11 - Paranoid Boy Problems (2 of 2)
Funny how I fell for you
And the day you caught my eye
And my life have never been the same
Since the day I saw your smile
I start the car's engine and drive.
In a few minutes, nakarating kami sa isang American diner. Kung saan may totoong pagkain at walang mga kaaway na gulay.
Masaya na sana kung hindi lang may mahabang pila ng mga taong matiyagang naghihintay ng bakanteng mesa. Nagpalinga-linga muna si Abbie bago binuksan ang bag niya. Napansin kong damit ang laman no'n.
"Madilim naman ang tint ng bintana mo 'di ba? Hindi tayo kita sa labas?"
"Ano yan? Magtatanan na ba tayo?"
Tumama na naman ang palad niya sa noo ko.
"Ulol! Tanan, agad-agad?" sagot niya. "Bakit, sinagot na ba kita?"
"Ba't nanliligaw ba'ko?"
"Sira!" Sabay hampas ng braso ko.
"Aba, nakakailan ka na? Abbie, sobra na yan. Bayolente na talaga. Hindi pa nga tayo mag-asawa, nananakit ka na?"
"Lumabas ka na nga! Magpapalit ako ng damit."
A smile pulls my lips up. "O, e ba't lalabas pa'ko? Tulungan na kita."
"Bastos!" Pinagtulakan niya talaga 'ko palabas. Bago niya padabog na hinila ang pinto, "Magbantay ka diyan!" 'yon lang naman ang sabi niya.
Hindi naman niya sinabing bawal tumingin. Umupo ako sa hood ng kotse. I cross my arms in front of me and pretend to wait. Once or twice, nag-try din akong sumilip nang palihim. And for the first time, pinagsisihan ko ang dark tint ng kotse ko. As in wala talagang makita.
Sayang.
She gets out of the car already in a navy blue dress under a gray cardigan, paired with red Keds. Nakalugay na rin ang mahaba niyang buhok. Medyo wavy dahil sa pagkakatali nang buong araw.
"Bah," napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan siya. "Mukhang pinaghandaan mo talaga 'to ah."
"Hindi kaya," sagot agad niya. "For your information, Sir Nico, bawal kaya po sa'ming mga nursing students na maglakwatsa nang naka-uniform. Baka mahuli pa'ko ng mga Prof, ayaw ko ngang magka-demerit."
"Di ikaw na nanalo ng Ulirang Estudyante Award," sabi kong natatawa. "Kala ko pa naman may pagka-rebel ka. Mas type ko pa naman 'yong mga bad girls. May thrill."
"Ah ganon?" Tinalikuran niya 'ko at nagsimulang lumakad palayo. "Eh di maghanap ka ng sosyotain mo sa koreksiyonal."
Hinila ko ang kamay niya. "Kaso lang, ikaw ang gusto ko."
"G-gusto mo 'ko?"
I can't read her at all. She's just looking at me. And the more I stare into her big brown eyes, the more I feel weird inside. Like my heart wants to escape from my throat.
Gently, I let her go and clutch my chest.
Tinalikuran ko siya. Hindi ako makahinga. Biglang blangko ang utak ko. Sa loob ng isang iglap, I realize na halos sa kaniya na lang umiikot ang mundo ko. Akala ko no'ng una, paghanga lang. Siyempre, lalaki rin naman ako. I can't help but chase after pretty girls every once in a while. Akala ko lilipas rin. Yo'ng unti-unti, magsasawa ka na lang na kasama siya. Tapos, after a while, hindi ka na magpaparamdam and that's the end of it.
Mali 'to. Napasandig na lang ako sa sasakyan ko. Maling mali na 'to.
"Okay ka lang?" tanong niya, hinawakan ang braso ko.
Napaatras ako, parang napapaso. "I'm fine."
"M-may nagawa ba 'ko?"
"Wala."
"Eh, 'yung sinabi mo kanina, totoo ba-"
I narrow my eyes at her. "It's called flirting, Abigail."
After three seconds, sabi niya, "Ah..."
Hindi ko inasahan 'yon. I'm expecting her to walk out on me. Or get mad. Or a slap, even. But she stays and even smiles at me.
Nakaka-guilty.
Do'n muna kami ni Abbie sa tabi ng pulang vintage car sa harap ng diner. Sumandal ako sa hood ng kotse ko. Umupo naman siya sa tabi ko. Kanina pa siya tahimik. Minsan mahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin. I like it for some reason. Para 'kong nasisiraan.
Hindi pa rin ako makapaniwala. I just confessed to a girl for the first time in my life. Dati naman kasi, hindi ko 'yon kailangang gawin. Kung gusto nila 'ko, sila ang lumapit. Kung hindi, okay lang din. Life goes on. It's not like I really thought of going into a serious relationship before. I'm not even sure now. But what I'm sure of is that this girl is special. Which is both good and bad.
Mostly bad.
"Lagi ka ba dito?" tanong bigla ni Abbie.
I look at the place, pushing back the memories that come with it by staring at the ground. "When I was a kid, my mom and dad used to take me here. Basta pagkatapos namin magsimba sa Cathedral, dito na ang tuloy namin."
"Bakit parang nalungkot ka naman bigla?" Iniangat niya ang tingin sa akin mukhang sinusukat ang reaction ko.
Sinubukan kong ngumiti. It doesn't look like I'm fooling anyone so I just keep quiet.
Siniko niya ako nang marahan sa tagiliran. "Alam mo, mahaba pa naman 'yung pila. Kaya kung gusto mong pag-usapan yan marami pa tayong oras." Nang hindi ako sumagot, tumingala siya sa langit, nakangiti. "Big time ka na no? Ganda ng kotse mo eh. Pangmayaman. Dami mo na sigurong chicks na naisakay diyan. 'Yung mga nakikipag-flirt sa'yo?"
Hindi ko masabi kung sarcastic ba siya o gusto niya talagang malaman kung pang-ilan na siya sa mga babaeng naisakay ko. Ang totoo, nagsisimula na 'kong mainis.
"Wala. Ikaw pa lang."
"Ows. 'Di nga?"
I shot her a glare. "Why? Did you come with me just because of that stupid car?"
"Ano'ng stupid?" Natatawa pa siya. "Gara nga eh."
Sa inis ko, nasipa ko ang gulong ng kotse. Parang nabali yata 'yong hinlalaki ng paa ko. Muntik na 'kong mapasigaw sa sakit. Parang umaakyat sa tuhod ko. Pero hindi ko pinahalata. I pretend to clear my throat instead.
"Hoy! Ba't ba 'yang kotse kasi ang pinagiinitan mo?" Sabi niya habang hinihila ako palayo. "Nananahimik eh, kung masira 'yan? Mapagalitan ka pa sa inyo."
I flash a smirk. "Mas okay nga 'yon. Even if I crash that car and break it to hundred pieces, kulang pa 'yan kung tutuosin para makaganti man lang ako sa kaniya sa lahat ng ginawa niya sa'min. Lalo na kay Mama at kay Kurt."
Natigilan ako. Bigla na lang lumabas sa bibig ko nang hindi sinasadya. And worse, sa harap pa ni Abbie. Kahit kina Raph at Jane, hindi ko 'to masabi, pero sa kaniya parang automatic na lang. Napailing na lang ako habang dinidiinan ng kamao ko ang noo ko. I can feel an epic headache coming.
What do you think you're doing, Nico? What the hell?
Then I feel her hand, gently rubbing my back as I start to hyperventilate.
"Sige," says she. "Sige lang. Ilabas mo lang 'yan."
Tinuon ko ang mga mata ko sa kaniya, nagtatanong.
Ngiti ang isinagot niya sa'kin. "Meron kasing genius na nagsabi sa'kin: 'pag sobrang sakit na daw, ilabas mo lang. Kasi 'yan? Kailangan mo lang d'yan karamay. 'Yung taong tutulong sa'yong dalhin 'yung lungkot para kahit konti, gumaan naman 'yung dinadala mo. Hindi agad mawawala, pero mababawasan."
"At nagpiprisinta ka?"
"Bakit hindi?"
"Bakit? Mukha ba 'kong malungkot?" I sport a wide grin.
Nilapitan niya 'ko. Slowly. She places her hands on both sides of my face and closes her eyes. For a second, the thought of kissing her runs through my mind. Pero nilabanan ko.
I can't. I shouldn't.
Without opening her eyes, she traces my face with her fingers. I almost cringe. She's stirring all sorts of strange in me. Still, I can't move. She has that power over me. I'm not in control and that's what I've always been afraid of.
She opens her eyes to look at me. "Oo."
Hindi ako nakasagot. Tama naman kasi siya. Over the years, pinilit kong maging masaya. Or at least, magmukhang masaya for the sake of the people around me. Ako na ang manhid. Ako na ang easy-go-lucky. Tinatawanan ko lang ang problema.
"Hindi mo ba alam, Nico? 'Yung mga taong laging nakangiti at tumatawa, sila kasi 'yung mga napagod na lang umiyak." She has this sad smile on that makes me wonder if she's telling me this out of experience. "Mas madaling magkunwaring wala kang pakialam kesa ipakita mo na ikaw 'yung pinaka-nasasaktan."
Wala akong nasabi kung hindi, "Ano yan? Genius din ang nagsabi?"
"Hindi," natawa siya. "Ako lang."
I laugh quietly with her and when there's nothing to laugh about anymore, we fall silent.
"If I..." I start. "If I let you share my pain. If I show you that side of me, para na rin kitang binigyan ng bato na ipupukpok sa ulo ko. Nasa sayo na lang 'yon kung kailan."
"Bato talaga? Ano 'ko si Darna?" Halatang pinipilit niya 'kong patawanin, but it doesn't work. "Eh pa'no kung mali ka?"
I shrug. "The truth is everyone is going to hurt you."
"Hugot! Ano 'yan? Sabi mo?" she scoffs.
"Sabi ni Bob Marley."
Inirapan niya ako, sabay ibinunggo ang balikat niya sa balikat ko. "Makikita mo. Ia-award mo rin sa'kin 'yang batong 'yan."
Bahagya ko siyang binatukan saka itinulak paabante para matapos na ang usapan. "Tara na ngang kumain! The line's almost gone. At nauubusan na'ko ng baon sa kahuhugot mo."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top