9 - Hula (1 of 2)

Ramdam na ramdam ko ‘yong mga daliri ni Abbie sa loob ng kamay ko. Anlamig. Parang yelo. Pero para akong napapaso habang mas lalo kong hinihigpitan ang hawak.

Hindi ko alam kung sa’n kami pupunta. Basta gumagalaw lang ng kusa ang mga paa ko. Wala rin akong idea kung bakit ko ‘to ginagawa. But it feels right.

Nasisiraan na yata ako.

“Teka!” sigaw niya habang pinipilit makasabay sa mga hakbang ko. “Teka sabi eh.”

Napilitan akong huminto pababa ng hagdanan papuntang P.E. building.

Naghabol muna si Abbie ng hininga, nakahawak sa dibdib niya bago sinabing, “Yung kamay ko.”

“Ha?”

“Yung kamay ko.” Ngumuso pababa.

Ah, oo nga pala. Hindi ko namalayang hawak ko pa rin ang kamay niya. Binitawan ko siya, pasimpleng tumalikod. “Ano ba naman ‘yang kamay mo, pasmado.”

Bigla na lang niyang tinuhod ‘yong alak-alakan ko kaya na-out of balance ako.

“Ikaw lang d’yan ang nakikihahawak-hawak ng kamay ng may kamay ng walang paalam, tapos ikaw pa ‘tong may ganang magreklamo? Sigurado ka bang wala kang lahing kidnapper?” sagot niya, halatang naiinis.

Bigla akong natawa.

“Kidnapper? Wala naman,” sabi kong papalapit sa kaniya. “Snatcher, pwede pa.”

Yumuko ako ng dahan-dahan hanggang magkapantay na ang mga mata namin at halos one inch na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Tinitigan ko siya mula sa malamlam niyang mga mata, sa matangos niyang ilong, sa medyo namumula niyang pisngi. Tapos sa lips.

Nanlaki ang mga mata ni Abbie. Nakanganga ng kaunti. ‘Yong itsurang parang nagluluto siya sa bahay kanina kaso nalimutan niya palang i-off ‘yong stove bago siya umalis para pumasok. Para siyang estatwa na hindi makagalaw, o makahinga man lang. Napaatras siya ng kaunti. Napapikit ‘yong mga mata niya na para bang may akmang susuntok sa kaniya. E, wala naman.

“Snatcher ng puso mo,” bulong ko.

“Hoy!” Hinampas niya ‘ko sa braso.

“Ow!” Nagulat ako. Parang nagising mula sa isang panaginip. “What was that for?!”

Nilagay niya ang mga kamay niya sa beywang niya. “Eh, kanina ka pa kaya tawa ng tawang mag-isa d’yan.”

“Ha?”

“Aminin mo na. Durog ka ‘no?”

Napakamot ako ng ulo, disoriented sa mga pangyayari. Wala man lang bang effect sa kaniya ‘yong ginawa ko? “Ano’ng durog?”

“Naka-drugs.” Nalukot na naman ang noo niya. Para bang sinasabing napaka-lame ko naman at hindi ko alam ‘yong term na ginamit niya. “Kanina pa kita tinatanong d’yan, para kang wala sa sarili. Tumatawa ka lang mag-isa.”

Sa isip ko lang ba lahat ‘yon? Ano ba naman ‘to oh?!

Kala ko pa naman, ang cool ko na. Aargh! Para na ‘kong si Raph. Sabi ko na e. Nakakahawa ang kakornihan. Bakit ko ba kasi naisip ‘yon? I get goosebumps just thinking about it.

“Ano ba kasi ang nakakatawa?” tanong ni Abbie.

Hindi ako sumagot. Tinalikuran ko lang siya at nagmamadaling bumaba ng hagdan papunta ng parking lot. Muntik ko na ngang makalimutan na may kotse na pala ‘ko. Kung nagkataon, maiiwan ko pa. Ugh. Si Abbie kasi e. Isang malaking distraction.

“Ano ba kasi talaga ‘yon?” habol niya, pinipilit na makaabot sa’kin pababa ng matarik na hagdan. Kaso ‘di siya uubra. Baseball player kaya ako no’ng high school. First batter. “May sakit ka ba? Ba’t namumula ‘yang tenga mo? Hoy!”

Pagdating namin ng parking lot, I quickly spot my car. It kind of sticks out, really. Bihira kasi ang tulad no’n. At impractical naman ‘pag estudyante ang gagamit. Masyado lang sigurong guilt trip ang tumama kay erpats kaya binigay sa’kin ‘to.

“Gail!” sabay-sabay na tawag ng tatlong babaeng paparating.

I sport my best smile. Malamang, friends ni Abbie.

Naka-pink uniform ‘yong dalawa. Halos magkamukha. Parehong chubby. ‘Yong isa kulot ang buhok. Kulay kalawang. Nakamaikling dress. ‘Yong shoes niya mukhang torture device. Parang a-attend ng party. All in all, mukha tuloy alalay ‘yong dalawang naka-uniform.

Napahinto si Abbie. Nagbaba ng tingin. Huminga ng malalim.

“Gail! Ikaw ba ‘yan?” tanong no’ng isang alipores. “Marunong ka nang maghabol sa lalaki ngayon ah. May improvement.”

“May class kayo, ‘di ba?” sabi naman ng isa. “A-absent ka? Bago yan ah.”

Bigla silang nagtawanang tatlo. Nag-apir ‘yong dalawang alipores.

Hesitation flashes on Abbie’s face as she turns to face them. “Uh… Lizbeth. Kayo pala.”

I’m assuming Lizbeth is the girl in the dress. And this Lizbeth girl’s looking at me like I’m a naked piece of meat. She’s smiling for all the world like she’d just won a Miss Universe title. It’s making me uncomfortable.

I cross my arms in front of me and lean my back on the car’s rear.

Lumapit si Lizbeth. Mabagal. Parang slow-mo. Akala niya siguro may shooting ng commercial dito. The sounds her stilettos make against the concrete’s starting to annoy me. As she walks up to us, nabangga niya ‘yong balikat ni Abbie. Whether that’s intentional is open to arguments.

“Gail naman,” Lizbeth snickers. “Alam ba ni Grey ‘to?” She runs her angry-red long nails on the hood of my car.

I swear, ‘pag nagasgas ‘yon kahit maliit lang, she’d wish she’d never been born.

Hindi makaimik si Abbie. Tiklop agad. Nawala na lang bigla ang angas niya.

Nagtawanan ulit ‘yong kambal na alalay ni Lizbeth.

“Kasi kung hindi, malaking gulo ang mangyayari. Mainitin pa naman ang ulo ni Grey ngayon,” sabi ni Lizbeth habang nagpa-passing show sa harap ko.

“A-ano… ‘P-please ‘wag mo na munang sabihin.” Parang nalunok ni Abbie ang dila niya. “M-may tinatanong lang naman ako kay Nico.”

“Pasensya ka na dito kay Gail ha? I hope she didn’t bother you that much.” Tinitigan ako ni Lizbeth mula ulo hanggang paa. Then she offers a hand. “I’m Lizbeth, by the way. Gail’s… friend. Nico, right?”

Parang pakiramdam ko hindi ako natunawan with this twisting feeling in my stomach. I can’t seem to flatten out the furrow between my brows. I look at Lizbeth in the eyes hard.

“Get in,” I say through my teeth, flinging the car door open. I tilt my head towards the shotgun seat.

Lalong lumaki ang ngiti ni Lizbeth. Si Abbie, nakatulala lang sa isang tabi. Nagha-hang na naman, as usual.

All of a sudden, Lizbeth tries to get inside the car. Hinarang ko ang braso ko sa pinto habang nakatingin sa kaniya ng masama. “I said, get in!”

Parang no’n lang natauhan si Abbie. Nagulat. Sa reaksyon niya, parang sinasabing ‘Ay, ako pala?’ And then, patakbo siyang sumakay ng kotse at automatic na nag-seatbelt. Nakayuko lang.

Isinara ko ang pinto at saka tinalikuran si Lizbeth. Nagsasalubong na ang kilay niya, pero hindi ko ‘yon pinansin.

Pagsakay ko ng kotse, tahimik lang si Abbie. Nakatitig sa mga kamay niya.

Pinaandar ko ang makina. Then, pinaharurot ko ang kotse palabas ng Gate 4. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Nasobrahan ba’ko sa Molo Soup ni Manang Bining? Kahit naman marami akong nakakain lagi, hindi naman ako naiimpacho.

Okay. Medical diagnosis.

Parang mabigat ang dibdib ko. Angina? Heartburn? IBS? Ack! Please, God. No! GERD ba ‘to? Siguro, hyperacidity lang.

“Okay ka lang?” nag-aalangang tanong ni Abbie.

“Oo.”

“S-sigurado ka?”

“Oo.”

“Eh… ba’t parang—“

“Sinabi na ngang oo, di ba?!”

Tumahimik lang siya. Pilit na pinalulubog ang sarili niya sa upuan. Paminsan-minsan, mahuhuli ko siyang nakatingin sa’kin ng palihim. Then, she’d pout and make worried faces while I’m not looking. Just seeing her so uneasy makes me feel like I’m such a horrible person. Nakaka-guilty.

May konsensya pala ‘ko. Ngayon ko lang nalaman.

I sigh. “I’m sorry… I didn’t mean to yell. It’s just…” My mind turns blank.

She bites her lip. “Sa’n ba tayo pupunta?”

Hindi ako sumagot. Diretso lang ang tingin sa daan. Nasa Upper Bonifacio na kami. Hindi ko rin alam kung saan. Hanggang sa nag-build-up na ang traffic at naipit na kami, wala pa rin akong idea.

Iniuntog ko ang ulo ko sa manibela. Hindi man magsalita si Abbie, ramdam ko namang pinanonood niya ‘ko.

Ang gulo. I don’t usually get angry. I mean, I get angry a lot (at least, in my head) but I almost never let it show. Whenever things get messy, I smile. That always seems to work. But now, I can’t put on my happy face.

“May gusto akong puntahan, Nico,” biglang sabi ni Abbie. The tone of her voice indicates unnatural eagerness. Parang nakakahawa. Nakaka-curious. “Matagal na’kong ‘di nakakapunta do’n. Wala kasing gustong sumama sa’kin. Ang labo eh. Pero since bago naman ‘tong kotse mo—“ she pats the side of the leather seat, raising both her brows as if relaying a secret message “—sasamahan mo ‘ko. Ha?”

Tinignan ko siya. “Pa’no mo naman nalamang bago ‘to? May ESP ka?”

She closes her eyes, sniffs the air and smiles. I can’t help but stare at her when she’s being naïve like that.

“Amoy bago eh,” sagot niya, tumaas na naman ang dalawang kilay. Secret message. “Baka nga ako pa una mong naisakay dito, ‘di ba?”

Natawa na lang ako nang hindi ko namamalayan. “Hindi ah. Asa ka pa.”

Nalukot ang noo niya sabay palo sa braso ko. Lakas.

“Abbie! Masakit na ah!” Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagda-drive. “’Pag tayo nabangga, lagot ka sa’kin!”

“Psshh…” At umirap pa, sabay palo ulit.

Sinalag ko na lang.

“Bakit? Sinu-sino na ba’ng pinasakay mo dito, ha?”

“No! Cut it out! Abbie!”

The car lurches forward way too close to the cab in front of us. I hit the brakes hard. Muntik na kaming mabangga. Nasasakal ako ng seatbelt. My head develops a heartbeat and I gasp for air.

Si Abbie mukhang na-shock. Wide eyes. Lips parted. Ragged breathing.

“You okay?”

She doesn’t respond. Instead, I feel like my arm’s being strangled. She’s clutching on it tightly. She nods and breathes in.

“Sabi ko na kasi e. Ang kulet.”

Lumabas ng sasakyan ‘yong driver ng taxi sa harap. Mukhang galit. Malamang minumura na kami.

“Dali, tara na!” sigaw ni Abbie. Nagpa-panic. “Ayan na oh! Bilis!”

“Eto na nga.”

Bago magka-trouble, nagmani-obra na’ko paalis.

“Bumalik na lang kaya tayo?” bulong niya. “May pasok pa’ko.”

Napabuntong-hininga ako. “Araw-araw naman tayong may pasok. Eto, paminsan-minsan lang natin gagawin. Malay mo may something special sa araw na ‘to. ‘Pag lumagpas na, we won’t ever get a redo.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top