12 - Superman Complex (2 of 2)
Is there hate in your heart?
Does your body drop
and tell you to stop loving you or loving me?
When it falls down
you just sing with me.
It doesn't take a rocket surgeon to know this isn't real. It's just a dream. A memory. And a bad one. I've tried so hard to forget it. I thought I already did. Pero minsan, may mga bagay na bumabalik whether we like or not.
I tell myself to wake up.
Pagmulat ko ng mata ko, nasa isang maliit na kwarto na ako. Kulay dilaw ang mga dingding. May isang fake na painting ng crocus sa harap ko. May papel na nakadikit sa gilid ng kama. Kinusot ko ang mga mata ko at binasa 'yon.
Vital signs monitoring chart.
Sabi ko na nga ba. Familiar ang kwartong 'to. Nasa hospital ako.
Bukod sa masakit ang ulo ko, wala naman akong nararamdamang kakaiba.
Bahagyang nakabukas ang pinto. Mula do'n, naririnig ko ang mga boses na mahinang nag-uusap.
"Is he going to be okay, Doctor?" si Niklaus 'yon. Siya lang ang may accent na akala mo kahapon lang siya natutong mag-English. "What's wrong with my son?"
"He had a panic attack, Mr. Richter," sagot ng isang boses na hindi ko kilala. Lalaki. Malamang doktor. "Has he been having symptoms lately?"
"What symptoms?" si Mama.
"May napansin ba kayong pagbabago sa behavior niya? It can be insomnia, loss of appetite, nightmares. Did he appear nervous or socially withdrawn these past few weeks?"
Natigilan sina Mama at Niklaus.
"If there's anything... anything at all, you can tell me," sabi ng doctor. "It would help your son a lot once we get to the bottom of this."
"W-well..." my mom starts shakily. "He used to have anxiety attacks in his teenage years. Pero after therapy, naging okay na siya. A-are you saying... umuulit ang sakit niya?"
I almost laugh. Sakit... sakit talaga?
"We can't tell for sure," sabi ni Doc. "It can be that he is under a lot of stress. May kaibigan akong psychiatrist. I can refer you to her for further evaluation."
"Yes, please Doctor," sagot agad ni Niklaus.
"Actually, she's here today. Gusto niyo ba siyang makausap?"
I close my eyes, waiting until they've all left. Tinanggal ko agad 'yong IV t'saka ko hinanap ang mga damit ko. Good thing, maayos na nakatupi lang ang mga 'yon sa sofa along with all my other stuff. Nagmamadali akong nagpalit at umalis.
Pababa na 'ko ng hagdan nang maisip ko na nasa school parking lot pa rin ang kotse ko. Sa halip na sa main entrance, I take the opposite corridor to the stairwell leading to the university. 'Yon kasi ang ginagamit na daanan ng mga estudyante at mga utility personnel.
Humihingal na 'ko pagdating ko ng school premises. Gabi na. I glance at my cell. It's almost eight. I have to get to our meeting place before Abbie does.
Saktong pababa na'ko ng Gate 4, nakita ko si Audra. Nakatayo siya sa harap ng isang banner sa catwalk.
We'll miss you, Sir Jed.
Ewan ko kung ano'ng masamang hangin ang nagtulak sa'kin na lapitan siya. Ang totoo, hindi naman na 'ko bad trip dahil sa pagsaboy niya ng kape sa mukha ko. If at all, I'm relieved na hindi siya si Dead Girl. Kung nagkataon, hindi ko masabi kung pipigilan ko ba siyang mag-suicide or baka ako pa ang mag-encourage.
"Hey, Auds," awkward kong bati. "Sad, ain't it?"
Hindi siya sumagot, pero no'n ko lang napansin na umiiyak pala siya. She stares at the white banner for a minute.
"Audra, a-are you okay?" I place a hand on her shoulder.
Mukhang no'n lang niya na-realize na hindi na siya nag-iisa. Pinunasan niya ng palad ang mga luha niya bago lumakad palayo. Mabilis ang mga hakbang niya, mukhang malalim ang iniisip.
Naiwan lang ako sa kinatatayuan ko, nakatulala habang pinapanood siyang pumasok sa Engineering building.
"And so the witch can cry," I whisper, frowning. "Ano naman ang gagawin niya sa Engineering building. Engineering building nga 'yon, di ba? Teka, ano ba'ng pakialam ko? She can do whatever the hell she wants."
Natatawa pa'ko sa sarili ko habang pababa ng parking lot. That's before I look up at the building she entered. By this time I figured the doors would be locked, pero hindi.
I see light flicker to life from one of the top-floor classrooms. Napahinto ako nang makita ko si Audra sa may bintana. Hindi ko na dapat papansinin, pero aktong umaakyat na siya palabas ng bintana. Hindi naman siya agad mahuhulog do'n kasi my overhang na puwedeng gamitin para makaakyat sa fire escape ladder.
"No, Audra," I groan. "Who in their right mind would do that?"
Nagdadalawang isip ako kung hahayaan ko na lang o babalik pa'ko.
Papasok na sana ako ulit ng building nang may guard na lumapit sa'kin.
"Ading, isasara na 'yan," sabi niya.
I try to smile. "Oh? Baka naman pwedeng pahintay kahit saglit lang, Manong?"
"Nasa taas lang 'yung kasama ko, nagche-check ng mga room. 'Pag baba niya isasara na 'to kaya hindi na puwede. Saka tapos naman na ang klase, Ading."
"Ah..." Nag-isip ako ng alibi. "May naiwan lang ako sa taas. I'll be back in a minute, I swear."
Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa. The uniform gives me away. Ano nga naman ang gagawin ng Med Student sa Engineering building?
When I glance up, Audra has already vaulted over the sill. She stands over the ledge. Nakatingin siya sa baba. Parang sinusukat kung gaano 'yon kataas.
"Oh, shit!"
"Aalis ka ba, o ire-report kita sa SAO?" sabi ni Manong Guard.
"Kuya, pwede ba makinig ka muna sa'kin? There's a crazy girl up there trying to jump from the building and if you don't let me in, no one's going to stop her!"
Tumaas din ang boses niya habang mabilis na nagsasalita ng Ilokano. Obviously, galit na si Manong. At this point, I can't even tell if he's cussing me or what.
"Damn it! Can you at least use the radio and tell the other guard that someone's up there?"
Mukhang wala siyang balak pakinggan ako. Language barrier. Pero kesa mag-aksaya ako ng oras magpaliwanag sa ayaw naman makinig, tumingin ako sa likod niya.
"Walang ID oh!"
Paglingon ni Manong Guard, tumakbo agad ako papasok at umakyat ng hagdan. (Yes. We don't have elevators in this school. Sucks, right?)
I force my feet to move faster, taking two steps at a time. It feels like I've been climbing five, six flight of stairs and I'm still not there. My calves are burning and it's getting harder to breathe. Just shows how out of shape I am.
Saktong nakarating ako ng top-floor, nag-ring ang phone ko. I pause to check. It's Abbie.
As I run along the hallway, I answer her call.
"Nico! Kanina pa'ko tumawatawag," sabi niya, halatang nag-aalala.
"I'mma be... late," I told her panting. "Just... have to... take care of something... important. Wait for me... okay?"
Bigla na lang sumulpot si Manong, sabay sigaw ng "HOY!!! Bumalik ka dito!" plus, (Insert Ilokano cuss words here).
"Ano 'yun?! Nasa'n ka ba? Ba't-"
The call got cut. My cell died.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang makakita 'ko ng bukas na pintuan. Bukas din ang ilaw. Pagpasok ko, nando'n nga si Audra. Nakatayo pa rin sa overhang.
I can tell she's crying. Lumapit ako sa bintana. Maaabot ko siguro siya. But I don't want to risk scaring her. Baka tumalon pa.
"Audra," marahan kong tawag. "Auds?"
Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin. Napahakbang ng kaunti papuntang gilid. Buti na lang may space pa para matapakan niya.
"Auds, take it easy, okay? It's late. You have to go home."
She shakes her head. Tears keep streaming down her cheeks. "I can't," she says. "I can't go home..."
"Why?"
Her sobs grow louder. "Kasi... kasi, 'pag nalaman ni Daddy na..."
"Na ano, Auds?" sagot ko. She looks hesitant. "Come on. You can tell me."
"Why would I? You're not even a friend. And I hate you."
"Same here." I forced a chuckle. Talagang inuubos ng babaeng 'to ang pasensya ko. "The more reason to tell me, don't you think? Isipin mo nalang ganito: whatever you're hiding, kahit ano'ng baho pa 'yan, kahit ano'ng kahihiyan, wala nang magbabago. I already hate you, kaya bakit ka pa mahihiyang magsabi?"
She appears to be considering it. "Bakit ka ba nakikialam?"
I shrug. "That's what I do: makialam. And If I know you're secret, so what? You already hate me. The worst you can do is hate me more."
"Buntis ako, okay?!" sigaw niya. "Buntis ako... and the father is gone. So tell me, Nico. Tell me, what am I supposed to do?!"
"Gone... as in gone-gone?"
"Dead!" she hisses. "Gano'n ka ba talaga katanga?"
Hindi ko agad naisip pero parang connect-the-dots 'yon na nabuo sa utak ko. Sir Jed committing suicide. Why Audra's so affected about his death. The rumors.
"I can't tell you what you're supposed to do, Auds. You have to figure that out for yourself. But I can tell you that you don't have to do this."
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?! Bawal na kayo dito!" Si Manong Guard. Wrong timing na. Panira pa ng eksena.
Nagulat si Audra, na-out of balance. Huli na nang mapansin niya na wala na pala siyang tatapakan sa likod niya.
She screams.
Inabot ko agad ang braso niya, sabay hila. Yong isang kamay ko, ikinawit ko sa bintana para hindi niya 'ko mahila. Buti naitukod niya 'yong isang paa niya sa gilid ng overhang kaya hindi siya nahulog.
"Manong!" I shout. "Don't just stand there! Tulungan niyo kami!"
Nakakanganga pa si Manong Guard, bago tumakbo papunta sa'min. Kinuha niya ang isang braso ni Audra at saka namin pinatulungan na hilahin siya papasok ng bintana. Binuhat ko siya at iniupo sa isang armchair.
"Bakit hindi gumagalaw?" tanong ni Manong.
I tap her cheek. Her eyes are closed but her pulse is normal.
"She's okay. Hinimatay lang." No'n lang ako nakahinga ng maluwag. "She's going to be... just fine."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thanks sa mga nagsuggest ng songs. Nakakainspire. Keep 'em comin'.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top