# 22-24

Alam niyo ba kung bakit may mga taong hindi agad agad naniniwala sa sinasabi ng iba? tinatawag nila yun na walang puso tama ba? mahirap kasi silang papaniwalain. hindi ko sila masisisi, mahirap kasing maniwala. don't get too attached sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay mo para kung sakaling mawala man yun di ka mahihirapan, di ka malulungkot. this time napaniwala ako ng isang tao. hindi niya ko sinabihan ng mahal niya ko pero sabi niya gusto niya ko. Action speaks Louder than words nga daw diba, pinapakita niyang mahalaga ako sa kanya, na may halaga pa rin ako sa mundo o baka naman assuming lang ako? baka naman ako lang ang nag-iisip neto, baka naman ang tanga ko kasi simula pa lang ng dumating siya sa buhay ko naniwala agad ako sa kanya. mahirap aminin sa sarili ko na nakakamiss din pala siya. ang nakakainis lang sa kanya hindi na siya nagpapakita ng 2 araw alam kaya niyang wala na si Ryan? 

"hindi ka ba natutuwa?" tanong ng doctor ko, ayan na naman siya tinatanong na niya naman ako sa bagay na ayaw kong sagutin, eh ano kung gumagaling nako? okay na eh oh handa nakong madeds tapos sasabihin nilang gumagaling nako sa sakit ko? aba matinde

"ayokong matuwa kasi alam kong pansamantala lang din naman to, or baka naman bumagal lang ang sakit ko sa pagpatay saken." sabi ko sa docor ko wala eh bitter na kung bitter eh sa ready nakong madeads withing 1 week or maybe kahit ngayon nalang ok lang, 2 days nalang pasko na, hindi pa ko nakakapunta sa lamay ni Ryan, kaya naman pinangko kung sa 24 pupunta talaga ko last na yun eh 25 ihahatid na siya. tss kung kelan naman magpapasko sana naman inabutan ni Ryan diba? 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - -  -- -  -- - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - 

tumulong ako sa pag-aasikaso sa mga pumunta sa lamay ni Ryan, alam mo yung feeling na ayaw mong tingnan ang taong malapit sayo na hndi na humihinga? na hindi na magawang ngumiti, feeling ko kasi hindi siya yun, hindi yun yung Ryan na nakilala ko.

habang abala kami sa pag-aasikaso, may napansin akong isang lalaki, nakashades siya kaya di ko agad naaninag ang mukha niya, ang weird gabi na nakashades pa? ganun na ba talaga ang kabataan ngayon? masyadong sunod sa uso to the point na ang O.A na. nilapitan ko yung lalaki at inabutan ko ng maiinom, tinanggap naman niya.

"pipi ka ba?" ewan ko natanong ko lang bigla. hindi niya ko sinagot baka nga pipi ito.

"ah sige maiwan na muna kita." lumabas ako saglit para magpahangin, habang nasa labas ako nakatingin lang ako sa mga bituin. nandun na kaya si Ryan? totoo bang may langit? totoo bang may mga anghel? totoo bang may diyos? sorry ah ganun lang talaga pag malapit ng mamatay maraming kinikwestyon na bagay na minsan wala na sa lugar, kahit sabihin nilang gumagaling nako ayaw kong maniwala, ayoko ng maniwala ulit. yung mga taong namamatay kaya nagiging bituin? binabantayan kaya nila yung mga mahal nila sa buhay? magpapasko na pero hindi ko talaga dama, birthday ni God dapat masaya pero may mga bagay talagang kahit anong pilit mong gawin hindi mo magagawa, tulad ngayon hindi ako pwedeng maging masaya.

"tara na." rinig kong sabi ng isang lalaki, pamilyar sakena ng boses na yun kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Marlon ilang araw ko siyang hindi naririnig pero sure akong siya yun lumingon ako at nakita ko yung lalaking naka shades, yung sabi kong pipi kasi hindi ako sinasagot.

"teka." tumayo ako sabay lapit dun sa lalaki pero nagmamadali siyang makasakay agad hinabol ko siya pero hindi ko naabutan pero may nalaglag, bonnet niya. bonnet ni Marlon. eh bakit hindi siya nagpakilala nung lumapit ako sa kanya? bakit nagmamadali siyang umalis? ganun ba talaga lahat ng tao? kung kelan malapit na sila sayo saka ka nila lalayuan?

napatingin ako sa relo ko, 12:02 na pala. pasko na, nagsimula ng magdiwang ang mga tao, tapos eto ako nasa gitna ng kalsada, hindi alam kung ano ang gagawin. matapos nun nagpaalam nako sa ina ni Ryan, sinabi ko na ding hindi ako makakasama sa libing neto.

ng nasa ospital nako, ang daming tao, siguro nagcecelebrate sila ng pasko kasama ang mga mahal nila sa buhay, alam niyo yung taong masaya lang kasi masaya ang iba? yun ako ngayon, sumasaya ako dahil sa masaya ang mga batang may sakit gaya ni Ryan na kasama ang pamilya nila. pumasok ako sa kwarto ko at biglang nagring ang telepono 

"hello?" sagot ko guess what? akala ko makakalimutan ko na yung pakiramdam ng may pamilya, kung di pa sila tumawag baka nakalimutan ko na talaga ang boses nila.

"anak merry christmas :) sorry kung hindi kami makakarating diyan ng daddy mo ah pero baby syempre may gift ka pa rin samen, nandiyan sa table mo sana maging masaya ka ngayong pasko Merry christmas anak! mahal ka namin" 

"hello anak nandiyan ka pa ba?" rinig kong tanong ni daddy. hindi nako sumagot ayokong sumagot. kaya mas tama na hindi ko pinasabi sa kanila na may taning nako eh kasi wala din naman silang pake ahahhahha. nakakatawa, gusto nila kong maging masaya? san sa mga regalo nila? ahahhahaha nakakatawa talaga, diba dapat ang pinaka-nakakainitindi sayo ay ang pamilya mo? peo bakit iba sila? hindi ba talaga sila magkakaron ng pake saken kahit isang beses lang? one time lang. kinuha ko yung regalo nila na nakalagay sa sidetable, wow bracelet na mamahalin, may kasama pang note "merry christmas to our dear daughter :D" ayaw ko ng kinakaawaan pero ako ngayon mismo ang naaawa sa sarili ko. mamamatay akong ganito.

_________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: