# 28-31 (END)

hi, nakapagpakilala nako diba? ako si Marlon Buenavista yung taong mahal na mahal si Green ahahhaha yung taong bilang na bilang na ang araw. eto ako ngayon nasa kwarto ko as usual nakahiga, tinitingan ko ang mga sugat ko na habang tumatagal palaki ng palaki. yung buhok kong malago dati wala na, yung kutis kong kulay kayumanggi dati ngayon ang puti na, wala ng dugo eh.

eto ko ngayon paalis na pinapapunta ako sa isang event sa isang amusement park :3 ayaw ko na ngang  naglalabas eh, simula kasi nung araw na lumayo ako kay Green feeling ko dapat kunin na talaga ko agad.

ba't ang dilim? akala ko ba may party? nandito nako sa amusement park pero parang wala namang event -_- aalis nako ng biglang umilaw ang isang poste napalingon tuloy ako baka mamaya minumulto nako ni Ryan naging masama kasi kong kuya sa ate niya :3

mas lalo akong nagulat paglingon ko dahil ilang segundo pa umilaw ulit ang isa, at ang isa pa, hanggang sa ang lahat ay mailawan na may naaaninag ako eh teka takte minumulto na talaga ko, lumapit ako, at si Green pala yun. 

"oi Marlon!" sigaw niya saken ang lapit niya na sinigawan pa ko.

"teka?" ang dami kong gustong itanong pero teka lang ang nasabi ko

"naalala mo? diba nanalo tayo ng 2 ticket sa isang amusement park? dito yun diba? don't tell me mamamatay ka nalang hindi pa natin eeenjoy yung libreng sakay sa rides dito?" natawa ko sa sinabi niya akala ko sesermonan niya ko eh

"oi tara na." ewan ko pero ayaw pang magsink in saken na nandito sa Green sa harap ko eh, eenjoy ko nalang baka mamaya bigla akong kunin eh. sinakyan namin ang karamihan sa rides maliban dun sa mga nakakahilo nag-aalala daw kasi siya baka mamaya mapabilis ako sa mga rides :v XD eto kami ngayon sa ferris wheel. damang dama ko yung hangin dito, malamig.

"oi mahal kita ah." binigla naman ako ni Green sa sinabi niya,

"mahal kita. mas mahal kita." yan ang sinabi ko sa kanya,

"wag kang matutulog please." yan ang sabi niya

"oo naman, magpupuyat tayo ngayong gabi."ewan ko eto kami habang tinitingnan naming sabay ang mga bituin walang isa samen ang bumasag sa katahimikan, eto na nararamdaman ko na. unti unti nakong nawawalan ng malay, ayoko siyang iwan dito mag-isa, ayaw ko siyang iwan. pwede pa extend? kahit sa susunod na buhay niyo nalang ako singilin, pero yun nga eto na oh.

"oi gising ka pa ba.?" yan naririnig ko na siyang magtanong, nakakainis kasi hindi nako makasagot.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Green's POV

napaaga ng uwi sila mama, habang nagliligpit ako ng mga gamit ko, nakita ko dun ang notebook ni Marlon, yung may drawing ko? naalala niyo na? tinago ko yun,  at ng nasa bahay na kami saka ko siya binasa, nga pala wala na yung taong mahal ko, sabi ko sa kanya wag siyang matutulog eh, matigas talaga ang ulo. 

"Green, mahaba haba to kaya sana naman mapagpasensyahan mong basahin to. tss alam ko din namang babasahin mo to matagal ka ng curious sa kung anong nakalagay dito diba? eto sisimulan ko na. naalala mo ba yung araw na inagaw ko sayo ang juice mo? ahahhaha sorry ah kaya ko lang naman inagaw sayo yun kasi alam kong masama sayo ang juice/softdrinks wag kang pasaway. kilala na kita bago pa man din kita nakita sa ospital basta ikaw yung batang nakasalubong ko dati sa corridor yung biglang nagbleed? naalala ko pa nun inaway mo din ako :3 pero ayun nga ang cute mo kasi eh nakakainis ka, di ko mapigilang dalawin ka na lagi ng hindi mo alam hanggang nung december nga, nung nalaman kong may taning na ng buhay mo ahahhaha! naalala ko nun nagalit ka kasi akala mo kinaawaan kita kaya ko binigay sayo yung juice, tapos diba hinintay kita, kahit maulan nun hindi talaga ko umalis kasi alam kong makikita mo ko at makokonsesnya ka 3:) XD ahahahahha gusto kong mapalapit pa sayo kaya umisip ako ng paraan at ang naisip ko nga ay ang maging personal nurse mo ahahahhah ginawan kita ng bonnet ang panget kasi ng bonnet mo walang kadesign design :3 nagppagawa din ako sayo para pareho tayo tsaka para hindi mo mahalata na may sakit ako unti unti na kasing nalalagas ang buhok ko nun eh. eh yung unang beses nating nag-away? ikaw naman kasi ang ganda ganda mo kaya tapos minamaliit mo pa sarili mo porke may sakit ka kaya nainis ako sayo nun pero saglit lang din di naman kita matitiis eh. yung nakilala natin si Ryan ahahahhaha kinuntyaba ko siya para mas lalong mapalapit sayo pero yung gusto kong madama niya na may pamilya siya totoo yun ah baka akala mo ginamit ko siya eh. so far so good. maganda ang takbo till yung araw na sobrang nagbleed ako, dugo na ang sinusuka ko. dugo na din ang lumalabas tuwing najejebs ako. kaya naman niyaya ko kayo ni Ryan na magbakasyon para kahit papano may memory tayong tatlo lung sa masaya talaga tayo, yung wala tayong problema kaya lang yun nga si Ryan, naiinis ako nun sa sarili ko feeling ko napakamakasarili ko, lalo na nung time na nagdidisguise pa ko makapunta lang sa lamay niya, feeling ko ang duwag ko. lalo na nung time na pumunta ko sa ospital para icheck ka yung time na nasundan mo ko. hindi ko alam ahahahha ang galing mo daig mo pa si detective conan. puno ng kaeche burechehan tong notebook nato. nga pala may tanong ako, ilang anak ba ang gusto mo? ahahhahah pinapatawa lang kita ayokong malungkot ka. siguro sa pagkakataong to binabasa mo na to, oi mahal kita ah.

"ako si Marlon siya naman si Green

 siya yung taong daig pa si Maria Makiling

 mabait siya pero matigas ang puso niya

 hindi siya yung tipong mabilis mapaniwala

 gusto ko siyang kaibiganin, gusto kong mapalapit kami

 masaya ako, masaya siya, masaya kami kasi nangyari

 naging malapit kami sa isa't - isa

ok na, masaya na. ok na sana.

 kaya lang heto nga ang problema, ako ay may Leukemia

 tapos nalaman kong ang sakit niya ay pagaling na pala

 inisip ko kelangan kong lumayo para hindi siya mahirapan

 kelangan ko siyang layuan para pag nadeds ako di siya masaktan

 pero ang buhay nga ay mapaglaro, nalaman kong mahal mo pala ko

ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko hahayaan ko muna siguro

ang dami kasing masasayang,  sayang ang oras , sayang ang araw

tandaan mo lagi mahal kita hanggang sa ako ay pumanaw 

 

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _  _ __ _ _ _ _ _ _ _

ang buhay ay maikli, wag mo ng paikliin,  you really need to learn how to accept things. alam nating unfair ang buhay kaya kelangan nating matuto kung pano makisakay sa trip neto. na ang happiness may Ending, at kung may ending syempre may simula diba?

5 years na ang lumipas nawala na ng tuluyan ang sakit ko, malago na ulit ang buhok ko, nasusuot ko na ang mga damit na hindi ko nasusuot dati, nakakain ko na ang mga pagkain na bawal saken dati, ang bilis ng araw new year na naman :3 naglabo ako sa isang amusement park solo flight ba , pumunta ko sa vending machine malapit sa may ferris wheel. kukunin ko na sana yung juice nang

"salamat." narinig kong sabi ng isang lalaki

"akin na yan." agaw ko sa kanya ng Juice ko

"sige na new year na naman eh " ang kulit niya nakakainis siya 

"bahala ka nga sa buhay mo." nilayasan ko siya kairita sakit niya sa bangs.

"oi eto naman oh joke lang ito na." sabay abot niya saken ng juice, sinama ko siya ng tingin.

"Marco, Marco Buenagoncillo :D" sabay abot  niya ng kamay niya,

"teka parang nangyari nato dati ah."

END

__________________________________________________________________________

ALL RIGHTS RESERVED

JULY 12, 2014

RJAT

SALAMAT SA PAGBASA :) ENEBE HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG TRIP KO KUNG BAKIT KO NASULAT TO. PERO SANA NAMAN NAGUSTUHAN NIYO YUNG KWENTO. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: