Introduction : Heaven Knows
Introduction:
Theme Song : Heaven Knows by Orange and Lemons
Kilala ang Core bilang malaking grupo ng Mafia na nagmula sa Japan, at sumakop sa Germany. Ang grupong ito ay kinabibilangan ng magagaling na sniper kung saan kabilang si Hisoki na siyang pinakamahusay sa grupo.
Sa paglatag ng bagong plano ng Mafia nakasama siya sa isang grupo na siyang inatasan na papaslang sa isang batang babae na para kay Hisoki isa itong madaling trabaho.
Sa pagpunta ni Hisoki sa lokasyon ng target, nagulat ito sa nakitang kalagayan ng papaslangin niya dahil ang lahat hindi tumugma sa madalas na sitwasyon ng target na pinapatay niya.
Pumasok si Hisoki sa isang pampublikong paaralan para sa planong patayin ang bata, nagpanggap siyang kaedaran ng mga Grade 6 students na hindi naman siya nahirapan palabasin na kasing edad lamang niya ang mga ito dahil ginawa siya sa mga sitwasyong lilinlang sa kanyang mga target.
Si Suri, ang bunsong kapatid ng unang batang lalaking lumapit sa kanya at nag-alok ng pakikipagkaibigan.
Sa una pumabor ito sa kanya pero ang lahat ay mas lalong naging mahirap dahil ang batang lalaki itinuturing siyang matalik na kaibigan.
Bukod pa doon, ang batang lalaki ang tumatayong ina at ama ng dalawang kapatid nitong babae sa edad nitong dose anyos.
At sa kasamaang palad ang target niya na isang batang babae ay...
... bulag.
Paano mo ibabaon ang balang tatama sa target kung babaguhin ng mga matang nakikita mo ang sitwasyong matutunghayan mo?
........
3.17.24 7.49pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top