Kabanata 2 : Target


Kabanata 2 : Target


Sa pagtingin ng batang babae sa lalaki napalunok ang lalaki ng masilayan ang itim na mata ng batang babae, dahil hindi iyon pangkaraniwang mata.


"Bulag siya pero malakas ang pakairamdam."
mahinang sabi ng ginang na napanagisi sa reaksyon ng lalaki na halatang nahuli ito sa pandaraya.

Pumikit si Owie saka nito kinapa ang binibigay ng lalaki. Sa pag-abot ng batang babae ng isda nagulat ang lalaki at ang ginang ng ilagay ni Owie sa ulo ang isda kahit malansa iyon.

"Sobya ang timbang, mabigat na sa uyo to." pabulol na sabi ng batang babae na ikinalunok ng lalaki.

Napatingin naman ng may pang-aakusa ang ginang sa lalaki na halatang lalo itong napahiya sa ginawa dahil namumula ang mukha nito hanggang leeg.

"Waya ka peya?" sabi ni Owie sabay mulat ng mga mata nito.

Napatitig ang lalaki sa batang babae dahil mukhang hindi bulag ito kahit sinabi ng ginang na bulag ang bata.

"Site, isandaan na lang ito peyo biday mo isandaan ha kasi di ko na kita iyoy peya mo kung anong kuyay." sabi ng batang babae sabay lapag ng isda sa harap niya.

Nanatiling nakatitig ang lalaki sa batang babae tumutulo kasi ang malansang likido sa ulo nito pero tila wala iyon sa batang babae. Ang mabaho at, malansang amoy. Bukod doon may dugo ang isda na umagos sa mukha ng batang babae na ikinalunok ng lalaki.

"Basa ato." napangiting inosenteng sabi ni Owie sabay punas sa mukha nito na ikinatikhim ng lalaki ng hindi man lang nandiri ang bata sa amoy, at lansa ng isda sa mukha nito. O siguro dahil bulag ito kaya wala itong alam.

"Arhhm. Ito." sabi ng lalaki na ikinatingin ng ginang dahil ang ibinigay na pera ng lalaki dalawang isandaan.

"Dayawang pipti po ito?" tanong ni Owie.


"Oo."
sabi ng lalaki kahit alam naman nitong dalawang isandaan ang binibigay nito kay Owie.

"Ay tanga!" sabi ng tinig na ikinamula ng mukha ng lalaki at ikinatawa ng ginang dahil ang ate ng batang babae mukhang kanina pa nakatayo at nakatingin sa kanila.


"Di mo alam biyang? Manyoyoko ka na nga bobo ka pa."
mataray na sabi ni Yeya na ikinatawa lalo ng ginang at ikinamula lalo ng mukha ng lalaki.

"Ayay ka ha para di ka tuyuyan maging hunghang." sabi pa ni Yeya sa lalaki.

"Hahaha! Akin na nga ang sukli ko at tanghali na." natatawang sabi ng ginang na ikinangiti ni Yeya.

Napatingin ang lalaki sa batang babae ng magbago ang mood ni Yeya.

"Salamat ate bukas po uli, biyi ka uyi isda para malatas tayong lahat." nakangiting sabi ni Yeya.

"Oo." sabi ng ginang na napangiti ng abutin ang sukli.

Nang akmang paalis ang ginang mabilis na nagsalita ang lalaki ng maalala ang pakay nito.


"Sandali ho."
sabi ng lalaki na ikinatingin ng ginang sa kanya at ikinamilog ng mata ni Yeya.

"Ingat ka ate yoko-yoko yan." sabi ni Yeya na ikinatawa ng ginang.

"Hahaha! Bakit iyon?" natatawang sabi ng ginang sa lalaki.


"May kakilala po ba kayong Suri?"
sabi ng lalaki na ikinailing ng babae.

"Suri Valiente?" sabi muli ng lalaki.

"Wala eh." sabi ng ginang.

"Ato meyon." sabi ni Yeya na ikinatingin ng lalaki dito.

"Meron? Saan nakatira?" sabi ng lalaki.

"Pahinging munang peya." sabi ni Yeya na ikinatawa ng ginang dahil ang batang babae mautak talaga sa pera. Kilala ito sa isla na hindi nagpapaloko pagdating sa pera. Bata pa lang kasi ito laman na ng palengke kasa-kasama ng kuya nito

Napabunot ang lalaki ng barya saka inabot sa batang babae. Napataas naman ang kilay ng batang babae nang makita ang barya sa palad ng lalaki na inaabot sa kanya saka tumingin sa lalaki.

"Isa akong balyena tapos biday mo bayya." inis na sabi ni Yeya na nabulol ng tuluyan kaya natawa ang ginang at namula lalo sa pagkapahiya ang lalaki.

"Tao ka at hindi balyena." sabi ng lalaki na ikinatawa ni Owie kaya napatingin ang lalaki dito dahil kakaiba ang tawa ng batang babae.

"Pedo namin yon Balyena." humahagikhik na sabi ni Owie.

"Owie at Yeya Balyena ang pangalan nila." sabi ng ginang na natatawa dahil iyon ang laging sinasabi ng dalawang bata na hindi naman nila alam kung bulol lang ang mga ito, at kapag tinatanong naman ang kuya ng mga ito tumatawa lang at hindi naman binabago ang sinasabi ng dalawang kapatid nito.

"Buweset! Ilang buwan na ako dito, saan ko ba hahanapin ang Suri Valiente na iyon?" inis na sabi ng lalaki sa isip sabay tingin kay Yeya.

"Okay, magkano ba?" sabi ng lalaki.

"Buong emperyo." sabi ni Yeya na malinaw na nabigkas ang mga salita.

"Emperyo?" sabi ng lalaki na bakas sa mukha ang katanungan, kaguluhan at kawalang alam.

"Ayyy! Wayang ayam. Wayang silbi." sabi ni Yeya na halatang tuluyan ng nainis sa lalaki kaya hindi na ito umimik at kinausap ang lalaki.

"Aalis na ako Yeya, Owie bukas uli." sabi naman ng ginang at tuluyan itong umalis at naiwan ang lalaki na nakatingin sa magkapatid.

Ilang segundo ang lumipas ng bumulong ang lalaki kay Owie.

"Bibigyan kita ng candy ituro mo sa akin kung nasaan si Suri?" mahinang sabi ng lalaki kay Owie.

Napatingin ang batang babae sa lalaki pero uusal pa lamang ito ng biglang bumahing ang batang babae na ikinanlaki ng mata ng lalaki ng tumalsik ang laway nito na may sipon sa mukha niya at hindi lang iyon lumabas ang sipon ng batang babae sa ilong nito na ikinamula ng mukha ng batang babae.

"Ohhh, Shit! Nasaan ka bang Suri ka ng mapatay na kita at makapagbakasyon na ako." inis na sabi ng lalaki sa isip habang nakatitig kay Owie na kahit bulag ito nakatitig ang maitim na mata nito sa mga mata niya.

"Suyi." nahihiyang hinging paumanhin na sabi ni Owie sabay punas ng bisig nito sa ilong na ikinakalat ng sipon nito.

"Ewww!" sabi ng lalaki sa isip ng magkalat ang sipon ng bata sa mukha nito at sa bisig na pinunas nito.

Napailing ang lalaki sabay punas sa sarili nitong mukha para alisin ang tumalsik na laway ng batang babae sa kanya ng humatsing ito kanina, pero sa pagtingin nito muli kay Owie nagulat ang lalaki.

"Ahchooo!" biglang malakas at full force na hatshing ni Owie at ngayon buong sipon nito sa lalamunan ang tumalsik sa mukha ng lalaki na may laway-laway pa.

"Hala! Ginawa mong lababo si Tuya." malakas na sabi ni Yeya ng makita ang mukha ng lalaki na puro sipon at laway ni Owie.

"Suyi, isip mo na yang paya hindi kita mausog." sabi ni Owie sabay dutdut ng hatching nito na tumalsik sa mukha ng lalaki.

..............

Core, Japan

Days later

"Walang Suri Valiente!" inis na sabi ni Hisoki ng bumungad ito sa opisina ng matandang lalaki.

"Wala?" sabi ng matandang lalaki.


"WALA!"
inis na sabi ni Hisoki.

"Hanapin mo naroroon lang iyon." seryosong sabi ng matandang lalaki.


"Buweset! Wala nga!"
sabi ni Hisoki.


"Hanggat hindi mo nagagawa ang patayin ang target mo may utang ka sa amin na siyang ipupuntos para mawala ka sa taas."
sabi ng matandang lalaki na ikinatiim ng bagang ni Hisoki.

"Pass muna ako, sa iba munang trabaho saka ko babalikan ang Suri na iyon." inis na sabi ni Hisoki.

"Huh! Sa unang pagkakataon nag-pass ka?" sabi ng matandang lalaki na ikinangisi ni Hisoki.

"Bigyan mo ako ng mukha ng target at bukas sisiguraduhin ko sayo patay siya agad." sabi ni Hisoki.

Napatitig ang matandang lalaki kay Hisoki, halatang pagod na ito hindi rin kasi biro ang trabaho bilang sniper ng grupo na hindi nababakante. Malaki din ang kinikita nila kay Hisoki dahil bukod sa grupo, si Hisoki ang pinapadala nila para sa isang hired killer o sniper ng mayayamang negosyante sa buong mundo, at kahit kailan hindi pa sila binibigo nito.

"Okay baka pagod ka nga. Sige ibibigay ko ang tatlong taon sa limang taong bakasyon na hinihingi mo saka mo hanapin ang target para patayin." sabi ng matandang lalaki na ikinangisi ni Hisoki.

"....baka nakatago pa kasi sa saya ng umampon o kumalinga sa bata ang target kaya hindi mo mahanap." sabi ng matandang lalaki.

"Maraming batang babae sa islang pinuntahan ko." sabi ni Hisoki.

"Kaya nga siguro mahirap hanapin kahit maliit lang ang isla." sabi ng matandang lalaki.

"Kailangan ko ng mukha ng target." sabi ni Hisoki.

"Hindi mo kailangan ng mukha dahil ang batang iyon ay anak ni Autumn Valiente na siyang tagapagmana ni Orion Valiente ng Emperyo." sabi ng matandang lalaki na ikinakunot noo ni Hisoki.


"Emperyo?"
sabi ni Hisoki ng tila may nagbell sa utak niya.

"Valiente Empire, sa bansang iyon kilala ang mga Valiente dahil naungusan ni Orion ang namamayagpag na apelyedong Cheung. Si Ralph Cheung, ang ama ng napusuan ng grupo na uupo dapat sa trono." sabi ng matandang lalaki.

"Okay." sabi ni Hisoki na ikinatitig ng matandang lalaki dito.

"Ang supling ng punlaan ay nagtatago sa isla para hindi makita ni Autumn Valiente, kasama ni Suri ang kapatid niyang si Astraea at ang lihim na anak ni Autumn na siyang tagapagmana ng Emperio." sabi ng matandang lalaki.

"Astraea...Suri... balye... Valiente." mahinang sabi ni Hisoki na napakunot noo.

"Patayin mo ang target mo at ang anak mo ang bahala sa tagapagmana ng trono." sabi ng matandang lalaki na ikinatingin ni Hisoki sa mesa ng matandang lalaki dahil naroroon pa rin ang mga larawan ng isla.

"Si Aj Valiente ang unang big project ni Camora." sabi pa ng matandang lalaki.


"Ohh shit."
sabi ni Hisoki sa isip.

"May kapatid na lalaki ang dalawang bata, nangingisda na siyang binebenta nila...

....Sila si Yeya at Owie Balyena iyon ang mga pangalan nila." umaalingawngaw na sabi ng ginang sa isip ni Hisoki.

"Magbakasyon ka muna para makapagpahinga ka." sabi ng matandang lalaki ng hindi na umimik si Hisoki.

"Kailangan ko nga yata magbakasyon. Nasa harapan ko na... bullshit!" sabi ni Hisoki sa isip.

"Manyoyoko ka na bobo ka pa ayay ka muna ha paya di maging hunghang." umaalingawngaw na sabi ni Yeya sa isip ni Hisoki.

"Asar! Totoo nga ata, nabobobo na ako." inis na sabi ni Hisoki sa isip habang hindi nito namamalayan na pinagmamasdan ito ng matandang lalaki.

"Suyi, isip mo na yang paya hindi kita mausog." umaalingawngaw pang sabi ni Owie sa isip ni Hisoki.

"Ang dugyot." napangising sabai ni Hisoki sa isip sabay punas sa mukha nito ng maalala ang tumamang laway at sipon sa mukha niya mula sa batang babae.

"Ipahinga mo ang katawan mo Hisoki at baka tumanda ka." seryosong sabi ng matandang lalaki na ikinatingin ni Hisoki dito sabay napangisi.

"Bakit natatakot kayo? Huh! Huwag! Kasi never kong sasabayan sa pagtanda ang grupo ni Valiente." sabi ni Hisoki na ikinangisi ng matandang lalaki.

"Hahaha! Oo nga pala sino sa kanila?" natawang sabi pa ni Hisoki na ikinangiti ng matandang lalaki.

.............

Heather Island

"Okay na puwede na kayong kumain." sabi ni Aj sa mga kapatid habang nasa loob ng bahay ang magkakapatid ng gabing iyon at kumakain na tanging gasera lamang ang bukas. Naputulan kasi sila ng kuryente kanina lang na hindi naman naabutan ni Aj ang nagpuputol ng kuryente.

"Ikaw tuya?" sabi ni Astraea sa kapatid na ikinangiti ni Aj.

"Ku---ya." sabi ni Aj.

"Kain ka." sabi ni Astraea.


"Sabihin mo muna... Ku...."
sabi ni Aj na ikinanguso ni Astraea.


"Ku."
sabi ni Astraea.

"Ya." sabi ni Aj.

"Ya." sabi ni Astraea

"Kuya." sabi ni Aj.

"Ku---ya. Kuya." sabi ni Astraea.

"Iyan, simula sa araw na ito dapat tamang bigkas ang sasabihin niyo, lalo ka na Astraea kasi ilang taon ka na." sabi ni Aj sa mga kapatid.

"Si Ate Yeya mag wayo na." sabi ni Suri.

"Astraea. Walo."
sabi ni Aj sabay lapit ng bibig kay Suri at masuyo itong binulungan.

"Astraea... walo... ulitin mo." malamyos na sabi muli ni Aj kay Suri.

"Asyeya." sabi ni Suri.

"Hindi kakain si Kuya ng maayos kapag hindi kayo nagsasalita ng tama." sabi ni Aj na ikinatingin ni Astraea kay Suri na nakabaling ang mukha kay Aj na halatang nagbabase ito sa boses na nadidinig kung saan ibabaling ang mukha.

"Hindi naman masama mag-aral, ang masama iyong marunong ka na pero minamali mo para makakuha ka ng atensyon.

Minsan nagkakamali tayo at alam ko naman na sa edad niyo nakakabulol talaga pero kapag hindi niyo sinubukan gawin ang tama makakasanayan niyong malian ang lahat ng gagawin niyo na hindi maganda." sabi ni Aj sa dalawang kapatid na babae.

"Maraming bumibili sa amin kapag bulol kami magsalita." sabi ni Astraea na ikinaseryoso ni Aj.

"Ang pagtangkilik sa mali ay hindi maganda. Ang rason na para kumita na kailangan makakuha ng atensyon kaya gagawa ka ng mali ay hindi nakakausad sa paglago." sabi ni Aj.

"Tuya di ko yam." sabi ni Suri na ikinatingin ni Aj kay Astraea.

"Ang kamalian ng mas matanda ay titingnan ng bata, ang isip ng isang bata ay magbabase sa taong hahangaan niya kaya dapat bilang matanda matuto tayong gumawa ng tama at maayos. Huwag tayo matakot, mawala ang mga taong hindi na matutuwa sa kamalian natin." sabi ni Aj habang nakatingin kay Astraea.


"Paano kung wala ng bumili? Anong kakainin natin?"
sabi ni Astraea.


"Mas masarap kumain sa tama kaysa mabuhay ng mali na habang buhay mong ikakabaon."
sabi ni Aj.

"Kuya, mag-aaral na si Suri saan tayo kukuha ng pera?" sabi ani Astraea.

"Ako ng bahala, at simula bukas hindi na kayo magtitinda sa palengke. Si Kuya na ang bahala at dito na lang kayo sa bahay." sabi ni Aj.

"Wala pang pinapadala si Tito Wine na pera, nalimutan na ba niya tayo? Si Mama nasaan na ba?" sabi ni Astraea.

"Huwag kang mag-isip ng sitwasyon na ikakaproblema mo. Ako ng bahala, basta mag-aral kayo ni Suri." sabi ni Aj.

"Sumasama ka lagi sa laot, tapos ang binibigay sayo hindi naman sapat at narinig ko malayo ang hatian mo sa kanila. Hindi patas ang bayaran kasi bata ka pa daw. Nasaan na ba si tito Wine? Bakit wala siyang ginagawa para sa atin?" sabi ni Astraea.


"May pamilya din siya."
sabi ni Aj.

"Pamilya rin niya tayo." sabi ni Astraea.


Hindi umimik si Aj pero nilayo nito ang pinggan sa harapan niya na may lamang pagkain na ikinatingin ni Astraea sa pinggan nito ng ilayo niya.


"Hindi mo kailangan hanapin ang taong may problema din. Kapag hindi ka huminto sa kakatanong kay tito Wine at sa tingin mong dapat niyang gawin magiging galit iyan sa puso mo na magiging lason sa isip mo.

Hindi ako kakain hanggat hindi mo ako nakikita." sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Astraea sabay tingin kay Aj.

Sa pagtingin ni Astraea kay Aj napalunok ito ng nakatingin sa kanya ang kuya niya.

".....hindi ako kakain hanggat wala kang tiwala sa akin, hindi ako kakain hanggat hindi mo nalalaman kung sino ako sa buhay mo.... ninyo ni Suri.

Hindi natin kailangan ng mga taong may pasanin sa buhay nila. Hindi kasalanan na mabuhay at binuhay tayo ng ganito, ang masama kung binuhay ka at sa pagbuhay sayo nagtanim ka ng galit dahil lamang ang buhay mo ay hindi mo gusto kung anong kinalabasan." sabi ni Aj.

"Nagtataka lang ako." sabi ni Astraea.

"Ako din, kaso tayo ang makakasagot sa pagtataka natin. Kailangan kong humakbang at kailangan ko unawain ang sitwasyon, at sana ganoon ka rin nang sa ganoon mabubuhay tayo ng maayos at magaan kahit wala sila." sabi ni Aj.

"Sorry." sabi ni Astraea.

"Hindi masamang mangarap Astraea pero habang nangangarap ka gumawa ka ng ikakaunlad mo. Kasi ang pangarap hindi iyan tutubo, hindi iyan yayabong hanggat hindi mo inaalagaan..

... at ang pag-aalaga ay ang pagpupursige mo kahit wala sila. Nandito ako, kaya ko kayong itawid hanggang may hininga ako pero sana magpokos ka sa ikakaunlad mo hindi sa galit na ikakasira mo." sabi ni Aj na ikinangiti ni Astraea.

"Okay, pero paglaki ko marami akong pera." sabi ni Astraea na ikinangiti ni Aj.

"Oo naman magkakaroon ka ng maraming pera basta ang utak mo gamitin mo sa tama at ang puso mo panatilihin mong malinis." sabi ni Aj.

"Ako tuya iyo lang ako." sabi ni Suri na ikinangiti ni Aj sabay tingin sa bunsong kapatid.

"Binuhay ako ni Mama at tinago para sa inyo kaya gagawin ko ang lahat para matupad ang pangarap ni Mama, at sa pagbabalik niya gusto ko maging proud siya sa akin... at sa inyo." sabi ni Aj sabay yakap kay Suri at Astraea.

"Kami lang ang mahal mo? Kami lang ang girls mo?" sabi ni Astraea.

"Oo naman." sabi ni Aj sabay halik sa pisnge ngaa mga kapatid.

"Kami lang ang pipiliin mo?" sabi ni Suri.

"Oo, kayo lang ang pipiliin ko." sabi ni Aj.

..................

3.20.24 3.27pm

Ang susunod na mga kabanata ay matutunghayan sa RCN Group

at unang mailalathala sa RCN Gold.. 

at ilalagay sa RCN VIP kapag natapos ang Catch Me I'm Fallen Novel

Salamat sa walang sawang pagtangkilik....

Paano sumali sa RCN VIP group!!!???


Follow my Page at

Rose Chua Novels 

para sa detalye...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top