Kabanata 3 : Kabilang Dimensyon


Kabanata 3: Kabilang Dimensyon


"Pack up." sabi ni Camilo na ikinatingin ng lahat dito ng lumabas ang amo nila mula sa minahan.


"Uyyy! Sir sino iyan?"
sabi ng kanang kamay ni Camilo ng makita nito ang kulutang babae, nakayapak, at kakaiba ang suot na tila sinaunang tao.

"Nobya ko." seryosong sabi ni Camilo na ikinangiti ng lihim ng dalaga dahil ang binata kanina pa nakahawak sa kamay niya ng mahigpit.

"Nobya? Ayos ha! Pumasok ka lang sa loob ng minahan may nobya na po kayo agad. Masubukan nga." sabi ng kanang kamay na ikinatawa ng lahat.


"Hahaha! Kakaiba pala ang minahan na ito, hindi lang ginto ang mamimina kundi pati nobya."
sabi ng isang pang tauhan ni Camilo na ikinatikhim ni Camilo saka umusal ng seryoso.


"Ahrrmm! Wala munang papasok sa loob ng hindi ko sinasabi dahil mali ang gawa niyo sa loob baka bumagsak ang minahan."
sabi ni Camilo na ikinatahimik ng lahat.

Napatingin naman ang dalaga sa paligid at nagulat ito sa mga naglalakihang kasangkapan o makinarya na naroroon.

"Ang iba bumalik sa Isla Traquilo at ikaw Kaloy mag-iwan ka ng tauhan mo na siyang tutulong sayo." sabi ni Camilo sa kanang kamay na ikinatingin ng lahat kay Kaloy.

"Yes boss." masayang sabi ni Kaloy na ikinatingin ng dalaga dito pero sa pagtingin ni Maisharet sa lalaki nagulat ito ng may dumaan na anino sa harapan ni Kaloy.


"Huwag!"
biglang sabi ni Maisharet na ikinatingin ng lahat idto.


"Anong huwag?"
sabi ni Camilo.

"Huwag siya ang iwan mo." sabi ni Maisharet sabay tingin kay Camilo.


"Ano?"
sabi ni Camilo na nagtataka. Samantalang napangisi si Caloy sa sinabi ng babae na tila gusto siyang palitan sa position niya.

Napalunok ang dalaga saka bumulong kay Camilo.


"May aninong dumaan sa harapan niya, kapag ganoon isang babala iyon."
bulong ni Maisharet na ikinalunok ni Camilo saka ito tumingin sa mga tauhan at sa pagtingin niya napakunot noo siya ng makita ang kakaibang tingin ng mga kasamahan nila kay Caloy dahil hindi naman lingid sa kanya na may inggitan na nagaganap sa likuran niya mula ng itinalaga niyang kanang kamay si Caloy.

"Pero bahala ka." mahinang sabi ni Maisharet na napayuko at napapikit.


"Kaya ko iyan boss."
sabi ni Caloy na ikinatitig ni Camilo sa lalaki.


"Binalaan kita."
mahinang sabi ni Maisharet na ikinatahimik ni Camilo.

"Malalaman ko kung totoo ang sinasabi niya kapag iniwan ko si Caloy." sabi ni Camilo sa isip.

"Okay maiwan ka Caloy mamili ka ng tauhan, at ang iba na hindi mapipili bumalik sa Isla Traquilo." sabi ni Camilo na ikinatingin ng dalaga sa mga tauhan ni Camilo.


"Ohhhh!"
mahinang usal ni Maisharet na ikinatingin ni Camilo dito.

"Bakit?" sabi ni Camilo.


"Wala."
sabi ni Maisharet.


"Baka guni-guni ko lang matagal na silang wala at hindi nagpakita so baka hallucination ko lang dala ng halamang gamot."
sabi ni Maisharet sa isip nang may nakita itong mga anino na nagtatakbuhan.

"Umalis na tayo." sabi ni Camilo.

"Malalaman ko kung tama ang nakikita ko kung hahayaan ko siya magdesisyon." sabi ni Maisharet sa isip.

"Oo." sabi ni Maisharet

"Bahala ka na diyan Caloy. Ang mga bilin ko huwag mong kalimutan." sabi ni Camilo.

"Yes boss." malakas at masayang sabi ni Caloy.

"Makikita natin kung totoo." magkasabay na sabi sa isip nila Camilo at Maisharet.

................

Private Cottages

Unang Bayan El Paradiso

"Uyyyy, anong ginagawa mo dito iho?" gulat na sabi ni Malic ng makita ang apo ng kaibigan at balaeng si Orion Valiente.

"Si lolo po?" sabi ni Camilo na hindi inaasahan na nasa private cottage ng lola Ellie niya si Malic Lopez.


"Nasa Cave House iyon at kung nagtataka ka kung bakit ako nandito huwag... huwag na huwag dahil nag-usap kami ng lolo mo na ang pag-aari niya pag-aari ko tutal matanda na kami hindi na namin madadala ang lahat sa kabilang bu...."
udlot na sabi ni Malic ng pumikit-pikit ang nanlalabo ng mga mata nito.

"Sino iyan?" sabi ni Malic sa apo ng kaibigan niya.

Napatingin si Camilo sa kasamang babae na kahit gustuhin niya iwanan hindi niya matuluyang iwan ito dahil marami itong sinasabi na nakakakilabot.

"Magandang hapon po." bati ng dalaga kay Malic na ikinamilog ng mata ng matandang lalaki

"Bakit ganyan ang boses mo parang galing sa hukay." sabi ni Malic na ikinahingang malalim ni Camilo dahil iyon ang isa sa dahilan kung bakit kinikilabutan din siya kakaiba kasi ang boses ng dalaga tila ito echo o nananaghoy sa mula sa ilalim ng lupa na akala niya kanina nagbibiro lang ito magsalita pero ngayon nahinuha niya sa harap ng lolo niya na ganoon talaga ang boses ng babae.

"Kakainom po ng salabat, maganda naman po di ba?" malamyos na sabi ni Maisharet na ikinailing ni Malic.


"Hindi, hindi maganda kundi pangit."
sabi ni Malic na ikinangisi ni Camilo dahil kahit may katandaan na ang lalaki prangka talaga ito magsalita dahil totoo naman ang sinabi nito na hindi maganda sa pandinig ang boses ng babae kakaibang lamyos kasi ang boses nito na tila nagtatawag ng kaluluwa.

"Ganoon po ba, kasi nag-oorasyon po ako sa lupon namin at ang sabi naman nila okay naman po ang boses ko." sabi ng babae na ikinatingin ni Malic kay Camilo.


"Saan mo nakuha ang mangkukulam?"
napangising sabi ni Malic.

"Grabe! Babaylan po ako at hindi mangkukulam." sabi ni Maisharet na ikinangiti lang ni Malic.


"Sa bundok."
sabi naman ni Camilo.

"Ang galing talaga ng grupong ito, biruin mo kung sino-sino ang napapangasawa. May langaw, may pusit, may hipon, may balyena, tapos ngayon may paniking galing sa bundok." bubulong-bulong na sabi ni Malic.

"Ano po iyon?" nakangiting sabi ni Maisharet.

"Tsismosa pa." bubulong-bulong na sabi ni Malic na ikinailing ni Camilo.

"Isa po akong manghihilot sa lupon namin, magtatawas at manggagamot na rin po." sabi ng dalaga na ikinakunot noo ni Malic

"Lupon?" sabi ni Malic.

"Lupon, tribu iyon dito." sabi ni Venus na kalalabas lang ng sala.

"Magandang hapon po." bati ni Maisharet na ikinangiti ni Venus.


"Narinig kong may dumating kaya dinamihan ko na ang meryenda. Maupo kayo."
sabi ni Venus.


"May nakatingin po sa likuran niyo."
sabi ni Maisharet na ikinatingin ni Venus sa likuran niya.

Napatingin din sila Malic at Camilo sa likuran ng matandang babae pero wala naman ibang tao roon.

"Wala naman, baka gutom lang iyan." sabi ni Venus sabay lapag ng merienda sa center table.


"Louie."
sabi ni Maisharet na ikinatigil ni Venus at ikinangisi ni Malic.


"Sino ba ito?"
sabi ni Malic kay Camilo na hindi naitago ng matandang lalaki ang inis sa tinig.

"Sorry, hindi po pala ako nagpakilala. Ako po si Maisharet Namata." sabi ni Maisharet.


"Namata, so may mata ka... third eye."
mapanuyang sabi ni Malic na ikinatingin ni Venus dito dahil halatang napikon si Malic at nagselos sa narinig na pangalan.

"Ano ka ba? Apo na natin iyan papatulan mo pa." sabi ni Venus kay Malic.


"Louie daw eh."
sabi ni Malic sabay yakap sa baywang ni Venus na ikinatingin ni Camilo sa dalawa dahil kung tutuusin kahit matanda na ang dalawa sweet ito tulad ng lola Ellie niya at Lolo Orion.


"Ikaw talaga, matagal ng patay si Louie."
sabi ni Venus sabay yakap ng isang kamay nito kay Malic.


"Akin ka lang."
sabi ni Malic.

"Hinihintay ka po niya." sabi ni Maisharet na ikinahigpit ng hawak ni Camilo sa kamay ng dalaga para pigilan ito magsalita.


Napatingin naman si Venus at Malic sa dalaga na nakatingin sa likuran ni Venus.


"Anong sabi niya?"
sabi ni Venus ng biglang tumayo si Malic at nagulat ang lahat ng sumuntok sa hangin si Malic.


"Gago kang payatot kang sakitin ka magpakita ka suntukan tayo. Hintayin mo ako diyan sa kabilang buhay pupulbusin kita."
sabi ni Malic habang umuunday ito ng suntok sa likuran ni Venus.


Pigil ang tawa ni Maisharet at Camilo sa tila isip batang matandang lalaki na kahit na mahina na ito nakuha pa nito umunday ng suntok na may panggigigil.

"Ano ba naman Malic? Nakakahiya." sabi ni Venus sabay hampas sa asawa na ikinatigil ni Malic sa pagsuntok sa hangin.

"Ikaw naman mahal kong asawa talagang nagtatanong ka pa kung anong sinabi? Kiri." inis na sabi ni Malic sabay kurot sa singit ni Venus na ikinahiyaw ng matandang babae.

"Aray!" sigaw ni Venus na ikinaiwas ng tingin nila Camilo at Maisharet sa dalawang matanda na tila bumabalik na sa pagkabata.

"Ako ang asawa mo at ako ang mahal mo hindi iyong sakitin mong ex na iniwan ka at pinili si Kamatayan." inis na sabi ni Malic na halata ang selos sa tinig na ikinatingin ni Maisharet dito pero sa pagtingin ng dalaga kay Malic napalunok ito sa nakikita.

Napatingin naman si Camilo kay Maisharet at kinilabutan ito ng hindi niya mawari.

"Bakit?" bulong ni Camilo sa dalaga na ikinarinig ni Malic kaya napatingin ito sa dalawa.

"Katabi niya iyong lalaki." sabi ni Maisharet sabay tingin kay Camilo.

"....iyong Louie." sabi ni Maisharet na bakas ang takot sa mga mata na ikinalunok ni Camilo.

"Nakikita ko na sila, pero bakit?" sabi ni Maisharet sa isip.

"Katabi ko? Nandito? Ahhh! Teka sandali." sabi ni Malic at nagulat ang tatlo ng mabilis na kinuha ni Malic ang baril nito sa ilalim ng sofa at tinutok sa hangin.

"Ahhhh!" sigaw ni Maisharet na ikinahampas ng malakas ni Venus kay Malic.


"Siraulo! Huwag kang manakot!"
inis na sabi ni Venus sabay kuha ng baril kay Malic na ikinangisi ni Camilo.

"Baka po makalabit niyo ang baril." nahihintakutang sabi ni Maisharet.

"Peke." sabi ni Venus sabay alog ng baril na ikinahingang malalim ni Maisharet.

"Ang totoo hindi ako naniniwala sayo." sabi ni Malic sabay upo nito sa sofa na ikinailing ni Venus.


"Ganyan talaga siya, matanda na kasi kaya lalong kumukulit at bumabalik na sa pagkabata."
sabi ni Venus kila Camilo at Maisharet.

"Hindi ako naniniwala, pero sige nga kung nakakakita ka nga ng kakaiba tawagin mo ang Mommy ko at sabihin mo kulang ang ibinigay niyang mana sa akin." sabi ni Malic na saktong kararating lang nila Matias at Orion ng marinig ang sinabi ni Malic kaya natawa ang mga ito.

"Hahaha!Anong kalokohan ito?" sabi ni Matias sa kapatid.

"Nakakakita ng kaluluwa ang kasama ni Camilo, at ang akala siguro maniniwala ako." sabi ni Malic.

Napatingin si Maisharet sa likuran ni Malic na lalong ikinatawa ni Malic pero ilang sandali lang ng magsalita ang dalaga.

"Sapat na po daw ang mana na natanggap mo. Iyon ang sabi ng mommy niyo at isa pa damuho ka po daw. Lagot ka daw po sa kanya kapag namatay ka na kasi hindi ka niya mabatukan ngayon." sabi ni Maisharet na ikinatawa nila Matias at Orion.

"Hahaha! Mukhang kahit sa kabilang buhay ang Mommy mo kunsumido sayo." sabi ni Orion sabay umupo ang dalawang kararating lang sa kabilang sofa.

"Wheee! Maniwala kayo diyan." sabi ni Malic.

"Alagaan mo po daw ang kapatid mong si Shiloh para hindi matulad sayo." sabi ni Maisharet na ikinatahimik ng lahat.

Napalunok si Maisharet ng matahimik ang lahat saka ito nanginig sa kaba ng bigla siyang tingin ni Orion Valiente.


"Oh! shit mabuti na lang alam ko."
sabi ni Maisharet sa isip.

"Ayos puro siya at ang sayo MaySIYAyad din." sabi ng tinig na ikinatingin ng lahat.


"Bakit ka nandito?"
sabi ni Malic ng makita si Shiloh.

"Sabi ni kuya Aj bantayan daw kita." sabi ni Shiloh habang papalapit.

"Bakit ako pinababantayan?" sabi ni Malic.


"Baka daw po kasi tumalon ka sa bintana nag-uulyanin ka na daw po kasi."
sabi ni Shiloh na natawa.

"Siraulo!" sabi ni Malic na ikinatawa ni Matias.

"Hahaha! Ang sweet naman ng mga apo mo." sabi ni Matias.


"Ikaw mag-uusap tayo."
sabi ni Orion na ikinatingin ni Shiloh dito.

"Ako?" sabi ni Shiloh sabay tingin sa likuran nito na ikinangisi ni Camilo sa kalokohan ng pinsan.

"Oo ikaw nga at kaya ka pinapunta dito ni Aj dahil sinabi ko." sabi ni Orion na ikinangiti ni Shiloh.

"Naisahan ako nun ha." natatawang sabi ni Shiloh.

"Kakausapin ko lang ang batang ito." sabi ni Orion saka ito tumayo na ikinangisi ni Shiloh.

"Galit ka lolo?" sabi ni Shiloh kay Orion.

"Sa labas tayo mag-usap." sabi ni Orion at paglapit nito kay Shiloh nagulat si Maisharet ng pingutin ni Orion ang apo nitong si Shiloh.


"Arayyyy!"
sigaw ni Shiloh ng pingutin ito ni Orion.

"Kaya mo iyan, tandaan mo apo na lolo mo ako." sabi ni Malic.


"Kapatid natin iyan."
natawang sabi ni Matias.


"Ay oo nga pala, kapatid ka namin dahil ang ina natin lumandi sa first love niya."
sabi ni Malic na ikinatawa ni Matias at Shiloh habang hatak ni Orion si Shiloh palabas ng bahay nito.

"Maupo nga muna kayo." sabi ni Venus kila Camilo at Maisharet na nanatiling nakatayo pa.

"Salamat po." sabi ni Maisharet na ikinatingin ni Malic sa dalaga.

"Pulubi ka ba?" sabi ni Malic sa dalaga.


"Hahaha! Siraulo ka talaga."
sabi ni Matias sa kapatid.

"Parang little Venus, kaso mas mabaho ito." sabi ni Malic na ikinahampas ni Venus sa asawa.

"Buweset ka." inis na sabi ni Venus.

"Hahaha! 'tol lalabas nga muna ako iba ang amoy alam mo naman maarte ako." sabi ni Matias saka ito tumayo at lumabas na ikinatingin ni Maisharet sa matandang lalaki.


"Ganoon talaga sila, lumaking mayaman kaya what do you expect? Maseselan sila."
mahinang sabi ni Camilo ng makita ang pagkahiya sa mukha ng dalaga.


"Alam ko naman."
sabi ni Maisharet.

"Ako sanay ako sa amoy kasi iyong asawa ko mabantot din." sabi ni Malic saka nagsimulang kainin ang merienda na handa ni Venus.


"Huh! Sanay ka mabantot kasi basura ka di ba?"
sabi ni Venus na ikinatawa ni Malic

"Hahaha! Oo nga pala kaya lumapit iyong langaw na tulad mo kasi naamoy mo ang basura. Inlove na inlove ang langaw sa akin. Hahaha! Iba talaga ang kaguwapuhan ko." sabi ni Malic.


"Siraulo."
sabi ni Venus saka nito tiningnan si Maisharet ng biglang may mapansin ito pero dahil nahihiya hindi nito nakuhang sitahin ang dalaga pero hindi si Malic na matalim ang dila.

Napatingin ng pasimple si Malic kay Maisharet ng makita ang tingin na ipinukol ni Venus sa dalaga, tingin na tila may nakita itong kakaiba.

Sa pagtingin ni Malic sa dalaga napangisi ito nang may mapansin.


"Ang dami mong alaga, iyong totoo tag-ani ba ngayon?"
sabi ni Malic na ikinamilog ng mata ni Venus at ikinatingin ni Camilo sa matandang lalaki

"Ho?" sabi ni Camilo.


"Ikaw apo nahawa ka sa ama mong dukha hindi alam ang salitang dugyot. Ano ba naman si Winter? Dapat kahit dukha ang asawa hindi dapat naalis ang pagiging mayaman katulad ko kahit na langaw ang nakatuluyan ko yayamanin pa rin ang taste ko, ang kilos ko, ang pananamit ko na kahit simple mamahalin." sabi ni Malic na ikinakunot noo ni Camilo dahil hindi nito maunwaan ang sinasabi ng matandang lalaki

"Tumigil ka nga." sabi ni Venus kay Malic pero hindi nagpaawat ang matandang lalaki.

"Iyong totoo saan mo nakuha iyan?" seryosong sabi ni Malic na ikinaseryoso ni Camilo dahil kapag ganoon na ang tono ng lolo Malic nila sigurado seryoso na ito.

"Sa minahan po." sabi ni Camilo.

"Haysss! Ewww! May kuto at baka Maishanghet din iyan." sabi ni Malic na ikinatingin ni Camilo sa buhok ng dalaga.

"Iha, hindi ka ba nangangati?" sabi ni Venus na hindi naitago ang pandidiri dahil kahit naman dukha siya malinis naman siya kahit na nga ba punit ang suot niya, ang buhok niya ay alaga niya.

"Ang asawa ko dati, kahit oily ang buhok maganda at malambot, kahit iba ang amoy wala kang makikitang balakubak o kuto kahit lisa." sabi ni Malic na ikinangiti ng lihim ni Venus ng maalala pa iyon ni Malic.

"May kuto nga." sabi ni Camilo ng makita ang mga maliliit na nilalang sa kulutag pulang buhok ni Maisharet at hindi lang iyon may nalalaglag sa damit nito na ngayon lang niya napansin dala siguro marahil ng takot kanina kaya hindi niya napansin.

"Iyong asawa ko langaw ikaw naman kutuhin." sabi ni Malic na ikinatingin ni Venus kay Malic.


"...pero kahit langaw iyan malinis iyan at katibayan sa basurang tulad ko lumapit, pero bakit ikaw? Hayss! Dapat naman maging presentable ka bilang kuto.

Anong palagay mo sa apo kong si Camilo lupon mo na pamamahayan ng mga katribu mo. Aba! Kapag nagsama kayo lagi, lalo na kung titingnan ko kanina pa kayo magkahawak ng kamay tiyak iyon wala pang isang oras o baka ngayon may kuto na iyan." sabi ni Malic na ikinayuko ni Maisharet at ikinatitig ni Camilo sa dalaga.

"Tagtuyot po kasi ngayon walang tubig masyado at kapag ganitong panahon hindi po kami naliligo." sabi ni Maisharet na ikinanlaki ng mata ni Malic.


"Ohhhh! Kadiriiii!!!! So, hindi ka nagkakawkaw?"
sabi ni Malic na ikinamilog ng mata ni Camilo.

"Bastos kang matanda ka!" sabi ni Venus na muntik mabulunan ng kinakain nito.

"Kulot siya baby at malamang kulot ang ibaba niyan... at sa kapal ng buhok niya sa taas sigurado ako makapal ang buhok niya sa baba tapos no kawkaw?! Ewww!" sabi ni Malic kay Venus na ikinahampas ni Venus dito.

"Langya ka! Ang baboy mo talaga." sabi ni Venus na ikinatitig lalo ni Camilo sa dalaga habang nakayuko ito.

"Nagkakawkaw naman po ako at ang totoo wala po akong buhok doon." sabi ni Maisharet sabay nguso nito sa baba niya na ikinamula ng mukha ni Camilo na tila siya pa ang nahiya ng patulan ng dalaga ang kalokohan ng lolo niya.

"Huwag ka ng sumagot!" sigaw ni Venus sabay takip sa bibig ni Malic.

"Magaling magagamit ko ang napag-aralan ko." sabi ni Maisharet sa isip sabay tingin nito kay Camilo pero sa pagtingin nito kay Camilo namula ang mukha nito ng nakatitig sa kanya ang binata.

"Wala kang buhok doon?" kuryusidad na sabi ni Camilo sabay nguso sa pagkababae ni Maisharet na ikinatawa ng malakas ni Malic.

"Hahahaha! Orion! Iyong apo mo ma-e-ellie ang babaeng galing tribu ng Tres Islas!" malakas na tawa na sabi ni Malic ng makawala ang bibig nito sa kamay ni Venus.

"Wala, gusto mong tingnan?" sabi ni Maisharet na tila hindi nito alam ang sinasabi.


"Puwede?"
sabi ni Camilo na halata ang kuryusidad sa mukha nito.


"Mga baboy!"
sabi ni Venus na ikinatawa ni Malic at ikinamula sa pagkapahiya ni Maisharet.

"Lola, kasi imposible na wala siyang buhok doon eh makapal ang buhok niya sa taas." sabi ni Camilo na nangatwiran pa at nginuso ang pagkababae ni Maisharet.

"Hahaha! Nagkaroon ng black sesame seeds ang kinakain ko." sabi ni Malic na ikinatingin ng tatlo dito.

"Siraulo! Hindi iyan sesame seeds." sabi ni Venus na ikinatawa ni Camilo.

"Hahaha!" natawang reaksyon ni Camilo ng yumuko at pagkatitigan ng dalawang matanda ang monay.

"Whoaaah! Gumagalaw." sabi ni Malic sabay kuha ng monay at tinitigan pa lalo iyon.

"Ay! sorry po." sabi ni Maisharet na halos gusto niya lumubog sa kinauupuan dala ng kahihiyan.


"Venus, iyong reincarnation mo dumating ng maaga kaso mas dugyot sayo. Ang daming kuto nalaglag sa pagkain ko."
sabi ni Malic na ikinahampas ni Venus dito.

"Sorry po." napahiyang sabi ni Maisharet saka ito tumayo at tumakbo palabas ng bahay na ikinatingin ni Camilo dito.

"Napahiya tuloy ang bata." sabi ni Venus kay Malic.


"Ikaw kasi bully."
sabi ni Malic kay Venus na ikinamula ng mukha ni Venus.


"Bakit ako?"
sabi ni Venus.


"Hindi mo nilagyan ng anti kuto ang tinapay kaya dumapo, sinadya mo."
sabi ni Malic na ikinangisi ni Camilo saka ito tumayo at sinundan si Maisharet.


Napatingin ang dalawa kay Camilo ng sundan nito ang dalaga sa labas.

"Ang batang iyon may kalokohan." sabi ni Malic na ikinangisi ni Venus.


"Hayaan mo sila ganyan ka rin naman dati."
sabi ni Venus.


"Tsss! Pero aminin mo naniwala kang nandiyan si Louie."
sabi ni Malic sabay suntok nito sa hangin na ikinatawa ni Venus.


"Hahaha! Para kang baliw. Tumigil ka nga."
natatawag sabi ni Venus na ikinatigil ni Malic sa pagsuntok ng tingnan si Venus.

"Kung totoo man iyon hindi ko hahayaan na makisingit siya. Huh! Ang lokong iyon hinihintay ka. Manigas siya. Matapos kang iwan kukunin ka uli. Mamatay siya.... ulit, at ulit-ulitin niya ang kamatayan niya dahil wala na siyang Venus na babalikan.... dahil akin na ang langaw na ito." sabi ni Malic sabay yakap kay Venus na ikinangiti ni Venus.

............

10.27.23 1.46pm

Fifth Street

Don't forget to vote and comment... tnx...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top