11 - Paranoid Boy Problems (1 of 2)
NP: Boys Do Fall In Love by Parokya Ni Edgar
Paranoia is a thought process believed to be heavily influenced by anxiety or fear, often to the point of irrationality and delusion.
"Hindi ka ba talaga papasok?" tanong ni Jane.
I shrug. T'saka ako tumingin sa mga nagdadaang sasakyan sa harap ng coffee shop na pinagtambayan namin. Balak ko sanang mag-isa. Pero si Jane talaga ang lakas ng radar. For some reason, nahanap niya 'ko.
"Okay ka lang?" tanong niya ulit. Bago ako makasagot, itinaas niya ang kamay niya. "Huwag mo na palang sagutin. Alam ko na. Kitang-kita sa mukha mo. T'saka ba't ganyan ang mukha mo? Nakipag-away ka ba? Anong nangyari? 'Di ka naman dating ganyan ah?"
Humigop ako ng kape. "Don't even start, Jane. I'm not in the mood."
"Puwede mo naman kasing sabihin sa'kin. Nico, come on. Para sa'n pa't mag-best friends tayo kung hindi mo naman ako hahayaang tulungan ka?"
"You can't help," I told her quietly. "Pumasok ka na, Jane."
"Halika na kasi. 'Di ba nga naghahabol ka sa Psych?"
"Jane, Ba't ba ang dami mo'ng tanong?" I slam my hand on the table. Pinagtinginan tuloy kami. "That's the least of my concerns now. Just... go."
Halatang labag sa loob niya ang pag-alis. Pero lalo lang sasama ang loob niya sa'kin 'pag nagtagal pa siyang kasama ako nang ganito ako. Parang pakiramdam ko hindi na maayos ang lahat kahit anong gawin ko. Like nothing can make it better. Except...
Before I could realize what I was doing, I was already driving in front of the university hospital. Naalala ko kasi na nabanggit ni Abbie na on-duty siya ngayon.
Dalawang oras akong naghintay. Nakatulog na nga ako nang nakadukdok sa manibela. Mahinang kantok sa bintana na lang ang gumising sa'kin.
I scoot up, shaking the sleep off my head. It's Abbie, motioning for me to unlock the door. She looks so cute in the pink uniform, with her hair tied up in a bun. Kumurap ako. Makatatlo.
Ah... hindi nga 'ko nananaginip.
Binuksan ko ang pinto. "Pa'no mo nalaman na ako 'to?" Luminga-linga ako sa mga bintana ng sasakyan. "Naka-tinted ako ah. Hinihintay mo rin ako 'no?"
She shrugs and gets in. "Pssh. Ikaw lang po kaya ang may sasakyang ganito na kilala ko hano, Sir Nico. At saka, kabisado ko na 'yung plaka mo."
Pahiya na naman ako.
"Wala kang pasok?" tanong niya.
"Uhm..." Hindi ako nakasagot, mabilis na tumingin sa salamin at inayos ang buhok ko. Baka tulo-laway pa 'ko. "Ha?!"
"Sabi ko, wala ka bang pasok? Kasi ba't andito ka?"
"Ah... hinihintay kita."
"Bakit?"
"Kasi... Kasi kailangan ko lang ng kausap."
Sumakay siya agad. "Ano pa'ng hinihintay mo? Drive." Nang nasa daan na kami, hinawi niya ang buhok ko para tignan 'yong sugat sa noo ko. "Hindi mo ba 'yan ginagamot? Ba't maga pa? Magdo-doktor ka pa naman tapos pinapabayaan mo lang ma-infect 'yang sugat mo."
Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan 'yon. I manage a smile. Just being with her, like this seems to ease the pain little by little. "Concern ba 'yang naririnig ko?"
Tumitig siya sa'kin. Nanlaki ang mga mata niya, pero hindi naman niya binawi ang kamay niya. "Eh kasi 'di ba, nabugbog ka dahil sa'kin? Sorry talaga ha."
"Nabugbog talaga? Para mo namang sinabing talunan ako."
"Tatlo kaya sila! Tapos sanay pa sa trobol 'yung mga 'yun. Eh kung naging seryoso 'yung mga tama mo? Hays!"
"E 'di concerned ka nga?"
"Oo naman!" Napahinto siya. "Ibig ko'ng sabihin... kung nadedbol ka eh di konsensya ko pa?"
"Wow. Salamat ha. Halata ko nga kulang na lang gawin mong shield ang sarili mo para lang ipagtanggol 'yong mga unggoy na 'yon."
"Hindi ka naman galit niyan?"
"Hindi!" sagot kong dinidiinan ang gas hanggang lumagpas na ng ninety ang takbo namin. Nasa bandang Gen. Luna na kami. Bahagyang paliku-liko ang daan, samahan mo pa ng mga naggigitgitang taxi.
"Eh ba't sumisigaw ka?"
"Hindi ako sumisigaw! Ba't naman ako magagalit? Wala naman akon'ng karapatang magalit, 'di ba?! Hindi mo naman ako boyfriend!"
"Bakit, gusto mo ba?!"
I swerve towards the roadside and hit the break so hard, we almost shoot out of the windshield if it not for the seatbelts. We catch our breath for a minute. Walang nagsasalita sa'min.
"Ganyan ka ba talagang mag-drive?"
"Ano'ng sabi mo?" sabi kong nakatulala kay Abbie.
"Ganyan ka ba tala-"
I cut her off. "No. Not that. What you said before that."
She swallows and looks down. "Sabi ko... gusto mo ba?"
"Gusto ko bang ano?"
"Gusto mo bang... masuntok? Nakakabuwisit ka na ha."
"Okay. Okay." I lift her chin with my fingers, forcing her big brown eyes to look at me. "Mukhang wala na 'kong choice-"
Bigla na lang lumanding ang kamay niya sa noo ko.
"Ow! What was that for?!"
"Loko ka pala, eh. Hindi ka naman gwapong-gwapo sa sarili-"
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa'kin. I just pull her towards me and kiss her. My heartbeats are so loud they make my ears pound. Sa sobrang bilis parang sasabog ang dibdib ko. Ganito pala 'yon. Not just slo-mo. Parang nag-freeze ang mundo ko at wala na 'kong pake kung hindi na uli 'yon umikot.
As soon as I let go of Abbie, she stares at me with wide eyes. Na para bang nanakawan siya at ngayon pa lang nagsi-sink in sa kaniya ang lahat kung kelan nakatakbo na 'yong snatcher. Akala ko nga sasapakin niya 'ko ulit. Pero tumingin lang siya palayo na hindi man lang kumukurap o humihinga man lang.
Napabuntong-hininga na lang ako na itinuon ang mga mata ko na manibela, pretending na mayrong something na interesting do'n. Gusto kong iuntog ang mukha ko sa manibela. Mali yata 'yong ginawa ko.
"A-ano sa tingin mo'ng... ginawa mo?" tanong niyang nakatulala pa rin.
"Sorry... Nabigla lang talaga ako."
"Sorry?" Sa wakas tiningnan din niya 'ko. Namumula 'yong gilid ng mga mata niya. Parang pinipigil niyang maluha. "Sorry talaga? Ano 'yun? Napilitan ka lang? Baka naman gusto mo mag-thank you pa 'ko sa'yo?"
"What? I don't mean it that way, Abbie," I try to reason out calmly.
"Kung ayaw mo pala, ba't mo ginawa?!"
"Ba't sinabi ko bang ayoko?"
"Bakit, gusto mo ba?"
A chuckle burst out my throat. We're back to that same old line. "I don't have a choice."
"Ugh!" Tinapon niya 'yong bag niya sa'kin. "Gago ka pala talaga eh! Paulit-ulit mo na lang 'yang linyang 'wala kang choice'!"
She unlocks her door. I lock it again. I like to think of myself as a patient guy. But this girl? She's pushing me to my limits. Before she unlocks it again, I grab her shoulders and force her to look at me. "Puwede ba, makinig ka muna sa'kin for just two seconds?! You just talk all you want and never listen!"
Natigilan si Abbie. For once, nasindak din kahit pa'no.
"Just... let me say my part okay?"
Tumango lang siya. Nangingilid ang luha. I feel horrible. Like I'm harassing her or something. But then, it's not every day I get this girl to shut up. I draw a deep breath and look into her big brown eyes.
"I... do things I don't normally do. Before I know it, I'm driving to wherever the hell you are. I'm always looking for you. I'm always thinking about you. And I can't stop it's driving me insane. I always think of kissing you. And sometimes, I can't help but just do it." I almost kiss her again but I inhale sharply, closing my eyes to clear my head. "I feel like I have no choice, 'cause... maybe I'm kind of falling for you."
Her eyes glaze over like she's not getting anything I'm saying until finally she blinks. "In short... gusto mo nga?"
Natawa na lang ako. "Yeah. Pretty much."
"Haba-haba pa ng sinabi eh. Gusto rin pala," bulong niya, nakangiti.
"Lakas mong maka-anti climax, 'no?"
"Ni-rehearse mo ba 'yun?" pang-iinis niya.
Napakamot na lang ako ng ulo. "Oo na, Abigail. Nakakasama ka na ng loob ah. Ihulog kaya kita sa bangin?"
Lalong lumakas ang tawa niya. And it's like music to my ears.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
So, yeah... Please vote, comment and share if you really like this story. It would mean the world to me! Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top