Kabanata 1 : Minero


Kabanata 1 : Minero

Ilang taong ang matuling lumipas....


"Anong nangyayari? Lumilindol ba?" sabi ni Maisharet ng umalog ang buong paligid habang nasa loob siya ng isang tunnel sa loob ng kabundukan kung saan naghahanap siya ng mga halamang gamot.

"Ang lakas naman ng ingay." sabi ni Maisharet na bukod sa umaalog ang lahat ang ingay na nagmumula sa kung saan ay tila nakakabingi.

"Ang sakit sa ulo." sabi ni Maisharet na napatigil sa ginagawang pagpuputol ng mga dahong ligaw na gagawin niyang gamot nang hindi niya makayanan ang nakakabinging ingay.

..................

"Sir, sigurado ba kayo? Wala pa tayong permit." sabi ng tauhan ni Camilo ng lapitan siya nito.

"May pre-sign na ang Mayor ng Tres Islas at saka huwag kayong matakot dahil hawak ng grupo ko ang buong Tres Islas kami ang hari dito at lahat ng bundok dito ay amin. Lahat ng matatanaw niyo ay akin." maangas na sabi ni Camilo.

Napatingin ang mga tauhan nito sa kanilang amo. Si Camilo Cheung, ang pumalit sa pamamahala ni Brook Cheung ng ilipat ang huli sa Luna Tower kapalit ng isa pang kapatid nito na si Aidan Cheung. Sa tatlong magkakapatid si Camilo ang kakaiba kung kumilos at mag-isip, wala itong pakialam basta nagustuhan nito gagawin nito.

Sa mga namahala ng minahan mas nakikita nga ng matatandang minero ang ugali ni Damian kay Camilo, malakas kasi ang loob nito pasukin ang negosyong kahit puwede itong masira.

"Ang bundok na iyan sigurado maraming ginto, dahil napag-aralan ko naman at matagal ko ng plano pasukin at gawing minahan kaso siyempre kailangan ko hintayin ang termino ko. Ayoko naman na ako ang nakaisip iba ang gagawa at makikinabang." sabi ni Camilo.

Napatingin ang mga matatagal na tauhan ng minahan kay Camilo, isa sa ugali ng binatang Cheung malupit ito mag-isip, may pagkagahaman o sinasabing tuso. Pailalim kumilos at alam nilang dati ng balak ng binata na angkinin ang minahan kaso benenta ng ama nitong si Atlas sa bayaw nitong si Bronze o asawa ng kapatid nitong si Luna ang minahan ni Damian Cheung ng malugi ito.

"Ako nakaisip nito, kaya akin ito. Labas ito sa Damian Property na binili ni Bronze kaya lahat miminahin dito ay AKIN." sabi ni Camilo na ikinalunok ng mga tauhan sa tibay ng sikmura at kapal ng mukha ng lalaking nasa harapan nila dahil mula ng maupo ito gumalaw ito ng malaya at mabilis, ni hindi nga nito sinasabi sa totoong may-ari ang mga plano nito o mga gagawin nila tulad ngayon.

"Pakilusin niyo na ang iba, magdamag tayong gagawa at magmimina hanggat hindi natin napapasok ang loob at natitibag ang buong kabundukan." sabi ni Camilo.

"Sir, may mga naninirahan sa likuran ng kabundukan baka mag-alsa sila kung wala tayong maipapakitang papeles." sabi ng matandang tauhan na ikinangisi ni Camilo.


"Ako ang batas, pinakita ko na di ba? May pirma na si Mayor Lake at kahit wala uulitin ko ang Tres Islas ay sa lolo Ralph ko kaya akin ito."
sabi ni Camilo na ikinahingang malalim ng matandang tauhan.

"Hahatiin ko kayo, ang iba ay maiiwan sa Isla Traquilo para kapag dumating si Bronze doon may magbaback-up. Ang sasabihin niyo nasa minahan ako nasa loob kapag pumasok sabihin niyo nagtatrabaho ako." sabi ni Camilo.

"Sir, hindi naman po sa pagmamarunong kaso ang bundok na pagmiminahan natin ay sakop ng virgin forest." sabi ng tauhan ni Camilo na ikinalapit ni Camilo dito.

"Ikaw, alam kong si Brook ang gusto mong amo pero wala na siya nasa Manila na, gusto mo sumama sa kanya ipapadala kita tutal madali akong kausap na kung ayaw mo sa pamamalakad ko umalis ka." maangas na sabi ni Camilo na ikinalunok ng tauhan.


"Hindi sir."
sabi ng tauhan.

"Ako ang amo niyo kaya ako na ang susundin niyo. Huwag kayong mag-alala dahil makikinabang din kayo, sapagkat ang mga gintong mamimina natin ay kayamanan nating lahat. Wala lang magnanakaw dahil alam ko ang pasikot-sikot sa negosyong minahan at ginto ang usapan." sabi ni Camilo na ikinatingin ng lahat sa bawat isa.

Si Camilo Cheung. Bata pa lamang laman na ng minahan tulad ng mga kapatid nito pero hindi alam ng lahat inaral nito lahat ng tungkol sa minahan, pati bato alam nito ang uri. Katunayan may mga mamahaling bato ito na ndiskubre at nakatago sa bahay nito. Mga batong milyon ang halaga kaya naman bata pa lamang si Camilo mayaman na ito, bukod doon ang kursong tinapos nito sa kolehiyo ay may kaugnayan sa pagmimina at mga ginto at bato.

Hindi lang halata sa awra ng binata dahil siguro sa quadruplets ito ang bunso kung ituring ng lahat, pero hindi rin alam ng lahat ito ang pinakamautak na tila nga namana nito ang utak ni Ralph Cheung sa pagnenegosyo.

"Sasama ako sa loob sa pagsisimula ng pag-andar ng mga makinarya." sabi ni Camilo.

Napatingin ang lahat sa amo nila, kahit kasi ang mga machine na ginagamit nila makabago lahat dahil mula ng umalis si Brook at si Camilo ang pinahawak ni Bronze Banner ng negosyong nabili nito, bumili si Camilo ng mga kagamitan galing pa sa ibang bansa at kahit walang papeles nakuha nitong ipuslit papasok sa bansa ang mga makina na de kalidad at makabago.

"Mas mapapadali ang pagkuha ng ginto sa loob kapag nagkaroon ng daan na kasya tayong lahat." sabi ni Camilo na halatang masaya ito sa natamong pangarap nito.

"Sir, paano kung malaman ng lolo Orion niyo ang ginagawa natin dahil sigurado makikita ng congress o senate ang ilegal na minahan." sabi ng matandang lalaki na ikinawala ng ngiti ni Camilo.


"Alam mo ikaw kanina ka pa naninira ng mood ko. Ang sabi ko nga legal ang lahat kasi akin ang lugar. Hindi naman ako gagawa ng ikakasira ng pamilya at grupo ko, at uulitin ko ang gintong makukuha natin sa loob kabundukan ay makikinabang din kayo.

Ayaw niyo nun, minero lang kayo pero literal dahil hindi naman ako katulad ng ibang amo diyan na ako lang ang yayaman. Titiyakin ko naman gaganda din ang buhay niyo dahil hindi naman ako gahaman tulad ng nakikita ko sa mukha niyo na nababasa ko para sa akin." sabi ni Camilo.


"Sir, hindi naman po sa ganoon kaso malapit na kasi ang eleksyon baka makasira kay Mayor Lake."
sabi ng isa pang tauhan.


"Okay sige ganito na lang lahat ng hindi nagtitiwala sa akin puwede kayong umalis at lahat ng may tiwala sa akin manatili. Ganoon lang naman kasimple, hindi naman ako namimilit. Sabi ko nga mabait naman akong amo, na kung tutuusin binigyan ko kayo ng tsansa na mag-grow kasi kung nasa Isla Traquilo lang tayo baka sira na ang kabundukan at kuba na tayong lahat wala pa sa target natin ang namimina nating ginto."
sabi ni Camilo.


"Sir, ako sa inyo ako nagtitiwala kasi tama po kayo kailangan natin ng ibang lugar ng pagmiminahan dahil panahon pa ni Damian Cheung ang lugar sa Isla Traquilo kumbaga panahon pa ng lolo ko, kawawa naman ako at mga anak ko kung latak na lang, kaya the best ka Sir Camilo kasi binigyan mo kami ng tsansa na makakuha ang ginto na labis-labis at hindi maghihikahos na baka wala na tayo mamina."
sabi ng pinakabatang tauhan ni Camilo.


"Dahil sa sinabi mo ikaw ang gagawin kong kanang kamay dahil mga ganyang attitude ang dapat sa isang negosyo. Kung wala kang tiwala sa taong nasa unahan mo maaari ka ng umalis kasi nakakasira ka ng momentum pero ikaw... huh! Tama iyan, pampalakas ng loob lalo na at magsisimula tayo mag dig-dig-dig ala duwende ni Snowhite."
sabi ni Camilo na ikinahingang malalim ng iba sa sinabi ni Camilo.

..................

Days Later

"Ano ba lumilindol na naman ba?" sabi ni Maisharet ng hindi matigil ang pag-uga ng lupa sa kinatatayuan niya.

"Mahirap ito baka gumuho." sabi ni Maisharet sabay tingin sa taas kung saan puro ugat ang nakikita niya.

"Delikado, baka may nakapasok na mga illegal miners." sabi ni Maisharet saka ito nagmamadali umalis sa kinalulugaran niya.

...................

Days Later

"Sige pa! Hanggat walang butas malaki papasok!" sigaw ni Camilo.

"Sir, okay na!" sigaw ng tauhan na ikinakilos ng lahat para simulan lagyan ng mga kagamitan ang loob ng minahan.

Napangiti si Camilo habang pinagmamasdan ang ginagawa, bata pa lamang siya namulat siya sa ganoong klaseng negosyo at aminado siya silang tatlong magkakapatid na lalaki nahikayat at nabighani sa ganoong kitaan. Ginto, na kahit sino manlalaki ang mata lalo na kung hawak mo na ito.

"Napakagaling Camilo, siguradong proud sayo ang lolo Ralph mo. Biruin mo sa lahat ng apo niya ikaw lang talaga ang namumulot lang ng ginto at mautak kang mamulot." sabi ni Camilo sa isip.

"Sir, papasok po ba kayo?" sabi ng tauhan na ikinangiti ni Camilo.

"Kapag okay na ang loob. Siguraduhin niyo muna." sabi ni Camilo na ikinatango ng tauhan nito.

................

One Month later

"Anong amoy iyon, ang baho." sabi ni Maisharet ng may maamoy mula sa kinatatayuan.


"Ilang linggo ng maingay sa parteng ito ng kabundukan at mukhang wala pang alam sila Apo."
sabi pa ni Maisharet habang nangunguha uli ito ng halamang gamot sa parteng iyon ng kabundukan.

"Ahhhhh!" sigaw ni Maisharet ng sumakit ang ulo niya sa ingay na nagmumula sa kung saan.


"Ano ba iyon?"
sabi ni Maisharet.

"Mahigit isang buwan na ang ingay, dapat alamin ko na at baka kung ano ito na ikapahamak ng lupon." sabi ni Maisharet saka ito naglakad at sinundan ang ingay.

................

Mining Site

"Whoahhhh!" sigaw ni Camilo ng sa unang buwan pa lamang nakamina na sila ng hindi biro at dami ng ginto at ngayon siya mismo ang saksi at gumawa ng pagmimina.

"Ayos Sir! Ang galing niyo talaga!" sabi ng kanang kamay ni Camilo.

"Sabi ko sa inyo, tiwala lang. Ngayon papasok ako sa loob at ako ang tatantya kung nasaan ang hitik na bunga ng ginto." sabi ni Camilo saka ito binulsa ang namina nito at naglakad papasok na ikinasunod ng mga tauhan nito.

...............

"Ang sikip naman madilim pa." sabi ni Maisharet sa sarili ng makalusot ito sa maliit na butas.

..............

"Ako na papasok dito lang kayo." sabi ni Camilo ng may masipatan ito na ikinatingin ng mga tauhan nito sa isa't isa.

Isa sa ugali ni Camilo, pinakamautak ito sa magkakapatid. Si Camilo ang utak Chinese na matatawag kung mag-isip ayaw magpalamang o di kaya ayaw nito maisahan kung pera ang pag-uusapan.

"Kapag sumenyas ako saka lang kayo susunod, naiintindihan niyo?" seryosong sabi ni Camilo

"Yes Sir." sagot ng lahat.

Napangiti si Camilo saka ito naglakad papasok sa madilim ng bahagi ng minahan.

"Grabe, ang tindi niya." sabi ng isang tauhan ni Camilo ng makaalis ang amo nila.


"Pero ang lupit biruin niyo isang buwan lang at heto ang laki na ng butas ng nagawa natin."
sabi ng ikalawang tauhan.

"Sinulit ni Amo ang biniling mga makinarya at aminin natin magaling siya kaysa sa tatay niya." sabi ng ikatlong tauhan.

"Mabuti hindi siya nagmana kay Sir Atlas. Ang lakas ng dugo ng lolo Ralph niya sa kanya mautak sa pera." sabi ng matandang minero.

"Alam niyo kayo, tulungan na lang natin si Sir Camilo tutal nakikinabang din naman tayo. Ang sahod natin dito ngayong buwan ay di hamak na mas malaki kaysa sa Isla Traquilo at kung hindi niya pinush ang pagmimina sa lugar na ito baka malala na ang kalyo natin hindi pa rin tayo nakakakuha ng gintong nakuha natin ngayon." sabi ng kanang kamay ni Camilo.

"Ikaw talaga alam mo ng mali talagang sulsul ka pa. At saka wala pang alam si Sir Bronze sa ginagawa ng bayaw niya at kung malaman ni Sir Bronze tingin mo sinong kawawa? Tayo, kasi tayo ang aalisin at ang bayaw niya ililipat lang niya iyan ng kompanya niya na kikita pa rin ng malaki di tulad natin na nganganga." sabi ng isang tauhan.


"Ano ba kayo? Imposible naman iyon at saka si Sir Bronze lumaki din sa minahan kaya sigurado ako alam ng pamilya at grupo ni Sir Camilo ang ginagawa niya, at hinahayaan lamang siya kasi malaking pera ito.

At sabi ko nga makikinabang din tayo dahil kahit mautak ang amo natin mabait pa rin sa atin. Hindi iyan katulad ng ibang negosyante na ang kita ay sinosolo. Makikita naman natin galante si Sir Camilo kaya ako ang suporta ko at loyalty ko ay nasa kanya." sabi ng kanang kamay ni Camilo.

"Malaki siguro ang nasahod mo." sabi ng tauhan na ikinangiti ng kanang kamay ni Camilo.


"Tayong mga Pinoy maraming reklamo kaso kapag sahuran na gusto lahat pantay-pantay. Magtrabaho tayo at huwag umangal nang sa ganoon patas ang kitaan."
sabi ng kanang kamay ni Camilo.


"Sumbungero ka kasi, mapapel, sipsip ano pa ba? Huh! Mahirap din kasi sayo nagpapalapad ka ng papel sa amo natin ng sa ganoon ang hatian mas malaki sayo."
sabi ng isang tauhan na ikinangisi ng kanang kamay.

"Kanang kamay ako ni Sir Camilo so bakit ko hahayaan na magkuwentuhan kayo ng pangit sa likuran niya, at bakit ko hahayaan na kunsintihin kayo na hindi isumbong. Trabaho lang ang ginagawa ko, kung gusto niyo magtrabaho din kayo hindi puro angal." sabi ng kanang kamay ni Camilo na ikinatingin ng grupo dito.

...................

10.26.23 5.42pm

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top