7 - Abbie
Note: Play background song -------->> toot!
“You okay?” I ask Abbie as I seat her on a bench.
Tumango siya, tinaas ang mga paa sa upuan at niyakap ang mga binti niya. Tahimik pa ring umaagos ang mga luha galing sa mga mata niya, parang walang balak tumigil. Nang mapansin niyang pinapanood ko siya, itinago niya ang mukha niya sa mga tuhod niya.
Obviously, she’s not okay. And something tells me her liver’s not the only problem here. It’s something much, much deeper.
Bigla niyang hinawakan ang mga balikat ko at pilit akong pinatalikod. “Bawal tumingin. May bayad,” hikbi niya.
Napapailing na sinunod ko na lang siya. There’s something about this girl I just can’t figure out. I know I shouldn’t care, but I can’t help it. “Ba’t award winning ba ‘yan, at may talent fee?”
“Baka… sabihin mo, iyakin ako.”
“Baka nga naman kasi iyakin ka talaga?” Pinilit kong tumawa. Baka sakaling mahawa siya. Kaso wa-epek.
Suminghot siya ng malakas. “S-sabi nga ni… nila. Kaso, hindi ko talaga mapigilan eh. Parang kong sira. Nakakainis. Gusto ko nga, mawala na’to. Mawala na’tong lahat.”
“Lahat ng ano?” Humarap ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin.
I couldn’t believe what deep sadness I see in those naïve brown eyes. I couldn’t believe how affected I am it hurts. I hate seeing it; that sadness I have no power to take away, or at least I thought so. She stirs a thousand painful emotions I don’t even know I have in me.
“Lahat,” sagot niya. “Lahat ng masakit. Lahat ng nakakaiyak. Kasi nakakapagod na. Shit! Ba’t ko ba ‘to sinasabi sa’yo?”
“Emo,” biro ko.
Siniko niya ako sa tagiliran. “Bugok.”
Nagkunyari akong nasasaktan, sinusubukan pa rin siyang pangitiin. “Know what? Bakit ‘di mo kaya i-try na i-share ‘yan. Balita ko, effective daw ‘yon. Kung baga, mandadamay ka lang. At least, you won’t suffer alone.”
Umiling lang siya. Nanginginig ang labi niya at hindi ko maiwasang tumitig.
As if in a daze, my hand moves on its own and brushes away the tears from her slightly colored cheeks. “You know what I want? I want you to accept my application.”
“Application sa ano?”
“It looks like you need someone whose job is to make you smile for the rest of the day and I think I’m perfect for it.”
Mga ilang segundo rin siyang nakatulala sa’kin na para bang nagsasalita ako ng German at hindi niya ako maintindihan.
I stand and offer her my hand. “Okay. I have the rest of the day all planned out. What do you say?”
Tinitigan niya ang kamay ko, nakanganga ng bahagya. Nakukunot ang noo niyang inabot ‘yon.
Bago pa magbago ang isip niya, dinala ko siya sa rental shop ng mga bikes.
“Dalawa nga po, Manong,” sabi ko sa bantay.
“T-teka,” nauutal na sabi ni Abbie na binawi ang kamay niya. “Magbi-bike tayo?”
“Yep.”
Lalong namula ang mukha niya, nagbaba ng tingin. “H-hindi ako marunong.”
Pinigil kong matawa. “Hindi ka marunong?”
“Paulit-ulit ka? Unli?” pagalit niyang sagot. “Sinabi na ngang hindi eh.”
“Oh, hindi ka na naman galit niyan?”
Nanonood lang sa’min si Manong na naghihintay na matapos kaming mag-away.
“Hindi naman,” sabi ni Abbie pabulong, parang nahihiya.
“Manong, isa na lang pala,” sabi ko kay Manong. Inakay niya papunta sa’kin ang isang pink na bike. Pink talaga. Para lang hindi na kami magtagal, hinayaan ko na. Bumaling ako ng tingin kay Abbie. “Problema ba ‘yon? E ‘di tuturuan kita.”
Halatang napipilitan lang siyang sumunod sa’kin. Tinuro ko sa kaniya ‘yong brakes, pedals, the basics. Hindi naman siya nakikinig. Nakatulala lang siya sa’kin na tila wala sa sarili.
I snap my fingers in front of her face. “Abbie!”
Gulat pa siyang napaatras nang makitang nakatingin ako sa kaniya. “Bakit ba?”
“Had a good dream? Andito ka nga, parang nasa buwan naman ang kaluluwa mo.”
Nagpameywang siya. “Eh bakit ba kasi pinipilit mo pa 'kong matutong mag-bike? Hindi naman uso dito ‘yan. Ikaw nga, try mong mag-bike sa paakyat at pababang kalsada. Kung ‘di lumawit ang dila mo kakapidal, mahuhulog ka naman sa bangin.”
I imitate her and place a hand on my waist. “Two things, Abbie. Two things. One, I can try to make this the best day ever and you, the happiest girl for this day, at least. Or I can make you cry, because I can totally do it.”
“Eto na nga eh,” sabi niya sabay agaw ng manibela sa’kin. “Sobrang excited na nga ako eh. Pa’no ba ‘to. Let’s go! Sus, ambagal mo, Tsong. Grabe.”
Tinulungan ko siyang makaupo sa bike. Yumuko ako parang i-check ang kadena. Hinawakan ko ang kaliwang paa niya. “Dito ‘yan. Then, ‘yong isa nakatukod lang muna.”
Within three seconds, nakatulala na naman siya sa’kin.
“Hoy!”
“H-ha?”
“This is going to get a lot harder than I thought it’d be,” I whisper to myself shaking my head. I gesture to her with my fingers to my eyes. “Eyes on me, okay? And listen.”
Nakatingin nga siya, halata namang hindi nakikinig. Parang may malalim na iniisip. Kung sumagot pa parang dial-up internet. Laging may five-second lag. Ang slow.
“Forget it,” I mutter. Hinawakan ko ‘yong bakal sa likod ng upuan niya. “Lift your right foot and start pedaling.”
“Baka makabangga ako eh,” nanginginig niyang sabi.
“Don’t worry. I’m right behind you. I won’t let anything bad happen, I promise.”
Tumango siya.
“Okay, eyes on the road.”
“Teka! Akala ko ba sa’yo ako titingin? Ang gulo mo naman eh. Ano ba talaga?”
Napabuntong-hininga na lang ako. “Malamang nga mabangga ka kung sa’kin ka nakatingin. Now, drive.”
Sinimulan kong itulak ang bike kahit nagpupumiglas siya. In the end, wala na lang siyang nagawa kung hindi pagewang-gewang na magmaneho.
“Tutumba ko! Ayan, tutumba na!”
“Hindi nga, hawak kaya kita.”
“Ayoko na kasi!”
“How would you learn if you keep screaming all the time?”
Mga kalahating oras din naming binulabog ang buong Biking Lane. Pinagtitinginan na nga kami. ‘Yong iba, nag-eenjoy na sa panonood kay Abbie. Nakakaaliw naman kasi siya. Kahit ilang beses na siyang bumagsak, tumatayo lang siya at parang walang pakialam na susubukan ulit.
“Ikaw kasi, nilakasan mo ‘yung tulak.”
“Ikaw kasi, hindi mo naman nililinaw. Dapat pala itutukod ‘yung paa ‘pag liliko.”
Ako, ako, puro na lang ako. Minsan nakakairita na. Kung ibang tao lang ‘to, malamang, binuhat ko na siya at hinulog sa lake. Pero for some reason, hindi ko makuhang magalit. Minsan nga lang, hindi ko rin talaga mapigilan mawalan ng pasensya.
“Ikaw kasi, hindi mo’ko hinawakang mabuti! Eh kung mamatay ako?”
Biglang kong hininto ‘yong bike at tinitigan siya ng matalim. “Mamatay agad?” Hindi ko alam kung anong nangyari, o kung anong pumasok sa isip ko. Pero parang bigla na lang nag-init ang punong-tenga ko nang marinig ko ang sinabi niya. Kinuha ko ang kamay niya, dahan-dahang iniayos ang mga daliri ko sa pagitan ng mga daliri niya. Hinigpitan ko ng kaunti ang hawak at tumingin ako sa kaniya. Nagkataon naman na kanina pa pala niya ‘ko pinagmamasdan “Ayan. Okay na ba ‘yang hawak na ganiyan?”
Her eyes widen as if she’s seen a ghost. I can’t even tell if she’s still breathing. “Uh…”
“What?”
Napansin kong may tribike na paparating sa’min, minamaneho ng bata. Kung saan-saan nakatingin ‘yong bata kaya hindi niya siguro napansin na nakahinto kami sa daan. Nagtuloy-tuloy siya papunta sa kinatatayuan ni Abbie.
“Look out!” Hinila ko si Abbie, sabay atras sa gilid.
Hindi baleng bumagsak ‘yong bisekleta at madanggisan ng batang naka-tribike. Huwag lang masaktan si Abbie. ‘Yong bata, nakuha pang umiyak samantalang siya pa nga ‘tong nakabangga.
“That was close,” I sighed. No’n ko lang na-realize na yakap ko na pala si Abbie. Parang sasabog ang ulo ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Malamang dahil muntik na kaming maaksidente.
Dahan-dahan inangat ni Abbie ang mukha niya sa balikat ko. Napaatras siya. Namumula ang mukha. Hindi ko masabi kung galit or na-trauma.
“Okay ka lang?” tanong ko.
“Uhm…” Luminga-linga ang tingin niya. “Napunit ‘yung ladlaran ng pantalon mo.”
Tinaas ko ang kaliwang binti ko, may punit nga. At mayro’ng kaunting gasgas ang binti ko. “Ah… oo nga. Baka nasabit sa bike kanina.”
“Ba’t mo ba kasi ginawa ‘yun?” Umupo siya at dumukot sa bulsa niya ng band-aid.
“Girl Scout ah,” sabi kong natatawa. “Gasgas lang naman ‘yan.”
Pagkalagay niya ng band-aid, tumayo siya. “Sa susunod kasi—“
“Hey,” I cut her off, taking her shoulders. “I promised I’ll make you smile for the rest of the day and that includes doing whatever it takes to keep you from getting hurt. Now, I won’t stop until I hear you saying you had the best day ever.”
Nagba-buffer na naman si Abbie. Alam mo ‘yong nanonood ka sa YouTube tapos hacked lang ‘yong modem mo kaya ang tagal mag-load? Kala ko nga nag-hang na.After ten years, bigla na lang niyang sinabing “’Yung bike!” sabay takbo sa nakabagsak na bisikleta at itinayo ‘yon. “Hala. Nasira na yata. Naku, lagot tayo kay Manong nito. Baka pabayaran pa sa’tin.”
Buti pa sa bike nag-alala. Talaga naman.
“Mukhang hindi naman,” matabang kong sagot. “Tara na nga. Gutom na’ko.”
“Ulit? Mamaya na lang.” Sumakay ulit siya sa bike. “Tuloy na natin ‘to. Malapit na kaya akong matuto.”
Eto na naman po kami.
Wala na lang akong magawa kung hindi alalayan siya. Paulit-ulit. Hanggang hinihintay ko na lang siyang magsawa, na mukhang malabo nang mangyari. Mukha rin namang nag-eenjoy siyang magpatembwang-tembwang sa harap ng maraming tao.
Naisip ko rin, bakit ko nga ba ‘to ginagawa? Bakit ko inuubos ang oras ko para subukan lang siyang pangitiin? Ano ba mapapala ko?
“Nico, ‘wag mo ‘kong bibitiwan ha?” Lumingon siya sa’kin. Puno ng pagtitiwala ang mga mata niya. Para bang sinasabi na sa’kin nakasalalay ang buhay niya.
“Don’t worry. I won’t let go.”
When I feel her starting to go smoothly, I begin running with her. I keep holding on. But I realize I have to let go, eventually. And when I do, I am left to watch her move forward on her own, feeling proud and a little bit sad at the same time.
“You did it, Abbie,” I laugh quietly to myself.
“Oi, baka bitawan mo’ko ha?” sigaw niya. Hindi pa rin alam na mag-isa na lang siya. “Nico?”
“Hindi. Hindi kita bibitawan,” sagot ko.
Nang lumiko na lang siya pabalik at saka niya nalaman na marunong na pala siyang mag-bike. Nagulat siya no’ng una, pero halata namang excited siya. “An’dali lang pala nito eh. Ano? Ang galing ko na ba?” sabi niya pagdaan niya sa harap ko, ngiting-ngiti.
Nag-thumbs up ako sa kaniya. “The best.”
***
“Here,” I hand her a bottle of water.
Kinuha niya ‘yon at inilapat sa mga labi niya. “Alam mo, dapat gumanti din naman ako para sa pagtuturo mo sa’king mag-bike.”
Bago pa man niya mapansing nakatingin ako sa kaniya, uminom na lang ako. “Totally. You owe me big time.”
“Eh kung turuan din kitang mag-skate?”
“Uhm…” Napalunok ako. “I mean… it’s totally fine. It’s nothing. Y-you don’t have to.”
“Ba’t, natatakot kang sumemplang?”
“Me?” I fake a laugh. “Bring it on. And when you’re done, I bet I’d be way better that you.”
“Lakas ah.” Nangiti siya. “Liliparin na’ko maya-maya.”
“Malakas talaga.” Natawa na lang din ako. “Aura pa lang ‘yan. Wala pang Kame-Hame Wave.”
Nag-buffer siya ng two seconds, at saka tumawa ng malakas. Akalain mo’ng na-gets niya ‘yong joke ko? Kung si Jane ‘yon baka nakanganga na lang siya sa’kin. Usually, 'pag ganito na ang usapan, kami lang ni Raph ang nagkakaintindihan.
"Halata nga eh, Super Saiyan level," sagot niya, tumatawa pa rin. Huminga si Abbie ng malalim, nakatingin pa rin sa mga batang nagba-bike. “Buti na lang tinuruan mo’ko no? Isipin mo kung hindi, baka mamatay na lang akong hindi marunong mag-bike…”
Napa-angat ang tingin ko sa kaniya. Mamatay na naman. ‘Yon na namang expression na ‘yon. Hindi ko maiwasang hindi mairita ‘pag naririnig ko, lalo na at galing kay Abbie.
Tumingin siya sa malayo. “E-hem. Ibig kong sabihin, baka hindi na’ko natuto. Nung bata pa kasi ako, walang nagturo sa’kin.”
“Wala ka bang mga kapatid?”
“Meron…” Nagbuntong-hininga siya, nag-iisip kung itutuloy ba ang kwento o hindi. Sa huli, tumitig na lang siya sa mga kamay niya. “May mga kapatid din naman ako; mga anak nina Mama at Papa sa mga asawa nila. Kaso hindi naman kami halos nagkikita, tsaka mga maliliit pa sila. Uhm… Ikaw, sinong nagturo sa’yong mag-bisikleta?”
“My… Dad.”
Bigla na lang lumutang sa isip ko ‘yong mga nangyari no’n. No’ng bata pa’ko at okay pa ang lahat. No’ng wala pa’kong muwang sa buhay. No’ng hindi ko pa alam problemahin ang problema. Akala ko dati, ang bawat araw natatapos lang sa laro, sa paghihintay kung kailan ba’ko tatanda para malaman ko na ‘yong mga bagay na bawal ko pang malaman, magawa ang hindi ko pa magawa dahil bata pa’ko.
Naalala ko ‘yong araw na inuwi ni Niklaus ang maliit na bisikletang ‘yon. Maghapon kaming nasa labas habang tinuturuan niya ako. Sinabi niya rin sa’kin na hinding hindi niya ako bibitawan. Pero binali niya rin lahat.
He let go of me, in all sense of the words.
“Magdidilim na,” banggit ni Abbie, nakatanaw sa langit. “Uwi na tayo?”
“It’s still early,” I say. “Let’s eat first. I’m starving.”
We end up in a restaurant at the veranda of a mall where the view is considerably acceptable by daylight and amazingly breathtaking at night. The city lights twinkle like little colorful stars in the dark.
We sit outside, under the large canopies. I order crab fettuccini, mozzarella sticks and a pan of seafood Romano.
“Ilang barangay ba’ng darating? Hindi ba masyadong marami naman ‘to?” tanong ni Abbie habang sine-serve sa mesa ang pagkain.
“No, not really,” sagot ko, sabay kuha agad ng mozzarella sticks. “Baka nga kulang pa sa’kin ‘yan.”
Her laughter gets lost in the wind. “Seryoso ba ‘yan o pinapatawa mo lang ako?”
“Uhm.” Nag-isip ako habang ngumunguya. “Both?”
“May sakit ka ba? Ba’t parang lagi ka na lang gutom?”
Nilunok ko muna ang pizza sa bibig ko bago sumagot. “Kailangan ko kayang kumain ng marami para lumaki ako. Yon kasi ang laging sabi ni Manang Bining tuwing tatanungin ko kung kailan ba’ko tatanda. Kung kailan ba’ko pwedeng makisali sa mga usapan ng mga matatanda. Siya kasi ang nag-alaga sa'kin simula no'ng..." Napatingin na lang ako sa malayo, kunyaring pinanonood ang mga ilaw ng siyudad.
“An'laki mo na kaya,” sagot niyang nakangiti no'ng mahalata niyang natahimik ako. “Tataba ka niyan eh.”
“Concerned,” I tease her. “Hindi. Nagmamadali kasi akong umalis ng bahay kanina kaya hindi ako nakakain.”
Tumaas ang kilay niya. “Nagmamadaling umalis ng bahay, tapos ayaw umuwi? Anong drama mo?”
“Drama?” Nagmaang-maangan ako. “Hindi uso ‘yon sa’kin. Ayaw ko lang ng nasa bahay ‘pag nando’n ang parents ko. ‘Lam mo na. Hassle.”
Bigla siyang natahimik. At inirapan talaga ‘ko. “Buti ka nga d’yan may parents. Ako, halos once a year ko lang silang nakikita. Either December 26 or January 2. Hindi pa sure ‘yun kung pareho silang pupunta ha.”
“Talagang December 26? Hindi 25?”
Sinaksak niya ng tinidor ang isang mozzarella stick. “Pasko kaya ‘yun. Malamang magpa-Pasko sila kasama ng pamilya nila. ‘Tsaka birthday ko ‘yun 26. Kung matino naman silang magulang, maaalala naman siguro nila kong puntahan para batiin man lang. Ipakita lang nila ‘yung mga mukha nila para naman malaman ko na buhay pa sila.”
“Sorry.”
“Oh, ba’t ka na naman nagso-sorry?”
Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko at tumigil muna sa pagkain. Tumigil ako sa pagkain. Big deal ‘to sa’kin. Hindi ko 'to usually ginagaw kung 'di lang din importante. Walang basagan ng trip. “I promised to make this the best day ever, but I’m ruining it for you. Kasi naman ‘tong bibig na ‘to.” Pinalo ko ang bibig ko. “Um.”
“Wala ‘yun.” Pinilit niyang ngumiti. “Maka-rant lang, he-he. T’saka nilibre mo na nga ako, tinuruan mo pa’kong mag-bike. Thank you, ha.”
“’La ‘yon. ‘Kaw pa?” Hinila ko ang upuan ko palapit sa kaniya. “Pero aminin mo. Best day ever, ‘di ba?”
Tumingin siya taas na para bang nando’n ang sagot. Nag-isip pa talaga. “Pwede na… Pero ang totoo, mas may better pa dito akong ginawa dati eh.”
“Ouch,” bulong ko, nanlulumo. “Tsk. Kala ko pa naman. At pa’no naman naging better pa ‘yon sa lahat ng ginawa natin kanina? And who was with you that time?”
Nag-isip ulit siya, biglang natawa sa kung ano man ang naalala niya. “Secret.”
“Pa’no, bukas uli?”
Halos magdikit na ang mga kilay niya. “Bukas ang ano?”
“Try uli natin gumawa ng best day ever.”
“Nge.” Umikot ang mga mata ni Abbie. “May pasok na kaya bukas. T’saka akala ko ba ‘for this day’ lang ‘yung application mo?”
Napakamot ako ng ulo. “Palpak eh. Didn’t I tell you, I won’t stop until I hear you say you had the best day ever?”
Umiling lang siya, pero nakangiti habang iniikot ang pasta sa tinidor niya. “Sira ka talaga.”
“Eh, sa isang bukas?”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top