Prologo : Dilim
Prologo: Dilim
(Play the song for this chapter Dreams)
Kanina pa nakatunghay ang apat na taong gulang na batang lalaki sa tiyuhin niya habang aligaga ito kung sino ang uunahin sa pamilya nito.
"Ahhh!" sigaw ng tiyuhin ng bata sabay napahagolhol ito na ikinalunok ng batang lalaki habang ang kasama nitong batang babae halos sumiksik sa kanya sa takot sa tiyuhin nila.
"Tuya, iyat." pabulol na sabi ng magdadalawang taong gulang na batang babae na ikinayakap ng batang lalaki dito.
Napatingin ang tiyuhin ng dalawang bata na ikinatitig ng batang lalaki sa tiyuhin niya. Mula sa mata ng tiyuhin ng batang lalaki bumakas ang pagkasuklam na ikinalunok ng batang lalaki dahil sa kanya ito napatitig.
"Tuya, ayit siya." pabulol na sabi ng batang babae na ikinayakap pa lalo ng mahigpit ng batang lalaki dito.
"Huwag mo siyang sisihin, wala siyang alam." sabi ng ina ng tiyuhin ng batang lalaki na ikinatingin ng binata dito.
Napangiti ang ginang sabay tingin sa batang lalaki na napatingin sa kanya habang bakas ang mga katanungan sa mga mata nito.
"Kamukha mo ang ama mo, pero hindi iyon magiging dahilan para maging katulad mo siya." sabi ng ginang habang namumugto ang mga mata nito na ikinakunot ng batang lalaki sa kalituhan.
"Hindi ka niya makikita. Hindi kita lalo ipapakita sa kanya." napatiim na bagang na sabi ng tiyuhin ng batang lalaki na ikinabaling muli ng tingin ng batang lalaki dito pero sa pagbaling ng batang lalaki napangiti ito na ikinakunot noo naman ng tiyuhin nito.
"Hindi mo kaya? Nahihirapan ka po ba? Tutulungan kita." sabi ng batang lalaki na ikinangisi ng tiyuhin nito at ikinangiti naman ng ina ng tiyuhin ng batang lalaki.
"Anong alam mo?" mapanuyang sabi ng tiyuhin ng batang lalaki na ikinawala ng ngiti ng ina nito sa paraan ng pakikipag-usap ng anak sa batang lalaki.
"Hindi ko po alam pero puwede mo po akong turuan." sabi ng batang lalaki na napangiti kahit na alam nito na halatang galit sa kanya ang tiyuhin na hindi naman niya maunawaan kung bakit.
"Kaya mo?" asarkastikong sabi ng tiyuhin ng batang lalaki na ikinatango ng batang lalaki.
"Anak, bata pa iyan. Isama na lang natin sila" sabi ng ginang.
"Huh! Dagdag pamasahe pa siya." napangising sabi ng tiyuhin ng batang lalaki.
"Anak...." sabi ng ginang pero naudlot ang pagsasalita nito ng magsalita ang batang lalaki.
"Hindi ko po alam kung bakit ka galit. Dumating kayo na wala si lolo, at ang pangako mong iuuwi si Mama hindi mo tinupad." naguguluhang sabi ng batang lalaki na ikinalunok ng tiyuhin nito
"Apo, kasi..." udlot na sabi ng ginang ng biglang magsalita ang anak nito.
"Ang ama mo, ginahasa ang nanay mo." sabi ng tiyuhin ng batang lalaki na ikinakunot noo lamang ng batang lalaki kaya napangisi ang tiyuhin nito at muling nagsalita ng makitang hindi naunawaan ng batang lalaki ang nagaganap.
"Ang kapatid ko, hinalay ng ama mo habang buntis." sabi ng tiyuhin ng batang lalaki.
"Anak, tama na." suway ng ginang sa anak.
Hindi umimik ang batang lalaki habang nakatitig lamang sa tiyuhin nito na ikinangisi ng binata at muling umusal.
"Paano kaya kung malaman niyang may anak siyang nakatago? Huh! Mas lalong magwawala iyon panigurado." sabi pa ng tiyuhin ng batang lalaki.
"Pagod ka na po. Ano bang maitutulong ko para po hindi ka na magalit?" sabi ng batang lalaki na ikinalunok ng tiyuhin nito at ikinaluha ng ginang sa paraan ng pagsasalita ng batang lalaki dahil kahit bakas ang kalituhan at takot, pinipigilan nitong lumuha at ang pananalita nito sa murang gulang nito ay tila sinusubukan nitong ikalma, hinahawakan ng batang lalaki ang mga salita nito na tila pilit nitong inaalisa at inuunawa ang mga nasa paligid nito, ang galit, at ang pagkasuklam na binabato ng tiyuhin nito.
"Aalis kami, dito ka lang at alagaan mo ang kapatid mo." sabi ng tiyuhin ng batang lalaki na ikinanlaki ng mata ng ginang.
"Anak, hindi niya kaya iyan. Maiiwan na lang ako." sabi ng ginang na ikinatingin ng anak nito dito.
"Kailangan ka ni Tatay, kapag hindi niya narinig ang boses mo baka mamatay siya." sabi ng lalaki.
"Anak, kung ganoon maiwan ka na lang at ako ng bahala sa tatay mo at ate mo." sabi ng ginang na ikinailing ng lalaki.
"Ayoko na wala ako sa tabi ng tatay ko at ng ate ko." sabi ng lalaki.
"Anak..." udlot na sabi ng ginang ng magsalita ang batang lalaki.
"Lola, tama si tito dapat sa pamilya laging magkasama kasi baka magsisi ka kapag nawala ang mahal natin na wala tayo sa tabi nila." sabi ng batang lalaki na halos pabulol pa magsalita at halatang bata pa nga ito sa pautal na sinasabi.
"Wala kang kasama dito." sabi ng ginang na ikinangiti ng batang lalaki kaya napalunok ang binata ng makita ang inosenteng mukha ng batang lalaki.
"Lola, babalik ka naman po di ba? Babalik naman po kayo, at saka madali naman po kayo di ba?" nakangiting sabi ng batang lalaki.
Hindi umimik ang ginang ang alam ng batang lalaki may sakit lang ang ina nito, at kahit sinabi na nila ang dahilan hindi nila puwede isiksik sa utak nito at ipaunawa ang nagaganap dahil bata pa ito.
"Tuya, ayo ata yon." pabulol na sabi ng batang babae.
Napatingin ang ginang sa batang babae habang magkayakap ito ng kapatid na lalaki.
"Malapit lang siguro." inosenteng sabi ng batang lalaki sa kapatid.
"Isang linggo." sabi ng binata.
"Wine!" napalakas na sabi ng ginang.
"Lola Venus, okay lang isang linggo ganito lang po iyon." sabi ng batang lalaki sabay alis sa pagkakayakap sa kapatid nito saka iwenestra ang mga daliri nito.
"Piyo." pabulol na sabi ng batang babae na ikinangiti ni Venus dahil ang dalawang batang anak ng anak sa pagkabinata ng asawa niya mga bibo sa edad ng mga ito.
"Babalik kami." sabi ni Wine na ikinatalim ng tingin ni Venus sa anak.
"Maiiwan ako." sabi ni Venus dahil hindi naman lingid sa kanya, may galit ang anak niya sa asawa ng kapatid nito. Bakit nga ba hindi? Muntikan ng mapatay ni Autumn Valiente si Chhaya pero ang masama mukhang nakikita ng anak niyang si Wine sa batang lalaking kaharap nila si Autumn.
"Lola, sama na po ikaw." nakangiting sabi ng batang lalaki.
"Hindi, dahil maiiwan ako para sa inyo." sabi ni Venus dahil ang batang lalaki apat na taong gulang pa lamang at akay nito ang kapatid nitong magdadalawang taon pa lamang.
"Mamili ka nanay, si Tatay at si Ate o ang mga batang iyan?" sabi ni Wine na ikinatalim ng mata ni Venus kay Wine.
"Hindi kita pinalaki na ganyan. Bata ang pinagbubuntunan mo ng galit mo." sabi ni Venus.
"Lola, huwag po kayo mag-away ng dahil sa amin." sabi ng batang lalaki na ikinangisi ni Wine sabay baling dito.
"Sa pagmamahal ng ate ko biruin mo dalawa kayong batang lalaki na sinunod niya sa pangalan ng demonyo niyang asawa." nanlilisik na mata na sabi ni Wine sa batang lalaki.
"Sabi ng tama na." sabi ni Venus sabay hila nito kay Wine na ikinayakap ng batang babae sa kuya nito.
"Lola, huwag po kayo mag-away kasi mararamdaman iyon ni lolo Malic." mahinang sabi ng batang lalaki na ikinangisi ni Wine sabay baling sa batang lalaki.
Pagtingin ni Wine sa batang lalaki banaag ang pagkasuklam ni Wine sa mata nito sa nakikitang mukha sa batang lalaki.
"Aj, huwag kang magpaka-anghel dahil hindi ka galing sa anghel." sabi ni Wine.
"Ano ba?! Sabi ng huwag mong pagbuntunan ang bata." galit na sabi ni Venus sa anak.
"Umalis ka na po tito bago mo mahigop ang pagkademonyo ko at sumapi sayo." mahinang sabi ng batang lalaki habang nakatitig kay Wine na ikinalunok ni Wine ng maluha ang batang lalaki pero ang mukha ng batang lalaki... blangko.
"Huwag ka ng magsasalita, Wine. Maiiwan na ako para sa mga bata." suway na sabi ni Venus kay Wine na ikinatiim ng bagang ni Wine.
"Kaya ko lola dahil anak ako ni Autumn Valiente. Ipapakita ko sa inyong lahat na kaya ko at hindi tulad ng ama ko, kasi kaya ko humakbang ng deretso." sabi ng batang lalaki habang lumuluha ito pero ang mukha nito blangko pa rin na ikinakunot noo ni Venus at ikinalunok ni Wine.
"Hindi. Hindi ka maiiwan, hindi ko kayo iiwan." napangiting sabi ni Venus sabay lapit sa dalawang bata at niyakap ito na ikinaiyak ng batang babae at ikinangiti ng batang lalaki.
"Hindi mo ako kadugo lola Venus, pero mabait ka sa amin. Bagay na hanggat nakikita ko ang kagaya mo mananatili ako sa gusto ng Mama ko na maging ako." sabi ng batang lalaki na ikinaluha ni Venus.
"Ibalik mo si Mama at ang kapatid ko, iyon na lang po ang pasalubong mo. Huwag kang uuwi na wala ang Mama ko, lola Venus." sabi ng batang lalaki saka ito humagolhol na ikinaluha ni Venus at ni Wine habang ang batang babae halos hindi makahinga sa pag-iyak.
............
Months Later
"Tito!" masayang sabi ng batang babae ng makita nito si Wine.
Napahinto si Aj sa ginagawa nitong paghuhugas ng plato sa lababo habang nakatuntong sa silya.
Napahinto naman si Wine ng masalubong ang mata ng batang lalaki. Basang-basa ang damit nito at may bula pa ng sabon na tumalsik sa buhok nito.
"Tito ino siya?" pabulol na sabi ng batang babae sa hawak na sanggol ni Wine.
Hindi umimik si Wine habang nakatingin pa rin sa batang lalaki.
Napatingin naman ang batang lalaki sa sanggol na hawak ng tiyuhin. Ilang buwan nawala ang pamilya ng Mama niya, ang isang linggo ay hindi natupad pero kahit ganoon sa nakikita ng batang lalaki napangiti ito.
"Babalik na ako." sabi ni Wine sabay lapit sa dalawang bata.
Hindi umimik si AJ, kung tutuusin kasi may kasama naman sila. Binilinan ng tito Wine niya, isang katiwala na tumitingin sa kanila. Tingin lang, tsinetsek kung okay ba sila ng kapatid niyang si Astraea. Nasa isang isla sila, doon na nga yata siya pinanganak pero hindi niya sigurado kasi para kay Aj, wala siyang bakas ng pinagmulan.
"Hello." nakangiting sabi ni Astraea sa sanggol na hawak ng tito Wine niya. Bahagyang yumuko si Wine nang makita ng dalawang bata ang sanggol na ikinatingin ni Aj sa sanggol.
Sa pagtingin ni Aj sa sanggol una niyang napansin ang mga mata ng sanggol dahil hindi maitatangging Valiente ang sanggol dahil ang mata nito kasing dilim ng kalangitan ng gabi.
"Bulag siya." mahinang sabi ni Wine na ikinatitig lalo ni Aj sanggol at ngayon sa kabuuang mukha nito. Maliit ang sanggol, kung tutuusin parang ito si Astraea kaliit noong ipinanganak, na halatang ang ina nito stress, depress o problemado sa panahong pinagbubuntis ito.
"Triplets sila, nawala ang dalawa kasi hindi kinaya." sabi pa ni Wine pero ang batang lalaki walang reaksyon habang nakatunghay sa sanggol.
"Lalaki... dalawang lalaki." sabi pa ni Wine habang nakatingin sa reaksyon ng batang lalaki pero bigo siya makita ang reaksyon nito dahil muli blangko lang ang mukha ng batang lalaki habang nakatitig sa sanggol.
"Wawa buyag." mahinang sabi ni Astraea na halatang wala itong muwang o hindi pa alam ang nagaganap.
"Mag-aaral ka na sa pasukan." sabi ni Wine kay Aj na ikinatango ng batang lalaki.
"Mag-aaral na din si tito." sabi pa ni Wine ng tumango lang ang batang lalaki.
"Ano ayay mo tito?" sabi ng batang babae sa tiyuhin.
"Gusto ko maging lawyer." sabi ni Wine habang nakatitig sa batang lalaki na nakuhang haplusin ng maliit na kamay nito ang mukha ng sanggol.
"Hindi ka na po ayis?" tanong ni Astraea kay Wine.
Hindi sumagot si Wine nang makitang ngumiti si Aj habang nakatitig sa sanggol.
"Suri." mahinang usal ni Aj.
"Ah?" namimilog na mata na sabi ni Astraea.
"Ano iyon?" usal ni Wine sa ibang pagkakadinig nito sa sinabi ni Aj.
"Aalagaan ko po siya tito." napangiting sabi ni Aj sabay lahad ng kamay nito at tingin kay Wine.
Napalunok si Wine nang makita ang masayang mukha ng inosenteng pamangkin kaya lahat ng galit niya para sa ama ng batang lalaki naglaho lahat.
"Akin na po siya." nakangiting sabi ni Aj habang ang mga palad nito excited sa pagkarga sa sanggol na babae.
"Tito si Mama ko po?" biglang sabi ni Astraea na ikinawala ng ngiti ng batang lalaki at ikinalunok ni Wine.
"Ahhm." sabi ni Wine habang nakatitig sa mata ng batang lalaki.
"Kelan dating Mama ko po?" sabi pa ni Astraea.
"Ahhmm." sabi uli ni Wine ng biglang ngumiti uli ang batang lalaki.
"Alagaan mo ang Mama ko Tito, at ako ng bahala sa mga kapatid ko. Basta ipangako mo, ibabalik mo siya." nakangiting sabi ng batang lalaki pero ang mata nito pigil ang luha.
"Wala na peya tito? Wala nga siya bigay sabi ni manang." biglang sabi ni Astraea na ikinangiti ni Aj kaya napakunot noo si Wine.
Maliit lang ang ibinibigay na pera ni Wine sa katiwala dahil ang totoo kapos siya. Tinitipid niya pa ang pera ng tatay niya na nasa pangangalaga niya. Malaki ang gastusin sa pagpapagamot ng ama at ng ate niya na sa ibang bansa pa isinasagawa. Hindi naman siya puwede humingi ng tulong sa pamilya ng ama niya dahil alam niyang ayaw ng ama niyang umasa sa pamilya nito mula ng bumukod ito kasama ng nanay niyang si Venus.
"Huwag mo kaming alalahanin, Tito. Unahin mo ang pamilya mo at kompletuhin mo muna. Tapos kapag okay na saka mo kami balikan... para kami naman ang makompleto." nakangiting lumuluhang sabi ni Aj.
Hindi nakapagsalita si Wine dahil ang batang nasa harapan niya mag-aaral pa lamang pero tila mabilis itong natututo o nakaunawa sa mga nagaganap kahit na ilang buwan pa lamang siya nawawala sa tabi ng mga ito.
"Wine!" sigaw ng tinig mula sa labas ng bahay na ikinatingin ni Wine at ni Aj sa pintuan
"Bakit iyon?" sabi ni Wine na ikinatingin muli ni Aj sa sanggol na hawak ng tiyuhin ng gumalaw ito sa ingay.
"May nakarating na balita... si Autumn Valiente, pinapahanap kayo ng tatay mo." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Wine kay Aj, pero pagtingin ni Wine sa pamangkin nabakas niya ang kakaiba sa mukha nito habang nakatitig si Aj sa sanggol na buhat niya.
"Hayss!" napahingang malalim na reaksyon ni Wine dahil ang totoo nangangapa siya sa gagawin, pakiramdam niya kasi karga niya ang lahat na napakabigat para ipasan.
"Mabuhay ka ng solo tito..." sabi bigla ni Aj na ikinatitig ni Wine sa pamangkin.
Napatingin si Aj kay Wine saka muling umusal.
"...ako ng bahala sa mga kapatid ko basta ipangako mo ibabalik mo ang Mama namin." seryosong sabi ni Aj.
Sa pagtingin ni Aj kay Wine napalunok si Wine dahil ang titig ng batang lalaki kaparehas sa dalawang taong nagbanta sa kanya, ang pagkakaiba nga lang may kakaibang kumislap sa mga mata ni AJ.
"Aj, nandito lang ako." sabi ni Wine na ikinangiti ng batang lalaki.
"Alam ko po, pero bago mo kami intindihin gawin mo munang malakas ang sarili mo ng sa ganoon kaya mo harapin ang lahat at hindi mo na kailangan iwan ang taong mahal mo. Gawin mo matibay ang sarili mo para kahit anong unos hindi ka magigiba." sabi ni Aj sabay tingin sa sanggol.
"....ganoon kasi ang gagawin ko para kapag malaki na ako kaya ko protektahan ang lahat.... lahat ng mahal ko." napangiting sabi ni Aj saka ito napaiyak ng malakas na ikinaluhod ni Wine sabay yakap sa batang lalaki.
"Sorry." sabi ni Wine na ikainatango ng batang lalaki.
"Huwag kang hihingi ng sorry kung malinis ang puso mo at wala ka naman kasalanan, kasi po magkakaroon ka ng doubt kung paano ba ang maging mabait, at kung paano ba maging mabuting tao." sabi ni Aj.
"Pangako, magiging magaling akong abogado at ipagtatanggol ko kayo." sabi ni Wine na ikinangiti ni Aj sabay tingin kay Wine habang lumuluha ang batang lalaki.
"Huwag ka pong mag-alala, kapag malaki na ako magiging malakas ako, at ang lakas ko gagamitan ko ng puso nang sa ganoon hindi masaktan ang mga mahal ko.
Nang sa ganoon... hindi maulit ang nangyari kay Mama, nang sa ganoon... walang mamamatay ng dahil sa pusong hindi matibay... ng dahil sa pusong mapanakit." umiiyak na sabi ni Aj.
"Huwag kang magbabago, huwag na huwag." napaluhang sabai ni Wine.
"Hindi ako magbabago habang nakikita ko ang dilim sa mata ni Suri." napangiting sabi ni Aj saka ito napasigok na ikinatahimik ng tauhan ni Wine, at ng mismong binata habang si Astraea lumuluhang nakatunghay sa kuya nito na may kalituhan.
........
3.19.24 8.13pm
Fifth street
Enjoy reading Good Night
huwag kalimutan magdasal...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top