9 - Hula (2 of 2)
Matagal bago naka-get over si Abbie. Nakatulala lang siya. Para bang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy masabi kung na-trauma siya sa nangyari kanina.
Nasa highway na kami north of downtown going to La Trinidad no'ng nakapagsalita siya.
"Sino ba kasi?" tanong niya ulit.
"What're we talking about again?" I try to focus on the road this time.
"'Yo'ng unang sinakay mo dito." Mukhang matter of life and death ang expression niya.
I force back a laugh.
"So?" Naghihintay pa rin siya ng sagot.
"Seriously? Are we still talking about this now?" Smiling, I shake my head and maneuver the car to what looks to me like China Town dumped in between a river and the highland slums.
I park at the roadside. Somewhere not too crowded.
Binuksan niya agad ang pinto, bubulong-bulong. "Aisshh... Kala mo naman may sasama nga sa kaniya. Kung 'di lang maganda ang kotse."
Ni-lock ko muna 'yong kotse t'saka ini-on ang alarm bago siya sinundan sa makitid na daan papunta sa entrance. Papasok na si Abbie ng gate, pero sa halip na magmadali, nilibot ko nang tingin ang lugar, habang humahabol sa kaniya. I can't help it.
Sa labas, naglipana ang sala-salabid na mga rebulto ng dragon. Sa mga dingding, dragon pa rin ang nakaukit. Maingay. Medyo matao sa paligid. Parang magulo para sa isang temple.
Pero sa pagpasok namin, hindi ko inakalang may ganito palang lugar na nage-exist around Baguio. Parang ibang dimension. There are trees everywhere. It's surprisingly calm and quiet. May mga multi-tiered pagodas as we climb up the concrete winding stairs. Bells. Flags. Lion statues. Gardens. Red gates. Ponds with dragons spitting water instead of fire. Nandito na yata lahat.
In the grass-covered lawn, kids are practicing some kind of martial arts. Older people jog around. Sometimes, I'd see a monk or two pass by.
Bumagal ang lakad ni Abbie. She stops in front of a pagoda and stands there quietly. Pinagmamasdan lang niya 'yong structure.
Sa wakas nakahabol din ako. Pagdating ko sa tabi niya, hindi man lang siya nag-alis ng tingin sa pagoda. Sinubukan kong tingnan kung ano'ng special sa pagoda na 'to na naiiba sa mga una naming nadaanan. Wala naman akong makita. Nagpaiba-iba pa 'ko ng angles. Wala pa rin.
For half a minute, tulala lang si Abbie. And before I knew it, napangiti na siya.
"Ano'ng meron?" bulong ko sa tenga niya.
Umatras siya. Halatang hindi aware na nandito lang ako. "W-wala. May... naalala lang ako."
Nagsimula siyang umakyat ulit hanggang marating namin ang main temple. In front of it is a shallow lagoon studded with white lotuses in bloom and a fountain in the middle. The central patio looks up to huge red and green gates, and the secret hills which are no longer a secret anymore with the hundreds of houses now dotting its green face.
Parang ang sarap umupo lang do'n at pagmasdan ang langit. And I'm sure na sa hapon, picturesque ang sunset from this angle.
May karatula pa na ang nakasulat ay, "Bawal Mag-Date Dito."
Touché.
Hindi naman kaya kami nagde-date. Buwiset.
"Meron pa lang ganitong lugar dito. Ngayon ko lang nalaman," nakangiti kong sabi. Hindi ko maialis sa view ang tingin ko. "Lagi ka dito?"
She breathes out and looks up. "Dati. Kaso ngayon, hindi na masyado."
"Yong mga kausap mo kanina, mga friends mo?"
Pumunta siya paakyat ng isang gondola. Ipinatong ang palad niya sa pulang poste. Pumikit siya, naghihintay. Pero no'ng wala namang kakaibang nangyari, at saka lang siya sumagot. "Siguro? Hindi ako sigurado."
"Pwede ba naman 'yon?"
"E pa'no ba nalalaman kung sino ang mga totoong kaibigan sa hindi?" seryosong tanong niya.
I shrug. "Siguro 'yong taong lagi mong kasama, gano'n. 'Yong hindi ka iiwanan kahit ano'ng mangyari."
"Ibig sabihin, 'yung nang-iwan, hindi talaga siya totoong kaibigan?" May bakas ng hinanakit ang boses niya.
"Ewan," sagot ko, kunwaring ine-eksamin ang kabilang poste. "Basta ang alam ko 'yong mga taong nang-iiwan, they're the worst."
She glances at me over her shoulder. "Ikaw ba? Totoong kaibigan ka ba?"
I smile at her from the corner of my eye. "Ako pa? Kahit ipagtulakan mo pa'ko palayo. Hindi kita iiwanan. Lakas mo kaya sa'kin."
She returns my smile. May kinuha siya sa bulsa niya. Tapos inabot niya ang kamay ko at inilagay 'yon sa palad ko.
"Limampiso? Ano'ng gagawin ko dito?"
"Jaran!" Pinakita din niya sa'kin ang hawak niyang barya. "Tara dali!" Kinuha niya ang kamay ko at hinila 'ko papunta sa fountain. "Sabay tayong mag-wish. 'Pag daw kasi sabay na nag-wish ang dalawang tao d'yan at pareho 'yung wish nila, mas malaki 'yung chance na magkatotoo."
"Ha?" Napakamot ako ng ulo. "Lotus pond yan. Hindi naman wishing well."
"Wishing well 'yan! Tingnan mo, oh?" Hinawakan niya ang ulo ko at itinulak pababa.
Bago pa man ako mangudngod sa tubig, nakita ko nga na maraming barya sa ilalim ng mga lotus. "Oo na nga. Wishing well nga."
"O sige," sabi niyang hanggang tenga ang ngiti. "Sabay tayong mag-wish ha?"
"Yeah, yeah. Whatever."
"Okay... One, two, three!"
Pumikit siya, inilapat sa labi ang barya bago 'yon itinapon sa tubig. As I watch her pray wholeheartedly, I close my fingers around the coin. Parang ayaw ko na 'yong bitawan. Because the only future I might ever have with this girl rests on this single coin.
Binuksan niya ang mga mata niya nang nakangiti sa'kin. Is it just me or does she sudden look more beautiful than I remember?
Pakiramdam ko, para 'kong tinamaan ng bola ng baseball sa noo. Like that one time in third year high school when I spent the whole afternoon thinking my classmates were from another planet.
"A-anong winish mo?" tanong ko.
"'Secret. Baka 'pag sinabi ko sa'yo, hindi magkatotoo."
Pumasok kami sa temple. Nagsindi siya ng pulang insenso, nakaipit sa mga kamay niya habang nagdadasal siya. Awkward man, ginaya ko na lang siya.
May lumapit sa'ming matandang babaeng Chinese. Niyakap niya si Abbie. "Bakit ngayon ka lang ulit nag-visit?"
Ngumiti lang si Abbie. 'Yong ngiting malungkot.
"Magpapahula ka ba ngayon?"
Nagtinginan kami. Nagtaas ako ng dalawang kilay. Secret message sent.
Isang matandang monghe ang nanghula kay Abbie. May tinanong si Abbie, pabulong. May cylinder na may mga laman na sticks sa harap namin. Hinalo ng matanda 'yong laman. Binigay niya 'yon kay Abbie tapos, lumuhod si Abbie sa harap ng altar, pumikit habang bumubulong. She shakes the cylinder. A stick with a Chinese character written on it falls out. The monk picks it up and rummages for its corresponding scroll from a collection. Then he starts speaking in Chinese, slowly and deliberately.
I have no idea what he's saying, but his eyes shift from me to Abbie and back every once in a while. The old woman sits beside us listening.
May tinanong si Abbie sa monghe. In Chinese. Tumango 'yong monghe. Tumango din 'yong matandang babae. Then they all look at me meaningfully.
"What?" I blurt out.
May tinatanong 'yong babae kay Abbie. Umiling lang siya habang nakatingin sa'kin. Then nagpaalam na kami. Wala man lang akong naintindihan.
"Ano daw ang sabi?" bulong ko sa kaniya saktong papalabas kami ng temple.
Pinipigil niyang ngumiti. "Magiging doktor ka daw."
"Talaga lang ha?" Natawa ako. Sarcastic. "Mukhang sablay yata ang hula ni Lolo ah."
Pinalo na naman niya 'ko sa braso. Namumuro na. "Si Master Wong 'yun. Hindi Lolo. Sabi kasi niya, sasagip ka raw ng buhay. Wala kang choice kung hindi sundin ang sinasabi ng puso mo. Eh di malamang, ang ibig sabihin no'n magiging doktor ka."
"Hindi naman sinabi ng puso ko'ng mag-Med ako. Sinabi ng Mama ko. 'Yon lang ba?"
"Gutom na 'ko. Kain tayo?" Change topic na naman. Sabay alis para wala nang chance para sa follow-up question.
"Wait, Abbie!" sinigaw ko nang pabulong. Masama kasi ang tingin sa'kin nung mga nasa loob.
"Sshh... Bawal ang maingay."
"Hmp. Malalaman ko rin 'yan."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top