5 - Dead Girl #2

 

Tiningnan ko ulit ang address na nakuha namin galing sa records section ng ospital. Aurora Hill. Nabanggit nga ni Dead Girl ang Aurora Hill sa diary niya. Si Kristine Aguilar, tagarito din. Everything fits. This time, I’m sure it’s definitely her.

“Sigurado ka, dito ‘yon?” tanong ko kay Abbie.

“Eh ‘di ba nga, sabi nu’ng aleng pinagtanungan natin, dito daw?” pagalit niyang sagot.

Hinila ko si Abbie palapit sa gate. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Instead of her previous all-black outfit, she’s wearing a gray cardigan over a blue top, paired with faded jeans and gray Converse sneakers. Nakalugay pa rin ang mahaba niyang buhok na laging nakatakip sa mga mata niya. Baka nga cosplay lang yo’ng suot niya noong isang araw.

Nang nasa harapan kami ng dalawang palapag na lumang bahay, tumingin siya sa’kin na parang gustong sabihing, “Ano na?” 

Ibinulsa ko na lang ang mga kamay ko at tumingin palayo. “Okay. Mag-tao po ka na,” sabi ko.

“Ba’t ako?” reklamo niya. “Sinamahan na nga kita eh, tapos ako pa uutusan mo?”

“Sige na,” sagot kong hindi pa rin makatingin ng diretso. “Taga-dito ka naman. Baka kilala mo pa ‘yong may-ari.”

Pumadyak siya, napipilitang pinindot ang doorbell. “Grabe ka din, Tsong, no? Malayo naman ‘yung bahay namin dito. An’laki kaya ng Aurora Hill.”

Napapalatak na lang ako, sabay tingin ng matalim sa kaniya. “Tch. Tumawag ka na. Don’t forget, we both sneaked in the ‘forbidden’ section. We’re in this together. Pareho tayong masisipa sa university ‘pag may nakaalam. Ikaw rin. Mahirap pa naman mag-qualify for third year sa nursing. Sayang naman kung mae-expel ka.”

“Aargh!” Nanginginig na siya sa galit. “Eh, ba’t ikaw naman ang may pakana no’n. Okay lang sa’yong ma-expel?”

Nagkibit-balikat ako. “Okay lang. Para makapag-shift na’ko ng ibang course.”

“Kung maka-okay lang, parang totoo,” bulong niya sa sarili niya. “Eh ba’t pinipilit mo pang mahanap si Kristine? ‘Di ba nga para sa Psych requirement mo tapos, okay lang sayong ma-expel? Abno!”

Pagpindot niya ng doorbell ulit, bumukas ang pinto. Isang babae ang lumapit sa’min pero hindi niya binuksan ang gate. May sinasabi sa Ilocano. Hindi ko naiintindihan.

“Hayan na,” sabi ni Abbie sabay lingon sa’kin.

Tinulak ko siya ng kaunti palapit sa gate. “Ikaw na kumausap.”

“Ba’t ako na naman?” angal niyang nakairap. Tapos tinalikuran niya ako para harapin ang may-ari ng bahay nang nakangiti. Nag-usap sila sandali.

Naghintay na lang ako habang patingin-tingin sa paligid. Ang totoo niyan, kaya ko pinilit na isama si Abbie kasi hindi ako marunong mag-Ilocano. Nakakahiya mang aminin, mahigit tatlong taon na’kong nakatira sa Baguio pero hindi ko pa rin maintindihan. Back when I was new here, people would tease me about it. Baka daw binebenta na pala ako ng mga kausap ko, hindi ko pa alam.

Finally, she walks up to me, arms crossed on her chest.

“Ano daw ang sabi?”

Bumuntong-hininga na lang siya, halatang naiinis. “Kanina ka pa nakatayo d’yan, hindi mo ba narinig? Bingi ka ba?”

“Uhm…” Hindi ako makasagot, ni hindi makatingin sa kaniya. “Ano na nga? Where’s Kristine? Is she home?”

Bigla na lang niya akong nilayasan. Nagmamadaling lumakad. Wala akong nagawa kun’di habulin siya. Paakyat na siya sa matarik na hagdanang bato nang maabutan ko. Maliliit lang ang steps ng hagdan. Halos kalahati lang ng sapatos ko ang puwedeng tumapak. Puro lumot. Madulas pa dahil kauulan kagabi. But Abbie, she’s a fast climber. Halatang sanay sa akyatan.

“Wait!” Hinila ko ang kamay niya. She loses her balance and starts to fall backwards. Buti na lang nasalo ko siya. Or else, pareho kaming magpapagulong-gulong pababa. By the way she looks at me with those wide brown eyes, I know she’s shocked. Namumutla rin siya. “Phew. That was close. Erm… You okay?”

Tinulungan ko siyang makatayo. For once, she doesn’t yell at me. Akala ko magagalit siya. Pero hindi. Nakatingin lang siya sa’kin na parang nakakita ng multo.

I raise a finger at her and catch my breath first. “I’m… sorry for this. And for dragging you into all of this. I’m so sorry, okay? But the truth is, I… I need you.”

Hindi siya makapagsalita. Nakatitig lang siya sa’kin nang matagal. Kung anuman ang iniisip niya, hindi ko masabi. Nakaka-panic. Hindi ko alam kung nagha-heart attack na ba siya or something.

“Hey. Abbie. Come on. Say something. Ang totoo kasi niyan…” Huminga ako ng malalim. “Hindi ako marunong mag-Ilocano. So… I need you. I need your help. There. I said it.” My ears feel hot.

Matagal bago siya nakasagot. “Y-yu’n lang ba?” Bigla siyang natawa. Pero nang tignan ko siya, halata sa mga mata niya na pilit lang ‘yon. “Y’un lang pala eh. B-ba’t kasi di mo sinabi agad? Nahihiya-hiya ka pa eh bina-blackmail mo na nga ako. Adik.”

Nauna na siyang umakyat, medyo natatawa pa rin. Nakahinga na’ko nang maluwag. Hindi siya nagalit. Buti na lang.

***

Walang may gustong maunang magsalita sa’ming dalawa habang nakaupo kami sa pinakagilid na table ng fast food restaurant. For some reason, it feels awkward. Pinanood ko lang siya habang mabagal niyang kinakain ang curly fries niya. Mukhang wala kasi siya sa mood.

After a while, nag-angat siya ng tingin sa’kin. “Bed spacer pala si Kristine doon,” simula niya habang tinutusok ng plastic na tinidor ang piniritong patatas.

“H-ha?” I shake my head. Parang wala ako sa sarili.

“Wala na siya. Lumipat na daw ng boarding house sabi nu’ng manang.”

“Ahh…” Tumango na lang ako. “Sinabi ba niya kung sa’n lumipat si Kristine?”

Uminom muna siya. Mga ten seconds. Parang nag-iisip. “Hindi eh. Pero malapit lang daw sa campus. Pagkauwi niya kasi galing sa hospital, sinundo daw yata ng syota.”

Damn it. Nagsayang lang ako ng panahon ko. Lahat ng ginawa namin, nauwi lang sa wala. Dinamay ko pa si Abbie sa kalokohan ko. I’m back to square one.

Huminto si Abbie ng kakakain. “S-sorry.”

“Bakit? No. You don’t need to feel sorry. It’s totally fine.”

“Eh kasi… hindi mo magagawa yu’ng Psych requirement mo?” bulong niya, parang nahihiya. Inusog niya nang dahan-dahan ang sundae niya papalapit sa’kin. “Sa’yo na lang. Para ‘wag ka na malungkot.”

Hindi ko maiwasang matawa sa kaniya. “You sure? ‘Yan nga, mukhang kulang pa sa’yo. Besides, don’t feel too bad about it. May lead pa naman ako kay Kristine. Sa school din natin siya pumapasok.”

“Ha?” Mukhang nagulat siya, napataas ang kilay. “Pa’no mo naman nalaman?”

“Errm…” Nag-isip ako ng alibi. Sinadya ko kasing hindi sabihin sa kaniya ng tungkol sa diary na napulot ko. “Nabasa ko sa records niya.”

Kumunot ang noo ni Abbie. “Parang wala naman akong nakita. Pero sige. May kakilala akong student assistant sa Registrar’s. Tingnan natin kung puwede tayong maka-tap sa student database.”

With a sigh, I shake my head. “Ako na’ng bahala dito. From now on, I’m on my own. Twice mo na nga akong tinulungan. Ayaw ko nang madamay ka pa just in case I really screw up this time.”

Hindi siya agad nakaimik. “Sure ka?”

“I’m sure. Nakakaabala na nga ako sa’yo. I know hectic ang schedule ng mga nursing students.”

“Hindi naman,” sagot niya. “Okay lang. Ibig kong sabihin… iniisip ko na lang na nakakagawa ako ng good deed.”

Pinipilit ko na huwag matawa habang umiinom ng softdrink. Muntik na’kong masamid. “Good deed? Bakit? Makasalanan ka na?”

She purses her lips. “Ba’t ikaw? Hindi ba? T’saka ‘di ba YOLO, you should make the most out of it,” she quotes with her fingers. “Ano ba naman yu’ng mag-charity work ako paminsan-minsan? Kaya, tutulungan kita. Ha?”

“No need, Abbie. I promise this will be the last time I’ll ever bother you.” Sinubukan ko’ng ngumiti.

Ang totoo, medyo nakakalungkot na ito na ang huling beses na makakasama ko si Abbie. It’s not every day you meet a girl who can do what she does. Yo’ng alam mo na takot siya pero gagawin pa rin niya.

Paglabas namin ng fastfood, sinamahan ko siya sa sakayan ng jeep. Tahimik lang siya habang naglalakad kami, hindi katulad ng dati na lagi niya akong sinisigawan. Pumara ako para sa kaniya. Nang huminto ang sasakyan sa harap namin, nakatulala pa rin siya.

“So, here’s your ride,” I say, offering her my hand. “It’s nice knowing you and… thanks for everything.”

Tinitigan niya ang kamay ko. Matagal, mabagal bago niya inabot.

“Well then. See you around.” I don’t really believe that. I know when we meet again somewhere it will be like we never really knew each other. It will be easier that way. I put on my best smile, and then I turn around and start to walk away.

“Nico!” sigaw niya.

Huminto ako para harapin siya.

“Ano…” Natigilan siya. Nag-iisip nang malalim. “Yu’ng sweater mo, nasa’kin pa.

Napakamot ako ng ulo. “Kala ko naman seryoso na. Sige. Sa’yo na. Souvenir. Para hindi mo’ko masyadong ma-miss. Bye, Abbie,” natatawa ko’ng sagot. Tinalikuran ko siya at naglakad paalis.

***

“Eto na!” sabi ni Raph. Halatang excited pag-upo niya sa paborito naming table sa school cafeteria. Sa sulok katabi ng coffee stall.

Inilapag niya sa harap ko ang isang pilas ng notebook. Nakasulat do’n ang details tungkol kay Kristine, mula course, schedules at classrooms. “Pa’nong—“

“The chick in Window Six,” sagot ni Raph bago pa man matapos ang tanong ko. “I kinda asked her out. And she gave me the details over coffee. It was easy as pie.”

Nanlaki ang mga mata ni Jane. “Yu’ng student assistant sa Registrar’s Office?”

“Yep.” Mukhang proud pa si Raph.

Napapailing na bumuntong-hininga si Jane. “Ano ka ba naman, Raph? Baka mamaya seryosohin ka no’n. Hindi ka ba nakukunsensiya d’yan sa pambabae mo?”

“Bakit? Selos ka?” sabi ni Raph, nangingiting siniko ako sa tagiliran. “Eh kung tayo na lang kaya? I swear, magiging good boy na’ko.”

“Gano’n?” Nanglumbaba na lang si Jane. “Sige lang. Ituloy mo lang ‘yang hobby mo. More power to you.”

Bigla na lang tumawa ng malakas si Raph, nagmamadaling tumayo at kinuha ang bag niya. “O ano? Tara na, P’re.” Iniabot niya sa’kin ang bag ko.

“Sa’n?”

“Ano pa? ‘Di hahuntingin natin ‘yang chick mo.”

Kahit anong pigil ni Jane, natakasan pa rin namin siya. Tinakbo namin paakyat hanggang 4th floor ng Human Sciences building. Maraming nakatambay sa makitid na hallway. Nagkukwentuhan sa daan, nakaupo sa sahig kasama ng mga nakakalat na libro, padaan-daan para silipin ang mga nagkaklase.

Inilabas ni Raph ang pilas ng papel, humihingal. “Irregular second year Mass Com pala siya, P’re. Around three may Logic class siya sa…”—tinignan niya ulit ang papel—“four-oh-three.”

Tinignan ko ang relo ko. Malapit nang mag-alas kwatro. Hinila ko si Raph bago pa man siya nagsimulang makipagsiksikan sa mga tambay sa hallway. “Teka. Pa’no kung wala siya diyan?”

“Eh pa’no nga nating malalaman kung ‘di natin hahanapin?”

“Kung nandiyan nga siya, what am I gonna say? ‘Hi, Kristine. Pipigilan sana kitang magpakamatay.’ Is that it?”

Kumunot ang noo ni Raph, napapailing na tinapik ang balikat ko. “Tsk, tsk. P’re naman. Para sa’n na lang ang pagkakaibigan natin kung wala ka namang tiwala sa mga damoves ko? Akong bahala.”

Sumilip kami sa glass window ng pinto ng 403. I scan the faces of the students inside. It’s hard to see, but I spot her. Buti namukhaan ko siya kahit medyo makapal ang make-up niya.

“Ayun.” Tinuro ko kay Raph. “Sa second row. Yo’ng red ang buhok.”

Ngumisi si Raph. Parang may maitim na binabalak. “Ahh… ‘Yung naka-shorts na sobrang higsi? Puwede.”

Nang nagtayuan na sila, hinila ko si Raph palayo sa pintuan. Nagkunyari kaming nakatambay lang at nag-uusap habang naglalabasan ang mga estudyante galing sa room. Nang papalabas na si Kristine, biglang tumalilis si Raph at nakipagsiksikan sa mga estudyante, sinasadyang pabagalin ang linya. Nang makalapit siya kay Kristine, binunggo niya ito kaya nahulog ang mga dala niyang gamit. Tumingin si Raph sa’kin ng palihim, parang sinasabi sa’kin na ‘yon na ang chance ko bago siya umalis.

Cliché.

Nilapitan ko si Kristine at tinulungan siyang pulutin ang mga nahulog niyang libro.

Nang iaabot ko na sa kaniya, bigla niya ‘yong hinablot sa’kin. “Akin na nga ‘yan. Nakakainis!” asik niya habang inaayos ang mga laman ng oversized na shoulder bag niya. “Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan.”

“Uhm…” Asar. Kung wala lang akong kailangan sa babaeng ‘to, malamang kanina ko pa ‘to pinatulan. Pinilit kong ngumiti. “Hindi kasi ako ‘yong nakabunggo sa’yo, Miss.”

No’n pa lang siya tumingin sa’kin. Mga 3 seconds siyang nakatulala nang wala namang dahilan. Siguro may sakit. Bigla na lang siyang tumayo para ayusin ang gusot ng damit niya. Kaya ako—kawawang ako—na lang ang namulot ng mga naiwan niyang gamit.

“Here,” I say, handing her stuff.

Matagal siyang blanko bago nasabing “Ha?”

“These are yours, right?” Kinuha ko ang kamay niya at nilagay do’n ang mga libro. “You okay?”

“Ano… ah…” Hinawakan niya ang ulo niya. “Medyo nahihilo yata ako.”

Five minutes later, nasa cafeteria na kami. Ni hindi ko alam kung bakit ko siya inilibre ng juice at sandwich. Mukha naman siyang okay. Pero ang simpleng hilo lang, naging grabeng sakit ng ulo na. Wala naman akong kinalaman kung ano man ang nangyayari sa kaniya. Pero ako ang napeperhuwisyo. Mukhang nagkamali talaga ‘ko nang pilitin kong hanapin si Dead Girl. Napasubo na yata ako.

“Are you sure you don’t want to go to the school clinic?” I keep hoping she’d say yes. Just so I can get out of this predicament. “Baka seryoso na ‘yan.”

“Hindi. Okay lang ako.” Uminom siya ng juice.

“So…” I clear my throat. “I’ll just… go ahead, okay?”

Bigla na lang niyang nasapo ang ulo niya. “Ouch…” Then she leans her head on my shoulder.

“That’s it. I’ll take you to the clinic.”

“No,” pigil niya, hawak ang kamay ko. Iniupo ko siya ulit. Nakakaalangan na kasi. “Side effect lang siguro ‘to nu’ng ininom kong Centrum.”

Natahimik ako. Nag-iisip kung pa’no magsisimula. “Naalala nga kita.”

Halata sa mga mata niyang nagulat siya. Pero nang napatingin siya sa uniform ko, wala siyang nagawa kung hindi tumango. “May problema lang kasi ako no’n…” sabi niyang, parang nahihiya. “Pero wala naman talaga akong balak magpakamatay,” bawi niya.

Huminga ako nang malalim, pinatong ang mga braso ko sa mesa habang nakatingin sa kaniya. “Go on. I’m listening.”

Hindi makaimik si Kristine. Palinga-linga ang mga mata niya sa paligid, parang nag-iisip.

May isang grupo ng mga estudyanteng naka-pink na uniform ang dumaan sa harapan namin. Napansin ko si Abigail sa pinakahulihan nila. Sinubukan kong ngumiti pero diretso lang ang tingin niya na para bang hindi niya ako nakikita.

She meets my expectations.

“Si Earl kasi…” simula ni Kristine.

“Earl.” Ibinaling ko na lang sa kaniya ang atensyon ko. Ang alam ko, Kiko ang pangalan ng taong iniiyaakan ni Dead Girl. “Boyfriend?”

Tumango siya. “Pinagpalit niya ako sa iba. Ang gusto ko lang naman, balikan niya ako. Kaya sinabi ko sa kaniya na kapag hindi niya hiniwalayan ang babaeng ‘yon, magpapakamatay ako.”

Gusto kong matawa. “And? Did it work?”

“Binalikan naman niya ako,” sagot niya, nakakunot ang noo. “Doon na nga ako nakatira sa boarding house niya. Pero… hindi na ako masaya.”

I sigh, massaging the bridge of my nose. This is completely not what I’m expecting. I never thought Dead Girl would be so shallow. And it doesn’t add up. I don’t know if I’m just dumb or if I should be reading between the lines. Dead Girl wants to kill herself because this Kiko guy is supposedly dead. Not just because he ran off with some girl.

I fix my eyes on Kristine, deciding to get straight to the point before I could lose my patience. “Are you Dead Girl?”

“Ha?”

“Ikaw ba si Dead Girl, Kristine? Ikaw ba ‘yong may-ari ng black na diary?”

“Ha? Ano?”

Tumayo na ako. “Clearly, you have no idea what the hell I’m talking about. Sorry, Kristine. I think I’ve mistaken you for someone else.”

Bago ako makaalis, hinila niya ang kamay ko.

“Wait,” sabi niya. “Hindi ko pala naitanong ang pangalan mo.”

“I have to go.”

Papaalis na’ko nang makita ko si Abbie na nakatingin sa’kin. Nagtatanong ang mga mata niya. Hindi siya. ‘Yon sana ang gusto kong sabihin sa kaniya. Sa huli, umiling na lang ako at umalis.

Magulo ang isip ko habang naglalakad.

Itutuloy ko pa ba? Bakit ko pa ba kasi naisipang ubusin ang oras ko sa paghahanap sa taong ayaw namang magpakita?

Bigla na lang sumulpot si Raph sa likuran ko. “Ano’ng lagay, P’re?”

“It’s not her.”

“Ano na ngayon ang balak mo?”

“I dunno.” Nagsimula kaming umakyat ng hagdanan. Nadaanan namin ang Ladies’ Dorm ng university. Kung hindi siya si Kristine, isa kaya sa mga nakatira do’n si Dead Girl? “I guess I should just… give up and move on.”

“Ikaw lang eh,” sagot niya, nanunuya. “Kakayanin ba ng konsensya mo?”

Hindi ako makasagot. Alam na alam niya kung papaano ako papahirapan. “Kung si Jane lang ang kasama ko ngayon, malamang sasabihin niya, okay na. You did everything you could.”

Humihingal na kami pareho pagdating namin sa tapat ng guard house sa dulo ng hagdanan. Pero may gana pang mang-asar si Raph. “Si Jane kasi, pa-impress sa’yo ‘yon. Ako, totoo lang. Pero Bro, seryoso lang. ‘Yan bang paghahanap mo kay Dead Girl eh dahil lang talaga sa Psych requirements natin o dahil sa nangyari sa Mama mo dati?”

Tiningnan ko siya ng masama.

“Ehem…” Pilit siyang tumawa, napapakamot sa ulo. Alam niya kasing ayaw kong pinag-uusapan yon. “Sabi ko nga eh, kain na lang tayo sa kubo. Libre kita, ha? Para hindi na uminit ‘yang ulo mo.”

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sino kaya talaga si Dead Girl? Ano'ng nangyari sa Mom ni Nico na ayaw niyang pag-usapan? Ilang Dead Girl pa ba ang ililibre niya sa canteen bago niya mahanap ang tunay na emotera? Hula na. Libre lang. :) 

Don't forget to vote

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top