# 4-6

ilang araw din ang lumipas hindi pa rin ako sanay na siya ang nagbabantay saken, nakakainis siya , nakakairita ang kulit niya. lahat ng gagawin ko mayron siyang komentaryo -_- meron siyang sasabihin kung maglilibot naman ako sa ospital para iwan siya mag-isa sa kwarto at hindi ako madistorbo aba ang loko nakasunod pala sa bawat pupuntahan ko magagabi na nung bumalik ako sa kwarto kayo kaya ilang taon ng tumira dito sa ospital tingnan ko lang kung di kayo magsawa araw araw iba ibang pasyente ang nakakasalamuha ko, iba ibang nurse ang nagsisidatingnan at nagsisi-alisan laging may pagbabago, ako lang ata ang consistent, ang tibay ko biruin niyo sila nakaalis na sa ospital ako nandito pa rin :3

*tok tok* siya yan hindi ba niya ko bibigyan ng konting privacy? hindi ko siya nilingon 

"oi ito na ang pagkain mo, ihahanda ko lang ah" rinig kong sabi niya, hinayaan ko lang siya, siya naman ang mapapagod eh hindi ako.

"teka, Pizza?!" nagulat ako paglingon ko, pizza ang dala niya, hindi ko na maalala kung ilang taon nakong di nakakatikim ng pagkaing gustong gusto kong kainin, bawal daw kasi saken. kailangan daw laging gulay ang kainin ko ara kahit para kahit papano nakapagbibigay daw ng bitamina, oo alam ko naman yun, sino bang tanga ang di nakakaalam na masustansiya ang gulay ang saken lang naman tao pa rin naman ako, oo may sakit ako, oo alam kong mamatay ako, kaya nga dapat diba mas pinagbibigyan nila ko sa mga gusto ko?

"ahahahha pshhh wag kang maingay pinuslit ko lang to. pero ngayon lang to ah alam kong bawal sayo to at the same time eto din ang paborito mo."

"it's not a bad thing na ikaw ang magbabantay saken." sabi ko sabay ngiti sa kanya, este sa pagkaing nakikita ng aking dalawang mata.

"psh :3 mangagamit -_-" sabi niya ng mahina pero hinayaan ko na totoo naman eh XD tapos eh kumain nako, ngayong araw nato ako nakakain ng sobrang dami siguro ako lang ang nakaubos nung isang box ng pizza, inaalok ko siya ayaw niya naman busog na daw siya kaya inako ko na ang responsibilidad na ubusin ang pagkain, masamang magtira ng pagkain tama ba :v

"nga pala may tanong ako sayo, kung sakaling bibigyan ka ng pagkakataong mawala ang sakit mo kapalit ng isang bagay na importante sayo papatusin mo?" tanong niya saken. as in seryoso siya this time yung mata niya iba diretsong nakatingin saken.

"ako? siguro oo, madami pa kasi kong gustong gawin hindi lang halata saken :3" sagot ko sa kanya.

"ahh ahahhahaha XD sinagot mo nga !" sabay tawa ng malakas.

"ang lakas ng trip mo parang kanina lang seryoso ka ta ngayon tatawa-tawa ka buset." sabi ko sa kanya hindi ko alam kung nagtitrip ba o ano eh muntanga siya swear.

"o sige na basta pagkatapos mo diyan magpahinga ka na." sabi niya seryoso na ulit ng tono niya.

"ano pa bang ibang pwede kong gawin dito sa ospital maliban sa pagpapahinga ah?!" sigaw ko sa kanya, nagulat naman ako sa susunod niyang ginawa, nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko as in sobrang lapit, magkadikit na ang ilong namin.

"teka" mahinang sabi ko,, napapikit nalang ako bigla, hindi ko alam pero biglang may dumamping kamay sa mukha ko.

"para kang bata kumain." sabi niya ng dumilat ako nakalayo na yung mukha niya sa mukha ko.

"tss umalis ka na nga dito!" bulyaw ko sa kanya

"teka ba't ka ba naiinis, kinuha ko na nga yung dumi sa mukha mo ako pa yung masama?!" tanong niya saken, may punto naman siya eh, bumalik nalang ako sa kama ko at kumuha ng isang libro ulit para basahin, habang siya naman ay nasa sofa ewan ko dun may ginagawa siyang kung ano :3

kahit papano nakaranas din ako ng ilang minutong pananahimik sa kwarto ko emeged thanks.

"oi tingnan mo" utos niya saken. aba loko to ah inutusan pa ko.

"sayang ang ganda mo pa naman dito." nung narinig ko ang sinabi niya nacurious ako kung ano ang gusto niyang ipakita kaya naman lumingon ako, nakita kong dinrawing niya yung mukha ko sa notebook na hawak niya kanina, sa kanya ata yun ewan basta dinrawing niya ko, ang ganda ng pagkakadrawing.

"pero may mali, hindi ako yan." sabi ko sa kanya.

"bakit sinabi ko bang ikaw to? ito yung dream girl ko." sabi niya sabay ngumiti, sigurado akong sarili ko ang nakikita ko ang kaibahan lang mahaba at malago ang buhok nito, ako kasi nakakalbo na kaya nga ko nakabonnet diba.

"siraulo! ako yan eh!" sigaw ko sa kanya.

"ahhahaha suko na ko, ikaw nga to, kaya magpagaling ka ah. hihintayin kita." tapos eh niligpit niya na yung notebook na may drawing ko tapos eh tumalikod na, magsasalita palang sana ko kaso inunahan niya na kong matulog.

napaisip tuloy ako, may sira kaya sa tuktok tong lalaking to?

Lumipas pa ang ilang araw, pinagpatuloy niya ang sinabi niyang magiging nurse ko daw siya, hindi ko akalaing totoo pala ang sinabi niya nagmumukha na tuloy akong masamang tao lagi ko kasi siyang inaaway o well kasalanan niya yun lagi niya kong inaasar -_-

maghahapon na nun pagbalik ko sa kwarto, nag-iikot lang naman kasi ako sa ospital, malaki din kasi tsaka medyo di ako magaling sa mga direksyon kaya naman minsan maliligaw ako bago ko makabalik at dahil dun natatagalan ako. nadatnan ko siya na patapos na sa kanyang  pagnini-knit, napakatalented masyado ng taong to, ang daming alam sa buhay.

"oi nandiyan ka na pala." pagpansin niya sa pagdating ko.

"hindi ako to, ito ang kaluluwa ni Green~" pananakot ko sa kanya at oo mukha akong tanga kasi hindi naman siya natakot instead natawa siya -_-

"ahahahhaha tama na yan mukha kang tanga, eto para sayo." sabay abot niya saken nung ginagawa niya kanina. handmade bonnet nagustuhan ko siya dahil ang kulay na ginamit ay ang paborito kong kulay ang Skyblue at blue, basta ang ganda ng combination, ang ganda ng pagkakagawa. bakit ba masyado siyang mabait? ayoko ng ganito baka masanay ako.

"sayo nalang yan. ikaw ang magsuot niyan ikaw ang gumawa eh." sabi ko sabay hagis nung bonnet na ginawa niya para saken. nasalo niya naman agad, ayokong gawin yun kasi baka mamaya masaktan ko yung feelings niya, gawa niya yun tapos ihahagis ko lang ng ganun ganun, ginawa niya para saken pero binalik ko lang? diba ang sama ko, sa impyerno talaga ang tuloy ko neto.

"asus.." sabi niya sabay lapit saken.

"gusto pa ako ang magsusuot sayo eh :3" tinanggal niya yung suot kong bonnet at pinalit yung gawa niya.

"please lang wag mo sana kong sanayin." sabi ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"sanayin san?" tanong niya.

"sanayin? may sinabi ba ko? timawa to." sabi ko para makalimutan niyang may sinabi ako, hindi ako pwedeng mahulog ng ganito, hindi pwede. kung sa huli pareho lang kaming masasaktan.

________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: