Kabanata 10 : Airess


Kabanata 10 : Aires

Cheung Hotel

El Paradiso

Days later


Kanina pa sa parking area sa labas ng hotel si Hades. Hinihintay niya kasi ang mga pinsan bago pumasok sa loob. Galing pa siyang Manila kung saan nagmamadali siyang lumuwas at pumunta sa isla ng malaman niyang ipapakilala ang anak ni Burn na si Maho.

Nakasandal si Hades sa magarang sasakyan niyang iyon sa parking area ng may mamataan siyang di pamilyar na kotse na nagpark sa gilid ng parking area.

Napakunot noo si Hades dahil kakaiba ang sasakyan magara iyon pero hindi pa niya nakikita sa grupo kung saan grupo lang naman nila ang mayroong mamahaling sasakyan sa El Paradiso.

"Sino kaya ito?" sabi ni Hades sabay buga ng usok mula sa sigarilyo nito.

Napatitig lang si Hades sa kung sino ang bababa o lalabas sa kotse. Hindi naman siya natatakot kung masamang tao iyon o kung kalaban ng grupo sa negosyo dahil ligtas ang unang bayan ng El Paradiso sa mga ganoong banta. Bago ka kasi makapasok sa unang bayan may mga tauhan na ang mga Cheung sa main hi-way o mga daan na papasok sa bayan kahit ang mga daungan o pantalan ay may mga tauhan ang Cheung na mag-iinspeksyon bago ka makapasok sa balwarte ng mga Cheung.

"Hindi kaya si Burn?" sabi ni Hades sa isip dahil mula ng umuwi ito sa bansa at hinawakan ang Piamonte hindi pa niya nakikita ang pinsan.

Nagkasakit ang pinsan niyang si Burn, kakambal ni AJ, at kalaunan lang nila nalaman. Kahit ang anak nitong si Maho ang akala nila anak nila Rio at Alex na minsan lang niya nakita ay ngayon lang niya uli masisilayan.

"Puwede." sabi ni Hades dahil nagbago sila Burn mula ng umuwi ito ng bansa. Hindi nga nila akalain na pamumunuan nito o kaya nito hawakan ang Piamonte ang pinakamalaking IT system sa bansa.

"Tsss! Tinulungan niya si Burn magbago kasabay ng paglabas ng galing ni Burn." sabi ni Hades sa isip na hindi naman nila sukat akalain ang potensyal ni Burn. Tamad kasi mag-aral ang pinsan niyang si Burn. Nagpakasal sa nobya nito at humiwalay sa kanila. Hindi nila nabalitaan ang naganap dito at iyon naman kasi ang gusto ni Burn mamuhay ng simple malayo sa karangyaang meron sila na bukas sa media.

Kaya naman sa mga panahon na iyon, iniisip niya na okay ito. O dahil na rin busy si Hades sa buhay niya na tipikal naman sa lahat kapag tumatanda na.

"Malapitan nga." sabi ni Hades sabay hithit ng yosi nito sabay buga uli habang naglalakad na patungo sa kotse.

.................

"Heiress nandito na tayo." nakangiting sabi ni Elis habang pinagmamasdan ang dalawang taong gulang na batang babae.

"Ipapakilala kita sa lahat. Tingnan natin kung hindi sila magulat na ang anak ni AJ Valiente ay nagmula sa puson ko." sabi ni Elis na ikinangiti ng sanggol.

"Ganyan nga baby dapat tulad ni lola mo at ako. Matapang, palaban at walang inuurungan. Positibo at masayahin kahit na nanakawan." sabi ni Elis sa sanggol habang inaayos ito.

Napangiti si Elis, ilang oras din ang biniyahe nila. Nakakotse lang sila mula Manila. Isinakay niya ang kotse sa barko na papunta sa El Paradiso kung saan ilang oras din ang biniyahe nila o isang araw kaya heto puyat siya pero kahit ganoon masaya siya dahil tulad niya ang nakikita niyang bata ay malakas na nakaya ang ganoong kahabang biyahe.

"Ready ka na ganoon din ako." sabi ni Elis habang inilalagay ang ribbon sa ulo ng batang babae.

Napangiti si Elis ng ma-satisfy sa itsura ng bata. Mamahalin ang suot ng sanggol, lilibuhin ang presyoat ang sapatos na kakapiranggot ay libo din ang halaga kahit nga ang ribbon na isinuot niya sa ulo ng batang babae ay mamahalin din. Ang hikaw na suot nito ay tunay na ginto. Sa edad na dalawa full accesosries ang bata mula sa hikaw, bracelet at kuwintas na bumagay naman sa magandang mukha nito na halatang yayamanin ang anak niya.

"Kapag lumaki ka sisiguraduhin ko ikaw ang magiging reyna ng NLC. Ikaw ang titingalain na modelo ng Nicolas Lingerie." masayang sabi ni Elis saka nito inayos ang sanggol sa kinalalagyan nito.

Matapos masigurong presentable ang sanggol napatingin si Elis sa unahan ng kotse nito, ng biglang mapakunot noo ito ng makita ang hindi inaasahang lalaki dahil ilang araw na niyang hindi ito ginagambala. Dahil din ang balak nga niya isang bagsakan ang gagawin niyang paglapag ng bomba.

"Aissst! Lumipad siguro ito mula sa inagaw niyang trono ko. Alam mo iyon anak itong papalapit na lalaking ito ay tila dragon na may mahabang nguso, itim na katawan, may malaking tenga at pakpak na nakakatakot. Iyon ang nai-imagine ko sa papalapit na lalaki sa atin.

Pero... Huh! Hindi ako natatakot dahil ako ang pinakamatapang at pinakamagandang fairy na magliligtas sa lahat." sabi ni Elis saka ito napangiti at binuhat ang sanggol.

"Tayo ay hindi papasakop sa mga dragon na nanlulupig ng kaharian." sabi ni Elis sabay bukas ng pintuan ng kotse.

..................

Napahinto naman si Hades ng makita ang pagbukas ng kotse pero ang mata nito nakatutok sa pintuan na iluluwa nito.

Napakunot si Hades ng makita ang makinis at maputing binti ng kung sino ng bumungad iyon sa kotse ng bumukas ito.

"Chicks." napangising mahinang sabi ni Hades ng masilayan ng unti-unti ang papalabas na seksing babae dahil nakatalikod ito at natatanaw na niya ang hapit na damit nito na humakab sa seksing katawan ng babae.

"Kung susuwertihin ka nga naman talaga." sabi pa ni Hades sa isip saka ito nagpatuloy sa paglalakad. Pero ng malapit na ito sa kotse nagulat ito ng makita si Elis at sa paglabas ng dalaga may bitbit itong batang babae at ang edad ay ikinamutla ni Hades ng matantya base sa nakikita niya.

Napangiti naman si Elis ng makita si Hades nakasuksuk pa ang sigarilyo nito sa bibig na halatang nagulat ito.

"Hello Hudas." napangising sabi ni Elis.

Hindi umimik si Hades habang nakatingin sa batang babae. Lumapit naman si Elis hanggang makarating ito sa harapan ni Hades.

"Ang cute ng baby ko... ahhmmm what I mean is...

....baby namin ni AJ." sabi ni Elis na ikinalunok ni Hades.

"Baby niyo ni AJ?" sabi ni Hades.

"Yes, ang sabi ko naman sayo dati nakasex ko siya, nakarelasyon at nagbunga." sabi ni Elis.

"Anak ko siya?" napakunot noo na sabi ni Hades sa isip na nagtataka ng makita ang bata.

"By the way meet your cousin's daughter Airess (pronounce as Eres meaning Heir to a fortune)." nakangiting sabi ni Elis ng hindi magsalita si Hades dahil nakatitig lang ito sa sanggol.

"Imposible, malakas ang dugo ng Valiente at Lopez kaya imposibleng hindi ko kamukha o ni..." sabi ni Hades sa isip sabay tingin kay Elis.

"Si Aj ang ama ng anak ko at balita ko umuwi na siya ng Pinas." sabi ni Elis ng tumingin sa kanya si Hades.

"Kamukha niya ang anak ko." nagdududang sabi ni Hades habang nakatitig kay Elis, dahil kamukha ni Elis ang bata tila wala iyon nakuha sa dugo nila magpinsan, o kung si Aj man ang ama ng batang babae.

"Alam mo mini me ko siya, pero si Aj ang magpapatunay na anak namin ito kasi nagsex kami at nakuha niya ako na virgin ako. Kahit bilangin niya pa ang araw, buwan o taon kahit oras o minuto, never naman ako nakipagtalik kay Amon dahil hiwalay na kami ni Amon at alam iyon ni AJ." sabi ni Elis.

"Posibleng anak ni Aj dahil imposible na hindi ko naman kamukha. Malakas ang dugo ng Lopez kamukha ko si Papa at kahit si Fayra may hawig sa Lopez at ang mga pinsan naming Lopez makikita ang resemblance sa isa't isa."sabi ni Hades sa isip.

Napangiti si Elis sa gulat na nababakas sa mukha ni Hades kaya muli siyang umusal.

"Akala mo maghihirap ako dahil kinuha mo ang AKIN. Neknek mo! Alam kong gaganti ka kasi napapanood ko na iyan sa mga telenovela. Pero... Huh! Ibahin mo ako, dahil ako si Elizabeth Nicolas Samo, ang pinakamautak na negosyante sa balat ng lupa." sabi ni Elis sabay halik sa batang babae na napatawa pa.

Hindi naman nagreact si Hades dahil busy siya sa pagmamasid sa batang karga ni Elis

"Pero teka, si AJ ang anak nila ni Hestia ay mas hawig kay Hestia kaya posible na anak ni AJ dahil naglabas na ito ng punla na halo ng asawa niya at malamang sa kung may anak si AJ sa iba hindi mo makikita dahil hindi malakas ang dugo niya para makamukha ang sanggol." sabi ni Hades sa isip na halata ang pagdududa sa mukha.

"Cut your tounge, Hudas. Hahaha! Ang baby namin ni AJ napakaganda di ba." natawang sabi ni Elis na inaakalang hindi makapaniwala si Hades na may anak sila ni AJ.

"Hindi pa rin siya puwede makita ng lahat ang bata dahil kawawa ang kapatid ko." sabi ni Hades sa isip.

"Wait baka sabihin mo tinuturuan ko ng kabastusan ang baby namin ni Aj kaya pahiram ng kamay mo" sabi ni Elis sabay hawak sa kamay ni Hades na ikinatingin ni Hades sa babae.

Napangiti naman si Elis ng hawakan ang kamay ni Hades saka nito iminano kay Aires.

"Mano po tito Hudas.. ay este Tito Hadesssss." nang-iinis na sabi ni Elis na ikinangisi ni Hades.


"Tito? Huh! Langya! Baka nga tito lang ako. Demonyong Aj iyon baka sa kanya nga bata."
sabi ni Hades sa isip

Nang makapagmano ang sanggol binitawan ni Elis ang kamay ni Hades na ikinangisi ni Hades ng makuha pa ni Elis ipunas ang kamay nito sa polo niya.


"Ang bantot baby, amoy yosing mumurahin. Langya! Kay yaman tapos ang yosi tig pipiso lang."
sabi ni Elis na nakuha pang kunin ang mamahaling pabango at ini-spray sa harap ni Hades.

"Uy! Dos pesos ang presyo nito." sabi ni Hades sabay taas ng stick ng sigarilyo na ikinangiti ni Elis.

"Whatever! Padaan nga at aakyat na ako sa Cheung Hotel." sabi ni Elis ng biglang magulat ito ng mabilis na tinapon ni Hades ang sigarilyo sa lupa para kunin ang batang karga niya.

"Uyyy! Baby ko iyan. Tagapagmana iyan ni AJ Valiente!" sigaw ni Elis na ikinangisi ni Hades.

"Dear, hindi ka puwede pumasok at manggulo sa taas dahil magulo na sila doon." sabi ni Hades sabay talikod nito kay Elis at mabilis na naglakad.


"Ahhhhh! Baby ko iyan!"
inis na sabi ni Elis na hindi makatakbo dahil nakatakong siya. Pinaghandaan kasi niya ang araw na iyon para ipakilala sa lahat ang anak nila ni AJ.

"Hahaha! Inuna mo ang kaartehan mo, kung makidnap ang anak mo hindi mo tuloy makukuha." sabi ni Hades na lakad takbo ang ginagawa para hindi maabutan ni Elis na hirap na hirap makasunod sa kanya dahil sa taas ng suot ng takong ng sapatos nito.

"Ahhhhhh! Isusumbong kita sa asawa ko." sigaw na sabi ni Elis.

"Huh! Sinong asawa?" sabi ni Hades


"Syempre si Aj Valiente, ang pogi at machong nakasex ko."
kinikilig na sabi pa ni Elis.

"Gaga! Kabit ka at hindi asawa." sabi ni Hades na ikinainit ng ulo ni Elis.

"Ahhhhh! Hindi ako kabit! Wala siyang asawa, Gago! Pakialamero ka talaga! Kinuha mo na nga ang kompanya ko pati anak namin ng mahal ko kukunin mo pa." sabi ni Elis.


"Mahal? Sinong mahal?'
sabi ni Hades sabay hinto nito ng nasa harap na siya ng kotse niya.

"Mahal... si AJ Valiente. Noong nasa kama kami Mahal ang tawagan namin." sabi ni Elis na ikinatawa ni Hades.

"Hahaha! Mahal ang bilihin kaya lahat ng mahal ang tawagan naghihiwalay hindi nagkiclick tulad niyo ni AJ. Nakikita mo wala ngang bakas na naging kayo." sabi ni Hades.


"Anong wala? Iyang ninanakaw mong bata. Anak namin iyan ni AJ."
inis na sabi ni Elis na ikinangisi ni Hades.

"Hindi ko sure kung akin nga itong batang ito, pero hindi ko hahayaan na sirain ng pekeng pinsan kong ito ang buhay ng kapatid ko." sabi ni Hades sa isip.

"Ibigay mo na iyan sa akin." sabi ni Elis na ikinalingon ni Hades habang hawak nito ang bata na nakatitig sa kanya.

"Langya! Kahit mata hindi mo man lang nakuha sa akin o sa... aissst kay Aj. Mabuti pa si Fayra nakuha ang mata ng Valiente. Dapat ganoon, may bakas. Ikaw bakit walang bakas sa ama?" sabi ni Hades sa isip ng tingnan niya ang bata dahil ngayong malapitan mas nasisiguro niya 100% kila Elis na side nakuha ng bata ang lahat.

"Ayaw mong ibigay? Sisigaw ako." inis na napipikong sabi ni Elis.

"Edi sumigaw ka." sabi ni Hades sabay bukas ng kotse nito na ikinasigaw ng malakas ni Elis.

"Ahhhhhhh! Magnanakaw!!!!!" malakas na sigaw ni Elis na ikinagulat ng batang babae sabay iyak nito ng malakas na ikinapikit ni Hades sa tining ng boses ng bata.


"Aguguyyy! Pati boses mo sa ina mo namana. Langya! Ang tibay ng dugo nito, lumalaban sa tapang ng dugo ng Lopez. Kung anak nga kita ikaw ang kauna-unahang Lopez na walang bakas. At hindi ko alam kung isa iyong sumpa o tulong para makaligtas ako."
sabi ni Hades sa isip habang nakatingin sa batang babae ng mabingi sa uha nito na tila ginagaya si Elis.

"Ibigay mo." sabi ni Elis at ng tuluyang makalapit kay Hades napangisi si Hades at mabilis na sumakay ng kotse habang si Elis nakuha pang punasan ang sapatos nitong nadumihan ng lupa.

"Hahaha! Sige sa kaartehan mo mawawala ang lahat sayo." natawang sabi ni Hades na ikinamula ng mukha ni Elis sa galit.

"Kung ayaw mong ibigay, pupunta na lang ako sa taas mag-isa tutal nasa akin ang pictures at birthcertificate ng anak ko plus the fact ang baby videos niya." sabi ni Elis na ikinahinto sa pagtawa ni Hades.

"Hahaha! Hindi mo ako matatakot sa mga ginagawa mo sa akin. Akala mo wala akong alas. Hahaha! Sayo na ang kompanya at sa anak ko ang buong yaman ni AJ Valiente. Buwahhhhhaaaa!!!!" malakas at nakakaasar na tawa ni Elis na ikinangisi ni Hades.


"Witch."
napangising sabi ni Hades na ikinatigil sa pagtawa ni Elis.

"Itong witch na ito ay aangat sayo. Huh! Ipapakulong kita dahil sa pagnanakaw ng heredera ni AJ Valiente." sabi ni Elis sabay tadyak sa magarang kotse ni hades na ikinanlaki ng mga mata ni Hades dahil bago lang ang kotse niya.


"Uyyy! Babaeng mataas ang pangarap, maghunus dili ka dahil hindi kayo puwede ni AJ."
sabi ni Hades.


"At bakit naman?"
sabi ni Elis.


"Baliw iyon tapos ikaw war freak. Langya ang anak niyo malamang impakto."
sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis.


"Hahaha! Nakikita mo ba ang baby namin ni AJ. Cute, kasing ganda ko. Impakta ba iyan?"
sabi ni Elis na ikinatingin ni Hades sa kargang sanggol.

Pagtingin ni Hades napangiti ang sanggol na ikinangisi ni Hades


"Langya! Ang lakas ng dugo ng nanay mo kahit pagngiti nakuha mo."
sabi ni Hades sabay halik sa mukha ng sanggol.

"Magayon ang anak ko at sabi nga ng mga bicolano, kasing pula ng sili ang ganda na inilalabas ng mga babae." sabi ni Ellis.

"Wheee? Sabi nila iyan?" nakangising sabi ni Hades.


"Oo."
inis na sabi ni Elis.


"Wheee! Hindi nga. Gawa-gawa mo lang iyan."
sabi ni Hades habang inaayos ang sanggol sa pagkakabuhat habang nakaupo na si Hades sa loob ng kotse nito.

Napatingin si Elis sa binata, marunong kasi humawak ng sanggol si Hades at tila gamay nito ang ginagawa. Ang sanggol na hawak ni Hades ay topakin tulad ni Elis kaya nagtataka ang dalaga dahil tahimik lang ang sanggol habang nasa poder ni Hades. Bukod kanina na alam niyang ginaya lang ng anak niya ang sigaw niya kaya tumili si Aeres.

"Hindi ka nakasagot 'no? Huh! Feeling mo kasi ang ganda mo eh ginagaya mo lang naman daw ang mukha ng kapatid ko na para sa akin. Soooobbraaang layo." sabi ni Hades na ikinataas ng kilay ni Elis.

"Hoy! Hudas, alam ko na sa guwapong mong mukha ay pangit ka." sabi ni Elis na ikinatawa ni Hades.

"Atleast naguwapuhan ka sa akin. Hahaha!" natawang sabi ni Hades.

"Hudas, hindi mo ako naunawaan. Ang ibig kong sabihin kahit anong suot mong mukha shunget ka pa rin dahil isa kang magnanakaw." sabi ni Elis.


"Hoy! Babaeng mataas ang pangarap, tantanan mo ang kakapangit sa akin dahil marunong din ako mapikon."
sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis.


"Subukan mong mapikon lagot ka sa asawa ko."
sabi ni Elis.

"Hahaha! Hoy! Proud Kabet tigil-tigilan mo ang pagiging makapal ang mukha." sabi ni Hades.


"Hindi ako kabit!"
inis na sabi ni Elis na ikinamula ng mukha nito kaya natawa si Hades ng nagawa pa ni Elis paghahampasin ng bag nito ang kotse niya.

"Pikon!" sabi ni Hades na makitang mainitin ang ulo ni Elis at halatang halata iyon sa pamumula ng mukha nito sa pagkaasar sa kanya.

"Okay, isusumbong na kita may paparating." sabi ni Elis na ikinatingin ni Hades.

Sa pagtingin ni Hades napakunot ang noo nito ng makilala ang kotse ng magulang ni AJ.

"Oh shit! Hindi puwede." sabi ni Hades saka nito mabilis na nilapag ang sanggol at dumukwang ito saka hinawakan sa kamay si Elis.

"Ano ba?" sabi ni Elis ng hawakan ni Hades ang kamay niya.

"Sumakay ka na." sabi ni Hades.


"Hahahaha! Ayoko."
sabi ni Elis sa tonong nang-iinis.

"Shit! Hindi siya puwede makita malaking gulo ito." sabi ni Hades sa isip.

"Pumasok ka." sabi ni Hades sa seryosong tono.

"Hahaha! Ayaw ko." nakangising sabi ni Elis.

Napaisip si Hades habang panaka-nakang tinitingnan ang kotse na paparating.

"Okay, pagbibigyan kita share tayo sa kompanya." sabi ni Hades na ikinamilog ng mga mata ni Elis.


"Talaga?"
sabi ni Elis.


"Oo, pumasok ka na."
sabi ni Hades sabay hila kay Elis.

"Uyyy! Ano ba?" sabi ni Elis na mabuti na lamang agad siyang nakayuko kundi naumpog siya.

Nang makapasok si Elis agad na hinila ni Hades ang pintuan ng kotse para maisara.

Napapikit naman si Elis ng dumukwang si Hades sa kandungan niya para abutin nito ang pintuan.


"Ang bango. Mamahalin. Aissst! Ang ibig kong sabihin mamahalin ang babango."
sabi ni Elis sa isip ng maamoy ang pabango ni Hades na pamilyar naman siya.

Nang maisara ang pintuan agad na pinaandar ni Hades ang makina ng kotse pero ilang sandali pa may dumating na isang van na ikinalunok ni Hades ng huminto iyon sa harapan ng kotse niya.

Mula naman sa van bumaba ang magpipinsan na sila Haco, Umiko, Raven at Lake na ikinatingin ni Elis sa mga ito.

"Asar! Wala nga ang sixtuplets may F4 naman." sabi ni Hades sabay paandar ng kotse paatras para makabuwelo siya at makaalis pero akmang kakambiyo ang kotse niya pakanan ng biglang humarang si Umiko at yumuko ito para isintas ang sapatos nito.

"Siraulo din talaga! Magkaroon ka ng mga kasamahang ganito at makasama mo araw-araw. Buong araw mo tiyak magulo." inis na sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis ng makuha pa ng isa sa apat na sumandal sa kotse ni Hades kahit na alam naman ng mga ito na aandar na ang kotse.

"HNL 143." napangising sabi ni Haco habang nasa harapan ito ng kotse.

"Walang mga magawa sa buhay." sabi ni Hades ng picturan pa ni Lake ang kotse niya.

"Ebidensya na nandito siya." sabi ni Raven na siyang sumandal sa pintuan ng kotse ni Hades.


"Itong apat na ito buweset din sa buhay ko."
sabi ni Hades na ikinangisi ni Elis ng makita ang mukha ni Hades na napipikon sa apat na lalaking humarang sa kanila.

"Katukin natin." sabi ni Haco pero akmang kakatukin pa lang nito ang pintuan ng unahan siya ni Umiko.

"Kuya Hades, akin na lang si Hilda." sigaw ni Umiko habang kumakatok ito na ikinatawa ng tatlong kasama nito.

Napatingin naman si Elis kay Hades na napangisi sa sinabi ni Umiko.

"Sabi ko na nga ba." sabi ni Hades dahil ang mga pinsan niya talagang sinusubaybayan ang mga nagiging babae niya.

"Sinong Hilda? Nobya mo? Fling?" sabi ni Elis na ikinatingin ni Hades dito.

Hindi umimik si Hades dahil si Hilda ay taga Stem, at lahat ng babae niya simula ng makapunta siya sa lugar na iyon ay sa Stem na nanggaling, na hindi naman alam ng mga pinsan niya ang Stem.

Sinasama niya kasi ang mga babae niya sa bansa at iyon ay isang trip ng pasasalamat.

"Kuya Hades, saan nakatira iyong british sexy mong jowa?" sabi pa ni Umiko.

"Hahaha! International na iyan si Kuya Hades lahat ng jowa biglang nawawala dahil binabalik niya sa bansa ng mga nagiging babae niya." sabi ni Haco.

"Selfish ayaw ng sharing. Hinahanap ko hindi ko makita." sabi pa ni Umiko.

"Paano tinatago para walang makinabang kundi siya lang." sabi ni Raven.


Hindi umimik si Hades dahil hindi talaga makikita ng mga pinsan ang mga nagiging babae niya mula ng makatuntong siya sa Stem dahil binabalik niya ang mga ito doon.

Samantalang nakikinig lang si Elis sa pag-uusap ng magpipinsan.

"Mga 'tol si tito Autumn." sabi ni Lake na agad naman ikinaalis sa pagkakasandal ni Raven sa kotse ni Hades para tingnan ang tiyuhin.

"Ayos." sabi ni Hades saka nito mabilis na kinambiyo ang kotse at pinatakbo.

Nagulat ang apat ng nagmamadaling umalis ang kotse ni Hades.

Samantalang napakunot noo si Autumn ng dumaan sa harapan niya ang kotse ni Hades na hindi man lang siya hinintuan na nakakapagtaka dahil magalang na pamangkin si Hades.

"Uyyy! Dahan-dahan naman ang baby namin ni AJ." sabi ni Elis na biglang napahawak sa seatbelt ng biglang umandar ang kotse ni Hades.

Napatingin si Hades sa dalaga saka ito umusal.


"Huwag kang manggugulo, ibibigay ko ang gusto mo."
sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis sa binata.

".....ibibigay ko ang kalahati ng pamamahala ng kompanya." sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Hahaha! Buhay nga naman, kailangan maging matalino ka kung hindi uuwi kang luhaan at said." sabi ni Elis sa isip.

..................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua


February 10, 2023 1.36pm

Fifth Street

Good Night


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top