18 - Reconciliation (1 of 2)


Hangga't  ang puso mo'y sa akin lang

Hindi ka na malilinlang

Ikaw ang ilaw sa dilim

At ang liwanag ng mga bituin

Pagbaba ko ng hagdan, kumakain na ng breakfast si Kurt at Dad. Pati na si Jake. No wonder. Lagi naman talaga siyang kumakain. Kahit medyas ko nga nginangatngat niya.

Napansin ko 'yong mga kahon na nakatambak sa sala.

"Magde-decorate kami ni Dad," sabi ni Kurt once he notices me looking. He doesn't smile but there's something in his voice that rang of happiness. And that's maybe the longest sentence he said in a long time.

Malapit na nga pala ang Christmas. Malapit na rin ang deadline na binigay ni Dead Girl sa'kin para hanapin siya.

"Kumain ka na, Hijo," sabi ni Manang galing sa kusina.

I don't answer. I just stare at Kurt. At Dad. It feels weird, looking at him like this. Halos buong buhay ko kasi, galit ako sa kaniya. So now that I know the truth, I feel kind of embarassed.

Dad looks back at me, measuring my reaction.

Marahan akong itinulak ni Manang Bining papuntang dining table, pabulong na sinabing, "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

I shrug, still unable to say a word.

"Sige na, Nico. Sabayan mo na ang Daddy mo."

Dad sighs. "Maybe, he's running late for school, Manang."

Huminga ako ng malalim. "I'm hungry," sabi ko, saka umupo sa tabi ni Kurt. "I still have time."

Dad looks a little surprised but he doesn't say a thing.

"We're setting up the Christmas tree. Wanna help?" tanong ni Kurt.

"Your Kuya has school, Kurt," sagot ni Dad.

"Uhm..." Sumubo muna 'ko. Ngumuya. Nag-isip. "Actually, hanggang twelve lang ang klase ko. I can go home early. To help..."

Napangiti lang si Dad and I try to smile back. Ngayon, ako naman ang babawi.

***

"Ba't ang tahimik mo yata?" tanong ni Abbie habang nagda-drive kami pauwi sa bahay.

It took me a while to convince her to come with me so that I can introduce her to my folks. Pero no'ng narinig niya na magde-decorate kami for Christmas kasama sina Dad at Kurt, like magic, biglang nagbago ang isip niya.

I shake my head. "Just... thinking."

"Tungkol sa'n?"

Hindi ako sumagot hanggang makarating kami sa harap ng bahay namin. I kill the engines, taking a deep breath.

She looks at me, patiently waiting for an answer.

"It's just that... for as long as I can remember, my relationship with my Dad's kind of a mess," I sigh. "I want to make amends, pero pakiramdam ko, nakalimutan ko na yata kung papa'no maging parte ng isang pamilya."

Abigail smiles and places a hand on my cheek. "Kung hindi mo alam kung ano'ng dapat mong gawin, ba't hindi mo simulan sa 'sorry'?"

"Sa tingin mo... maso-solve pa kaya ng sorry ang last six years na katarantaduhan ko?"

Bahagya siyang natawa. "Hindi ko alam, Nico... But it's a start."

With those words of encouragement, I manage to get out of the car and face my fears. As we go inside the house, I keep holding her hand.

Pagdating namin sa sala, narinig kong nagtatawanan sila Kurt at Dad habang binubuksan ang mga boxes ng lumang décor. Na-shoot kasi si Jake sa box ng Christmas tree, at hindi na siya makaalis dahil nasabit siya sa mga dahon. Sa halip na mag-effort tumalon, humiga na lang siya at natulog.

"E-hem..."

Natahimik silang dalawa at napatingin sa amin ni Abbie.

Dad gets up from the floor, shaking the dust off his hands.

"Dad," I start. "This is Abigail, my... uhm"—I glance at Abbie—"g-girlfriend."

She drops her gaze. Biglang nag-blush ang pisngi niya. "G-good evening po."

Mga 5 seconds bago tumango si Dad. He smiles. "H-have a seat, Abigail. Manang? Manang!"

Dumungaw si Manang Bining galing sa kusina. "Bakit, Nik—O, may bisita pala tayo e. Bakit hindi mo ako tinawag agad?"

Mukhang naintindihan naman ni Dad na pinagagalitan siya ni Manang kasi napangiwi siya.

Nagpunas si Manang ng mga kamay sa apron niya at saka hinila si Abbie papunta sa sofa. May meaning ang ngiti ni Manang sa'kin. Nakakaloko.

Napakamot tuloy ako ng ulo.

"Diyan ka muna, hija at maghahanda lang ako ng makakain," sabi ni Manang, kulang na lang mag-tumbling kung wala lang siyang rayuma. "Naku, kaygandang bata. Ganiyang-ganiyan din ang mukha ko noong kabataan ko eh."

Si Abbie naman, tango-ngiti lang.

Pagkaalis ni Manang, tumingin sa'kin si Abbie, tapos kay Dad. Like saying, 'Here's your chance.'

Tahimik lang si Kurt habang inililibing sa isang tambak ng garlands si Jake.

"Uhm," I clear my throat. "Dad?"

Dad freezes again, as if the last word I said hit him on the head.

"Can I talk to you for a minute?"

Tumango siya at sumunod sa'kin sa labas. Naupo ako sa bench sa garden. Umupo naman siya sa kabilang dulo.

Matagal akong hindi makapagsalita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Pero naalala ko ang sinabi ni Abbie kanina lang. So I take a deep breath.

"I... I'm sorry, Dad."

He stares at me for a while. "That's supposed to be my line... I guess, I just never got to say it."

"Because I didn't give you the chance... I was so angry at you back then, but now that I know everything, I've realized I was wrong to blame it all on you."

Nagulat siya sa sinabi ko. "What do you mean 'everything'?"

"Everything," I try to smile, but I know my eyes fail me. "About Mom, about Louis. I understand now why you left. You must've have been so hurt and I can't blame you for that... although, this wouldn't have happened if you and Mom just told me the truth!"

He chuckled. "I thought you were trying to apologize?"

"I thought that was supposed to be your line?"

Natawa kami pareho. For six years, ngayon lang kami nakapag-usap ni Dad nang hindi nagpapatayan. And it feels great.

He takes a deep breath before his expression darkened. "I left without telling you anything because I didn't want you to think badly of your mother. But I realize now, that I should have stayed. You were hurt, too, and it was selfish of me to leave."

"True, true," I scoff. "You're selfish. I think I've inherited that trait from you."

Dad narrows his eyes at me and laughs, shaking his head. "No, no. You're not selfish, Nico. You think you are, but you're not."

"You think?"

He shrugs and pats me on the shoulder. "I don't think. I know."

I can't help but smile.

Tumayo si Dad. "Now, let's get back inside before your brother turns the Christmas Tree into a junk pile."

Sumunod ako kay Dad pabalik ng sala. Pagpasok namin, nabungaran na lang namin si Kurt at Abbie na nagtatawanan habang nagsasabit ng mga décor sa plastic na puno.

Weird.

Hindi nakikipag-usap si Kurt sa mga taong hindi niya kilala. Sa'kin nga bihira pa siyang makipag-usap. Bihira lang din siyang ngumiti. Hindi ko pa siya naririnig na tumatawa nang malakas kahit kailan. Ngayon pa lang.

Kinilabutan ako.

Si Dad, napanganga na lang din.

May pagka-horror kasi talaga ang kapatid ko. Para siyang 'yung bata sa The Grudge. Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot sa mga sulok. Kahit nasa likod ko na siya minsan hindi ko pa alam.

"Dito ba, Kurt?" tanong ni Abbie, akmang isasabit ang isang candy cane.

Umiling si Kurt. Tinuro ang taas ng Christmas Tree. "Higher!"

Tumingkayad si Abbie pero hindi niya maabot yung taas. 8 feet kasi ang Christmas Tree namin.

Hindi ako nakatiis. Kinuha ko ang candy cane sa kamay niya at saka ko isinabit sa pinakataas, malapit sa star.

"Kaya ko naman e," reklamo niya, napaatras ng konti nang mabaling ang tingin ko sa kaniya.

I snort, stepping towards her. "Kita ko nga e, abot na abot mo. Pinaglihi ka siguro sa patatas kaya bansot ka."

Namula ang pisngi niya. Nagbaba siya ng tingin.

Bigla na lang may tumamang maliit na reindeer sa ulo ko. Paglingon ko, akmang babalibagin na naman ako ni Kurt ng mga Christmas balls.

"Kurt, no," sabi ko.

But he doesn't stop. He hurls everything at me.

Buti na lang lightweight lang ang mga 'yon. Kung hindi, bukol-bukol sana 'ko.

"You little—"

I'm about to run after my brother when I hear Abbie's laughter. For a moment there, parang nag-slo-mo ang mundo. Natulala ako ng 5 seconds and then, I laugh with her. Even Dad is laughing.

And Kurt goes back to Abbie and hands her some more ornaments to hang on the tree.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top