4 - Disguise
“Abbie?”
Iniisip ko palang na ang swerte ko, bigla na lang akong tinamaan ng malas. Puwedeng hindi nga si Audra si Dead Girl. But here’s the next best thing—the girl who might know who she is.
Nag-angat si Abbie ng tingin sa’kin pero dali-dali ring nagmadali sa paglalakad nang nakayuko. Parang nagulat yata. O natakot.
“Abbie! Wait!” Hinabol ko siya. Suwerte namang naabot ko yung hoodie ng jacket niya. Hinila ko iyon. “Abbie, right?”
Napaatras siya, sapilitang inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa jacket niya. Pasimple siyang tumingin sa paligid na parang naninimbang kung tatakbo ba siya o sisigaw.
Bago ako mapagkamalang kidnapper, tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya at hinila siya papunta sa tapat ng isang street lamp. “Hindi mo ba ako natatandaan?”
Umiling lang siya, nakatingin pa rin sa baba.
“Hindi ako masamang tao, okay? Nagkasabay tayong mag-duty sa ER last week. Nico, remember?” Sinubukan kong ngumiti. Kung nakatulong iyon na kumalma siya, hindi ko masabi. “I’m not gonna hurt you or anything like that. May gusto lang sana akong itanong.”
Sa wakas, humarap siya sa akin at tinitigan ako nang matagal. “I-ikaw pala… S-sir.”
Tatlong skaters ang sumulpot sa likuran ni Abbie. Kung sa pangangatawan lang at height, may ibubuga sana ako ‘pag nagka-trouble. ‘Yun ay kung hindi nila ako pagtutulungan. Pero kung oo, malamang manghihiram ako ng mukha sa aso.
“Gail?” tawag ng isa sa kanila, yung taas-taas ang buhok. Sa tingin ko hindi naman nalalayo ang edad namin pero mas maliit siya sa’kin. May hikaw lang sa kilay, uber sa angas. “May problema ba dito?”
Namutla si Abbie, halatang natataranta. “Ah… Grey. W-wala naman. Ano, uh… mag-uusap lang kami saglit. Mauna na kayo.”
“Sigurado ka?” tanong ulit ni Grey, lumapit at binangga ako ng balikat niya na kunyaring hindi sinasadya. “Gabi na. Ihahatid ka na ni Milo.”
“Hindi na.” Hinablot niya ang dulo ng kaliwang manggas ng uniform ko at hinila ako palayo mula sa mga kaibigan niya.
Tahimik kaming nagpalakad-takbo, takbo-lakad hanggang marating namin ang Lake Drive. Doon pa lang siya huminto, nakayuko habang nasa tuhod ang mga kamay. She catches her breath for a minute and then sits on a bench facing the manmade lake. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang iba’t-ibang kulay ng mga ilaw na naglalaro sa fountain sa gitna ng lake. Puno na rin ng LED lights at Christmas decorations ang buong park. Magpa-Pasko na kasi.
“Ahhh…” Nag-inat siya, pinanonood pa rin ang mga bangkang dumadaan sa harap namin. “Muntik na’yon. Mainit pa naman ang ulo ni Grey. Ba’t naman kasi kung makahablot ka para ka namang holdaper?”
Naisip ko kung dapat ba akong umupo sa tabi niya o manatili na lang nakatayo sa likod ng bench. Awkward naman kasi, usually mga nagde-date ang nauupo doon. Napakamot ako ng ulo. Ang totoo, hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang hinabol. “Kung ‘di ka naman tumakbo, hindi naman kita hahabulin.”
Tumingala si Abbie na para bang mayroon siyang nakikita sa taas na hindi ko makita. Isang star lang ang visible, dahil na rin sa air pollution.
“Weird lang,” sabi niya. “Kasi nakilala mo pa rin ako.”
“What do you mean?”
She laughed. “Lagi kasing sinasabi ng mga instructors namin na kapag daw naka-uniform kami, tingin nila sa’min magkakamukha na. Kaya kapag naka-ordinary clothes kami, hindi na nila kami nakikilala.”
“Sila ang weird,” mahinang sagot ko. “You never forget a pretty face when you see one.”
“Ano’ng sabi mo?”
“Wala,” bawi ko agad. If that was just a mindless thought or a joke, I can’t really tell. “Ano naman kung nakilala kita?”
For a while, hindi siya nagsalita. Sa wakas, lumingon din siya sa’kin. Himala at nakangiti siya. “Nakakahiya kasi nakita mo ’ko na ganito ang hitsura ko.”
“And?”
“Seryoso?” Kulang na lang mag-abot ang dalawang kilay niya bago muling nagbaba ng tingin. “Ang emo. Siguro ‘yun ang iniisip mo…” Natahimik siya sandali. “Pero hindi naman talaga ako ganitong manamit. Uhm… galing kasi ako sa Con, pinilit kasi ako ng mga tropa ko na… mag-cosplay. Oo, cosplay kasi ‘to.”
I nod. “A’right. Frankly, I don’t see anything wrong with it.”
“Totoo naman eh! Bakit ba—” Bumukas-sara ang bibig niya, mukhang may gusto pang sabihin kaso hindi na niya itinuloy. “Uh… Uhm… okay.”
Again with the awkward silence. Cold wind blows on our faces, making us both shiver.
I clear my throat. “I’d offer you my sweater but it’s ruined.”
Sinundan ni Abbie nang may magdaan na mag-boyfriend sa likod namin. Magka-holding hands pa. Asar. Nasa maling lugar talaga kami.
“Ba’t, ano nangyari d’yan?” Kinuha niya ang sweater sa’kin at iniladlad iyon para tingnan. “Coffee?”
Tumango ako, napabuntong-hininga. “Long story. Don’t ask.”
“Bili ka na lang ng bago. Mahirap na ‘yang tanggalin,” sabi niya, nakangiting napapailing.
“Yeah, maybe I would. Sayang kasi bigay ‘yan ng Ma—“ Huli na nang mapansin ko na masyado na’kong maraming sinasabi. I don’t know how it happened, but I’m not usually the kind who’d narrate all my nonsense to strangers. Plus, I don’t want her or anyone to think I’m such a Mama’s boy.
“My sentimental value?” Hindi man lang niya hinintay na sumagot ako bago niya inilagay sa loob ng backpack niya ang sweater ko. “Ako na’ng bahala dito. Ibabalik ko sa’yo ‘pag malinis na.” Tumayo siya, malamang naalangan na rin. “Pero, secret na lang natin ‘to ha?”
“Alin?”
Tumingin siya sa sarili niya. “Ito.”
Tumango na lang ako at sinundan siya, sadyang nagpapahuli ako ng dalawa o tatlong hakbang habang nakatingin sa malayo para magmukhang nagkataon lang na pareho kaming naglalakad sa ilalim ng mga puno. “Sino ba kino-cosplay mo?”
“Ano na nga ba ‘yung itatanong mo?” Change topic. Okay.
Back to business. “Tanda mo ‘yong patient mo na nag-overdose? Do you remember any information about her? Her name, address, school. Anything that can give me a clue as to where to find her?”
Huminto siya. Huminto rin ako bago ko siya mabangga.
“Oo. Kristine Aguilar. ‘Yung ibang details, hindi ko na matandaan. Bakit mo tinatanong?” Nagpameywang siya, mukhang nagdududa na sa’kin. “Stalker ka ba?”
“Ako? Stalker? ‘Tong mukhang ‘to? Hindi ah!” depensa ko. “Kailangan ko kasi ng client para sa Psych. And she’s perfect for the job.”
Naglakad ulit siya nang mabilis. Medyo sinasadya yata akong iwan. “Maghanap ka na lang ng iba. Mahirap nang makakuha ng info tungkol sa kaniya kasi matagal na siyang na-discharge. Pwera na lang kung may kakilala ka sa records section ng hospital tulad ko. Kaso, confidential ang mga patient records, so unless lagyan mo ng Ativan ang pagkain niya, siguradong hindi ka makakapasok sa—“
“May kakilala ka sa records section?”
“Oo—uh… ibig kong sabihin… Ano ka? Sira?” Bigla na naman siyang huminto sa paglakad. This time, nabangga ko na siya at umuntog ang nguso ko sa noo niya.
“Aray!” sigaw niya sabay hampas sa’kin, gumegewang pa habang tutop ang noo niyang namumula.
Lasang dugo ang bibig ko. Nagsugat ata pero hindi ko pinahalatang nasaktan ako. Instead, I take her by the shoulders, forcing her to focus on me. “May kakilala ka nga ba sa—“
Tinulak niya ako palayo. Hindi siya makatingin sa’kin ng diretso. Namumula na ang mukha niya. Siguro napalakas ang pagkakauntog niya sa’kin.
“Sira ka ba?”
I don’t answer. I smile. “Eh, Ativan? Alam mo kung sa’n nakakabili?”
***
“Shit naman oh,” reklamo ni Abbie habang inaayos ang puting apron ng pink na nursing uniform niya. “Mahuhuli tayo nito eh.”
Ayaw niya naman talagang tulungan ako. But I was desperate. By some miracle, I managed to talk her into (threaten, actually) this. I told her that if she won’t help me, I’d tell everyone about her “secret”. Actually, napakadali lang namang i-deny no’n. Not like it’s a disease or something. Besides, I won’t actually waste my efforts broadcasting to the rest of the world that she’s a closet Goth. I got better things to do. Finding Dead Girl, for example.
“Huwag ka kasing magpahalata.” Hinila ko siya pababa sa hagdan ng records section. “I have a plan, so relax.”
Umikot na naman ang mga mata niya. “Ano naman ang plano mo ‘pag nahuli tayo?”
Nag-isip ako. “I haven’t actually gotten to that part yet.”
Tiningnan niya ako nang masama.
Napakamot na lang ako ng ulo. “Come on. I make these things up as we go. It’s a… contingency plan.”
“Contingency, contingency ka pa d’yan,” reklamo niya. “Good luck na lang sa’tin ‘pag na-expel tayo.”
Biglang may papaakyat na orderly kaming nakasalubong. Hinatak ko si Abbie sa sulok ng hagdanan. Napasandal siya sa pader. Ako naman, tinalikuran ko ‘yong orderly at hinintay na makaraan siya habang nakatukod sa pader ang isang kamay ko.
“Ay, Apo. Dito pa nag-lalambutsingan,” bulong ng babaeng orderly.
That’s when I realize that Abbie is staring at me with wide eyes. She suddenly acts strange like she’s hyperventilating or something. I step back with my hands up.
Nagkunyari siyang inaayos pa rin ang uniform niya, nakairap sa sahig. “Bad trip! Kasi naman eh. Bilisan na nga natin.”
Papadyak siyang bumaba ng hagdanan. Pagdating naming sa harap ng records section, dumungaw siya sa service window.
Isang lalaking naka-Harry Potter glasses ang nakaupo sa likod ng pintuan. Mga nasa bandang mid-twenties na siguro siya. Once he saw Abbie, kumaway siya. “Gail!”
“Kuya Ced!” bati agad ni Abbie, ngiting-ngiti habang nakatingkayad sa harap ng window. “Mag-isa ka lang diyan?”
“Oo eh,” sagot nung Ced. “PM break na nga dapat kaso… Mag-order na lang siguro ako.”
“Naku, tamang-tama,” sabi agad ni Abbie sabay kuha ng mga dala-dala kong fast food takeouts. “Dinalhan na kita ng dinner.”
“Wow. The best ka talaga, Gail.” Umaabot na nang tenga ang ngiti ni Ced.
Medyo nakakaasar na. Para pagkain lang, ‘kala mo tumama na sa lotto. Nanahimik na lang ako at hinayaang si Abbie na lang ang dumiskarte. Mukha namang enjoy siya sa pang-uuto kay Ced.
“Oo naman,” sabi ni Abbie. “Lakas mo sa’kin.”
Habang hinahalungkat ni Ced ang paper bag, bigla siyang napatingin kay Abbie. Nawala ang ngiti niya, parang magic. “Gail? Okay ka na ba talaga kasi—“
“Ano ka ba Kuya Ced!” Pilit na tumawa si Abbie. “Magduduty ba’ko kung… may sakit ako? T’saka kasi, may kailangan kasi talaga ako sa’yo kaya kita pinuntahan,” pagbabago niya sa usapan.
Sinara agad ni Ced ang paper bag sabay tanggal ng Harry Potter glasses niya. “Sinabi ko na eh.”
“Ops,” hirit ni Abbie. “Bago ka humindi, pakinggan mo naman muna kasi ako. Kelangan ko kasi ‘yung records ng isang pasyente ko sa ER last week, gagamitin namin sa… report—uhm, case study—kaso hindi ko nakuha lahat ng data. Baka naman pwede kong masilip kahit sandali lang.”
Tumaas ang kilay ni Ced habang nililinis ng panyo ang salamin niya. “May authorization letter ka galing sa patient?”
“Wala eh…”
“Permission from the attending physician?”
“Wala din, Kuya,” matamlay na sagot ni Abbie. “Pero saglit lang naman, Kuya Ced. Promise. Five minutes lang. Silip lang.”
“Hindi pwede.”
Tumalikod si Abbie, mukhang malungkot habang papaalis bago biglang bumalik ulit. “Two minutes?”
“Hindi nga puwede. Ang kulet.”
“Kahit magmakaawa ako? Pleeeeaasse?!”
Kumurap lang si Ced. “Kahit magpa-cute ka pa diyan maghapon.”
Siniko ko si Abbie nang bahagya. “I told you, it won’t work,” bulong ko.
“Eh, at least sinubukan,” sagot niya, halatang naiirita. Ilang segundo lang at nakangiti na naman siya habang kinakausap si Ced. “O sige, Kuya Ced. Ano ba naman ang magagawa ko kung hindi talaga puwede? Kumain ka na. Masarap ‘yan.”
Nakapangalumbaba si Abbie habang pinapanood kumain si Ced. Panay naman ang tingin ko sa relo ko. Kailangan na naming magmadali. Sa totoo lang parang aatakihin na’ko sa kaba. Hindi naman talaga ako sanay gumawa ng mga ganitong ‘illegal’ na bagay. Sana kasama namin si Raph. Hustler yo’n sa mga ganito.
“O ano, Kuya? Sarap ba?”
Wala nang nagawa si Ced kung hindi ang tumango. Pero sa halip na umangat ang ulo niya, unti-unti ‘yong bumagsak sa plato niya. In no time, naghihilik na si Kuya Ced. Ha.
Sinulot ni Abbie ang braso niya sa service window at in-unlock ang pinto mula sa loob.
Tumingin muna ako sa paligid. Mukha namang walang parating. Nang nasa loob na kami, hinila namin si Ced sa isang upuan. Pinunasan pa ni Abbie ang mukha niyang puro kanin bago nilagyan ng unan ang ulo niya.
“Tch. Mamaya na ‘yan!” Nagsimula na’kong maghanap bago pa man mag-wear off ang epekto ng gamot. It doesn’t take long before I find the records. I write down the address written on it.
“May contact number?” Nasa likod ko na pala si Abbie, hindi ko agad napansin.
“Wala eh.”
Bago kami umalis, binulungan pa ni Abbie si Ced ng, “Sorry talaga, Kuya Ced. Sana mapatawad mo pa’ko.”
Pagkalabas namin, dahan-dahan ko’ng isinara ang pinto. “Concerned ka? Kapatid mo?” Medyo sarcastic ang labas no’n pero halata namang hindi niya napansin kasi bigla siyang natahimik.
Nasa hallway na kami nang sumagot siya. “Hindi. Kuya ng… kaibigan ko.” She looks really worried when she stops and turns to me. “Ba’t parang ang tagal niyang magising? Parang… Ano ba kasi ‘yung nilagay mo sa pagkain niya?”
I shrugged. “Don’t worry. Hindi ako nakatiyempo sa crash cart kaya Benadryl lang nilagay ko.”
“Benadryl? Eh bakit ang bilis naman ng epekto?”
“No idea,” I answered, pressing lips into a thin line. “Baka madali lang talaga siyang makatulog. Or baka madali siyang tablan. Or… baka naparami ang nilagay ko?”
“Whaaat?” Napaupo na lang sa hagdan si Abbie. Parang natutulala. “Lagot ako nito.”
“Relax.” Hinawakan ko siya sa balikat. Honestly, hindi ko talaga alam kung pa’no ko mapapagaan ang loob niya. Nandito lang naman siya sa ganitong sitwasyon dahil sa’kin. “I’m sure magigising siya. Okay?”
“Okay.”
“Siguro...”
“Ha?”
“Sana?”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote please
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top