19 - Unfinished
'Di ba sapat
Na ika'y mayro'ng pag-ibig
Nasa puso mong hindi maipapalit?
Ika'y ngumiti...
Bakasyon na pero pakiramdam ko, naghahabol pa rin ako. I feel like everything is going out of my control.
Malapit na ang deadline ni Dead Girl. Nawawalan na rin ako ng pag-asa.
"Mukha ka na namang nalugi," pansin ni Abbie habang naglalakad kami sa mall. "Kanina ka pa hindi umiimik."
Isa ko pang kinaiinisan, kung bakit wala man lang akong nakukuhang paliwanag sa kaniya about sa nangyari kagabi. Parang sasabog ang utak ko kakaisip kung ano'ng ginawa ni Grey sa bahay nila.
Paggising ko kaninang umaga, ayaw ko sanang lumabas. I was so pissed I swore I wouldn't talk to her. Pero nag-text lang siya na nagyayayang lumabas, mabilis pa sa alas-kwatro, gumayak agad ako para sunduin siya.
What have I gotten myself into?
"Medyo masakit lang ang ulo ko," I lie.
Huminto siya, pumunta sa harap ko para tingnan ang mukha ko. I look away before I could forget that I'm mad at her.
She places her hands on the sides of my face and forces me to look her in the eyes.
"Hindi ka nakatulog, 'no?" puna niya. "May eye bags ka e."
I cleared my throat, feeling embarrassed. "Nakatulog ako, 'no. Ba't naman hindi ako makakatulog?"
"Hindi ka naman galit niyan?"
"Hindi ako galit. Ba't naman ako magagalit? Porke ba nando'n 'yong asungot na 'yon sa bahay n'yo kagabi? Psshh..."
Napangiti si Abbie.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong ko.
Tumalikod siya at naunang maglakad. "Wala."
"Ano'ng wala? Baka akala mo, nagseselos ako Abigail. I'm tellin' you, I ain't the type that gets jealous. I don't give a damn kung anuman ang ginagawa ng ugok na 'yon sa bahay n'yo!"
Huminto siya para hintayin ako. She anchors an arm around mine.
"Wala naman akong sinasabing nag-seselos ka, Nico."
"Buti naman alam mo."
"Alam ko nga."
"Buti na 'yong malinaw."
She presses her lips into a thin line and pulls me to a bookstore. Doon niya ako agad hinila papunta sa isle ng young adult fiction.
For a few minutes, I wait for her as she browses on the titles. She finally stops in front of a book. Pinili niya 'yong wala nang plastic. Halatang ilang daang beses na 'yong binuklat kasi lukot na ang cover page at malapit nang maghiwalay ang mga pahina.
The Fault in Our Stars.
Binuklat niya sa kalagitnaan ang libro, sandaling natahimik para basahin ang nasa page.
Pumili ako ng isang naka-plastic. "Bilhin na natin?"
Umiling siya, hinila ako sa bandang dulo ng bookstore dala ang libro.
May children section doon na napapaligiran ng mga bookshelf kaya medyo tago. May mga bata doon na nagbabasa ng children's books. May ilan ding mga teenagers na nagbabasa naman ng mga librong gusto nilang basahin pero ayaw naman bilhin.
Abbie tows me to a secluded corner. She flops onto the carpeted floor and gestured me to sit beside her.
"Pwede pala 'yon," bulong ko sa kaniya. "Won't we get in trouble?"
She gives me an unsure shrug.
"Bilhin ko na lang para sa'yo." I start to get up but she pulls me back down.
"'Wag na."
"Bakit?"
"Ilang pages lang naman 'yung babasahin ko. Saglit lang."
"Let's just buy it. So you can finish reading it at home."
"Wala naman akong balak tapusin, e."
Napakamot ako ng ulo. "Bakit mo pa sinimulan kung wala ka naman palang balak tapusin?"
Again, she shrugs. "Nabasa mo na ba 'to?"
"No."
"Ako rin," sabi niya. "Pero alam ko na kung ano'ng ending, kaya ayokong tapusin."
"Bakit, ano ba ending niyan?"
Ngumiti siya. "Basahin mo, tapos sabihin mo sa'kin kung maganda."
I frown. "Lagi ka na lang may pa-assignment. Kahapon, 'yong movie, ngayon, libro naman? Daig mo pa'ng Prof ko sa Psych niyan."
She laughs. "Hindi naman kita pinipilit."
"Yeah, yeah."
I wait for her for about half an hour.
Tahimik lang siya habang nagbabasa kaya pinanood ko na lang siya.
Minsan, kumukunot ang noo niya. Minsan naman, napapangiti siya. Even though it's awkward, I realize I love all of her expressions. Especially, when she bites her lower lip whenever she's trying not to cry.
I start to wonder if I'd still feel this way about Abbie, if my heart would still beat as fast and as loud 10, 20 years from now.
I notice her eyes tearing up but she doesn't cry. She just blinks fast and closes the book.
"May pinag-usapan lang kami ni Grey kaya nasa bahay siya kagabi," bigla na lang niyang sabi.
Nagulat ako kaya hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga. 'Eto na. Kaya ko ba?
I clear my throat. "A-ano naman ang pinag-usapan n'yo?"
Lumingon siya sa'kin. "'Wag na raw akong makikipagkita sa'yo."
Nagpanting talaga ang tenga ko, but I could only clench my teeth. "Ano mo ba 'yon at ang lakas ng loob niyang diktahan ka?"
Huminga siya ng malalim. "May... malaking atraso kasi ako sa kaniya."
"Bullshit. Ano'ng atraso?"
For a while, she stares at the words on the cover of the book on her lap.
"Pinanganak ako," mahina niyang sagot. "'Yon ang atraso ko."
The sadness in her eyes sends a twinge of pain in my chest.
I take her hand and stare at the ceiling. "Don't. Ever. Say. That."
She doesn't speak but I can feel her eyes on me and I realize how much I want her to look at me. I want her to look at me and only me.
"If... if you weren't born..." I say. "I can't even begin to imagine the world without you."
I felt her head rest on my shoulder and I couldn't be any happier.
Hindi ko alam kung ga'no katagal kaming nakatambay do'n. Pero napapansin ko, kanina pa palakad-lakad dulo ng isle 'yong guard ng bookstore. Nakatingin sa'min.
Abbie finally gets up laughing a little. "Halika na. Overstaying na tayo."
Before we leave, she places the book she's been reading back on its bookshelf. Tinago pa niya sa pinakailalim. Para daw hahanapin niya ulit pagbalik niya. Ilang beses na pala niya binabalik-balikan ang librong 'yon at paunti-unting binabasa.
Nawi-wierdohan talaga ako sa kaniya. But it's somehow cute.
I couldn't be mad at her after all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top