Synopsis : Linlang

https://youtu.be/ayNcpeVPdDc

Synopsis : Linlang

Theme Song : Lihim by Arthur Miguel


Sa ilang taong paghahanap ni Gem Lusya sa kanyang ina natagpuan din niya ito sa pangangalaga ng isang mayamang angkan sa Pilipinas.

Isang sulat kasi ang dumating sa kanya buhat sa hindi niya kilalang sender sa kanyang email. Ang naturang pinanggalingan ng sulat hindi pamilyar sa kanya kaya noong una agad siya nagduda pero kalaunan sa impormasyon na ibinigay ng sender natukoy niya na hindi ito nagbibiro dahil ang lahat ng detalye na pinasa nito ay tumukoy sa taong matagal na niyang hinahanap.

Kaya naman agad siya pumunta sa bansa kung saan lumaki ang kanyang ama. Ang address ng lugar ibinigay rin ng nagpadala ng liham sa kanya. Isang isla na ngayon lang niya mapupuntahan.

At isang bahay, kung saan sinasabing nakatira ang sikat na artista at singer hindi lang sa bansa kundi maging sa international entertainment world, na hindi naman niya kilala o marahil hindi siya mahilig sa showbiz dahil ang totoo ang forte niya.... black market.


Paano mo matatakasan ang mundong pinagkulungan sayo ng nakaraan?

..............


12.6.24 Fifth Street

 Ang nobelang ito ay orihinal na katha ni Rose Chua sa ilalim ng penname 

na Fifth Street na matutunghayan sa e-book lamang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top