Kabanata 15 : Pagtatangka

Kabanata 15 : Pagtatangka

NLC Manila


"Nagsasagawa na po ng pagpili ng modelo, Chairman." sabi ni Gelai sa amo ng magbigay siya ng balita dito.


Napatingin si Hades sa laptop niya, okay ang sales ng kompanya at katunayan magaling nga maghawak si Elis. Katulad ngayon hands on si Elis sa paghahanap ng modelo na hindi pinapaubaya sa mga tauhan nito.

"Sir, may nagsabi sa akin na maraming pumatos sa offer na talent fee ni Madame kabilang doon ang mga sikat na artista at modelo, at mga hindi inaasahang tao tulad ng may anak daw na politiko roon at isang sikat na reporter." sabi ni Gelai na ikinatingin ni Hades dito.

"Reporter?" sabi ni Hades na nagtaka dahil binabasa niya ngayon ang project na iyon ni Elis para sa ilalabas nitong lingerie na ito ang may gawa. Isang lingerie na imomodel ng walang panloob tulad ng ginawa ni Elis sa kuwarto nito ng makita niya ang dalaga sa harap ng salamin.

"Yes Chairman. Si Eye, iyong reporter na nahuli ng tatay sa mismong tv station nila." sabi ni Gelai.

"Tsss. Hindi siya titigil sa grupo namin at mukhang nakakaamoy kay Elis." sabi ni Hades.

"At saka po pala Chairman, nasa NLC Makati si Airess kasama ng yaya na pinakuha ni Madame sa mansion." sabi ni Gelai na ikinatiim ng bagang ni Hades dahil ang usapan nila ni Elis hindi isasama ang bata dahil tiyak may mga media na nakakatunog tulad nga ni Eye.

"Tawagan mo si Fidel at ipakuha niyo ang yaya at ang bata habang busy si Elis." sabi ni Hades na ikinatango ni Gelai

"Yes Chairman. Pero may isa pa po pala akong saabihin." sabi ni Gelai.


"Ano iyon?"
sabi ni Hadesa.

Napatitig si Gelai sa amo, nakaupo ito sa dating upuan ng amo niyang si Elis. Seryoso nakaharap sa laptop nito at mula ng ilang araw na ito nakaupo roon naging maaliwalas ang lahat sa empleyado ng NLC kabaligtaran kasi ni Hades si Elis. Madaling pakitunguhan at madaling ngumiti si Hades sa kanila. Bukod doon hindi ito mainipin at hindi ka maiilang na kausapin kahit pauta-uta tulad ngayon na ginagawa ni Gelai.

"May isa pa pong nakakagulat na nag-apply sa site." sabi ni Gelai.


"Sino?"
sabi ni Hades na napakunot noo dahil wala siyang maisip sa tinutukoy ni Gelai.


.....................

NLC, Makati

"Baka magalit sila lolo Orion." sabi ni Lisica kay Astraea ng samahan ito sa NLC Tower.


"Hahaha! Sayang ang offer rarampa lang naman."
sabi ni Astraea na halatang excited ito.

Napatingin si Lisica sa pinsan, maliit si Astraea na tila highschool lang ang height o baka nga elementary lang kaya malabo din na matanggap ito at baka kasuhan ang kompanya ng child abuse na hindi naman niya masabi dahil baka ma-offend si Astraea.

"Kahit na, at saka nakita mo ba ang nakalagay diyan lingerie ang isusuot mo na walang... ewwww." sabi ni Lisica na napasign of the cross.


"Hahaha! Sister, huwag po kayo mag-alala magkukumpisal na lamang ako after nito."
sabi ni Astraea dahil laki sa kumbento si Lisica na nasa Spain pa. Kauuwi nga lang nito buhat sa ibang bansa.

"Astraea, magagalit si lolo Orion at baka ipatapon tayong dalawa." sabi ni Lisica.


"Hahaha! Ano ka ba? Independent woman ako."
sabi ni Astraea habang nasa masikip na dressing room ang dalawa kasama ang ibang aplikante o feeling nga ni Astraea contestant dahil parang contest ang sasalihan niya na nag-uudyok ng mas lalong kapana-panabik sa kanya.

"Insan naman, nakikita mo ba pipitsugin ang lugar mas maganda pa ang dressing room ng Casa. My God naturingang top lingerie business sa bansa pero ang mga modelo ginawang sardinas." sabi ni Lisica na kanina pa naaalidbadbaran sa lugar kahit na nga ba mukhang mayayaman ang sumali sa project na iyon ng NLC.

"Mabilis lang ito ang sabi isang rampa lang at saka istrikto at maselan daw si Elis kaya for sure baka bubungad pa lang paalisin na niya kapag hindi niya trip." sabi ni Astraea.


"Hay naku bahala ka."
sabi ni Lisica na ikinangiti ni Astraea saka ito nag-ayos ng damit na ikinailing ni Lisica dahil ang suot ni Astraea tila magsasagawa ng sexy performance sa El Casa.

.........................

Canmore Tower, Manila

"Grabeng biyahe, napagod ako." sabi ni Jan Carl na kabababa pa lang ng chopper.

"King, handa na daw po ang opisina niyo." sabi ng kanang kamay ni Jan Carl na ikinangiti nito.

"Okay." sabi ni Jan Carl dahil hindi niya akalain na papatusin ng kanang kamay ang offer.

"Good morning, King." sabi ng isang tauhan ni Jan Carl ng salubungin ito sa helipad.

Napatango si Jan Carl saka nagsalita ang tauhan na nagbibigay ng report sa kanya sa kaganapan sa bansang iyon.


"Si.... ahhm."
sabi ng tauhan na ikinakunot noo ni Jan Carl dahil tumingin ang tauhan sa kanang kamay niya.


"Ano?"
sabi ni Jan Carl sa matagal ng tauhan na si Panda. Panda ang bansag niya sa tauhan dahil mukhang hindi ito natutulog sa itim ng mga mata nito na tila Panda.

"Ahhhm. Kasi po si Queenie.... ay este...." nautal na sabi ni Panda na ikinakunot noo ng kanang kamay ni Jan Carl.


"Ituloy mo."
sabi ni Jan Carl ng tingnan muli ni Panda ang kanang kamay niya.


"Si Maam Astraea, nag-aapply ng model sa NLC at naroroon siya ngayon kasama ang iba."
mabilis na sabi ni Panda na ikinatawa ng malakas ni Jan Carl at ikinakunot noo ng kanang kamay nito sa narinig na report.

"Hahahaha! Model talaga? Si Astraea? Hahaha! Hayaan mo siya, hindi matatanggap iyon. Unano iyon eh." sabi ni Jan Carl na ikinatiim ng bagang ng kanang kamay ni Jan Carl sa sinabi nito sa babae.

Naglakad si Jan Carl papuntang elevator na nasa Helipad. Naiiling pa si Jan Carl habang tumatawa sa sinabi ni Panda.

Sumunod ang kanang kamay ni Jan Carl dito at si Panda na iwas tumingin sa kanang kamay ng hari dahil iba iyon makatingin. Nakakatakot.

"Okay King nireport ko lang naman kasi si Madame Elis ang pumipili at sa nakalap kong report isang lingerie ang ipapasuot ngayon sa mga contestant. Lingerie na walang panloob na suot. At ang sabi may mga piling judge na lalaki ang naroroon at katunayan naroroon ang tatlong pinsan niyo na Prinsipe." sabi ni Panda na ikinahinto sa paglalakad ni Jan Carl at ikinangisi ng kanang kamay nito sa reaksyon ng hari.


"Walang saplot iyong damit?"
sabi ni Jan Carl napakunot na noo pang reaksyon ng hari.


"King.... lingerie po ang imomodelo ni Maam Astraea hindi po baby bra."
sabi ni Panda na pigil na ikinatawa ng kanang kamay ni Jan Carl pero hindi si Jan Carl na napatiim ng bagang.

"Tawagan mo ang mga pinsan ko sabihin mo umuwi na ng palasyo kung ayaw nilang masipa ko at hindi na muling makatuntong doon." sumeryosong sabi ni Jan Carl na ikinatango ni Panda.

Akmang aalis si Panda ng may maisip si Jan Carl kaya muling tinawag ang tauhan na unang naglakad sa kanya.


"Sandali."
sabi ni Jan Carl.


"Yes King."
sabi ni Panda.

"Ako ang pupunta at sabihin mo kay... kay.... Elis ba iyon? Aissst! Sabihin mo kung sinumang babae iyon na ako ang papalit bilang judge sa tatlong Prinsipe." sabi ni Jan Carl na ikinailing ng kanang kamay nito.

"Uto-uto pa rin." napapailing na sabi sa isip ng kanang kamay ni Jan Carl.

.......................

NLC Manila


"Ano?"
nanlalaking mata na sabi ni Hades.

"Naroroon po ang pinsan niyo si Astraea na sinamahan ni Lisica para mag-apply." sabi ni Gelai.


"Shit! Hindi puwede."
sabi ni Hades na agad na napatayo sa pagkakaupo dahil kilala niya si Astraea takam iyon sa atensyon ng palakpakan na kinahumalingan nito sa El Casa gabi-gabi.


"Chairman, ipapahinto ko po ba?"
sabi ni Gelai.

"Huwag, kapag sinabi mong nalaman ko at pinahinto mo bibilisan ni Elis hanggang umabot kay Astraea." sabi ni Hades dahil alam niyang negosyante si Elis at malaking pera si Astraea para dito dahil kapatid ito ng leader ng grupo nila. Apo ni Orion Valiente at anak ni Autumn Valiente na isang malaking pera para sa mga negosyanteng katulad ni Elis.

"Ano pong gagawin natin Chairman?" sabi ni Gelai.


"Pupuntahan natin."
sabi ni Hades saka nito kinuha ang cellphone at susi ng kotse.

"Chairman, maliit po ang pinsan niyo ayaw ni Madame ng maliit na modelo." sabi ni Gelai na ikinatiim ng bagang ni Hades.

"Kasama niya rin si Lisica at hindi lang si Astraea ang puwedeng pumatos." sabi ni Hades dahil alam din niyang ng mawala si Shiloh at Peso sa pagmomodelo ng lingerie ni Elis naghangad si Elis ng iba sa grupo para maging modelo at isa si Lisica sa tinarget nito, iyon nga lang hindi na ito pinayagan ng lolo Orion nila. Matangkad si Lisica at pangmodelo ang katawan nito. Isama pa na anak si Lisica ni Fox Ysmael na kilala sa Heather Island bilang nagmamay-ari ng malalaking lupa sa isla.

"Sabagay Chairman nakita ko na sa picture si Maam Lisica, matangkad at morena parang lola niyang si Maam Emerald. Pang modelo ang katawan." sabi ni Gelai habang nagmamadali ang dalawa sa paglalakad sa hallway.

Sumeryoso si Hades sa sinabi ni Gelai kalat kasi sa socmed ang mga larawan ng mga lola grupo nila noong kapanahunan ng mga ito na ginagawang kitaan ng mga vlogger at influencer.

"Asar." sabi ni Hades dahil hindi naman nila mapigilan ang mga pinsang babae pumirmi sa isla, dahil may basbas ang mga ito mula sa mga lolo nila na malaya ang mga pinsan at kapatid niya maglamyerda sa Manila kaya nga ang kapatid niyang si Fayra ay nasa Manila din at walang ginawa ang mga ito kundi magliwaliw sa buong NCR.

.....................

NLC, Makati

"Madame, tumawag ang Canmore Telecom papalitan daw ang tatlong Prinsipe ng hari bilang judge." bulong na sabi ni Claire na ikinangiti ni Elis ssabay tingin samga aplikante.

"Kung susuwertihin ka nga naman, hindi ko inaasahan na naririto ang dalawa sa grupo ni AJ Valiente." sabi ni Elis habang naakatingin kay Astraea na inaayusan ni Lisica.

"Ano pong gagawin natin?" sabi ni Claire.

"Okay, bagalan natin at ihuli sila. Hintayin natin ang special judge dahil tiyak pag-uusapan tayo. Ang lingerie ko ay magiging sikat ng ganoon kadali kahit hindi ko pa inilalabas." sabi ni Elis dahil mahigit isang daan din ang nag-apply na modelo sa laki ba naman ng offer niya papatusin talaga isama pa ang exposure. Kaya naman ang araw na iyon ay kakaiba kay Elis lalo na at mukhang magiging matunog ang pangalan niya sa lahat bilang may-ari ng NLC.

"Yes Madame." sabi ni Claire.

Napangiti muli si Elis, ng malaman niyang kanina-kanina lang na nasa listahan si Astraea agad siyang komontak sa Canmore Telecom dahil hindi naman lingid sa kanya na mga Prinsipe ang dine-date ng kapatid ni Aj. Kalat kasi iyon sa socmed at nalalathala sa mga mamahaling magazine. Bukod doon nasa front page lagi sa Astraea dahil isa itong asset ng bansa kaya dumadami ang Prinsipe na nagbibigay ng malaking kita sa gobyerno.

Kaya kinuha ni Elis ang tatlong Prinsipe para magjudge sa pipiliin niya kahit na nga ba hindi iyon ang unang plano. Kapag pumipili kasi siya ng modelo siya lang mag-isa pero siyempre kailangan niya ng publicity at para mas matunog gumawa siya ng karagdagang spices.

"Ihuli mo si Astraea." sabi ni Elis na ikinatango ni Claire bago ito umalis.

.................

"Nakikita mo, sabi ko sayo makakakuha ako ng balita." sabi ni Eye na agad na nagtitpa ng mabilis sa ipad nito na ikinangiti ni Gill.


"Ikaw na talaga, ang galing mo."
sabi ni Gill ng matapos ni Eye ang report at pinost agad sa HBN Page.

"Hahaha! Nakikita mo thousand views agad." sabi ni Eye na wala pang ilang minuto nakalibo ng views ang balita niya.


"Tatlong Prinsipe ba naman ang nasa report mo. May katibayan at video pa."
sabi ni Gill.

"Siyempre, kaya nga ilang beses akong na-nominate bilang best anchor iyon nga lang ligwak kasi ayaw nila sa past ko." sabi ni Eye na ikinatingin ni Gill sa dalaga dahil magaling naman talaga si Eye. Iba ang utak nito, mabilis ito mag-isip at makagawa ng balita. Mabilis itong magconstuct ng report at kumalap ng impormasyon na sigurado totoo tulad ngayon. Palagi din itong nakakagawa ng exclusive na pangyayari iyon nga lang nagiging hindi exclusive dahil wala naman nanonood sa station nito at napipirata ng ibang station ang exclusive report ni Eye.

"Isang video, isang balita, isang larawan ang kuwento na ginagawa ko ay isang buhay na makatotohanan na hindi nila nakikita o kung nakikita nila mabilis na naglalaho." sabi ni Eye.

Napangiti si Gill, dahil tama si Eye tulad ng report nito kay Luna at Bronze ilang buwan lang then nawala na agad at balik sa mababang rating si Eye. Hindi pa naman si Eye ang tipo ng tao na paulit-ulit ang binabalita gusto nito fresh na balita.

"Kikilalanin ka rin bilang mahusay na reporter. Magkakatropeyo ka rin." sabi ni Gill

"Hindi na. basta maiangat ko lang ang HBN ayos na ako." sabi ni Eye saka ito napangiti at itinutok ang camera ng cellphone kay Astraea.

Napangiti si Gill, dahil ibang kuwento uli ang ginagawang report ni Eye. Ganoon si Eye, hinihimay ang bawat detalye at ang isang event nagagawan nito ng maraming report na ikinabibilib niya sa dalaga.

"Baka siya ang mapili." sabi ni Gill dahil maganda si Astraea kahit na maliit na babae ito.


"Hindi ako papayag."
sabi ni Eye saka ito humarap kay Gill.

"Isa siyang malaking balita pero tiyak ako hindi siya ang mapipili at tiyak din ako na may magandang magaganap sa isang Astraea Valiente." sabi ni Eye na napangisi.

"Huwag mong sabihin gagawan mo ng leak." sabi ni Gill.

"Hahahaha! Hindi ako ganoon. Hindi naman ako inggiterang tao marunong akong lumaban ng patas dahil kilala ko ang sarili ko." nakangiting sabi ni Eye na ikinangiti ni Gill dahil kahit na adelantada si Eye o iyong tipong pakialamera ng buhay ng iba na minsan nagiging tabloid reporter ito. Fair naman ito magbalita dahil TOTOO.


"Kaya mo iyan."
sabi ni Gill.

"Kaya ko talaga dahil unang rampa ko pa lang ibibigay ko na. Ito ang ticket ko para sa magandang report na gagawin ko." sabi ni Eye.

.......................

"Haysss! Magpapakita kaya siya?" napangiting sabi ni Elis sa isip ng maisip si AJ.

Nagpalinga-linga si Elis para hanapin sa crowd si AJ kung naroroon nga.

"Sana. Ang asawa ko, makikita ko na. Nandito ang kapatid tiyak na pipigilan niya." sabi ni Elis.

.................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

.................

February 12, 2023 8.23am

Fifth  Street

Vote naman diyan kung nagandahan kayo. comment na rin para may maisip ako. Doon kasi ako sa comment kumukuha ng inspirasyon at nakakaisip ng susunod na mangyayari.

Tnx....


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top