16 - Confrontation
Wag mag-alala
Kung nahihirapan ka
Halika na, sumama na
Pagmasdan ang mga tala
Mundo--IV of Spades
Hindi ko alam kung bakit pareho kaming tahimik habang nasa coffee shop. Ang awkward. Siguro, dapat hindi ko siya hinalikan. Baka isipin niya manyak ako. Hindi ko lang kasi talaga napigilan.
Si Abbie, nakatulala lang sa kape niya. Ako naman, hindi ko maialis ang tingin sa kaniya.
I can't help it. Not while she's sitting right in front of me, looking so pretty.
Hindi siya tulad ng mga babaeng pinapakilala sa'kin ni Raph. I've never seen her in revealing clothes or heels. She doesn't wear make-up. She walks like a boy. And talks like a 'tambay'. But she is beautiful.
Her eyes, her smile, her laugh... they are beautiful. They take my breath away, it hurts. I feel like my heart is going to explode just gazing at her. And yet, I couldn't say a word.
"Hindi ka pumasok," she finally says, breaking the awkward silence.
"Ah..." Napakamot ako ng ulo. Tumawa. "Kasi--"
"Amoy alak ka pa. Lasing ka 'no?"
"'Di ba pwedeng naka-shot lang?"
"Problema?"
Matagal ko siyang tinitigan, saka ako napailing. Pinilit ngumiti.
Hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa mukha ni Abbie. Although, she smiles back at me. Then she picks up a pen and starts to draw something on a table napkin. I watch her, fighting off the urge to tuck the hair that falls over her eyes behind her ear.
She pushes the table napkin towards me. It's a drawing of a bear with a sad face.
"Kahit lagi kang nakangiti, alam ko 'pag hindi ka masaya," sabi niya.
I take her hand and interlace my fingers in between hers. "I'm happy now."
"Sino ba 'yang nambubuwisit sa'yo? Tara, upakan natin?"
Hindi ko napigilan ang tawa ko. Na-imagine ko kasi na inuupakan niya ang Mama ko. "I wonder who's going to win."
Naramdaman ko na lang ang pagsandal ng ulo niya sa balikat ko.
"Bakit gano'n?" bulong niya. "Okay na'ko eh. Okay na'kong mag-isa. Pero no'ng dumating ka ba't parang... hindi na? Pa'no mag-expect ako ng sobra? Baka hanap-hanapin ko 'yung ganito... 'yung lagi kang nandiyan. Ang unfair ko na sa'yo."
I can't help but smile. For the first time in my life, someone actually needs me. It gives me a sense of purpose.
"Unfair na 'yon para sa'yo?" I scoff. "E 'di gawin nating fair."
She lifts her head and looks at me. "Pa'no?"
"I want you—no. I need you to need me."
"H-ha?"
I laugh quietly and lift her chin with my fingers. "I need you to need me. I want you to always think of me and wait for me to come see you. And I want you to miss me and be miserable for every single second that I'm not holding your hand..."
There's a hint of worry in those beautiful dark eyes. Her lips quiver.
I think I scared the heck out of her.
"Is that fair enough for you?" I ask and leaned closer when she doesn't answer. "Are you scared now? Gusto mo pa bang ituloy 'to? Know what? I'm going to give you a chance to answer. You have five seconds."
Her eyes wander around for a while as if in thought. Her lips part, but not a single word comes out of her.
"Three... two... one..." I hold her by the shoulders, forcing her to meet my gaze. "Time's up, Abbie. And silence means yes. That's it. You can't get away now."
She takes a deep breath and cups my face with her hands. "Alam mo... minsan, para kang psycho."
"Maybe I am," I answer, smiling.
***
"Dito na'ko," sabi ni Abbie.
Inihinto ko ang kotse sa harap ng isang 3-storey ancestral house. Malawak ang zen—inspired garden at may mahabang driveway. Nakapatay na lahat ng ilaw bukod sa nasa gilid ng mataas na gate.
"Good night," sabi ko.
Umakma siyang lalabas ng kotse pero huminto para tumingin sa'kin. "'Yung kamay ko."
Kanina ko pa nga pala hawak ang kamay niya. "Oo nga naman."
"O, sige na," sabi niya. "Bukas na lang ulit."
"I won't promise anything," I tease her.
She rolls her eyes. "E 'di 'wag."
Before she could get out of the car, I tug on her hand and pull her to me. I fold an arm over her nape and whisper, "If you're worried, I probably can't not see you."
"H-hindi kaya ako worried..." she answers, her voice small.
"You better be."
Slowly, I reach over—pretending to ignore the fact that I'm about an inch away from her—to push her door open. I should really let her go while I still can.
Finally remembering to breathe, she places a hand over my head and dishevels my hair. "Ang sama mo talaga," sabi niyang tumatawa bago lumabas ng kotse at tumakbo papunta sa gate.
Isang guard ang nagbukas para sa kaniya. Bago pumasok, sinenyasan na niya 'kong umalis, nakangiti pa rin.
With that, I leave. And once I'm alone in the car, I'm thrown back into reality, back to my sorry excuse for a family, to my miserable life, to my problems.
"Ba't ba ginabi ka na, hijo?" sabi ni Manang Bining pagdating ko sa bahay. "Buti na lang tulog na ang Mama mo."
"Great," sagot ko. "Para bukas na lang niya 'ko pagalitan."
Umakyat ako papuntang kwarto ko. Nakasunod pa rin sa'kin si Manang Bining. Nagkunyari akong nag-aayos ng mga gamit na nakatambak sa kama ko.
"Ako na d'yan," agaw ni Manang sa mga librong hindi ko malaman kung papano ko maiiaayos. "Maghilamos ka na para makapagpahinga ka. Alam ko, pagod ka na."
Napaupo ako sa gilid ng kama ko. Nakatitig sa reflection ko sa salamin sa harap ko. Gusto kong sumigaw. Magwala. Gusto kong magalit pero...
"Pagod na'ko," nanginginig ang boses ko. "Pagod na pagod na'ko. Bakit gano'n? Bakit ang hirap?"
Naramdaman ko na lang na tumulo na ang luha ko.
"Hijo, ano'ng problema?"
I clench my fist and look away to hide my face. "Hirap na hirap na'ko, Manang. Gusto kong intindihin si Mama pero hindi ko na alam kung pa'no."
Nilagay ni Manang Bining ang palad niya sa balikat ko. "Ano ba'ng dinaramdam mo, Nico? Baka makatulong ako."
I hesitate for a moment before facing her. "Kilala n'yo po si Louis?"
Hindi sumagot si Manang pero nakikita ko na sa mga mata niya ang sagot sa tanong ko.
"So, kilala mo nga..." Nasalo ko ang ulo ko sa sobrang galit. "Pa'no? Pa'no 'to nangyari? How's is it even possible na may kapatid ako sa iba?! Bakit hinayaan ni Dad na mangyari 'to?!"
"Naku baka marinig tayo ng Mama mo." Tumayo si Manang para isara ang pinto. Pumikit siya, parang nag-iisip. "Siguradong magagalit ang Mama mo sa gagawin ko, pero, siguro nga tamang panahon na para malaman mo."
Naupo sa tabi ko si Manang, tinanggal ang salamin niya.
"May dating kasintahan ang Mama mo: si Carlos. Magpapakasal na sana sila kaso, na-stroke ang lolo mo noon kaya napilitan ang Mama mo na magpunta sa Germany para magtrabaho. Pitong taon rin siya ro'n. Matagal ngang hindi sumulat 'yan o tumawag man lang.
"Noong namatay ang lolo mo, at saka lang siya umuwi. At nagulat na lang kami na may kasama na siyang asawa at anak..."
"You mean..."
"Oo, Nico," sagot niya. "Dalawang taon ka pa lang noon kaya malamang hindi mo na maaalala... Noon din muling nagkita ang Mama mo at si Carlos. Akala ko natanggap na ni Carlos na may pamilya na ang Mama mo. Pero nang bumalik kayo sa Germany, sumunod pala ro'n si Carlos. At siguro, napagtanto ng Mama mo na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya dito."
"So she cheated on Dad?"
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Manang. "Biglang umuwi para magbakasyon ang Mama mo dito kasama ka habang ang Daddy mo, naiwan sa Germany para patakbuhin ang negosyo niya. Ipinagbubuntis na pala ng Mama mo noon si Louis. Pagkalipas ng kalahating taon, nanganak siya at iniwan ang bata kay Carlos. Ayaw niya kasing malaman ng Daddy mo."
"Obviously, alam na niya."
Tumango si Manang, bakas ang lungkot sa mukha niya. "Nasa high school ka noon nang namatay si Carlos. Kaya ang pobreng si Louis, napilitang magpakilala para humingi ng tulong sa Mama mo."
"And that's why Dad left," I mutter to myself. "To think I hated him... I blamed everything on him. I wanted to make him suffer. But I was wrong. Ang tanga-tanga ko..." I hit myself on the head repeatedly. "Ang tanga-tanga ko!"
"Hijo," Manang Bining rubs my back. "Wala kang kasalanan. Alam ko, kahit nagrerebelde ka, hindi ka sinisisi ng Daddy mo. Kaya siya bumalik kasi gusto niyang bumawi."
Pinunasan ko ang luha ko. Pakiramdam ko, para 'kong bata.
"E ako, Manang? Pa'no pa'ko babawi? Sa dami ng katarantaduhang ginawa ko... hindi ko na alam kung pa'no ko pa aayusin ang buhay ko."
"Mahal ka ng Daddy mo, Nico."
"After everything I did?" I shake my head.
Ngumiti sa Manang Bining.
"Kapag totoong mahal mo ang isang tao, anumang kamalian ang magawa niya, mamahalin mo pa rin siya. Oo, maaaring magalit ka. Pwedeng hindi mo siya patawarin. Pero hanggang huli, mamahalin mo pa rin siya."
Biglang pumasok ng kwarto ko si "Jake the dog". Umupo siya sa paanan ko at tumingin sa'kin. Parang nagtatanong ang mata niya.
We have this love-hate relationship. I always shoo him out of my room because he has this weird habit of taking stuff like my socks and hiding them under the furniture. Pero kahit lagi ko siyang pinapaalis, lagi pa rin siyang bumabalik para do'n matulog. Minsan magigising na lang ako kasi hinihila niya 'yong kumot ko. Gusto niya yata sa kama ko pa siya matulog kaso masyado siyang mataba kaya hindi siya makatalon paakyat.
For the first time, binuhat ko siya at nilapag sa kama ko. He lies beside me, resting his head on my lap.
"Siguro nga, tama kayo," sagot ko kay Manang. "Siguro nga."
~~~~~~~~~~~~~~
Any reaction?? Don't forget to vote.. ^__________^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top