# 13-15

"ok naman siguro yung kulay? tama pareho sila ng kulay." nagising ako dahil sa boses ng isang lalaking kilala niyo na kung sino, ang ingay na naman niya.

"pwede? kahit isang minuto lang, please tumahimik ka." matapos kong sabihin yan eh mukhang sinunod niya naman pero ilang segundo lang maririnig mong nagbibilang siya ng pa-hum -_-

"ok tapos na. goodmorning! :D" sabi neto sabay ngiti saken.

"grabe ka Marlon ang aga aga pa -_-" reklamo ko sa kanya.

"gawan mo ko ng bonnet katulad nito :)" sabay angat niya ng bonnet na ginawa niya para saken.

"wala akong talent diyan isa pa ikaw kaya may gawa niyan, kung gusto mo sayo nalang." tapos eh tumalikod ako sa kanya.

"pero sige na gusto ko pareho tayo parang couple shirt diba? diba?" patuloy niyang pangungulit saken, nanahimik siya ng ilang saglit tapos nangulit na naman siya :3

"pag ba ginawa ko yan makakatulog ako ng mahimbing ngayong araw?"

"lagi ka namang mahimbing matulog eh, thanks to me :)" ang kapal talaga ng mukha ng kwagong to, gawa ata sa aspalto mukha neto eh :3

"bahala ka sa buhay mo, gawin mo mag-isa yan." tinalikuran ko ulit siya nakakainis kaya yung ganun, yung tipong ang tigas ng mukha ng kausap mo.

"eto naman o sige na joke lang sige na pleasee gawan mo ko~" paulit-ulit yan, yan lang ang maririnig mo sa kwarto, nakairita, ni di ko nga siya pinilit na gawin yung bonnet para saken eh

"I'll try." yan ang sabi ko sa kanya, matapos nun eh nakakita ako ng isang malapad na ngiti sa mukha niya.

"eto yung gagamitin mo oh, nandiyan din yung guide o sige ayokong makita kang ginagawa yan, kunwari hindi ko alam, babalik ako bukas ah." tapos eh lumabas na siya ng kwarto, aba matinde kunwari  hindi niya alam pero sapilitan? ano to. 

tumayo ako at tiningnan kung ano yung mga gagamitin ko, at dahil hindi ko alam kung pano umpisahan to kumain muna ko baka kasi mabaliw ako eh mahirap na, baka mamatay ako ng baliw. AYOKO. siguro ilang oras ko ding tinitigan yung gagawin ko at pagod na pagod nako nakakainis pwede namang siya ang gumawa para sa sarili niya total kaya niya naman kinuha ko yung tutorial na nakalagay dun sa basket kasama nung mga materials na gagamitin ko, binasa ko muna yun matapos kong magbasa medyo naintindihan ko naman kaya naman sinimulan ko na, sa umpisa mahirap talaga ganun naman diba? pag hindi mo alam ang isang bagay mahihirapan ka talaga sa umpisa, pero sa kalaunan masasanay ka na rin, magiging madali na sayo. pero dahil nag-uumpisa pa nga lang ako di ko maiwasang magkamali, pero natatama naman eh, inuulit ko nalang, back to square one at matapos ang limang oras natapos ko din siya, at sa loob ng oras na yun ang tahimik ng kwarto. yung tahimik na kwarto bago pa dumating ang isang Marlon sa buhay ko -_- Life Wrecker. pero in fairness nakakamiss walang nagdala saken ng pagkain eh I mean, may nagdala pero di ako sinabayan nung nagdala. wala ding nagsasabi na kainin ko yung gulay ganito ganyan kasi naghihirap na ang bansa tapos magsasayang pako.

wala akong magawa, natapos ko na eh kaya naman tulad ng ginagawa ko dati, nagbasa ulit ako. at natapos ang gabi ng wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa.

"GOODMORNING!!!!!~!" Ayan naririnig ko na ulit ang boses niya :v 

"shems ang ganda :D" ngiting ngiting sabi niya ng tiningnan niya yung nagawa ko.

"syempre ako may gawa." pagmamalaki ko naman XD

"ahahahha isusuot ko na, bagay talaga tayo." sabi nito nagulat ako parang may mali akong narinig.

"ano?" tanong ko.

"bagay saken sabi ko, bingi ka talaga." sabi nito sabay hinanda niya yung pagkain na kakainin ko. nakikiuso ba to? shems mukha kaming magsyota :3

"ang saya saya talaga~" paulit ulit niyang sinasabi ng pakanta ewan ko ba at napakabig deal sa kanya mukha na siyang tanga :3 matapos kaming kumain ayun back to normal uminom ako ng gamot ko habang siya naman may ginagawa na naman sa notebook :3

"Nga pala kelan birhday mo?" ewan ko natanong ko lang bigla sa kanya lumabas bigla sa bibig ko eh

"ngayon." sagot niya.

"teka? seryoso?" nagulat ako eh

"oo. ang saya ko nga sa regalo mo eh :D" tapos binaling niya ulit ang tingin niya sa ginagawa niya, ang eng eng ko inaway ko pa siya :3

"happy birthday." sabi ko sa kanya. ok lang na late atleast diba bumati ako :3

"thank you." sagot niya,

"eh teka ba't di kayo nagcecelebrate ng family mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"we never celebrated my birthday." sa sinabi niyang yun, nakaramdam ako lungkot.

"bakit naman?" usisa ko sa kanya.

"kasi hindi naman talaga sila ang pamilya ko. originally I'm just an Orphan. inampon lang nila ko kasi kelangan nila ng magmamana sa kompanyang pinapakatbo nila, pero ni kailan man di nila ko tinuring na anak nila, I mean binibigay nila lahat oo, pero hindi naman kasi materyal na bagay ang mahalaga, sorry ah kaya ako kulang sa pansin dahil sa ganun nga ang sitwasyon ko." ng marinig ko yung huling salitang binitawan niya sheyt para kong nagsisi sa mga nasabi ko sa kanyang masama , seryoso.

"pero masaya ka naman?" tanong ko sa kanya. kahit na alam kong ang sagot ay hindi.

"oo naman, andiyan ka eh. :)" sabi nito sabay ngiti saken tapos nag ok sign siya. nakakahanga tong taong to, napakamasiyahin, napakagulo pero sa likod pala ng ngiting pinapakita niya may sugat. may sugat na siguro kelangan ng mahabang panahon para gumaling o baka sa kamalas malasan pa, hindi na gumaling.

_________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: