15 - Acceptance
Kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, 'yung totoo
'Yung tipong ang sagot ay 'di rin isang tanong
--Moonstar88
Maaga pa, kaya kaunti pa lang ang tao sa bar. Plus, it's a school day. Nakakatatlong bote pa lang ng beer si Louis, namumula na ang mukha niya. At this point, alam kong madali na siyang paaminin.
"Alam mo naman kung bakit niyaya kitang uminom, 'di ba, Louis?" tanong kong nakatitig sa shot ng vodka sa harap ko.
He doesn't answer and meets my gaze instead.
"Ano ba'ng gusto mo'ng malaman, kuya?"
"Simple lang," I shrug. "Sino ka ba talaga? Anong koneksyon mo sa Dad ko?"
Nablangko ang mata niya. "A-ano ba ang sabi ng Dad mo?"
"Tatanungin ko ba sa'yo kung may matinong sagot na siyang binigay sa'kin?" Mahinahon ang boses ko pero alam kong matalim ang mga salitang sinabi ko. Napailing na lang ako. "Sorry. It's just... so frustrating. Hindi ko alam kung language barrier ba ang problema namin, pero hindi na siguro talaga kami magkakaintindihang dalawa kahit kailan."
Matagal niyang tinitigan ang bote ng beer sa kamay niya bago niya 'yon tinungga. "May mga bagay talaga na hindi natin maiintindihan kung salita lang ang gagamitin. Ang salita, madaling bitawan pero mahirap panghawakan."
I feel my forehead crumple. "That's deep. Did you get that from a book?"
"Hindi," sabi niya, sinubukang ngumiti. "Turo 'yon sa'kin ng Tatay ko."
Natigilan ako. "T-tatay?"
"Oo... No'ng buhay pa siya."
Lalo na'kong natameme.
"S-sorry," lang ang nasabi ko. "I... think I may have made a mistake here."
"Wala 'yon, Kuya. Kahit ako naman magdududa rin kung may bigla na lang kakatok sa pinto ng bahay ko at magpapakilalang kapatid ko."
"K-kapatid?"
Isang mahinang tawa ang isinagot niya sa'kin. Pero may lungkot sa mga mata niya na hindi niya maitago. Napakapamilyar. Kasi, parang nakikita ko sa kaniya si Mama no'ng iniwan kami ni Dad.
My mind starts to race. I grab him by the collar. "How did this happen, Louis? I mean, how's it even possible that I have a younger brother nang hindi ko alam?"
"Mas maganda siguro, Kuya, kung si Na--ang Mama mo na lang ang tanungin mo tungkol d'yan."
Tinungga ko ang shot ng vodka na kanina ko pa dinadasalan. Parang apoy 'yun na pumasok sa lalamunan ko. Hinintay kong mawala ang pait, pero ando'n pa rin. "This is bullshit. Does any of this make any sense to you, huh?"
Kahit hindi siya sumagot, kahit walang salita, naintindihan ko si Louis. For once, naintindihan ko ang lahat. Habang unti-unting nabubuo ang mga sagot sa isip ko, para namang may bubog sa dahan-dahang bumabaon sa dibdib ko. Hindi lang para kay Louis. Kung hindi para rin kay Dad.
Mali ako. Maling-mali.
"I'm sorry we had to meet like this," I tell him. "I'm sorry about everything."
"Hindi mo naman alam, Kuya," sagot niya, nagbaba ng tingin. "Bata ka pa rin no'n. Siguro, mas okay na rin 'yung hindi ko na nalaman 'yung pakiramdam ng may nanay, para hindi ko maisip na may kulang sa'kin."
I just stare at him. It feels like I've been struck by lightning. Ako 'tong kumpleto ang pamilya. Mas nakakaluwag. Siya 'tong mas bata pero kung magsalita siya, parang siya pa ang mas nakakaintindi sa'kin.
"Ang totoo niyan, naiinggit ako sa'yo," dugtong niya. "Ikaw, may tatay ka pa."
"Ano naman ang nakakainggit do'n?"
"Kasi maipaparamdam mo pa sa mga taong mahal mo na mahalaga sila sa'yo." Walang alinlangang sagot niya. "Kaya nga kahit hindi ako tanggap ng Mama mo, gusto ko pa ring subukang mapalapit sa kaniya."
"Yeah, right," I sigh. "You want my advice. Louis? Stay away from them before it's too late. Hindi ko 'to sinasabi dahil ayaw kong maging parte ka ng pamilya namin. Well, parang gano'n na nga. Pero hindi dahil sa ayaw ko sa'yo. I mean, I like you, man. You seem like a great guy who doesn't need any more complications with his life. Wring every penny you can get from my dad, then stay as far away as possible from them. Because if you don't, you'll just end up getting hurt."
Nagkibit-balikat siya. "Lahat naman ng tao nasasaktan. Habang buhay tayo, hindi natin 'yun maiiwasan. Sakit lang 'yan. Gumagaling din."
"You know what's your problem, Louis?" I ask him without actually hoping for an answer. "You're too difficult to hate."
Pagkatapos ng ikatlong bote ni Louis, inihatid ko na rin siya sa maliit na apartment niya sa Trancoville. Hindi ko masabi kung sino ba ang mas malas sa'ming dalawa. Kasi, kahit mag-isa na lang siya, mukhang siya pa 'yung mas kuntento.
Habang nagmamaneho ako, hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Louis.
It bothers me so much, I start to question everything I believe in. I always pretend like I don't care about anything or anyone. But I do. I care about everything and everyone around me. Kaya siguro sobrang takot akong makasakit ng ibang tao. Kaya takot rin akong masaktan.
Pero habang buhay na lang ba akong ganito?
Hindi ko namalayang bumibilis na pala ang takbo ko. Halos paliparin ko na ang sasakyan para makarating sa lugar na 'yon. Sa lugar kung saan posibleng makita kong muli ang taong makakasagot ng mga tanong sa isipan ko.
Pero pagdating ko sa Skate Park, wala siya ro'n. Wala akong nagawa kung hindi maupo at mag-isip. Panoorin ang mga taong dumaraan.
"Did you really think she'd be waiting for you here?" I scold myself.
Hindi ko na namalayan ang oras hanggang mag-alarm na lang ang relo ko. Alas-onse na pala. Mangilan-ngilan na lang ang tao sa paligid.
I get up and start walking back to where I parked my car. And then I see her standing across the street, looking at me with those big dark eyes. She places her hands around her mouth and shouts something I didn't quite understand.
"Ha?!"
Hinintay niya munang makalagpas ang mga kotseng dumaraan bago siya patakbong tumawid ng kalsada papunta sa'kin.
"Ba't andito ka?" Parang galit ang boses niya, pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.
"Ba't bawal ba?" sagot ko.
"Oo. Bawal."
"Sa'yo ba 'tong park na 'to? Wala naman akong nakikitang pangalan mo."
Her jaws clench as she nods. "Selfish ka nga talaga. Akala ko ba, ayaw mo nang makita akong umiiyak? Tapos, pupunta-punta ka dito?"
"Pumunta ka ba dito para lang umiyak?"
"Ano naman sa'yo? 'Di ba, it makes you sick to see me cry?"
I raise both my hands up and step back. "Okay! 'Di, hindi ako titingin."
Huminga siya ng malalim, tumalikod. "Ahhh!!!"
Bigla na lang niya 'kong pinagpapalo. Pinigilan ko ang mga kamay niya at hinila siya paalis sa gilid ng kalsada. She keeps on struggling, though.
"Can you please stop?!"
"No, you stop!" Nagpumiglas siya hanggang mabitawan ko siya. Tinakpan niya ng kamay ang bibig niya, pero halata naman na humihikbi siya kahit pinipigil niya ang pag-iyak. "Nakakainis ka naman, Nico eh! Papa'no ko makaka-move on kung kahit sa'n ako tumingin, kahit sa'n ako pumunta, ando'n ka?!"
I don't know what came over me. One second, I was pushing her away and the next, I just find myself pulling her to me and folding my arms around her.
"I'm sorry," I tell her.
She stiffens and lets out a weak sob. "Ikaw kasi..."
"I warned you; I'm selfish. Kahit na alam kong masasaktan lang kita, wala na'kong pakialam. I feel like I'm gonna die if I don't see you anymore."
Lalong lumakas ang iyak niya. "Ang sama mo... Ang sama-sama mo talaga."
"Alam ko."
Marahan niya 'kong tinulak palayo, bago tumingin sa'kin. "Wala nang bawian 'yan, ha? Baka bukas, magbago na naman ang isip mo. Pupuksain na talaga kita!"
I shrug. "We'll see."
Sinuntok niya 'ko sa balikat. "Nakakatawa. Ang sama mo. Ang tanga ko. Pareho tayong sira."
Sighing, I brush the tears from her cheeks and leaned over so I could meet her eyes. "That's why, from now on, you, Abbie, have to be brave."
"Bakit naman?"
"Dahil gago 'ko. Dahil selfish ako. Alam kong sooner or later masasaktan kita. But from now on, I'm going all out. I'm not going to force myself to stay away from you anymore. Kaya dapat, hindi ka na masyadong iyakin. Kasi, ayaw kong nakikita kang umiiyak, ha?"
Tumango siya, nagbaba ng tingin. "May disclaimer talaga?"
Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto.
She hesitates. "Sa'n tayo pupunta?"
"Ihahatid na kita sa inyo."
Kumunot ang noo niya. "Talaga ba?"
"It's late, Abbie."
She pushes the door close. "Magtatapat ka sa'kin ta's ihahatid mo lang ako? Gano'n na lang ba 'yon?"
"What do you want to do then?"
"Uhm..." Natigilan si Abbie.
I give her a lopsided smile. "What if we..." I tilt my chin at the hotel just across the street.
She closes her eyes tight, her hands balled into fists. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Saktan kaya kita, ha?"
For the first time in a long time, I'm at a loss for words. As embarrassing as it sounds, I don't really know what I'm supposed to be doing at a time like this. I open my mouth, hesitate, then shake my head.
"Ugh!" she crosses her arms in front of her. "Alam mo, minsan naiisip ko kung desperada na ba 'ko o masyado lang talagang mababa ang standard ko sa lalaki. Kasi, ano ba'ng nagustuhan ko sa'yo? Ikaw na yata ang pinaka-pessimistic na taong kilala ko. Hindi pa nangyayari, pinoproblema mo na. 'Yung ginawa mo? 'Yun na yata ang pinaka-worst confession na narinig ko. Pero ang nakakatawa, kahit tinutulak mo 'ko palayo, kahit takutin mo 'ko—"
"Mas mainam na rin na alam mo kung ano'ng pinapasok mo."
"Alam ko," she answers, her voice shaking. "Pero wala akong pakialam, kasi... kasi mahal na yata kita..."
"Yata?" I hold her hands. "Hindi ka sigurado?"
She looks away, sighing.
Her hesitation triggered something in me. I hate it. I hate not knowing she's mine. And only mine. I feel like I'm choking just thinking about the possibility of her liking anyone other than me.
Hinila ko siya papalapit sa'kin. I loop an arm behind her waist, pulling her up and then I lean in and kiss her, intensely. At first, she tries to push me away, but I don't let her. I feel so angry I just want to punish her. But then, she kisses me back and suddenly, everything else doesn't matter.
Her eyes are wide when I let go of her. Her cheeks have a pinkish hue on them.
Lumingon-lingon siya sa paligid saka tinakpan niya ang mukha niya. "Ba't dito pa kasi? May mga tao kaya."
"I don't care," I said removing her hands from her face so I could look into her eyes. "Wala akong pakialam kung hindi ka sigurado kung mahal mo'ko. Kasi ako, sigurado na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top