Prologo : Muli


Blessed Me Father

Ikalawang Aklat

Prologo

Theme Song : Muli by Paulette 

New York City, USA


"Saan ka pupunta?" sabi ni Sandy sa pinsan na si Lisica ng bumaba ito ng kotse habang nasa kahabaan sila ng trapik sa siyudad na iyon ng New York City, USA.


Napatingin si Lisica kay Sandy saka nito kinuha ang kinakain nitong burger na kakagat lang nito.

"Uyyy! Akin iyan." sabi ni Sandy na ikinangiti ni Lisica.


"Ninakaw mo ito so para mabawasan ang kasalanan mo mamahagi ka. Be a Robinhood in reality."
sabi ni Lisica saka ito tuluyan sinara ang pintuan ng kotse at nagmamadaling umalis.


"Asar! Akin iyon eh."
sabi ni Sandy sabay dungaw sa bintana at sinundan ng tingin si Lisica.

...............

Kanina pa nakamasid si Lisica sa paligid, at dahil araw-araw na yata traffic sa naturang daanan kaya kabisado na yata niya ang galaw ng mga tao roon.

Sa sikat at mayamang lugar na iyon sa Amerika makikita mo ang totoong kulay nito kung magagawi ka sa parteng na iyon ng New York, katulad sa ilang bansa hindi maikakaila na nagkalat ang mga pulubi sa lugar.

Mga sitwasyon hindi nakikita ng ibang taong na hindi pa nakakapunta roon, at nangangarap sa sana kabilang sila sa kilalang lungsod ng Amerika.

"Kuya, sayo na ito." sabi ni Lisica ng huminto ito sa harap ng isang lalaki na ikinatingin naman ng lalaki dito.

Napatitig si Lisica sa lalaki, alam niyang Pilipino ito dahil ang sitwasyon ng mga tnt na mga Pinoy sa Amerika ay laganap na tila isang sampal sa tulad niyang Pinoy na may kakayahan mamuhay sa ganoong bansa.

"Kababayan, kaya mo iyan. Laban lang." napangiting sabi ni Lisica na ikinangiti ng lalaki.

"Salamat." sabi ng lalaki sabay kuha ng burger sa kamay ni Lisica.



"Marami tayong nasa bansang ito kaso ang iba hindi pinalad pero kahit ganoon, tiwala lang aahon din tayong lahat."
napangiting sabi ni Lisica na ikinatango ng lalaki na may bitbit na bag sa likuran nito. Nakasuot ito ng makapal na damit dahil taglamig ng mga buwan na iyon.

"Okay." sabi ng lalaki na kanina pa nakikita ni Lisica na tila tuliro. Nag-iisa din kasi ito at halatang gutom. Paano niya nabatid?

Sa tinagal-tagal na niya sa lugar na iyon, napagtutuunan niya lagi ng pansin ang mga kababayan niya na nakipagsapalaran pero nabigo. Marami sila.... na hindi alam ng gobyerno ng Pilipinas o marahil bulag ang mga ito sa totoong sitwasyon ng mga Pinoy na gusto makipagsapalaran sa mayamang bansa, at mangarap na mamuhay sa lugar. Iyon nga lang ang katotohanan ay sasalamin kapag nakatayo ka na sa sitwasyon ng mga nakikita niya ngayon.


"Ingat."
sabi ni Lisica saka ito tumalikod na ikinasunod ng tingin ng lalaki.

Sa pagtalikod ni Lisica napahingang malalim siya ng may makita pang kababayan niya.


"Lord, salamat sa buhay at katayuan ko pero sana po tulungan niyo sila makaahon." sabi ni Lisica sa isip habang nakikita ang dumaraming Pinoy na nagiging palaboy sa bansang iyon.

Ang maganda at asensadong lugar ng New York ang pangarap puntahan ng mga Pilipino pero sa kabila noon bangungot ang lugar na iyon sa iba dahil ang magandang pangalan at antas ng lugar na iyon ay para sa kanya ay sumasalamin sa isang pagkukunwari.

"Lisica, halika na!" sigaw ni Sandy na ikinangiti ni Lisica saka ito naglakad ng mabilis ng makita papaandar na ang mga sasakyan.


Ganoon sa NYC, traffic lagi, mausok, magulo, parang Pilipinas din iyon nga lang magaling magtago ang mga dayuhan sa kalat nila o marahil ang kalat kasi ay kapwa niya Pinoy.

"Haysss! Lord, sa ilang taon ko pamamalagi dito marami ako natutunan. Pinakita Mo kung gaano ako kasuwerte pero sa kabila noon pinaramdam mo sa akin ang sawing kapalaran ng iba na natutunghayan ko ngayon." napabuntong hiningang sabi ni Lisica sa isip habang napapatingin sa mga OFW o Pinoy na nagkalat sa siyudad na iyon.


..................

"Hayss ang tagal." sabi ni Sandy na napahingang malalim habang hinihintay makalapit uli si Lisica na nakuha pang tumingin sa paligid nito.


"Wala tuloy ako kakainin."
sabi pa ni Sandy saka ito napatingin sa lalaking binigyan ng burger ni Lisica.


"Kasi nasa kanya. Tsss. Mga pinoy na sumiksik sa lugar na ito tapos sa huli magiging pulubi din naman."
sabi ni Sandy.


Pinagmasdan ni Sandy ang lalaking pinagbigyan ng burger ni Lisica, nakaupo na ito ngayon sa gilid ng daan habang kinakain ang burger niya.


"Asar! Kinuha ko pa naman ang pinakamasarap tapos ikaw lang ang makakatikim."
sabi pa ni Sandy sa isip habang nakatingin sa lalaki, pero ilang sandali lang nagullat si Sandy ng bumaling ang tingin ng lalaki sa kanya.

"Ohhh, nakatingin ba siya?" sabi ni Sandy sa isip na hindi masiguro kung sa kanya nga nakatingin ang lalaki dahil may kalayuan ito sa puwesto niya. Isama pa na nasa loob siya ng kotse.

"Tssss, akin iyan eh." sabi ni Sandy ng mapatingin sa burger na nasa kamay ng lalaki.

"Hahaha! Ninakaw mo naman." sabi ni Lisica ng makabalik ito sa kotse at marinig ang sinabi ni Sandy.

"Beggar!" malakas na sabi ni Sandy sa hindi siguradong nakatingin sa kanya na lalaki sabay fuck sign nito.

"Uyyy! Bad iyan." nanlalaking mata sa gulat na saway na sabi ni Lisica sa pinsan na mas bata sa kanya, sabay palo sa kamay nitong nakafuck sign sa lalaki.

"Fuck you! Beggar!" sigaw pa ni Sandy na ikinatakip ni Lisica sa bibig ng pinsan.


"Shhh, ano ka ba? Kababayan natin iyon."
sabi ni Lisica.

Nakatingin lang si Sandy sa lalaki ng biglang mapangisi ang lalaki at tumayo ito sa pagkakaupo.


"Uyyyy! Papalapit."
sabi ni Sandy na agad na inalis ang kamay ni Lisica sa bibig niya.


"Aisst! Lalapit talaga iyan. Siraulo ka baka mavideohan ka maviral ka pa."
sabi ni Lisica.


"Bilisan mo, patakbuhin mo ang kotse na go na."
sabi ni Sandy ng mataranta ito ng maglakad ang lalaki at papunta sa kotse nila ni Lisica.


"Sandali, nahihilo ako,"
sabi ni Lisica na hindi makuhang mapaandar ang kotse dahil si Sandy niyuyugyug siya.


"Ahhhhh! Police, arrest this fucking criminal!"
sigaw ni Sandy pero mabilis na nakalapit ang lalaki.

"Ahhhh!" sigaw ni Sandy at akmang isasara nito ang bintana ng kotse ng mabilis na naisingit ng lalaki ang ulo sa loob ng kotse na ikinasigaw ng magpinsan.


"Ahhhhhh!"
sigaw nila Lisica at Sandy.

"Hindi ako beggar." sabi ng baritonong boses ng lalaki.


"Sorry kuya joke lang niya iyon. Peace tayo."
sabi ni Lisica habang si Sandy natulala sa takot dahil ang mukha ng lalaki nasa loob ng kotse nakapasok na halos sakupin ang upuan ni Sandy kaya si Sandy nakasandal at hindi humihinga sa upuan nito.

Napatitig ang magpinsan sa lalaki, may itsura ito pero dahil may bigote at balbas ito hindi nila alam kung guwapo ito kapag naahitan. Isama pa iyon nga lang mukhang kulang sa ligo dahil iba ang amoy nito o baka kasi nga naman malamig ang klima kaya ganoon. Matangkad ang lalaki, pero hindi nila makita kung malaki ba ang katawan nito dahil nakasuot ito ng makapal na kasuotan panlamig. Hindi rin nila matantya ang kulay ng balat nito dahil halos natatakpan na ang buong katawan nito.

Samantalang nakatingin lamang ang lalaki kay Sandy na namumutla.

"Cous magsorry ka na." sabi ni Lisica kay Sandy habang nanginginig ang boses niya sa takot at kaba.

"Beggar." mahinang sabi ni Sandy.

"Ohhh, ibaba mo ang angas mo." sabi ni Lisica sa pinsan na ikinalunok ni Sandy ng makitang lalong nainis ang lalaki sa kanya.

"Kaya kami lalo naghihirap dahil sa tulad mo." sabi ng lalaki habang nakatingin sa babae.


"No, kaya kayo naghihirap dahil pinipilit niyo gumanda ang buhay niyo. In short nagsasabi kayo sa Pinas na okay kayo kahit ang totoo OFW here are poor."
sabi ni Sandy na ikinangisi ng lalaki at ikinalunok ni Lisica.


"Uy, bata magsorry ka na. Gusto ko pang umuwi ng buhay sa Pinas."
sabi ni Lisica dahil ang totoo si Sandy ang kasama niya sa NYC. Bata ito sa kanya ng pito o walong taon pero kahit ganoon naging close sila kahit na nga ba magkasalungat sila ng ginagawa sa buhay.

"Ayokong magsorry kasi kailangan tanggapin ng mga Pinoy na ito, na they are poor in this place at nagyayabang lang sila sa Pinas dahil sa kakapiranggot na suweldo nila dito na kinoconvert lang naman nila sa mababang halaga ng piso." sabi ni Sandy sa maangas na tono pero halatang kinakabahan ito.

"Ohhh, say sorry." sabi ni Lisica dahil alam niyang matapang o... talagang mayabang si Sandy kasi abogado ang ama nito at kuya. Isama pa na mayaman talaga ito dahil kabilang ito sa Cheung Clan na may malaking kompanya sa NYC.

"Huh! Ayoko." sabi ni Sandy, pero nagulat si Sandy ng ilapag ng lalaki ang burger niyang kakapiranggot na lang sa hita niya.

"Mas kailangan mo ng pagkain, mahina kasi ang utak mo." sabi ng lalaki saka ito tinapik sa noo si Sandy na ikinanlaki ng mata ng magpinsan.


"Uy! Brainy ako, nasa lahi namin ang pagiging abogado!"
sigaw ni Sandy sa mukha ng lalaki na ikinapikit ng lalaki ng tumalsik pa ang laway ni Sandy sa mukha niya.


"Ohhh! Kuya sorry. Ganyan talaga siya."
sabi ni Lisica sa lalaki dahil kahit siya mapipikon siya kay Sandy sa ginagawa nitong kayabangan.

"Liar...at" sabi ng lalaki sabay napadilat ito at tinitigan si Sandy saka umusal muli.

".....magna.... nakaw." sabi ng lalaki na ikinanlaki ng mata ni Sandy.


"Ohhh! Kuya, huwag kang magsusumbong."
sabi ni Lisica sabay kuha ng burger sa hita ni Sandy at mabilis iyon sinubo kay Sandy para walang ebidensya dahil iyon ang isa sa ayaw niya sa buhay niya NYC naging tagatago siya ng mga ninanakaw ng pinsan niyang klepto para linisin ang kalat nito.

"Ahhh! Yuck!" sabi ni Sandy habang nagpupumiglas ang mukha nito sa pag-iwas sa pagsubo ni Lisica ng burger na kinainan na ng lalaki.


"Kainin mo iyan, baka may makuhang ebidensya."
sabi ni Lisica na pilit pinasubo ang burger na natira sa pinsan.


"Ewww! Kinain na niya iyan."
sabi ni Sandy na pilit magsalita habang nakasara ang bibig dahil iwas ito sa burger na sinusubo ni Lisica.


"Kakainin mo o makukulong ka? Ikaw lang ang makukulong kasi tetestigo ako."
sabi ni Lisica na ikinabuka ng bibig ni Sandy kaya mabilis na sinalpak ni Lisica ang burger sa bibig ng pinsan.

"Asar!" ngumunguyang sabi ni Sandy sabay tingin sa lalaki.

"Dukha!" sigaw ni Sandy sa mukha ng lalaki.

"Ewww!" sigaw na nandidiring sabi ni Lisica ng tumalsik ang kinakain ni Sandy sa mukha ng lalaki.

Napangisi ang lalaki at nagulat ang magpinsan ng nagawang kainin ng lalaki ang kakapiranggot na burger na tumalsik sa mukha nito.

"Mag-iingat kayo dahil sa NYC maraming halang ang bituka." sabi ng lalaki saka nito nilabas ang mukha mula sa bintana ng kotse na ikinahingang malalim nila Lisica at Sandy.


"Isara mo na."
sabi ni Lisica na agad naman isinara ni Sandy ang bintana ng kotse.

"Huh! Mukhang hindi nga beggar." sabi ni Sandy na ikinakunot noo ni Lisica.

"Ha?" sabi ni Lisica na agad na pinaandar ang kotse nito sa takot.

"Ang beggar na OFW na iyon ay may nakatagong hikaw na mamahalin, 24 karat white gold." sabi ni Sandy na ikinanlaki ng mata ni Lisica nang tumingin siya kay Sandy nakita niya ang nasa kamay ng pinsan.

"Ohh God. Ninakaw mo? Wala kang awa. Hindi mo ba nakikita ang mga kababayan natin nagdidildil ng asin para makabili niyan at maiuwi sa Pinas." di makapaniwalang sabi ni Lisica.


"Bawi ko na ang burger ko na kinain niya. Huh! At saka hindi ko kasalanan sumiksik sila sa bansang ito para maging pulubi lang."
sabi ni Sandy sabay kuyom ng kamay nito kung nasaan hawak nito ang hikaw.

"Paano mo nakuha iyan sa kanya?" sabi ni Lisica na hindi makapaniwala na mabilis ang mata at kamay ni Sandy.

"Magaling ako sa lahat, at itong nakuha ko worth 66k pesos. Not bad para sa bayad ng isang nakaw na burger." sabi ni Sandy sabay napaismid ito ng nakakainis.


"Ohhh, magkakasala ako kapag kasama kita."
sabi ni Lisica dahil ang pinsan niya may sakit na klepto kaya nga pinapunta ito ng NYC para hindi matuon ang atensyon ng lahat dito at maibato ang sakit nito sa pamilya nito na ngayon nasa politika namamayagpag.

"Hahaha!" natawang reaksyon ni Sandy.


"Ibalik mo iyan."
sabi ni Lisica.

"No, kasi ang nakuha ni Sandy ay pag-aari na niya at kapag kinuha ng iba tiyak may malaking hihingiin si Sandy bilang kapalit." sabi ni Sandy na ikinatitig ni Lisica sa pinsan dahil teenager pa lamang ito pero lalong lumalala ang sakit nito at iyon.... iyon ang binabato sa kuya nito na may balak tumakbo sa pagkapangulo.

Magnanakaw, na siyang sakit ng nanay at kapatid ni Lake Valiente.

"Ayoko na makasama ito Lord, baka sunugin na ako ng tuluyan sa impyerno." sabi ni Lisica sa isip.

"Hahaha! May nakuha na akong balita sa kuya mo." sabi ni Sandy na natawa dahil nabasa niya ang nasa isip ni Lisica.

Alam naman kasi ni Sandy na napipiitan lang ang lahat samahan siya pero ang totoo takot ang mga ito sa sakit niya kaya nga pinapunta siya sa NYC para itago o tingin niya para makasama ang mga tulad niyang Pinoy na may tinatagong baho at pagkukunwari.

"Ha?" gulat na reaksyon ni Lisica.

"Samo Monastery doon nakatira si Father Raev ngayon." sabi ni Sandy na ikinakunot noo ni Lisica na tila nawala ang alalahanin niya kay Sandy dahil sa sinabi nito ngayon.

"Father?" sabi ni Lisica na ikinangisi ni Sandy sabay suot sa tainga ng ninakaw nitong hikaw.

"Yup, pari na si Kuya Raev at nasa Monasteryo siya. Mukhang naglilinis ng kasalanan sa pagpatol sa kapatid niya." mapanuyang sabi ni Sandy na ikinalunok ni Lisica.

Napangisi si Sandy, lahat sila may baho, lahat ng tao meron, iyon nga lang inililihim ito ng iba. Hindi ito tulad niya na hindi mapigilan magkasala ng paulit-ulit.

"Pari." sabi ni Lisica na ikinatango ni Sandy.

"Yes, gusto mo siya sundan? Papayuhan kita." sabi ni Sandy na ikinapreno ni Lisica sa kotse ng magred ang light.

"Ano?" sabi ni Lisica.


"Sundan mo taposmagmadre ka."
natawang sabi ni Sandy.

Napatingin si Lisica sa pinsan halatang nagbibiro ito o marahil sinasampal siya nito ng katotohanan na makasalanan din siya tulad nito na isang kleptomaniac.

"Ate Lisica, bakit ka ganyan makatingin?" sabi ni Sandy na ikinahingang malalim ni Lisica.

"Alam ko nagtatampo ka sa pamilya natin, sa buong grupo at sa akin." sabi ni Lisica na ikinatahimik ni Sandy.

"Sorry na kung minsan nararamdaman mo na ayaw kitang kasama lalo na kapag malikot ang kamay mo. May mga kasalanan na puwede iwasan at meron naman kahit gusto mo iwasan hindi mo maiiwasan, pero kahit ganoon huwag mong itatanim sa isip mo na walang nagmamahal sayo dahil sa ginagawa mong pagkakasala." sabi ni Lisica na ikinangiti ni Sandy sabay kapa sa tainga nito kung nasaan nakasuot ang hikaw na ninakaw nito sa lalaki kanina.

"Uuwi ka na at maiiwan ako dito." sabi ni Sandy na ikinayakap ni Lisica sa pinsan.

"Tandaan mo lagi, na dinala ka dito para mag-aral hindi dahil tinapon ka. Oo siguro naiisip natin dalawa nilalagay ang bawat isa sa grupo dito sa NYC kasi tinapon pero hindi... kundi para matuto. At sa panahon na nakasama kita, marami akong natutunan. Sa mga taon na nasisilayan ko ang mga tao sa bansang ito marami akong nahinuha.

Sa mga kababayan natin na nagsusumikap umahon sa bansang ito naunawaan ko, hindi lahat tayo masuwerte pero lahat tayo may kakayahan mangarap at kunin ang pangarap. Lahat tayo magkakasala pero lahat tayo matututo sa pagkakasala." sabi ni Lisica na ikinangiti ni Sandy dahil ganoon si Lisica magaling mangaral dinaig pa nga nito ang Pari na nagmimisa sa simbahan.

"Salamat, sana matagpuan mo ang taong makakasama mo habang buhay." sabi ni Sandy.

"Sa sinabi mo kanina natagpuan ko na." sabi ni Lisica na ikinakunot noo ni Sandy sabay bitaw sa pagkakayakap ni Lisica.


"Alin?"
sabi ni Sandy na ikinangiti ni Lisica.

"Ilang taon ako dito pero kahit anong gawin ko si Raev lang ang hinahanap ng puso ko. Corny pero iyon ang totoo kaya naman naisip ko na siguro hindi biro ang sinabi mo na magmadre ako para masundan ko siya." sabi ni Lisica na ikinanlaki ng mata ni Sandy.


"Uyyy! Biro lang iyon."
sabi ni Sandy na ikinatawa ni Lisica.

"Kapag nasa kumbento na ako, ipagdarasal kita. Lagi kong hihilingin sa Diyos na patawarin ka sa sakit mo. Ganoon din, mas okay na siguro na pumasok ako sa tahanan ng Diyos para mailapit ko ang sarili ko sa Kanya." sabi ni Lisica.

"Uyyy! Biro lang talaga iyon." nahihintakutang sabi ni Sandy na tila gumana ang imahinasyon niya sa gusto mangyari ni Lisica.


"Hahaha! Hindi ako mag-aasawa, at kung si Raev naibigay ang lahat sa Panginoon kaya ko rin iyon. Kaya salamat sa impormasyon."
sabi ni Lisica.

"Ohhh, shit huwag kang papasok sa Monasteryo kung para sa kalandian lang." sabi ni Sandy.


"Hahaha! Magsisilbi ako sa simbahan."
sabi ni Lisica habang nagniningning ang mga mata nito.

"Ohhhh, para kang si Eba na sana huwag mong tuksuhin si Adan na nasa bahay ng Diyos." kinilabutang sabi ni Sandy.

"Hindi naman." natatawang sabi ni Lisica sa reaksyon ni Sandy na halatang kinakabahan ito.

"Huwag mong idadahilan ang Diyos para lamang makasama ang lalaking mali para sayo at magkasala kayong dalawa." sabi ni Sandy na halos bumaligtad ang nagaganap at ngayon siya na ang sumusuway kay Lisica sa kamalian nito.

"No sex." sabi ni Lisica na napangiti ng kakaiba.

"Ohhhh!" eksaheradang sabi ni Sandy dahil malabo iyon at ngayon pakiramdam niya madadagdagan ang kasalanan niyang sakit na pangungupit dahil tila siya ang mitsa ng kaharutan ni Lisica na gagawin nito.

"Hahaha! Uuwi na ako at una kong gagawin mangungumpisal ako kay Father Raev," pilyang sabi ni Lisica na ikinanlaki ng mata ni Sandy.


"Mas makasalanan ka pa sa akin na isang klepto."
sabi ni Sandy.

"Walang antas ang kamalian, lahat ng mali pantay-pantay." sabi ni Lisica na tila proud pa ito sa maling sinasabi nito.


"Aissst! Itakbo mo na nga ang kotse at ang ingay na ng busina sa likuran."
sabi ni Sandy ng mag-go ang signal sa mabagal na usad ng mga sasakyan dahil sa trapik.

"Darating din tayo sa dulo, at magkikita din kami ni Father... Raev." sabi ni Lisica saka nito pinatakbo ang kotse na ikinalunok ni Sandy.


"Grabe ang babaeng ito mahalay."
sabi ni Sandy sa isip.

"Brother Raev pala... ayieeee Father na si Brother." natatawang kinikilig na sabi ni Lisica na ikinanlaki ng mga mata ni Sandy


"Ayyy! Ang harot ng tinggil mo."
inis na sabi ni Sandy na ikinatawa ng malakas ni Lisica.

...........

7.27.24 6.12pm

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top