Day 6

A/N: I know the song is for/from Painter of the Night (I read seasons 1 and 2) I love how painful it is even though I don't understand anything (no subtitles. I just searched the lyrics last night and oh well double kill.)

~~~~~

II.

Luciana became a little different.

"President's acting strange this past few weeks isn't she?" Bahagya akong napalingon sa dalawang babaeng kasamahan ko sa elavator. They were in front of me so they didn't notice.

"Yeah. Akala ko ako lang nakakapansin. She's a little... kinder. I think."

I guess Luciana became very different. Good for her but at the same time not.

"Where's dad?" Bungad ni Luciana nang makapasok ako sa office niya. Kakagaling ko lang sa office ng daddy niya which was 3 floors up. I was submitting some of her papers needed to be signed.

"He's going back to Italy."

"I see." Napansin ko ang bahagyang pag guhit ng ngiti sa mga labi niya bago yumuko ulit at may sinusulat sa mesa niya. Ever since our trip to Japan she's being comfortable around me. At hindi ko iyon gusto.

"Are we visiting the orphanage again?"

"Yeah. Susulitin ko na't wala si dad." Napatingin siya sa bintana kung saan nagkukulay kahel na ang kalangitan. We better go now if she is planning to visit.

Sabay kaming lumabas ng office niya. Some of my colleagues greeted her and this time she just nodded instead of glaring at them. It's better and she's being different for the good. 

Christmas lights were seen in almost every store and buildings we passed by. I drove silently. Lumingon ako sa kaniya nang mapansing napabuntong hininga siya. Maybe she's in deep thoughts?

"Laurent?"

"Yeah."

"Dumaan muna tayo sa mall. It's a day before Christmas Eve. At least I could give them something."

We headed to a mall's department store. Tulak-tulak ko ang cart sa aisle ng mga laruan habang tila isang bata kung umasta si Luciana at nagtitingin ng mga ireregalo niya. We already had one cart full and we're still not done but as long as she's happy I won't reprimand. 

"Which was better?" 

Lumapit siya sa harapan ng cart ko at pinakita ang dalawang manika na hindi ko maintindihan kung anong pinagkaiba. They're both dolls of the same brand? 

"Wala naman atang pinagkaiba?"

"There is. This doll's joints are movable while this..." Itinaas niya ang isa pang manika at nilapit sa mukha ko. "It's not but it's prettier."

"Kunin mo nalang pareho. You're the one paying anyway." 

"Geez. Laurent, just choose something."

"The one with joints. It's not even that bad. Huwag mo na akong tanungin kong bakit." She's being talkative. She's slowly being expressive. I'm troubled if her father finds this out.

"Ang saya kapag bagong kasal pa ano?" 

Sabay kaming napalingon ni Luciana sa matandang babaeng nasa likuran ko. She just popped out of nowhere.

"Do we look like a married couple?" Kunot noo kong tanong sa matanda. Being wedded to someone in this century never crossed my mind. 

"You have rings on your fingers. Mukha kayong mag-asawa at kapansin-pansin ang pagtingin ninyo sa isa't isa. Ano pa nga ba? Naku mga kabataan." Napailing-iling siyang umalis at iniwan kami na hindi pa nakakasagot sa sinabi niya. If only she knew I'm way-way older than her.

Umalis agad kami ng department store. It's almost 8 at halos paliparin ko na ang pagmamaneho ng kotse para lang makapasok pa kami agad sa orphanage na binibisita niya linggo-linggo. Why is she suddenly visiting an orphanage since we came back from Japan? I don't know.

Kilala ko ang founder ng orphanage na hanggang ngayon ay siya pa rin mismo ang tagapangalaga. The orphange's been here for like 30 years already. I've witnessed its construction, first orphans and first adoptions. Walang sulok ng orphanage ang hindi ko alam kahit na halos malayo ito sa kabihasnan at puro gubat ang nakapaligid.

"Bumalik ka." 

Napalingon ako sa matandang babaeng tumabi sa akin malapit sa pintuan ng bahay. It was the founder, Carla. "Of course."

Nakatingin lang ako sa pamamahagi ni Luciana ng mga regalo niya sa mga batang nakabihis ng pang paskong pajama. Those were also her gifts last week. Nakangiti siya habang ibinibigay niya ang mga regalo sa kanila.

"Magtatapos na ang siglo mo bukas. Nakita mo na siya?"

"I haven't. I didn't feel her presence." 

Ilang dekada na ang hinihintay ko. Ilang babae na ang inakala kong siyang hinihintay ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang babaeng pinakamamahal ko. 

"Then who is she? Alam kong pinagtutulakan mo palayo ang mga babaeng napapalapit sa'yo. Why is she an exception? Kahit ako na alam ang pagkatao mo at tinanggap ka ng buo, hindi mo pa rin ako tinanggap."

Napatahimik ako sa sinabi ni Carla. Who really is Luciana to me? 

"Laurent!"

"Coming!" Agad akong lumapit sa kanila at nakitang may kausap na ngayon si Luciana na batang babae na halos nasa limang taong gulang pa lang. She was sitting on a chair accompanied by one of the shelter's nannies. "Hello."

"Ginuhit kita. Kasama siya." Itinuro nito si Luciana na nakaupo rin sa harapan niya't katabi ko. I looked at her drawing and again somebody thought I was her lover. She draw me ang Luciana inside a heart. "Love loveeee."

"Love love baby," sagot naman ni Luciana at tinapik ako. "Hihiramin ko muna to ha?"

Tumango-tango ang bata at dinala ako ni Luciana sa kusina ng bahay. Pati ako naguguluhan na rin sa galawan niya. Seeing how excited she is I have an idea what she's up to.

"Prepare Lucy's adoption papers. I'll have her."

"Luciana, it's adoption for a child. It's not a pet, it's a responsibility."

"Alam ko."

"Your dad will kill you."

With what I said she was taken aback by my words. 

"She wouldn't. I won't let him. I'm building what I wanted to be and not what he wants."

She was assuring me everything's fine. Fine then.

Lumabas na kami ng orphanage. Nasa gilid ng kalsada namin ipinarada ang sasakyan namin. Mula sa gate ay napakunot noo ako nang matanaw kong may katabi na ang sasakyan namin. A black van. Why would they make it so obvious?

"Stay behind." Agad akong huminto sa paglalakad at hinawakan patungo sa likuran ko si Luciana. She looked confused but her safety is my priority.

"Bakit?"

"Bumalik ka sa lo—"Dalawang magkakasunod na putok ng baril ang narinig namin na siyang ikanapitlag ni Luciana. "Get inside!"

"No! Madadamay ang mga bata!"

Bumaba ang tatlong armadong lalaki mula sa van at humakbang papalapit sa amin. My brows met. No one should dare and lay a single finger on her.

"President Del Gatto. Nice to have you here." 

I left my gun on the car's compartment. Of all the things I forgot to bring with me tonight. Armado silang tatlo ng mga baril at lahat ng ito ay nakatutok sa amin. How the heck will I make her safe?

Lumapit silang tatlo hanggang sa halos isang metro nalang ang layo ko sa kanila. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Luciana kaya agad ko siyang hinila pababa at agad siyang nakayuko. Sinipa ko ang baril na hawak ng isang lalaki sa gilid at hinawakan naman ang baril ng isa. The only left standing was the one in the middle.

Hindi na makakatayo pa ang dalawa. The one I kicked fainted while the one I took my gun probably fructured his hands. 

Nakipagtitigan ako sa lalaki na nakatutok ang baril sa akin. I was also pointing my gun on him. Let's see who'll surrender.

"Laurent Cicero. A mysterious man with almost no background. Natural lang na kilala ka namin. Kung ako sayo ibigay mo na sa amin si Luciana."

"Sinong tanga ang maniniwala sa'yo?"

Isang mabilis na bagay ang dumaplis sa gilid ng binti ko kung saan nakayuko at takip ni Luciana ang ulo niya. Her eyes closed, fearing for her own life.

Hindi ako nagdalawang isip na hilahin ang gatilyo ng baril pero bago pa man ito pumutok ay may nauna ng tumama sa balikat ko. I spurred blood everywhere and I was down on my knees. They have a sniper in their car.

"Laurent!"

Agad na hinila ng lalaki si Luciana pero agad akong tumayo at hinila siya patungo sa mga bisig ko. I gripped her tightly. No one would get her from me.

"May dugo. Dumudu—"

Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko mula sa lupa. The guy I kicked earlier woke up and pointed his gun at Luciana. 

Mabilis kong pinaputok sa kamay ng lalaking kaharap ko ang baril at doon sa lalaking tanaw ko na nasa van. Hindi ko alam kung tumama iyon pero wala na akong pakialam.

"Fuck you." Walang pag-aalinlangan kong pinaputok sa ulo ng lalaking bumaril kay Luciana.

I hurriedly caressed Luciana. Akala ko sa balikat ito tumama. I started panicking when I saw it hit near her heart. No way! There's no freaking way! This can't be happening!

"Laurent..."

"Shh don't talk." Agad ko siyang binuhat at patakbong nagtungo sa kotse habang karga siya. "Please stay awake, Luciana."

"I love you, Leofric."

Halos mapatigil ako sa sinabi niya.

"Cecilia."

"My last reincarnation is this life, Leofric. Kagabi...kagabi pa kita naalala."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top