Kabanata 12 : Blessed Me father
Kabanata 12 : Blessed Me Father
C-Tower Manila
"Hindi kita tinatakot, pero natatakot ka kasi walang Diyos sa puso mo kundi sa isip mo lang. Ang taong may takot walang pananampalataya at ang taong walang tiwala ay walang Diyos sa buhay niya." sabi ni Maisharet.
"Huh! Minamanduhan mo ako kung saan ako pupunta. So ikaw na ang may Diyos." sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet.
"Ayoko na makipagtalo sayo dahil lamang sa pagsisimba kasi ang pagpunta sa simbahan ay hindi dapat pagtalunan, hindi dapat ipilit at higit sa lahat hindi dapat gawing isyu ang pagsamba sa Diyos." sabi ni Maisharet.
"Iba-iba tayo ng paniniwala." sabi ni Camilo.
"Oo tama ka, kaya solohin mo ang paniniwala mo at yayakapin ko ang akin." sabi ni Maisharet.
"Huh! Sige diyan ka na mauna na ako aalis." sabi ni Camilo saka nito kinuha ang susi ng kotse na ikinangisi ni Maisharet.
"Bad kid, ayaw magsimba." sabi ni Maisharet sa isip.
"Isara mo na lang ang pintuan tapos kunin mo sa reception ang susi mamaya pagkatapos mo lumuhod sa simbahan." napangising sabi ni Camilo pero akmang lalabas na ito ng unit ng magsalita si Maisharet.
"Nakaharang sila sayo, good luck Sir." sabi ni Maisharet na tonong ikinakilabot ni Camilo dahil ang boses ni Maisharet lalo na kapag seryoso ay nakakakilabot.
"Hindi ako matatakot." sabi ni Camilo ng biglang humangin at ang kurtina sa bahagi ng salang yaon ay gumalaw na ikinalunok ni Camilo.
Napatingin si Maisharet sa paligid saka ito napaatras na ikinatalisod nito at ikinaingay ng natabig nito sa patalikod kaya nabuwal ito na ikinatingin ni Camilo dito.
Sa pagtingin ni Camilo ng marinig ang kalabog ng nasanggi ng dalaga napalunok ito ng makitang sa ibang direksyon nakatingin si Maisharet habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Ahhhhh!" sigaw ni Maisharet na ikinalapit ni Camilo sa dalaga saka ito niyakap sa takot ng binata.
"Ano ba? Huwag ka ngang manakot." inis na sabi ni Camilo pero napalunok ito ng maramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso ni Maisharet.
"Huwag kang aalis, susunod sila sayo." sabi ni Maisharet na ikinatingin ni Camilo sa dalaga habang yakap niya ito.
"Nananakot ka." sabi ni Camilo.
"Hindi." sabi ni Maisharet saka ito tumingin kay Camilo.
"....pero hindi kita pipigilan." sabi ni Maisharet saka ito napapikit na ikinayakap lalo ni Camilo dito.
"Asar!" inis na sabi ni Camilo sa isip ng mahati na naman ang isip niya kung maniniwala o hindi, pero nanaig ang sinabi ng dalaga sa kanya dahil takot talaga siya sa multo.
"Bakit ganoon? Bakit ko sila nakikita?" sabi ni Maisharet sa isip.
...................
Minutes Later
C-Tower Church
Kanina pa nakamasid si Camilo sa mga tao na nasa loob ng church ng C-Tower, ang simbahan sa loob ng hotel ay ipinagawa pa ng lola Menchie niya.
"Tsk." napahingang malalim na sabi ni Camilo na kanina pa naiinip sabay tingin sa dalaga na kanina pa rin nakatungo at nagdarasal.
"Ano ba 'yan? Puwede naman magdasal kahit saan dahil kapag nasa simbahan hindi ka naman makakapagconcentrate dito. Aissst! Isang kabaliwan." mahinang sabi ni Camilo sabay tingin muli sa paligid.
"Ito ang mga bagay na nakakaboring noong nag-aaral kami." napangising sabi ni Camilo dahil sa STU kung saan sila nag-aral magkakapatid mula elementarya hanggang college isang beses sa isang linggo may misa ang University na lahat sila dapat dumalo.
"Haysss! Sayang ang oras." naiinip na sabi ni Camilo at nang mapatingin ito kay Maisharet muntik na ito mapasigaw ng magulat nang makitang nakatitig sa kanya ang dalaga.
"Bubulong-bulong ka pa diyan." sabi ni Maisharet sa isip habang nakatingin ng matalim kay Camilo.
"Ano ba? May nakikita ka ba? Kapag meron ibig sabihin hindi nga totoo na simbahan ito kasi may nakakapasok na multo." inis na sabi ni Camilo sa mahinang tinig.
"Ang nararamdaman mo sinasabi mo at naririnig ko." sabi ni Maisharet
"Hahaha! Bilisan mo kasi magdasal baka lumagpas ka na sa langit." natawang sabi ni Camilo.
"Iyon nga ang gusto ko." sabi ni Maisharet.
"Hahaha! Abutin mo muna ang sinasabing lagpas na langit sa lupa masarap din iyon." natawang pilyong sabi ni Camilo at akmang magsasalita si Maisharet para itanong ang hindi naunawaan na sinabi ng binata ng magsalita ang pari.
"Nandiyan na si Father." sabi ni Maisharet.
"Hay naku! Tingnan mo pati Pari late." inis na sabi ni Camilo dahil mahigit ilang minuto na sila at ang pari kararating lang ngayon.
Napatingin si Maisharet sa unahan pero sa pagtingin nito namilog ang mata nito ng makita ang pari.
"Isang magandang umaga sa lahat ng naririto, at sa lahat ng hindi nakakakilala sa akin ako si Father..." udlot na sabi ng Pari ng mapatili si Maisharet.
"Whoaaah! Ang guwapo ng pari." napalakas na sabi ni Maisharet na ikinatingin ni Camilo sa unahan.
"Hahaha!" tawanan ng lahat sa sinabi ni Maisharet na ikinangiti naman ng pari.
"Raev." napangising mahinang sabi ni Camilo.
"Kaya pala maraming tao dito guwapo ang pari." kinikilig na sabi ni Maisharet na muling ikinatawa ng lahat.
"Iyon lang kaya nagsisimba para humarot sa pari." napangising mahinang sabi ni Camilo.
"Ngayon lang ako nakakita ng anghel na pari." natatawang sabi ni Maisharet na ikinatawa lalo ng lahat.
"Hinaan mo ang boses mo." mahinang sabi ni Camilo sa dalaga dahil sa ilang linggo nilang magkasama ni Maisharet ang isa sa ugali ng dalaga kapag masaya malakas ang boses nito.
"Totoo naman, bawal magsinungaling nasa simabahan ako." sabi ni Maisharet sabay tayo nito mula sa pagkakaluhod saka napatitig sa Pari.
"Father magpakilala ka po dahil bago lang ako dito." masayang sabi ni Maisharet na ikinatawa muli ng lahat.
"Hahaha! Ako si Father Raev." sabi ni Raev na napatingin sa lalaking kasama ng dalaga.
"Ako po Maisharet Namata, malinaw ang mata sa guwapong tulad mo na sugo ng Diyos." sabi ni Maisharet na ikinatawa pa lalo ng lahat.
"Ang harot mo." inis na sabi ni Camilo sabay kurot sa singit ng dalaga na ikinahiyaw nito.
"Ahhhh! Father kinurot ako." sumbong ni Maisharet na ikinatawa muli ng lahat.
"Si Raev lang iyan at mas guwapo ako diyan." sabi ni Camilo na ikinatingin ng lahat dito, at nagulat ang lahat ng mamukhaan ng mga ito sa Camilo.
Napangiti ang pari saka ito nagsimula mag-misa.
"Ang salita ng Diyos ay ating pakinggan." sabi ni Father Raev.
"Sus!" mahinang sabi ni Camilo sabay tingin sa dalaga na titig na titig kay Raev.
"Alam mo ba ang salitang raev ay isang lalaking fox." sabi ni Maisharet.
"I know." napangising sabi ni Camilo.
"Mabuti." sabi ni Maisharet pero napakunot noo ito ng may lumapit sa harapan na ikinangisi naman ni Camilo sa reaction ng dalaga saka napatingin sa unahan.
Nang makita ni Camilo ang dahilan ng pagbabago ng reaksyon ni Maisharet napangiti ito.
"Alam mo ba ang tawag sa babaeng fox?" sabi ni Camilo.
"Lisica." sabi ni Maisharet.
"Tama at siya si Lisica." napangising sabi ni Camilo sabay tingin kay Maisharet at bumulong.
"Kahit ang pari makasalanan dahil ang babaeng nasa harapan ay karelasyon niya, kapatid niya, dahil ang tatay nila ay si Fox Ysmael ang asawa ng tita kong si Yummy Valiente Lopez." napangising bulong na sabi ni Camilo sa dalaga, na ikinangiti naman ni Maisharet kaya napakunot noo ang binata.
"Destiny." napangiting sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo.
"Kahit ang alagad ng Diyos nagkakasala ng paulit-ulit." sabi ni Camilo.
"Nasa tahanan siya ng Diyos para ituwid ang pagkakamali niya." sabi ni Maisharet habang nag-uusap ang dalawa ng mahina.
"Ang kasalanang paulit-ulit na sinasadya ay hindi tama sa bibliya na napag-aralan niya pero ginagawa niya." sabi ni Camilo.
"Ang panghuhusga sa hindi alam ang dahilan ng hinuhusgahan ang siyang may sala." sabi ni Maisharet.
"Amen!" sabay-sabay na sabi ng lahat sa tugon para sa aral ng pari, na ikinangiti ni Maisharet habang nakatingin kay Father Raev na ikinangisi naman ni Camilo.
"Taratitat." mahinang sabi ni Camilo.
"Salamat." kinilig na sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo saka nito hinawakan na tila bola ang ulo ni Maisharet.
"Ang sarap mo sabunutan kahit nasa loob tayo ng simbahan, at ngayon nagsisisi ako kung bakit kita kinalbo." inis na sabi ni Camilo na ikinatawa ng dalaga.
"Hahaha! Kita mo sa loob ng bahay ng Diyos natuto kang magsisi." sabi ni Maisharet.
"Kuhang-kuha mo ang inis ko." sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet sabay tingin sa binata.
"Ang guwapo." sabi ni Maisharet habang nakatingin kay Camilo.
"Mas guwapo ako sa kanya." inis na sabi ni Camilo na ikinangiti ni Maisharet.
"Amen." sabay-sabay muli na sabi ng lahat pati ni Maisharet sa sinabing aral ni Father Raev na ikinangisi ni Camilo.
..............
Minutes later
"Father mano po." sabi ni Maisharet na talagang nakipagsiksikan sa mga tao para lamang makalapit ito sa pari matapos ang isang oras na misa sa kapilya ng C-Tower.
"Kaawaan ka ng Diyos." sabi ni Father Raev.
"Ang guwapo niyo po father." sabi ni Maisharet na ikinangiti ng Pari sabay baling ng Pari sa kasamang lalaki ni Maisharet.
"Kamusta Camilo." sabi ni Father Raev na ikinangisi ni Camilo.
"Mabuti, ikaw kamusta ang pinsan ko?" sabi ni Camilo na ikinangiti ni Raev.
"Siya ang tanungin mo." sabi ni father Raev.
"Tsss. Makasalanan." sabi ni Camilo na ikinasiko ng dalaga dito.
"Mukhang kulang ka sa panalangin." sabi ni Father Raev.
"Kulang ka ba sa langit." sabi ni Camilo sa mapanuyang tinig.
"Camilo, lagi ka magsimba para hindi ka magkulang sa pagtitiwala." sabi ni Father Raev.
"Pagtitiwala na ligtas ka kahit makasalanan ka." sarkastikong sabi ni Camilo na ikinangiti ng naturang Pari.
"Uy! Huwag mo awayin si Father kakasimba mo lang." sabi ni Maisharet kay Camilo sabay yakap ng dalaga sa Pari na ikinangiti kay Maisharet ng naturang pari.
"Tsss! Harot." sabi ni Camilo sabay hila kay Maisharet.
"Kaya ka talaga nilalapitan ng kung ano-anong maligno kasi ganyan ang ugali mo kaya naa-attract mo sila." sabi ni Maisharet kay Camilo.
"Huh! Iyong paring iyan ang nagmamaligno sa mga sumasamba sa Diyos niya." sabi ni Camilo.
"Ikaw talaga." sabi ni Maisharet sabay takip sa bibig Camilo.
"Ano ba ang baho ng kamay mo." sabi ni Camilo ng alisin ang kamay ng dalaga na nakatakip sa bibig niya.
"Umuwi na nga tayo." sabi ni Maisharet.
"Umuwi ka mag-isa mo." sabi ni Camilo habang nakamasid lamang ang pari sa dalawa.
"Saan ka pupunta?" sabi ni Maisharet.
"Wala ka na doon." inis na sabi ni Camilo saka ito tumalikod at naglakad palayo.
"Samahan mo na siya mukhang nagseselos ang nobyo mo sa akin." malakas na sabi ni Father Raev na ikinatigil sa paglalakad ni Camilo at ikinatawa ni Maisharet.
"Hahaha! Hindi ko siya nobyo kundi amo po, Father Raev." sabi ni Maisharet na ikinalingon ni Camilo.
"Huh! Never ako pumatos ng hindi puwede Father dahil hindi ako tulad mo." sabi ni Camilo na ikinangiti ng pari.
"Ang buka ng bibig ay siyang kabig ng dibdib at totoo iyon Camilo kaya huwag kang pasisiguro." sabi ni Father Raev.
"Siguro nga kasi kung ikaw nga kinain mo lahat ng sinabi mo." sabi ni Camilo sa pari na ikinangiti muli ng pari.
"Tama na nga." sabi ni Maisharet sabay lapit kay Camilo.
"Umakyat ka na sa taas at aalis ako mag-isa." sabi ni Camilo kay Maisharet ng makalapit sa kanya.
"Hi, Camilo may party mamaya sa church after dito baka gusto niyo sumama?" sabi ng isang tinig na ikinatingin ni Maisharet.
"Party?" sabi ni Maisharet.
"Oo. After ng misa tuwing linggo may party." sabi ng babae.
"Kahit wala ka pa sa langit nagpa-party ka na." sabi ni Camilo sabay tingin sa pari.
"Hindi masamang magsaya lalo na ang kasiyahan ay tungkol sa Diyos." sabi ni Father Raev.
"Sasama ako." sabi ni Maisharet sa masayang tinig na ikinatingin ni Camilo dito.
"Oo sumama ka dahil marami kang makikilala sa party. Gathering kasi iyon ng simbahan dito sa C-Tower Church." sabi ng babae na ikinangiti ni Maisharet.
"Maraming tao?" sabi ni Maisharet na ikinangisi ni Camilo.
"Oo, may palaro pa." sabi ng babae.
"Sige." sabi ni Maisharet pero nagulat ito ng hawakan siya ni Camilo.
"Huwag mo siyang isama sa isang kasalanan, Lisica." sabi ni Camilo.
"Uyyy! Grabe ka sa kanya." sabi ni Maisharet na ikinatawa lang ni Lisica.
"Hahaha! Sanay ako sa kanya." sabi ni Lisica.
"Sabagay ganyan talaga siya. Halika na at magparty na lang tayo." masayang sabi ni Maisharet.
"Hindi ka pupunta, dahil isasama na lang kita." sabi ni Camilo kay Maisharet.
"Akala ko ba ayaw mo ako isama." sabi ni Maisharet.
"Pake mo ba kung gusto ko na, eh amo mo ako." maangas na sabi ni Camilo na ikinatawa ni Lisica.
"Hahaha! Sige na Maisharet sumama ka na at baka itinadhana talaga ng Diyos ang pagsulpot ko para makasama ka sa kanya at magbago ang isip niya na hindi ka isama kanina." sabi ni Lisica.
"Hmmm! Sabagay kapag tadhana ng Diyos hindi dapat puwede tumanggi kasi dapat grab agad." sabi ni Maisharet sabay tingin kay Raev.
".....kung hindi niya ako isasama sayo ako sasama at tadhana iyon, Father." kinikilig na sabi ni Maisharet sa pari sabay haplos sa guwapong mukha ni Raev.
"Harot." inis na sabi ni Camilo sabay kurot sa singit ni Maisharet na ikinatawa ni Lisica.
"Itigil mo ang kakakurot sa akin kasi nakatingin ang lola Ella mo." inis na sabi ni Maisharet na ikinahangin ng malakas kaya napahinto si Camilo.
"Malamig na ang klima." napangiting sabi ni Lisica ng humangin sa parteng iyon ng chapel.
Napatingin si Maisharet sa paligid kung talagang humangin lang, balak niya kasi takutin lang si Camilo para tantanan siya nito sa kakakurot sa kanya.
"Nandito ba?" bulong ni Camilo kay Maisharet na ikinalunok ng dalaga.
"Oo." sabi ni Maisharet na ikinakunot noo ni Raev ng marinig ang bulungan ng dalawa.
"Umalis na tayo." sabi ni Camilo.
"Sige." sabi ni Maisharet.
"Bakit ganoon? Ano bang nangyayari? Bakit ko sila nakikita? Bakit mga kamag-anak niya ang nakikita ko." sabi ni Maisharet sa isip.
"Aalis na kayo, isasama mo na talaga siya?" sabi ni Lisica.
"Oo." sabi ni Camilo.
"Aalis na po kami Father." sabi ni Maisharet.
"Manalangin ka lang dahil ang takot ay para lamang sa mga taong walang tiwala sa Diyos." nakangiting sabi ni Father Raev na ikinangiti ni Maisharet.
"Tama po kayo kaya wala dapat katakutan." sabi ni Maisharet.
"Kung siya kaya makakita baka kumaripas ng takbo ito. Masasabi mo lang iyan kasi wala ka sa katayuan niya." bubulong-bulong na sabi ni Camilo na ikinatingin ng Pari dito.
"Ang pagmamahal ay susi para hindi ka matakot." sabi ni father Raev.
"Ahhh! Kaya pala hindi ka takot kasi mahal mo. Tsss!" napangising sabi ni Camilo.
"Ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos. Ang antas ng pagmamahal ay may pagkakaiba depende sa papel ng tao sa buhay mo. Hindi mo mauunawaan kasi hindi ka pa kompleto sa pagmamahal." sabi ni father Raev.
"Huwag ako ang sabihan mo dahil una mong pangaralan ang sarili mo... Father." mapanuyang sabi ni Camilo na ikinatahimik ni father Raev.
"Halika na nga at baka kalabitan ka ng lola mo." sabi ni Maisharet na ikinahawak ni Camilo sa baywang ng dalaga.
"Nakikipag-usap ka pa kasi." sabi ni Camilo kay Maisharet.
"Sa guwapo niya talagang dapat dere-deretso ang usapan kaso nandiyan ka at sa kaduwagan mo mauudlot ang pagsasama namin ng matagal ni Father Raev." sabi ni Maisharet na ikinatawa ni Lisica.
"Sumama ka na sa kanya kasi selosa ako." natawang sabi ni Lisica na ikinatingin ni Maisharet dito.
Sa pagtingin ni Maisharet kay Lisica nagulat ito ng makita ang selos sa mata ng babae.
"Hahaha! Sige na umalis na kayo." natawang sabi ni Father Raev.
"Halika na baka makipag-usap ka na naman." sabi ni Camilo sabay hila kay Maisharet na nakuha pang ngitian ang pari ng ubod ng tamis bago tuluyang umalis.
...............
11.01.23 3.30pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top