Kabanata 16 : Pangitain
Kabanata 16 : Pangitain
Hours later
"Nakakagutom iyon." sabi ni Maisharet na halos maubos nito ang malaking serving ng pagkain sa plato nito na inorder ni Camilo sa mamahaling restaurant kung nasaan sila ngayon ng dalaga.
Samantalang kanina pa nakatitig si Camilo sa dalaga, namumugto pa rin ang mata nito dala ng pag-iyak sa takot kanina sa sinakyan nilang rides at sa iniisip nitong pambubully niya dito kanina.
"Maganda dito, kita iyong mga bahay pero mas maganda siguro kung gabi para may mga ilaw na matatanaw." sabi ni Maisharet habang ngumunguya.
Napangiti lamang si Camilo dahil iyon ang balak niya hintayin magdilim para makita ni Maisharet ang mga ilaw na hilig nitong tingnan at para na rin makabawi siya dito sa pagpapaiyak niya dito kanina.
"Kung ibon ako marami akong makikita mula sa taas." sabi pa ni Maisharet na sarap na sarap sa kinakain at nalimutan na ang ginawa ni Camilo sa kanya kanina.
Napangiti lamang si Camilo kaya napatingin si Maisharet kay Camilo kanina pa kasi ito tahimik.
"Huwag mo ng intindihin ang naganap kanina, pinapatawad na kita kasi sabi ni father Raev matutong magpatawad kasi kaunti lang ang oras natin sa mundo para pairalin pa ang galit kaya dapat happy lang." sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo.
"Ohhh! Kaya pala nagsaya ang pari na iyon ng todo kahit mali." napangising sabi ni Camilo.
"Ikaw talaga, huwag mong bilangin ang mali ng tao kasi ang totoo lahat tayo mas maraming maling nagagawa kaysa sa tama pero kahit ganoon kailangan isipin din natin ang tamang ginagawa ng tao ng sa ganoon may inspirasyon siya para ipagpatuloy ang tama." sabi ni Maisharet.
"Crush mo iyong pari?" sabi ni Camilo na napangisi.
"Hindi naman masama kasi crush lang naman. Ang masama iyong crush mo pero hindi mo maamin. Iyong guwapo at maganda naman pero hindi mo ma-appreciate dahil pakiramdam mo mauungusan ka niya. Bagay na mali kasi para sa akin the more na marami kang sasabihing magandang nakikita sa tao the more na magiging blessed ka." sabi ni Maisharet.
"Ang dami mong alam na walang kuwenta." natawang sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet.
"Matuto kang makibagay hindi lang sa tauhan mo, pamilya, kaibigan o mga taong malapit sayo kundi sa mga taong nasa paligid mo o nakakasalamuha mo para malaman mo kung anong dulot mo sa kanila. Maganda ba o pangit." sabi ni Maisharet.
"Kumain ka na lang." sabi ni Camilo.
"Okay, mukhang hindi ka nakikinig pero kapag sinabi kong may multong nakatingin sayo matatakot ka." sabi ni Maisharet.
"Saan?" sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet.
"Camilo, ang layo nito bakit kayo nandito?" sabi ng tinig na ikinatingin ni Camilo.
"Lolo Malic, bakit nandito kayo?" sabi ni Camilo na imbes na multo si Malic Lopez ang nakita nito.
"Nagpasama ang apo ko kay Chhaya na si Strawberry at ang batang iyon layas at hindi naman puwede iwan." sabi ni Malic.
"Nasaan po si Tito Autumn?" sabi ni Camilo.
"Kasama ni Cha nasa ibang bansa." sabi ni Venus na paparating habang kasama nito si Strawberry.
"Hi." nakangiting sabi ni Strawberry kay Maisharet.
"Sino siya?" sabi ni Maisharet sabay tingin sa tabi ni Strawberry na ikinatingin ng apat sa tabi ni Strawberry.
"Saan?" sabi ni Strawberry na ikinakunot noo ni Maisharet kaya napatingin sila Venus at Malic sa isa't isa.
"Ahhhhm. Wala." sabi ni Maisharet saka ito napayuko.
"May nakita ka?" sabi ni Camilo.
"Nakita niyang ano?" sabi ni Strawberry saka ito umupo na ikinasunod nila Malic at Venus.
"Wala." sabi ni Maisharet.
"Sabihin mo na." sabi ni Malic sabay kuha ng fries ni Camilo na ikinangisi ni Camilo sa lolo niya.
"Wala po." sabi ni Maisharet.
"Wala?" sabi ni Venus na hindi naniniwala.
"Lolo Rod niya iyon, pero bakit?" sabi ni Maisharet sa isip na biglang kinilabutan.
"Sabihin mo kasi may kasabihan kapag nakakita ng kakaiba sabihin mo sa taong iyon kundi mamamatay ito." sabi ni Malic na ikinahampas ni Venus dito.
"Ikaw talaga." sabi ni Venus sa asawa na ikinatingin ni Maisharet kay Strawberry.
"Tama baka ganoon nga kailangan sabihin ko at baka babala iyon." sabi ni Maisharet sa isip.
"Ano?" sabi ni Strawberry kay Maisharet.
"Arhhhm! Iyong nakita ko kanina lolo Rod mo." sabi ni Maisharet na ikinatahimik ng lahat.
"O baka hindi." kambiyo na sabi ni Maisharet na tila napahiya siya ng matahimik ang apat na tila hindi naniniwala sa kanya.
Napatingin si Maisharet sa paligid at napalunok ito saka umusal.
"Huwag kang sasama sa kanya." sabi ni Maisharet.
"Sa kanya? Sino?" sabi ni Malic sabay tingin kay Strawberry.
"Iyong ka-date mo." sabi ni Maisharet.
"May ka-date ka na?" sabi ni Malic kay Strawberry na ikinalunok ng dalagita.
"Sundin mo ang Papa mo, maniwala ka sa magulang mo." sabi ni Maisharet habang nakatingin ito sa likuran ni Strawberry na ikinalunok ni Camilo habang sinusundan kung saan nakatingin ang dalaga.
"Oh shit sino kausap niya, sino ba talaga ang nakikita niya?" kinikilabutang sabi ni Camilo sa isip dahil wala naman tao sa tinitingnan ni Maisharet.
"Fling lang iyon." sabi ni Strawberry.
"Apo, bata ka pa." sabi ni Venus kay Strawberry
"Haysss! So, tama nga na nakakakita siya." sabi ni Malic ng umamin si Strawberry.
"Lolo naman naniniwala ka sa third eye. Haysss!!! Hinuhuli lang niya ako para umalis tayo dito sa mesa nila ni Kuya Camilo kasi istorbo tayo." sabi ni Strawberry.
" Kapag ipinagpatuloy mo, mamamatay ang magulang mo." sabi ni Maisharet saka ito napapikit at yumuko.
"OHh my God! Bakit ko nasabi iyon?" sabi ni Maisharet sa isip habang nagulat ang apat sa sinabi niya.
"Bakit naman?" sabi ni Camilo pero napatingin lang si Maisharet dito.
"Tsss! Uuwi na kami." sabi ni Malic saka ito tumayo ng hindi sumagot ang dalaga sa tanong ni Camilo.
"Sabihin mo kay lolo Rod oo na hindi na ako makikipagdate." sabi ni Strawberry kay Maisharet saka ito tumayo na halatang natakot ito mawala ang magulang nito.
Napatingin si Maisharet kay Stawberry at napalunok ito sa nakikita.
"Nakarating." sabi ni Maisharet na ikinangiti Strawberry.
"Bakit ganoon? Lord, masama ba ako bakit ako nakakakita?" sabi ni Masiharet sa isip.
"Uuwi na kami, mag-enjoy lang kayo." sabi ni Venus saka umalis ang tatlo na ikinatingin ni Camilo kay Maisharet.
"Nice, napaalis mo halatang gusto mo ako masolo." birong sabi ni Camilo na napangiti pero hindi na umimik si Maisharet.
..............
"Hello, nandito kasama namin." sabi ni Malic ng sagutin nito ang cellphone habang nasa loob na sila ng kotse ng asawang si Venus at apo na si Strawberry.
"Kakausapin mo? Okay sige." sabi ni Malic sabay bigay ng cellphone sa apo.
"Papa mo." sabi ni Malic kay Strawberry na agad naman kinuha ng dalagita.
"Hello Papa." sabi ni Strawberry.
"Anong sabi ko sayo?" seryosong sabi ni Autumn sa kabilang linya.
"Tungkol po saan?" sabi ni Strawberry na halatang nagmamaang-maangan ang boses nito.
"Isa pa ha, kapag nalaman ko pa na nakikipag-date ka sa lalaking iyon may kalalagyan iyon." sabi ni Autumn.
"Papa, sundalo naman siya." sabi ni Strawberry ng mabakas ang istriktong boses ng ama.
"Oo at ayoko sa kanya para sayo." sabi ni Autumn.
"Sundin mo na." bulong ni Malic sa apo na ikinatingin ni Strawberry dito.
"Galit na iyan, at hindi mo pa nakikita magalit iyan para iyang devil." mahinang sabi ni Malic na ikinasenyas ni Venus sa asawa para manahimik.
"Bata ka pa." sabi pa ni Malic sa apo.
"Sumagot ka." sabi ni Autumn sa kabilang linya.
"Yes Papa," napabuntung hiningang sabi ni Strawberry.
"Uuwi na kami bukas ng Mama mo. Next trip isasama ka na namin." sabi ni Autumn na kumalma na ito.
"Opo." mahinang sabi ni Strawberry.
"Ibigay mo na kay Tatay iyong cellphone." sabi ni Autumn na agad naman ibinigay ng dalagita kay Malic ang cellphone.
"Hay naku Autumn! Nagtaka ka pa, kanino pa ba magmamana." sabi ni Malic ng kunin ang cellphone.
"Uuwi na po kami diyan." sabi ni Autumn sa biyenan na hindi pinansin ang pasaring nito sa kanya.
"Iyong bunso niyo combi niyo ni Cha." sabi pa ni Malic na ikinasiko ni Venus dito.
"Isasama na lang po namin," sabi ni Autumn dahil alam niya ang biyenan niyang lalaki kinukunsinti lang ang anak niya gawin ang gusto nito iyon nga lang kasama lagi ang biyenan niya sa mga gimik ng anak niya na tila nagbabalik sa pagkabata ang biyenan niyang lalaki.
"Mabuti kasi sa ganda ng apo ko marami talaga manliligaw dito. Eh, kung ikaw nga halos mabaliw sa ganda ng anak ko, iyong asawa ni Astraea pinalit ang pagiging hari makasama lang ang anak mo, at iyong espiya ng grupo ni Aj kahit bulag si Suri ayon halos mahumaling sa anak mo, kaya asahan mo na ang bunso mo ay pagkakaguluhan dahil kanino pa ba magmamana ng ganda ang mga apo ko edi sa akin... hahaha! Sa lolo na ubod ng guwapo na kahit na ang langaw ay nainlove. Iba talaga kapag dugong Malic." sabi ni Malic na ikinangiti ng lihim ni Strawberry at ikinailing ni Venus.
"Tatay bata pa iyan." sabi ni Autumn sa biyenan.
"Sus! Iyong anak ko nga limang taon pa lang yata pinagnasaan mo na at iyong anak mong si AJ ayon ayaw humiwalay sa asawa niyang sampung taon ang bata sa kanya. Huh! Alam mo Autumn, huwag mong higpitan dahil ang multo mo lalong maghuhulagpos na kumawala sa pinagkakulungan mo." sabi ni Malic.
Napahingang malalim si Autumn ganoon kasi ang biyenan niya kakampihan siya pero pagagalitan siya.
"Bigyan mo ng sustento itong apo ko at gagala kami." sabi bigla ni Malic na ikinanlaki ng mata ni Autumn at ikinahagikhik ni Strawberry.
"Tatay, tantanan niyo ang kakapunta sa bar na kasama anag anak ko." sabi ni Autumn.
"Na apo ko... aissstt! Binigay ko na nga ang anak ko sayo pati apo ko ipagdadamot mo? Aba't pasalamat ka pinatawad kita kung hindi may biyenan kang kontrabida sa buhay mo." sabi ni Malic na ikinailing lalo ni Venus sa kalokohan ng asawa niya para manghuthut ng pera sa son-in-law nila.
"Okay okay." sabi ni Autumn dahil ang biyenan niyang lalaki mas maingay pa sa babae.
"Iyan, masunuring bata na dapat tularan ng mga anak mo." sabi ni Malic sabay kindat kay Venus at nakuha pa nito magsign ng pera sa mga daliri nito.
"Siraulo." mahinang sabi ni Venus ng makahuthut na naman si Malic na tila nagwagi ito nakuha pa ng asawa mangamot ng kamay nito na ang ibig sabihin may darating na pera.
"Ibababa ko na ho." sabi ni Autumn.
"Ako ng bahala sa bunso mo hanggat wala kayo ng anak ko at huwag kang mag-alala marunong ako mamili ng magiging nobyo niya." sabi ni Malic.
"Tay, bata pa iyan." sabi ni Autumn.
"Hahaha! Wala ka talagang tiwala sa 'kin pero sabagay pareho lang tayo sa isa't isa." natawang sabi ni Malic.
Napaikot ng mata si Autumn sa kakulitan ng biyenan niya at kahit tapos na sila mag-usap at nagpaalam na siya hindi naman niya puwede ibaba dahil sasabihan na naman siya nito na bastos.
"Ibaba mo na." sabi ni Venus kay Malic dahil alam niyang wala itong tuldok puro comma lang sa mga salita nito.
"Kausap ko pa ang paborito kong anak." sabi ni Malic na natawa pa.
Hindi umimik si Autumn dahil ganoon din ang biyenan niya dinadaan sa tawa ang alam niyang hinanakit pa rin nito sa kanya.
"Hay naku! Akin na nga iyan." sabi ni Venus sabay kuha ng cellphone kay Malic.
"Ano ba?" sabi ni Mailic pero hindi na nito makuha kay Venus ang cellphone dahil aawayin naman siya nito.
"Autumn, ibaba mo na. Mag-ingat kayo ni Chhaya diyan at kami na bahala kay Strawberry." sabi ni Venus.
"Salamat 'nay." sabi ni Autumn na ikinangiti ni Venus dahil kahit paano malaki ang naitulong ni Autumn sa kanya, ito kasi ang nagsuhestiyon dati na makapasok siya sa Cheung hotel bilang manager. Iyong tipo hindi siya dumaan sa gitna dahil mula sa baba itinaas siya agad nito sa tuktok
"Iyong pera ho pala nahulog ko na sa account niyo." sabi ni Autumn na ikinangiti muli ni Venus, iba kasi ang ugali ni Autumn mabait talaga ito huwag mo nga lang lolokohin.
"Salamat." sabi ni Venus isama pa na sa bukod sa nagpapadala ito ng pera kay Malic pinapadalhan din siya nito ng solo kaya naman kahit matanda na sila ni Malic, walang ipon, at walang trabaho nabubuhay sila ng maganda dahil kay Autumn dahil ang anak niyang si Wine hindi naman nila inaasahan trese kasi ang anak nito na kahit malalaki na alam niyang sinusustentuhan pa rin nila Wine at Elle.
"Okay sige po." sabi ni Autum saka nito binaba ang tawag bago pa kunin uli ng biyenan niyang laalaki.
"May relasyon kayo?" sabi ni Malic ng iabot ni Venus ang cellphone niya.
"Siraulo! Tumigil ka nga." inis na sabi ni Venus na ikinatawa ni Strawberry sabay yakap ng dalagita kay Malic.
"Lolo, hindi ka ipagpapalit niyan ni lola dahil mabait ka." sabi ni Strawberry na ikinangiti ni Malic.
"Mamaya hati tayo sa ipapadala ng Papa mo sa akin na pera." nakangiting sai ni Malic na ikinailing ni Venus sa asawa.
"Sige." masayang sabi ni Strawberry dahil ang lolo Malic niya kabaliktaran ng lolo Orion niya. Hindi kasi ito istrikto, at spoiled siya dito.
...............
11.04.23 6.08 pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top