# 10-12

"maglalaro tayo tonight para naman lahat masaya diba?" sabi ng naghohost ng event.

"sali tayo ah." bulong ni Marlon saken.

"oo nga ate." segunda naman nung batang nakilala ko kanina.

"nga pala sino ba tong kasama mo?" tanong ni Marlon saken.

"ewan ko nakalimutan kong itanong ang pangalan niya eh kaya hindi ko alam." sabi ko ng dire-diretso sa kanya

"teka hindi mo kilala pero dinala mo dito? isa pa ate ang tawag sayo?!" malakas na pagkakasabi ni Marlon.

"look who's talking." yan ang sagot ko sa kanya, totoo naman diba ganun din siya nung una kaming magkakilala :3 bigla biglang nag-aaya eh di niya pa nga alam ang buong pangalan ko.

"eh iba naman ako." pangangatwiran nito saken.

"bakit alien ka?" pamimilosopo ko sa kanya.

"tss"

"ok at kayo ang napili naming maging isa sa mga couple na maglalaro." sabay abot ng kamay ng host samen. teka wait. shit.

"ah kasi po ano" hindi pa ko nakakatapos magsalita eh nahila na niya kaming dalawa sa stage I mean ako lang ang nahila niya dahil si Marlon ay tuwang tuwa sa mga nangyayari.

"ok so ang mechanics natin ay ganito, we have 5 couples here :) as you can see. alam niyo naman siguro yung polvoron game? this time hindi lang sipol ang gagawin niyo guys, kelangan niyong i-hum ang themsong ninyo ng partner niyo at kayo naman girls kailangan niyong hulaan kung ano ang ini-huhum ng guys. bale 5 polvoron ang kailangan niyong ubusin bago mag hum." pag eexplain ng host. sheyt wala naman kaming ganun eh -_-

"mananalo tayo dito." sabi ni Marlon, ewan ko ba at kumpyansang kumpyansa siya sa sarili niya.

"game~!" yun ang hudyat na magsisimula na ang laro at ayun na nga kanya kanya na silang kuha ng polvoron na kakainin nila habang ang mga partner naman nila este kasali ko sad to say -_- naghihintay na matapos nilang kainin ang lahat ng polvoron. in fairness halata kay Marlon na determinado siyang manalo dahil sa nakikita ko ngayon patapos na siya. tapos eh lumapit na siya saken at may dala-dalang micropono para i-hum ang themesong kuno namin.

"hmmm hmmm hmmm hmmm hmmm hmmmmmm~" favorite song ko, nagkataon lang ba?

"stay close don't go." yan ang nasabi ko. at nanalo nga kami, napanalunan namin? dalawang  ride all you can Ticket sa isag amusement park.

"oi gising na~"  ayan na naman naririnig ko na naman nagising tuloy ako sa panaginip ko :3

"ate gising na~" aba at may nagsegunda pa kaya naman napalingon nako, at tama ang hinala ko yung bata nga kagabi.

"teka ba't ka nandito?" tanong ko

"wala lang makikitambay lang po :)" sabi nito sabay abot ng isang basong tubig.

"ate magmumug ka muna :v" walangya ala Marlon din tong batang to eh no :3

"ahahahha para tayong isang pamilya." biro ni Marlon

"SIRAULO!" yan ang sabi ko sa kanya at talagang malakas at madiin para dama niya

"ahahhahha! o siya kumain na tayo" pagputol ni Marlon sa alitan namin at inihanda niya na nga ang kakainin namin :3 sa kanya lang ang masarap kasi saming dalawa ni bata lugaw na may itlog at iba pang gulay -__-

"Nga pala anong pangalan mo?" tanong ko dun sa bata nakalimutan ko kasing itanong sa kanya kagabi.

"ah ako po si Ryan West." sabi nito

"amerikano ba tatay mo bata?" tanong ni Marlon

"opo :)" sagot ni Ryan

"eh asan siya ba't wala kang bantay ngayon?" pang-uusisa ni Marlon.

"nasa langit na po. si mama naman nasa trabaho niya." sagot ni Ryan

"o sige pag walang tao sa kwarto mo pumunta ka lang dito ah :)" nakangiting sabi ni Marlon kay Ryan, nakakatuwa kasi kahit ganun pala siya mabait siya sa mga bata.

"sige po kakilala ko naman na din kayo eh :)" sabi nito at kumain na kami. matapos nun eh naglaro kami ng scrabble syempre tinuruan namin si Ryan hindi niya alam eh :v ang saya pala kung may kakilala ka, kung may tinuturing kang kaibigan, sa ngayon sila yun para saken pero sa kabilang banda naiisip ko pa rin ang posibleng mangyari na baka biglaan akong kunin o di kaya 1 month nga lang ang ikli, sobrang ikli. pwede po bang extend?

"wait lang C.R lang ako wag niyo kong dadayain ah." sabi ko sabay punta sa C.R, habang nasa C.R ako nakakita na naman ako ng bagong sugat sa katawan ko, nagbebleed siya. feeling ko nga magiging katulad to ng ibang sugat na palaki ng palaki. nararamdaman ko na ang taning sa buhay ko ahahahhaah nararamdaman ko ng malapit nakong ma-expire. ilang minuto din ako dito hanggang sa kinatok na nila ko kasi baka daw may nangyari saken kaya naman lumabas din ako agad

"anyare sayo sa loob?" alalang tanong ni Marlon saken

"masamang jumebs? kelangan mabilisan?" natatawang sagot ko sa kanya. sorry kasi sinungaling ako. sorry Marlon. pero ramdam ko na talaga. matapos nun eh pinapatuloy ulit namin ang aming nilalaro, lahat kami masaya. lahat nga ba kami? o baka naman for show lang ang mga ngiting nakikita namin sa isa't isa?

________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: