# 25-27

"Green, nawala na!" tuwang tuwang sabi ng doctor, yan ang bumungad saken ng gumising ako

"ano yun? nawala bigla?" tanong ko sa kanya, 

"oo, nawala bigla ang mga sugat mo as you can see nung mga nakaraang araw and then we ran some tests para makasigurado and ayun nag negative ka na sa leukemia, you're as good as new Green, sabi sayo eh miracles do happen." ewan ko kung matutuwa ba ko sa sinabi niya o maiinis, kasi tulad ng sabi ko , handa nakong madeds. pero bakit kung kelan handa ka saka hindi matutuloy? parang biglaang lakad lang, laging pabitin.PAASA.

"nainform ko na ang magulang mo na ok ka na at sobrang saya nila kaya uuwi na din sila this new year para naman sa paghahanda mo sa pag-uwi sa bahay niyo." pagdadagdag ni doc. Hindi ko na makayanan lumabas ako para makahinga, matutuwa ba ko o hindi? ito na naman ang tanong ko sa sarili ko. habang naglalakad ako napansin kong may sumusunod saken, tumigil ako ara i check kung sino.

pumunta ko sa vendo machine at naghulog ng barya iniwanan ko muna, pagbalik ko hawak na siya ng iba, hawak siya nung lalaking naka-shades. hawak siya ni Marlon, siya na naman ang kumuha. hinayaan ko lang siya, tiningnan ko siya mula sa malayo hanggang sa umalis siya, sinundan ko siya hanggang sa paglabas sinundan ko siya ang swerte ko kasi may babaeng bumaba sa may ospital na nakasakay sa isang taxi ayun nasundan ko ang sasakyan niya, sa di kalayuan may isa pang ospital ng pumasok ako nagulat ako sa nakita ko kasi sinundo siya ng isang doctor. ng tinanggal niya ang Bonnet na suot niya, kalbo siya eh hindi ko naman naalala na nagpagupit siya or baka naman nagpagupit siya pero hindi ko lang alam, ngayon nakasuot na siya ng hospital gown, kita mo yung sugat, yung sugat na natanong ni Ryan sa kanya, mas malaki na siya, hindi ko naiintindihan ang nangyayari kaya naman hindi ko na napigil ang sarili ko at lumapit nako.

"ayos yung bagong trend ah, kelangan sumasabay sa uso?" ewan ko pero naiiyak nako.

"Green?" laking gulat niya ng makita niya ko,

"ano yan? anong meron? taping ba? extra ka na pala ngayon? sana naman ininform mo ko." 

"shit lang, nasundan mo pala ko, aahhahaha total nandito ka na lang din, hi Marlon Buenavista Leukemia Patient, isang linggo nalang bago mamatay," at ang loko nakangiti pa, hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.

"ang tanga ko no, hindi ko alam na may sakit ka, ang tanga ko kasi naniwala ako sayo, ang tanga ko kasi namimiss kita, ang tanga ko kasi hindi ko alam na mahal na pala kita, ang tanga ko kasi kung kelan magaling nako saka ko naman malalaman na isang linggo nalang ang ilalagi ng taong mahal ko, ang tanga ko kasi sinayang ko yung oras na inaaway kita imbes na mahalin nalang sana kita, ang tanga ko kasi ayaw kong aminin sa sarili ko na mahal ko yung Marlon Buenavistang naging personal nurse ko. at ang tanga mo kasi lahat ng bagay na yun hindi mo napansin!" naiinis nako, nakakainis yung tipong ang sarap niyang saktan , yung tipong para kang naloko.

"sorry green, mahal kita alam mo yan hindi ko sinasabi sayo kasi alam kong hindi mo hahayaang mapalapit ako sayo pag nagkataon." yan lang ang sinabi niya tapos eh yumuko siya, 

"please naman oh, kahit ngayon lang sabihin mo naman na nagjojoke ka lang, sabihin mo naman na palabas mo lang to, na isa lang to sa mga librong nababasa ko." hindi ko na mapigil ang luha sa mata kong sunod sunod na kumakawala.

"green naman, alam mo namang nasa realidad tayo diba, sorry talaga pero eto yun. sorry kung nagmahal ka ng taong malapit ng mamatay, dapat simula palang di na kita nilapitan, dapat simula palang di na kita kinaibigan, pero anong magagawa ko? simula palang mahal na kita?"

"1 week nalang ba talaga? "ewan ko pero suko na ko, mahal ko tong taong to eh, kahit isang buwan palang kaming magkasama, siya kasi ang unang tumanggap sa sakit ko, ang taong hindi ako pinandirihan na kaibiganin, ang taong kahit nakakainis pero napapatawa ka.

"oo, kaya please lang ngayon palang, layuan mo na ko." yan ang salitang nakakainis pakinggan tama bang sa kanya manggaling yan?

"ba't kita lalayuan? kung sa simula pa lang ikaw ang gumawa ng paraan para hindi na kita layuan."

"please green, umalis ka na. " tapos eh tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo saken. hinayaan ko siya, hinayaan ko ang taong mahal ko na makitang papalayo siya ng papalayo sa kung nasaan ako. kelangan kong sanayin ang sarili kong lumayo sa mga taong alam kong mawawala din naman saken, matapos nun eh umalis ako bumalik ako sa ospital at bumalik sa kwarto ko, ngayon dapat ba kong matuwa na nawala ang sakit ko? o dapat ba kong malungkot kasi ang taong nag-aalaga pala saken ang susunod na kukunin saken, pano kung sa loob ng isang buwan makilala mo ang taong mamahalin mo at may taning ang buhay mo? pano kung bumaliktad ang mundo at mawala ang sakit mo tapos malalaman mong yung taong mahal mo ang may taning and worst isang linggo nalang ang itatagal niya, siguro paulit ulit ko yang tinatanong hanggang sa mapagod ang utak ko kakaisip sa kung ano ang sagot sa mga tanong ko.  pano kung kelan alam mo na ang sagot saka mo naman ayaw malaman kung ano man yun? paano?

_________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: