Kabanata 18 : Pagbubunyag
Kabanata 18 : Pagbubunyag
C-Tower, Manila
"Hindi kami nagsesex, naghaharutan lang kami." sabi ni Maisharet sabay tingin nito sa matandang lalaki
"Hala! Siya si Rico Cheung." sabi ni Maisharet sa isip ng biglang humangin na ikinalunok nito.
Nakatingin si Rico kay Maisharet, nakikita na niya ito kasa-kasama ni Camilo at hinihintay nga niya ipakilala ito ng apo sa kanya pero ilang linggo na ito namamalagi sa C-Tower hindi man lang ito nagawang ipakilala ang kasama nitong babae na kahit kalbo halatang babae ito.
Pinatawag niya ito at sinunod naman siya ng apo kaya imbes na umuwi na ito sa Tres Islas nakuha pa nito manatili na para sa kanya isang kagandahang asal na bigyan siya ng respeto sa sinabi niyang hintayin siya nito. Iyon nga lang sa nakikita niya ngayon tila ito rebelde na walang takot na ipakita at magpahuli sa pakikipaglampungan nito sa babaeng kasama nito.
"Ano ba kasi ang kailangan niyo?" sabi ni Camilo na mabilis na hinila ang kumot at tinapis kay Maisharet saka ito naupo sa kama.
"Hindi ito motel." sabi ng lalaki na ikinangisi ni Camilo.
"Alam ko dear cousin." mapanuyang sabi ni Camilo dahil ang mga pinsan niya sa side ni Rico Cheung kakaiba ang ugali, hindi niya trip o siguro hindi trip ng mga kagrupo niya na Cheung.
"Halatang hindi ka busy kaya isasama ka namin." sabi ng lalaki.
"Ano ako tatlong taon gulang na bata para isama mo?" maangas na sabi ni Camilo na ikinatingin ni Rico dito.
"Sa inyong apo ni Rod sino ang makukuha namin para sa posisyong iniwan ng lolo niyo?" sabi ni Rico na ikinangiti n Camilo.
"Lolo Rico, marami ka rin apo kaya sa kanila mo ipamigay, at saka hindi kay lolo Rod ang posisyon na sinasabi mo kundi sayo kasi sa pagkakaalam ko lahat ng mana ni Ralph Cheung nasa sayo at kusang binigay ng lolo Rod ko. O baka naman hinahanap mo kami kasi nalaman mo na malaki pala ang mana ni Lolo Rod kay Lola Menchie which is hindi ka naambunan." sabi ni Camilo.
"Bastos ka." sabi ng lalaking kasama ni Rico na ikinatingin ni Camilo dito.
"Huwag ako ang gawin mong tauhan kasi hindi ako ipinanganak para maging alipin ng apo ng kakambal ng lolo Rod ko." maangas na sabi ni Camilo na ikinangisi ni Rico.
"Malakas ang dugo ni Rod sa inyong mga apo niya, kaya matitigas ang ulo." sabi ni Rico na ikinatingin ni Camilo dito.
"May buhay kaming sarili, at hanggat hindi naman namin nalilimutan ang Cheung Clan sapat na iyon na hindi na kailangan ipilit sa amin... sa akin ang trabahong ayaw ko." sabi ni Camilo ng biglang mapakunot noo ito ng maramdaman ang kamay ni Maisharet na hinawakan siya.
"Anong ipinagmamalaki mo? Iyong minahan ni Damian? Ano pa, iyong gold company ng bayaw mo? Huh! Hindi sa inyo lahat iyon, hindi na Cheung ang may-ari ng mga iyon kundi si Bronze na kaya tinutulungan namin kayo para ni isa sa Cheung walang maghirap." sabi ng lalaking kasama ni Rico na ikinangisi ni Camilo dahil kung tutuusin kahit pangalan ng nasa harapan niya na kasama ni Rico Cheung hindi niya kilala. Hindi naman kasi naman talaga sila close sa mga apo nito.
"Apo ako ni Rod Cheung, apo ni Ralph Cheung kaya makakaya kong tumayo mag-isa." sabi ni Camilo ng mapahinto ito ng manlamig ang kamay ni Maisharet na nakahawak sa kanya.
"Saan sa minahan? Minahan lang? Young boy, sa panahon ngayon kakailanganin mo ng mga armas para maging matatag ka. Hindi ka dapat magpokos sa iisa lang na pagkakakitaan dahil puwede kang mamulubi na hindi namin papayagan dahil ang apelyedo mo ay apelyedo namin." sabi ng lalaki na ikinangisi ni Camilo at akmang sasagot ito ng magsalita si Maisharet.
"Huwag kang sasagot." sabi ni Maisharet na ikinatingin ng tatlo dito.
"Mabuti pa ang kasama mong babae marunong." sabi ng lalaking kasama ni Rico.
Nakatingin pa rin si Maisharet kay Rico kaya nagulumihan si Camilo.
"Okay ka lang?" sabi ni Camilo sabay mahigpit na hinawakan ang kamay ni Maisharet.
Napatingin ang dalaga kay Camilo saka ito napalunok.
"Huwag kang saagot iyon ang sabi ng lolo Rod mo." sabi ni Maisharet na ikinangisi ng lalaki at ni Rico, at ikinakunot noo ni Camilo.
"Mukhang may kasama kang espiritista." mapanuyang sabi ng apo ni Rico na ikinangisi ni Camilo saka ito sumagot at hindi pinakinggan si Maisharet.
"Go to hell! Hindi ko kailangan ang tulad niyo dahil kaya ko tumayo sa paa ko." sabi ni Camilo na ikinatahimik ni Rico at apo nito.
"Huh! Kung gusto niyo ng tauhan kumuha kayo sa iba kasi kahit kailan hindi ako magpapailalim sa inyo tulad ng ginagawa niyong pakikipag-usap kay Aidan, kay Brook at sa iba pang Cheung sa grupo ko. O baka naman trigger kayo sa posisyon ni Aj ngayon kasi nga naman sa unang pagkakataon may Valiente na humawak sa Cheung Clan na hindi tinanggap ang alok niyo tulad ni Tito Autumn na papalitan ang apelyedo kapag nakaupo sa angkan natin." sabi ni Camilo na ikinatiim ng bagang ng apo ni Rico at ikinatitig lang ni Rico kay Camilo.
"Mayabang ka." sabi ng apo ni Rico.
"Kasi mayabang ka rin." maangas na sabi ni Camilo pero naramdaman nito ang pagpisil ng kamay ni Maisharet sa paad niyo.
Napatingin ang apo ni Rico kay Maisharet saka ito ngumiti at umusal.
"Pang-ilan ka niya? Alam mo ba?" sabi ng lalaki na ikinatingin ni Maisharet dito.
"Iyong lola mo nasa likod mo." sabi ni Maisharet na ikinatingin ni Rico sa likuran ng apo nito.
"Huh! Nauto mo pala kaya naman pala." sabi ng lalaki saka tumingin kay Camilo at muling umusal.
".....ang tanda mo na uto-uto ka pa rin. O baka naman takot ka pa rin sa multo." sabi ng lalaki at akmang magsasalita si Camilo ng magsalita si Maisharet.
"Mich Cheung, iyon ang lola mo nasa likod mo siya at sabi niya hayaan mo na at kung ayaw huwag mong pilitin." sabi ni Msiharet na ikinatingin ni Rico dito.
"Nakita mo si Mich?" sabi ni Rico na nagbago ang tono na ikinatingin ni Camilo at ng lalaki dito.
"Iyon ang sabi niya, kapag ayaw huwag mong pilitin." napaluhang sabi ni Maisharet habang nakatingin sa likuran ng lalaki na ikinalunok ni Rico.
"Iyon ang laging sinasabi sa akin ng asawa ko." sabi ni Rico na ikinagulat ni Camilo pero ikinangisi ng apo ni Rico.
......................
Minutes later
"Okay ka lang?" sabi ni Camilo sa dalaga ng makaalis na ang maglolo sa unit niya.
"Oo." sabi ni Maisharet na kanina pa tahimik habang nakahiga sila sa kama.
Hindi umimik si Camilo dahil hanggang ngayon kinikilabutan siya.
"Totoo ba iyon? Iyong nakikita ko pero bakit ganoon?" sabi ni Maisharet sa isip.
"Arhhmm. Kumain muna tayo." sabi ni Camilo ng hindi na umimik si Maisharet at halatang malalim ang iniisip nito.
................
Weeks later
C-Tower, Makati City
"Tumataba na ako kakakain." sabi ni Maisharet kay Camilo.
"Okay lang iyan." sabi ni Camilo.
"Basta hindi ito kaltas sa sahod ko ha." sabi ni Maisharet.
"Oo." nakangiting sabi ni Camilo.
"Kailan mo pala ako sasahuran?" sabi ni Maisharet.
"Kapag natapos ang three months." sabi ni Camilo.
"Hala! Ganoon ba talaga iyon? Mag dadalawang buwan na ako." sabi ni Maisharet.
"Oo ganoon talaga, at kaunti na lang tatlong buwan na." sabi ni Camilo.
"Ang tagal naman pala, o baka Chinese ka kasi kaya kuripot ka magpasahod." sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo dahil paniwalang-paniwala ang dalaga sa patakaran ng trabaho nito.
"Hindi ah. Lahat ganoon ang patakaran sa sahuran." sabi ni Camilo.
"Okay." sabi ni Maisharet.
"Kumain ka lang saka mo na intindihin ang sahod.." sabi ni Camilo sabay subo kay Maisharet na agad naman sinubo ng dalaga.
"Kamusta Camilo sakto nandito ka pa." sabi ni Eye na napangisi ng makita magkatabi si Camilo at Maisharet sa upuan sa isang kilalang restaurant sa naturang hotel ng mga Cheung sa aktong nagsusubuan pa.
"Oo, kasi pinag-stay ako ni lolo Rico. Nandiyan siya sa taas at ayoko sana pumirmi dito kaso naabutan niya ako." sabi ni Camilo.
"No need to explain kasi isipin na lang natin may dahilan." sabi ni Eye na napangisi habang nakatingin kay Maisharet.
"Dahilan?" sabi ni Camilo.
"Kaya ka pinag-stay para maabutan ko at masabi ko ang tungkol sa atsay mo." sabi ni Eye sabay upo nito sa harap ng dalawa.
"Wala kang magawa 'no? Kay Brook sawa ka na rin kaya ako naman ang kinukulit mo." natatawang sabi ni Camilo kay Eye.
"Alam niyo dapat nga nagpapasalamat sa akin ang grupo niyo kasi ako lang naman ang mas magaling pa sa S.A niyo kung makakalap ng impormasyon." sabi ni Eye.
"Eye, hindi ko nobya ang babaeng katabi ko kundi katulong ko lang kaya wala kang mahihita at masisira." sabi ni Camilo na ikinalunok ni Maisharet dahil sa ilang araw na pagsasama nila ni Camilo magkatabi sila sa kama at magakayakap pero mukhang wala nga lang iyon sa binata kumbaga tipikal na nitong ginagawa sa ibang babae.
"Hindi lang naman relasyon na magkasintahan ang puwedeng masira... o pasukin para maging maayos." sabi ni Eye na ikinatitig ni Maisharet dito
"Okay sige para matahimik ka sabihin mo." natatawang sabi ni Camilo na para sa kanya kilala na niya si Eye kaya walang effect sa kanya ang mga sasabihin nito.
"Nang sagutin ako ng may kayabangan ng babaeng iyan naisipan kong alamin kung sino siya." sabi ni Eye.
"Bakit naman? Hay naku Eye! Kung sino-sino ang pinapatulan mo." sabi ni Camilo.
"Kasi makapal ang mukha niya kahit kalbo at pangit siya." sabi ni Eye.
"Hahaha! And?" natawang sabi ni Camilo dahil ang reporter na nasa harapan niya isip bata.
Napangiti si Eye ng nakakaasar habang nakatingin kay Maisharet.
"Nalaman ko na ang babaeng iyan ay kinumbulsyon noong bata pa siya at nakakakita ng kakaiba at sa tingin ko dahil takot ka sa multo base sa nalaman ko dahil magaling ako kaya ang konklusyon ko ay ginagamit ka ng babaeng iyan para umangat at makapulot ng mayaman." sabi ni Eye na ikinatitig ni Maisharet dito at ikinawala ng ngiti ni Camilo.
"Alam mo Camilo minsan o kadalasan kailangan niyo ng Eye sa grupo niyo kasi kung wala ako madali kayong mauuto. Like Aidan na nag-asawa ng pangit, si Brook na kahit hindi niya sabihin I know na hibang sa pangit din, and now you... pangit pa rin ang titisod sayo. Bigyan niyo naman ng kahihiyan si Ralph Chenug at si Orion Valiente kasi sa nakikita ng lahat nagmana kayong magkakapatid sa ama niyong pekeng Cheung." sabi ni Eye na ikinatiim ng bagang ni Camilo.
"Lumayas ka sa harapan namin." sabi ni Camilo na ikinalunok ni Maisharet ng makita na sumeryoso si Camilo.
"Ganito lang ba ang matatanggap ko matapos kitang tulungan sa kahibangan mo? Huh! Ano bang ginagawa ng leader niyo? Or rather iyong dalawang leader niyo at tila yata sa grupo niyo maraming tanga at uto-uto.
Pero sabagay anong aasahan? Si Amon baliw at ngayon nababaliw sa basurera niyang asawa, at iyong isa naman si AJ ayon nakadikit sa saya ng asawa niyang reyna na kumbaga wala din yatang balls para mag-isa." sabi ni Eye saka ito walang takot na dumikit kay Maisharet at napangising umusal muli.
"Lumayo ka nga sa akin." sabi ni Maisharet kay Eye.
"Ikaw baldhead ka tingnan mo ang babanggain mo at sasagutin mo kasi hindi ako tulad nila na madaling mauto. Tandaan mo ako... ako si Eye Hamilton nakikita ko ang lahat pati ang kasinungalingan mo na puputulin ko habang isang buwan mahigit mo pa lang pinapatubo.
Huh! Doon ka sa tribu mo magtanim at huwag ng lumabas nang sa ganoon mabawasan ang salot at pangit sa lipunan." sabi ni Eye saka nito hinawakan ang ulo ni Maisharet pero agad nitong inalis ang kamay ng maramdaman na may maliliit na buhok ng tumutubo.
"Ano ba napaka bully mo naman." sabi ni Maisharet na hindi man lang sawayin ni Camilo si Eye sa ginagawa ng reporter sa kanya.
"Tssss! Kahit anong tabas mo makikita ang anyo mo kasi ang sungay mo tumutubo ng kusa." sabi pa ni Eye saka ito tumayo habang tahimik lang si Camilo
"Hindi ako nagsisinungaling, may nakikita talaga ako. At kung reporter ka sana binuksan mo ang isip mo hindi sa paraan na para sa sarili mong kaligayahan." sabi ni Maisharet kay Eye na ikinangisi ni Eye.
"Kalbo, huwag mo akong turuan dahil wala ka sa kalingkingan ko. Isa ka lang lupa na tinataihan ng mga hayop. Huwag kang magkakalat ng taeng nilagay nila sayo para ilipat ..." udlot na sabi ni Eye sabay baling kay Camilo.
"...sa lalaking duwag. My God! Isang buwan mahigit kang niloloko ng babaeng iyan at kung hindi ko pa kayo nakita baka abutin ng habang buhay ang katangahan mo. Huh! Mas tanga ka pa kay Aidan at Brook." sabi ni Eye kay Camilo na ikinatiim nang bagang ni Camilo.
"Hahaha! Ano naman kaya ang sasabihin mo sa Media? Katulad kaya ng sinabi ng mga pinsan mo at kapatid na si Aidan at Luna. Love is blind, tapos ano? Anong karugtong sayo? Kailangan ko siya kasi siya ang lakas ko. Hahaha! Wake up Camilo hindi ka na bata, at ano ba iyan? Kung walang Eye para kang walang nanay para alamin ang katangahan mo." sabi ni Eye saka nito inayos ang sarili.
"Umalis ka na." sabi ni Camilo.
"Nakakahiya ka kung malalaman ng lahat na duwag ka sa multo kaya ka dumidikit sa pangit na iyan." sabi ni Eye.
"Umalis ka!" sigaw ni Camilo na ikinatingin ng lahat sa tatlo.
"Camilo." sabi ni Maisharet ng nagrigodon ang puso niya sa bilis sa gulat sa pagsigaw ni Camilo.
"Huh! Ang grupo niyo ay hindi marunong magpasalamat kay Eye, pero okay lang kasi siguro nilapit ako sa inyo para maging bell sa utak niyo. Ang tatanga kasi ng grupo niyo mula sa leader papunta sa ibaba." sabi ni Eye ng biglang magulat ang lahat ng marahas na tumayo si Camilo saka nito hinawakan ang leeg ni Eye
"Tumigil ka." sabi ni Camilo
"Papatayin mo ako sa harap nila? Hahaha! Tapos ano? Matatakot ka sa akin kapag kaluluwa na lang ako. Oh! come on Camilo duwag ka nga eh so mas lalo kang matatakot kapag hindi mo na ako nakikita pero nasa tabi mo ako." sabi ni Eye na ikinatiim ng bagang ni Camilo.
"Bitch." sabi ni Camilo.
"Huh! Say thank you naman kasi biruin mo in just one-month natulungan kita at nagkaroon ako ng time para malinawan ka. Kailan kaya darating ang araw na may magpapasalamat sa akin mula sa grupo mo?" sabi ni Eye.
"Hindi magaganap iyon." sabi ni Camilo ng biglang manlaki ang mata ni Maisharet na ikinatingin ni Eye dito.
"Stupid! Huwag mo akong dramahan hindi ako tangang tulad ng kasama mo." sabi ni Eye kay Maisharet ng biglang humangin na ikinaluwag ng kamay ni Camilo kaya natawa si Eye.
"Hahaha! Pati hangin takot ka. Ano ba ang nangyari sa kabataan mo na hindi mo maiwan? Huh! Grow up Camilo. Walang multo kundi taong gumagawa ng multo mo." sabi ni Eye na napatingin kay Camilo.
"Tumigil ka." sabi ni Maisharet na ikinatingin ni Camilo dito at ni Eye.
"Hindi ko nakikita ang sinasabi mo pero ang kalokohan mo bistado na. Hahaha! Sorry ha magaling kasi ako at sa lahat ng ayoko iyong sasagutin mo ako na akala mo magaling ka. Isang pitik ko lang ang lahat ay malalaman ko." sabi ni Eye kay Maisharet.
"Iyong daddy mo nasa likod mo." sabi ni Maisharet na ikinatawa ni Eye.
"Hahaha! You asshole! Inalam mo lahat ng tao sa grupo ni Camilo kabilang ako kaya alam kong nagsisinungaling ka. Pathetic! Dinamay mo pa ang mga patay para makapanloko. Sana makarma ka." sabi ni Eye sa dalaga sabay tanggal ng kamay ni Camilo sa leeg niya.
"Hindi ako nagbibiro." sabi ni Maisharet.
"Gaga!" sabi ni Eye saka ito tumalikod at umalis.
Napalunok si Maisharet ng maiwan sila ni Camilo habang pinagtitinginan ng mga tao sa naturang resto.
Sa pagbaling ng tingin ni Camilo kay Maisharet napangisi ito na ikinalunok ng dalaga.
"Umuwi na tayo magtatrabaho ka pa." sabi ni Camilo saka nito hinawakan ang dalaga at hinila.
"Camilo!" napasigaw na sabi ni Maisharet ng masaktan ito at muntikan ng mahulog sa upuan sa paghila ni Camilo.
"Huh! Bilisan mo habang nagtitimpi ako." sabi ni Camilo na ikinatayo ni Maisharet saka ito nagmamadali sinabayan si Camilo maglakad palabas ng resto habang ang lahat nakasunod ng tingin sa kanila.
"Sandali hindi ka pa bayad at saka iyong sahod ko muna bago magalit." sabi ni Maisharet.
"Hindi kita sasahuran dahil maraming ka pang babayaran." inis na sabi ni Camilo.
.................
November 6, 2023 4.02am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top