni Astraea na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl saka nito niyakap si Astraea na ikinasinghap ng dalaga.

"Magkano?" sabi ni Jan Carl.

"Wow! Ilang ulit niyang sinabi ang magkano? Aissst! Makulit siya pero sige okay." sabi ni Astraea sa isip.

"Ano?" sabi ni Jan Carl.


"Puso mo."
sabi ni Astraea na ikinatahimik ni Jan Carl kaya napangiti ang dalaga

"Nagtaas ang value ko. Nasa point ako ng buhay ko na gusto ko na magkababy." sabi ni Astraea na ikinangisi ni Jan Carl.

"Puwede naman anak lang pala." sabi ni Jan Carl.

"Hindi mo magets. Ang tanga mo talaga." sabi ni Astraea na ikinamula ng mukha ni Jan Carl.

"Nagsalita ang matalino." sabi ni Jan Carl.

"Aalis na ako." sabi ni Astraea at akmang magpipiglas ito ng higpitan ni Jan Carl ang pagkakayakap dito.

"Magkano nga?" inis na sabi ni Jan Carl.

"Puso mo." sabi muli ni Astraea sabay titig kay Jan Carl.

"......puso mo ang kabayaran." sumeryosong sabi ni Astraea na ikinabitaw ni Jan Carl kaya napangiti si Astraea.


"Tsss! Dukha."
sabi ni Astraea sabay tadyak sa hita ni Jan Carl na ikinagulat ng binata.

"Aray!!!" sigaw ni Jan Carl.

"Hahaha! Magmomodel ako dream ko kaya ito." sabi ni Astraea saka ito lumabas ng banyo at tumakbo palayo sa binata.


"Siraulong kutong lupa iyon dinaan na naman ako sa arte niya. Sana nag-artista na lang siya effective ang drama."
inis na sabi ni Jan Carl saka ito paikang lumabas ng banyo.

Pagkalabas ng banyo ni Jan Carl napahinto ito at pinagmasdan ang tumatakbong si Astraea pero nagulat ito ng lumingon ang dalaga.

"Maganda ang damit ko manood ka! Ako ang kauna-unahang unano na magmomodelo ng sexy expensive lingerie ng NLC!" pilyang sabi ni Astraea habang maarteng tumatakbo na ikinangisi ni Jan Carl ng makuha pa ni Astraea itaas ang likurang roba nito sa bandang puwetan na ikinakita ng makinis at matambok na puwetan nito.

"Astraea Valiente, sexy model!" maarteng sabi ni Astraea na ikinangisi pa lalo ni Jan Carl.


"Anong sexy model!? Bold Star kamo!"
sigaw ni Jan Carl na ikinatawa ng nakakaakit ni Astraea kaya napatiim ng bagang si Jan Carl sa nakakaakit at nakakatigas na tawang iyon na ikinahumaling niya sa dalaga.

"Hahaha! Stepping stone ko ito para maging artista. Isa din iyon sa pangarap ko maging Star kahit na BOLD STAR!" nakakaakit na sigaw ni Astraea.


"Langya! Mag STAR MARGARINE ka muna para tumangkad ka!"
inis na sigaw ni Jan Carl na tinapatan naman ni Astreaa na nakuha pang huminto at nilingon siya.

Napahinto si Jan Carl at napatayo ng tuwid ng lingunin siya ni Astraea.

Napangiti ng nakakaakit si Astraea saka nito tinitigan sa mata si Jan Carl.

Napalunok si Jan Carl ng makita ang susunod na gagawin ni Astraea.

Pilyang hinawakan ni Astraea ang satin robe nito at tinanggal ang tali sa nakakaakit na paraan na ikinabutil ng pawis ni Jan Carl.

Dahan-dahan ginalaw ni Astraea ang roba nito saka nito hinawi na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl ng makita ang kabuuang suot ni Astraea na net lamang.

"Ahhhh! Magtaklob ka!" inis na sigaw ni Jan Carl saka ito napatingin sa paligid kung may ibang taong nakakita.


"Hahaha! Effective di ba? Makukuha na ako."
masayang sigaw ni Astraea.


"Ako na magbabayad sayo!"
sigaw ni Jan Carl saka ito tumakbo na ikinanlaki ng mata ni Astraea kaya mabilis nitong niyakap ang katawan at tumakbo ng mabilis.

"Aray!" sabi ni Jan Carl ng sumakit ang tuhod niya sa pagtakbo na ikinatigil sa pagtakbo ni Astraea.


"Hahaha! Lolo, magpahinga ka na!"
sigaw na tumatawang sabai ni Astraea ng marinig ang aray ni Jan Carl at huminto ito sa pagtakbo.


"Lagot ka sa akin bibigyan kita ng points na Zero."
sabi ni Jan Carl.


"Hahaha! Knowing Elis hindi nun papaalisin ang tatlong Prinsipe ko. May 100points na ako kahit wala ka. Hahahaha!"
tumatawang sabi ni Astraea saka ito nawala sa paningin ni Jan Carl


"Langyang bata ito. Pinapagod ako."
sabi ni Jan Carl sabay haplos sa tuhod niya.

..................

NLC, Makati

Model Room

"Bakit hindi ikaw ang magmodel?" taas kilay na sabi ni Lisica na ikinatahimik ng lahat sa hindi inaasahang pagsagot ni Lisica.

Napangisi si Elis ng sagutin siya ni Lisica. Pinapaalis kasi niya ang lahat ng hindi kasali na aplikante dahil naaalidbadbaran siya sa mga nakikitang mga tao na sobrang dami sa kuwartong iyon.

"Miss, hindi mo ba ako nakikilala?" mataray na sabi ni Elis kay Lisica.

"Kilala, ikaw lang naman ang pekeng pinsan ng pinsan ko." napangising sabi ni Lisica na tila sinasaniban siya at nawala lahat ang ilang taon na pamamalagi niya sa kumbento para maging mabait na sugo ng Diyos dahil sa babaeng antipatika na pinapalayas sila kabilang siya.

Napangisi si Elis sa sinabi ni Lisica pero hindi siya bababa sa level na ikakapahiya niya lalo, kaya naman ngumiti siya at tumayo na ikinatingin ng lahat dito.

"Kapag nagmodel ba ako sa harapan mo... o niyo ipapakita mo rin ang angas mo sa stage. Tutal mukhang palaban ka, o kung may ibubuga ka nga?" sabi ni Elis .

Napangisi naman si Eye habang pasimpleng nakatutok ang camera ng cellphone nito sa dalawa.

"Why should I do that?" mataray na sabi ni Lisica kay Elis na ikinalunok ng mga empleyado sa matapang na pagsagot ni Lisica.

..................

"Naku nakahanap ng katapat." mahinang sabi naman ni Gill kay Eye.

"Taktika niya iyan." mahinang sabi ni Eye.

"Ano?" sabi ni Gill.

"Nakikita mo si Elis kung mapapansin mo kanina niya pa tinitingnan ang lahat at ang mata niya kanina ko pa napapansin na nakatutok ng matagal kay Lisica." mahinang sabi ni Eye.

"Trip niya, tingin mo?" sabi ni Gill.

"Puwede. Mukhang may ibubuga ang babaeng iyan. Mahinhin tingnan pero tiyak ako nasa loob ang kulo." sabi ni Eye.

"Di ba nag-aral iyan sa kumbento? Anak iyan ni Fox Ysmael ang haciendero sa Heather Island. Minsan ng pinakita sa balita ang magandang isla na siya halos lahat ang may-ari ng lupa." sabi ni Gill.

"Oo, pero hindi ka ba nagtataka kung bakit ganyan siya magsalita pero laki siya sa kumbento?" napangising sabi ni Eye.


"Bakit nga ba?"
tanong ni Gill habang mahinang nag-uusap ang dalawa.

"Ganoon kakulay ang buhay ng grupo nila AJ na gusto ko pasukin, isang grupo na may kanya-kanyang kuwento na nakakapanabik sa lahat." nakangiting sabi ni Eye na ikinangisi ni Gill.

.................

"Dahil basura ka lang sa gusali ko. At hindi puwede ang kalat dito kaya kung maangas ka dapat may ibubuga ka. Hindi iyong ang arte mo, at ang tapang mo sagutin ako pero..." udlot na sabi ni Elis.

"Hoy! Papakitaan kita pero never akong susuot ng lingerie mo na pipitsugin." sabi ni Lisica na ikinatingin ng lahat kay Elis dahil foul ang salitang iyon sa NLC.

"Okay. Basta make sure na may ibubuga ka dahil baka ikaw ang bugahan ko." mahinanong sabi ni Elis na ikinagulat ng mga empleyado na ang amo nila nakapagtimpi at ang paraan nito sa pagsasalita ay may class.

...................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

......................

February 12, 2023 10.22am

Fifth Street

Try ko pa mag-isa. NOT SURE sa next UD.

................Up next...........


"Zero."malakas na sabi ni Jan Carl ng paakyat pa lang ng stage si Astraea na ikinaatwa ng lahat ng itaas pa ni Jan Carl ang placard na zero/

"Hahaha! Wala pa nga eh."sabi ng mga nanonood na empleyado at alipores ng mga aplikanteng hindi napaalis ni Elis.

"Grabe ito. Sandali hindi pa ako nagsisimula."sabai ni Astraea sabay tingin sa tatlong Pinsipe na hindi naman napaalis ni Jan Carl dahil pumirma ang mga ito ng kontrata bilang judge at isang kaso iyon kapag umalis ang mga ito.

"Sige, manonood kami."sabi ng isang Prinsipe na ikinangiti ni Astraea at ikinatingin ng masama ni Jan Carl sa pinsan.

"OKay! Sandali para mas intense."sabi ni Astraea.

"Bawal unano dito!"Sigaw ni Jan Carl na ikinatawa ng lahat at ikinapigil sa pagtawa ni Elis dahil maliit nga si Astraea at hindi niya trip ang ganoong height pero maganda ang dalaga. kakaiba ang mukha nito kahit ang balat ay halatang sunog sa araw.

"Grabe ka! Sandali kasi bubuwelo pa ako."inis na sabi ni Astraea.

"Bawal sakang!"sigaw muli ni Jan Carl na ikinatingin ni Elis ng pasimple sa hari, hindi kasi mukhang hari ang katabi niya at hindi rin maitatagong may gusto ito kay Astraea.

"Hahaha!"tawanan ng lahat bukod kay Hades at Lisica na nakatingin ng masama kay Jan Carl.

Napatingin si Elis kay Astraea, malakas ang karisma nito na kailangan naman niya model para sa magazine dahil puwede naman iedit ang height nito at mukha ay gagamitin niya.

"Hindi ako sakang."sabi ni Astraea sabay taas ng roba niya na ikinasulyap ng makinis at slim nitong legs kahit maliit ito.

"Sampong milyon!"sigaw ni Jan Carl ng muntikan ng makita ang langit ni Astraea ng ipakita nito ang hita at binti.

"Hahaha!"tawanan muli ng lahat ng mapahawak sa batok si Jan Carl na halatang problemado ito.

"Ayoko."sabi ni Astraea na ikinatingin ni Elis sabay pasimpleng tingin kay Eye dahil kanina pa niya napapansin ang cellphone nito na nakavideo sa kanila.

"Okay, pagbibigyan kita. Pero gagamitin din kita."sabi ni Elis sa isip habang nakatingin ng pasimple kay Eye.

"Ahhhh!"sigaw ni Jan Carl ng matanggal ang tali ng roba ni Astraea na ikinangisi ng dalaga.

"Gusto mo ihinto ko?"nang-aakit na sabi ni Astraea.

Napailing naman si Hades dahil dati pa ganoon na makipag-usao si Hestia kay Jan Carl kaya nga nauto ito ni Astraea o nalinlang

"Oo dahil bawal bata dito, baka makulong ang hari."sabi ni Jan carl na ikianatwa ng lahat sa naiisip na hindi naniniwala si Jan Carl sa edad ni Hestia.

"Okay, kanta ka."sabi ni Astraea na ikinalunok ni Jan Carl sa paglalaro ni Astraea sa kanya.

Napangisi naman si Hades sabay tingin kay Elis na halatang ninamnam nito ang oras dahil tiyak gagawan iyon ng spark ni Elis para bumenta ng mabilis ang produkto nito.


Don't forget to vote, comment and follow our YT,FB.Tiktok acoount



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top