# 1-3

Hi, ako nga pala si Mary Green Sebastian, 19 years old, 3rd year college na san kung di lang dahil sa sakit ko, only child, lahat binibigay saken pero alam kong ilag araw nalang mawawala nako sa munding ginagalawan ko, ito ang realidad ko. ito ang kwento ng isang taong malapit ng madeds ahahhaha naalala niyo ba ang kwento ng A Wasted Lovestory? (basahin niyo kung hindi pa) isa ko sa mga batang may Leukemia na kinwentuhan ni Kuya Wesley. ng kwento nila ni ate Neon, 8 years na simula ng mamatay si Kuya at isang buwan nalang susunod nako sa kanya ahahhahaha nakakatawa diba sobrang nakakatawa biruin mo yun kahapon lang tinaningan na ang buhay ko.

"Ms. ako ang nauna, sayang maganda ka pa man din sana tanga lang" bigla akong nagising sa pananaginip ko ng gising :v 

"Hindi ako tanga alam kong ako ang nauna,  ." pag-iinisist ko sabay abot nung juice na hawak ngayon ng di ko kilalang lalaki.

"ako kaya." sabi nito sabay iniangat ang juice na pinipilit kong kunin ng biglang nahulog ang bonnet na suot-suot ko nagulat siya sa nakita niya agad ko namang pinulot ang bonnet na nahulog at sinuot ko ulit

"oh sayo na." tapos iniabot niya saken yung Juice na kanina ko pa pilit na kinukuha.

"kung binibigay mo yan dahil naawa ka saken, sige sayo na." sabi ko sabay alis, iniwanan ko siya nakakainis. ayaw ko talaga sa lahat ang kinakaawaan ako. 

"oi" boses ng lalaki mula sa likod sabay hawak sa kamay ko.

"ano ba bitiwan mo nga ko." sabi ko sabay pilit na bumibitaw sa pagkakahawak nung lalaki.

"Marlon, Marlon Buenavista." sabi niya sabay shakehands sa kamay ko.

"tinatanong ko ba?" mataray na sabi ko sa kanya.

"hindi, nagpapakilala nga ko eh :)" sabi nito sabay ngumiti ng nakakaloko

"tss bahala ka nga diyan." sabi ko sabay umalis nako

"oi kain tayo sa labas mamaya, maghihintay ako sa labas ng ospital, 5:00 Pm kita tayo ah.!" rinig kong sigaw niya, luh as if pupunta ko ang sama ng ugali niya tsaka ni pangalan ko hindi niya alam tapos kakain kami sa labas? style niya bulok :3 eto ako ngayon at bumalik na sa kwarto ko. ako lang mag-isa dito sila mama at papa busy sa negosyo nila kahit di nila sabihin alam kong mas mahalaga sa kanila yun kesa saken pero mahal ko pa rin naman sila, and atleast kahit papano kilala pa nila ko as anak nila.

"kamusta na Green? ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng doctor ko.

"ok doc kung maeextend pa ko ako." diretsong sabi ko.

"sorry Green ah kung pwede nga lang eh. pero malay natin, miracles do happen." sabi nito saken

"diba nga po walang himala? kay nora na mismo nanggaling yun." sabi ko sa kanya

"wag kang mawalan ng pag-asa ija." sabi nito saken. kinuha ko ang isang libro na madalas kong basahin, "the little mermaid" yung sad version, ilang araw nalang magiging katulad ako ni Ariel, magiging bula ako. makakalimutan nako ng mga taong nakakakilala saken. actually di naman ako takot mamatay, takot lang akong makalimutan ako ng mga taong mahalaga saken, kasi diba sabi nila pag namatay ka, makakalimutan ka na. araw araw kong binabasa ang kwentong to hoping na sana iba ang ending niya pero diba tulad ng sabi ko nasa realidad tayo. at walang happy ending sa realidad.

ang boring kaya naman kumuha ako ng notebook at nagsulat ng kung ano-ano. yung feeling na parang bahay ko na tong ospital lahat nandito na pwera nalang kasi wala akong kaibigan, i mean wala na sila, kinuha na sila agad, napaaga nga yung sa kanila eh at baka ganun din ang mangyari saken.

napatingin ako sa orasan ang bilis lumipas ng oras 7:00 na ng gabi, lumabas ako para uminom ng Juice ng nasa vendo nako naalala ko yung misteryosong lalaki kanina,

*nalaglag na yung Juice na kinuha ko* kaya naman kinuha ko na to habang naglalakad ako sa paligid ng ospital napasilip ako sa may bintana, malakas pala ang ulan ang lakas ng trip ko at juice ang kinuha ko.

"oi kain tayo sa labas mamaya, maghihintay ako sa labas ng ospital, 5:00 Pm kita tayo ah.!"

"oi kain tayo sa labas mamaya, maghihintay ako sa labas ng ospital, 5:00 Pm kita tayo ah.!"

"oi kain tayo sa labas mamaya, maghihintay ako sa labas ng ospital, 5:00 Pm kita tayo ah.!"

bigla kong naalala ang salitang binitawan niya, hindi naman siguro siya tanga para maghintay saken diba? tsaka for sure nagbibiro lang siya -_- siraulo.

"oi~!" nadinig ko mula sa labas ng bintana ang sigaw ng isang lalaki, ng tiningnan ko, talagang ni-rub ko pa ang mata ko para masigurado kung tama ba ang nakikita ko o hindi. siya nga agad akong bumaba para masabihan siya kung gano siya katanga.

"TANGA KA BA?!" sigaw ko sa kanya

"kung ang paghihintay sayo ang rason ng pagiging tanga ko, ako na guilty," sabi nito saken sasapakin ko na sana siya pano kasi nakakaloko siya tama bang yan ang sabihin niya saken pero bago pa dumapo ang kamao ko sa mukha niya nakuha niya ang palad ko.

"tara na." sabi nito saken sabay hinila ako palabas ng ospital, napatigil siya at tumingin saken, tumingin din siya sa guard, sabaya agaw ng payong ng guard dito at takbo, ngayon nasa labas ako ng ospital, ilang taon na ba kong nakakulong sa kwarto kong yun? hindi ko na maalala ang huli kong paglabas sa ospital, i never pictured myself running in a rainy eve with some jerk whom I don't even know. ang alam ko masaya ako hindi dahil sa lalaking siraulo ah, kasi nakalabas ako sa kulungan ko.

"ang bagal mo palang tumakbo Green~" sabi nito saken habang patuloy kaming tumatakbo, bigla akong napahinto.

"teka, pano." bago ko pa matapos eh hinila niya ulit ako at tumakbo lang kami ng tumakbo, hanggang sa makarating kami sa isang di kalayuang kainan sa labas ng ospital

"sensya na ah, di ko kasi dala ang sasakyan ko eh kaya dito muna tayo kakain sa ngayon. emeged first date" sabi nito saken sabay tanggal sa sombrerong suot niya.

"teka nga ano bang trip mo?' sabi ko sa kanya naasar nako hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya, ang sarap niyang sapakin.

"aww gusto kita :D " sabi niya saken ng dire-diretso, para bang hindi pinag-isipan.

"ikaw ah kung iba ang trip mo please lang wag mo nakong idamay." sabi ko sa kanya, naiinis nako swear.

"oi sinabi ko naman sayo kanina na susunduin kita diba? ikaw tong late ikaw pa yung galit :3" aba siraulo ng to -_-

"ano ba kasing gusto mo?" diniretso ko na siya.

"ikaw." diretsong sagot niya saken.

"ako? gusto mo ko? hindi mo ba alam na may leukemia ako, ilang araw nalang ang ilalagi ko, tapos pagtitripan mo pa ko? hindi ka na nakakatuwa." sabi ko sabay tumayo ako sa kinauupuan ko.

"matagal ko ng alam yan. wala na bang bago?" nagulat ako sa sinabi niya naupo ulit ako at pinakinggan ang susunod niyang sasabihin.

"alam kong may Leukemia ka, pake ko sa sakit mo? basta alam ko gusto kita."napatigil ako sa sinabi niya saken sabay umorder na siya ng kakainin namin., isang taong walang pakialam sa sakit ko, bago yun ah, sa pagkakaalam ko kasi kaya ako walang kaibigan na normal ay gawa din ng sakit ko. 

 nakailang tanong ako sa kanya habang kumakain kami pero hindi siya sumasagot matapos nun ay hinatid niya rin ako pabalik sa ospital.

kinabukasan

"GOODMORNING!~" rinig kong bati saken ng isang pamilyar na boses. ng idinilat ko ang mata ko siya na naman, yung lalaki kagabi :3 yung siraulo.

"teka bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"ako na ang magiging nurse mo sa loob ng isang buwan :)" sabi nito ng masigla sabay abot saken ng isang baso ng tubig.

"ikaw ah alam mo ba ang ginagawa mo?" tanong ko.

"oo naman." sabi nito sabay inayos ang mga gamit na nakakalat sa kwarto ko. naulit pa ang pagbisita niya saken at pagpresenta na siya ang magiging nurse ko. maalaga siya, maasikaso, bagay nga sa kanya ang maging nurse isa pa palabiro siya. kahit ilang beses ko siyang ipagtabuyan walang epekto sa kanya, ang kapal nga ng mukha eh, tama bang ngayon lang siya dumating sa buhay ko?

____________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: