20 - Deadline

 Ba't pa tayo pinatagpo?

Ngayon sa aking paghimbing

Ala-ala mo ang kapiling

'Di mo lang alam...

"Suko na yata 'ko," sabi ko habang tina-target ang number 4 pool ball.

Tinira ko. Hindi pumasok.

Si Raph naman ang sumipat. "Kay Dead Girl? Kay Abbie? Sa Psych? Be specific, Brad."

Pinanood ko munang pumasok ang bola sa pocket. "Kay Dead Girl. Sa Psych. Sa Medicine, in general."

Iniangat ni Raph ang tingin sa'kin. "So? Mag-shift ka. Ano ba talaga kasi ang gusto mong gawin?"

I shrug. "I... don't know."

"Alam mo, ang labo mo."

"Alam mo namang all my life wala akong ginagawa kundi sundin lang ang gusto ni Mama. I guess, I didn't really get an opportunity to think about what I really want."

He stands his cue stick and rests an arm on tip of it. "E si Dead Girl? Gusto mo ba talaga siyang i-save, o feeling mo dala lang ng kunsensya mo? Kasi magkaiba 'yon, Brad. Kung kunsensya mo lang ang iniisip mo, that's selfish. Pero kung gusto talaga mo siyang tulungan, I think it's a noble thing to do."

Napaisip ako. "Believe it or not, I want to help this girl. Pero pakiramdam ko, kakahanap ko sa kaniya, hindi ko na napapansin 'yong mga dapat kong ayusin sa sarili kong buhay."

"Sabi ko nga sa'yo, iwan mo na lang 'yan sa lost-and-found. O kaya, i-report natin sa Student Affairs Office."

Napabuntong-hininga ako. "I guess..."

Mabigat pa rin ang loob ko, pero siguro nga, wala na 'kong magagawa. This was just like when Mama got depressed. Hindi ko man lang siya natulungan.

How the hell am I supposed to be a doctor if I couldn't save even one life?

I decided to take Raph's advice.

Bukas, isu-surrender ko na ang diary ni Dead Girl sa Student Affairs Office ng University. Sana mahanap nila siya. Sana may pakialam sila.

But before I finally part ways with the diary that started it all, I decide to scan the rest of the diary. May mga part kasi na hindi ko pa nababasa. As I do so, I notice a small drawing on one of the pages.

It's a sad bear playing chess by itself.

Tinitigan ko 'yon ng mabuti. It looks really familiar.

Mabilis kong binuklat ang diary. May nakita na naman akong isang drawing ng bear na may angel wings.

It takes me a while to process what I'm looking at.

"No," I mutter to myself.

Nabitawan ko ang diary as I run to my study table. Nanginginig ang kamay ko nang binuksan ko ang drawer no'n at nagsimulang hanapin ang mga piraso ng papel na alam kong tinago ko do'n.

Para 'kong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang mga table napkin na pinag-drowingan ni Abbie habang magkasama kami.

I secretly kept her drawings because I wanted a souvenir. Pero ngayon, parang death sentence ang mga 'yon para sa'kin.

Dead Girl gave me exactly 31 Days to find her. And now that I know who she really is, I don't know what to do.

Pitong araw na lang ang meron ako.

Akala ko, mahirap nang sumagip ng taong hindi ko kaanu-ano, pero mas mahirap pala 'pag mahal mo 'yong kailangan mong sagipin.

I flop on the nearest chair staring at the drawings.

I couldn't move. I couldn't think. I couldn't even breathe. It's as if the whole room was spinning.

My head hurts and my vision starts to blur. I feel sick to my stomach.

Panic attack.

Narinig ko na lang ang isang malakas na ingay. Hinanap ko kung saan nanggagaling 'yon.

Napansin kong nakailaw ang screen ng phone ko. May tumatawag.

Holding my head, I stagger to my bed and grab it.

Si Abbie.

Sinubukan kong kumalma pero pakiramdam ko, mawawalan ako ng ulirat. Huminga ako nang malalim.

One.

Two.

Three.

"Don't panic," I tell myself, sucking in a sharp breath. "Nothing bad... is gonna h-happen."

Finally, I gather the courage to answer the call.

"Why're you calling? A-are you okay?!" sabi ko agad pagkalapat ng telepono sa tenga ko.

Nang marinig ko ang mahinang tawa niya, saka lang ako nakahinga ng maluwag. "Oo, bakit?"

"W-wala..."

"Nico, okay ka lang?"

I take a deep breath. "I'm... I'm fine. Ikaw?"

"Okay nga lang ako. Paulit-ulit?"

"J-just making sure. Ba't ka nga pala napatawag? Do you maybe want to hang out?"

"Hindi muna. Magvi-visit kami ni Auntie sa temple e."

"Samahan ko na kayo."

I want to see that you're okay.

"'Wag na 'no. Baka ma-terrorize ka pa ni Auntie."

"I can handle it. Besides, sooner or later, I'd have to meet her anyway."

Pa'no kung bigla kang malungkot 'pag wala ako?

Natahimik si Abbie. "Alam ko, pero hahanap muna 'ko ng tamang timing, ha?"

"You sure?"

I'm scared.

"Oo nga," sagot ni Abbie.

I hold onto the side of the bed. "You still haven't answered my question."

"Anong question?"

"Why're you calling?"

Please. Please tell me to come running to you.

"Wala lang," sabi niya. "Na-miss lang kita. 'Yon lang."

"Okay..." I breathed out. "Abbie?"

"Hmm?"

"Masaya ka naman, 'di ba?"

Don't do it. Please.

May pause. Parang nag-isip siya. "Oo. Masaya ako."

"Abbie..."

"Bakit?"

"I promised you I'd give you the best day ever, 'di ba?"

"Best day ever naman tuwing kasama kita e."

"So, is it okay if maging best day ever araw-araw?"

Promise you'll stay with me.

"Baka mahirapan ka," she giggles.

"I'll do anything to make you happy... I swear. So just... just..."

"Ano'ng meron? Ba't ang bait mo bigla, ha, Nico?" biro niya. "May ginawa kang kasalanan 'no? Nag-chicks ka?"

"Hindi ah!"

Her laughter is the only thing I need to get back to my senses. I could feel the panic in me slowly subsiding.

"Gusto ko lang marinig ang boses mo," sabi niya.

"Then feel free to call me anytime."

"O sige, aalis na kami. Ba-bye na."

"Pwede bang 'wag ba-bye?"

"E ano?"

"I love you, Nico. See you later. Gano'n."

"Pffttt..."

"Please, Abbie?"

Matagal siyang natahimik. "I love you, Nico. See you later. Gano'n... Masaya ka na?"

"It's a start," I tell her. "Try to do better next time, okay?"

"Opo."

Binabaan na niya ako ng telepono. At wala akong nagawa kundi mag-isip kung ano'ng susunod kong gagawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top