Day 4

II.

Kulang nalang ay magtatakbo ako para lang makaalis sa paningin ni Commander Aiden. How many days has it been? Three? Four? Right, it's been two weeks. Ako pa rin ang nagpapanggap na si Sandra. Bukas pa makakabalik ang totoong Sandra. I let her enjoy her time with her son.

Nakapagpaalam na rin ako kay Sandra na aalis na ako sa puder niya bukas. After all I already talked with my brother and he offered me a place to stay.

Sinabi ko rin kay Kuya na huwag itong sabihin kay commander. Nalaman lang din niya mula sa akin na ipinagkasundo pala ako ng mga magulang namin at ng lola ni commander. Hindi kami mayaman pero ang mga Simmons ay may kaya sa buhay. The commander's grandmother owns a teashop in Melian, the Teacoon. As of now Commander Aiden had someone operating it for a while after her grandma's death 3 years ago. 

"Diana."

Napakurap ako nang biglang bumungad sa harapan ko ang mukha ni Commander Aiden. Sa likuran nito ay dalawang babae. I think it's the guardians. 

"Ikaw si Diana?"

Lumapit sa akin ang babaeng hindi katangkaran at medyo payat. Naka ponytail ang mahaba nitong kulay kape na buhok. Kabaliktaran sa kasama nito na asul at mahaba ang buhok pero nakalugay. 

"Ah? Hindi." Napansin kong ngumisi si Commander Aiden pero nang umiwas na ng tingin ang babaeng lumapit sa akin ay agad ko rin siyang sinamaan ng tingin. 

Isinawalang bahala lang ako ni commander at lumapit sa dalawang babae. "Bakit kayo nandito?"

"Si Eira kasi oh!" Unang sagot ng babaeng asul ang buhok. "Napapansin niyang napapadalas ka rito."

"Sorry. Curious lang. Tiyaka nakakabigla kaya. Suki ka nga ng mga tave—" 

Agad na tinakpan ni commander ang bibig ng babaeng kulay kape ang buhok.

"Alam mo Eira, minsan pahamak ka. Can't you two just leave me alone for a while? Please."

"You're always alone. Duh." Nagtungo ang ang babaeng asul ang buhok sa pinto bago kumaway sa akin ang kasama nito na Eira ata ang pangalan.

"Keen as always." Napansin ko ang kakaibang tingin ni commander kay Eira. Mukhang may gusto ata siya rito. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan niya?! "What's with that look? Nagseselos ka ba?"

"Huh?! Ako? Asa ka."

Napatingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng pintuan ng shop. Halos hindi ko pa ito makita dahil sa rami ng nakabitin sa kisami ng shop. 

It's almost 5 pm. 

Nagpaalam na ako sa may-ari ng shop at sa dalawang kasamahan ko. At first they find it weird why Commander Aiden keeps on lurking in this shop. Tinatanong nila ako lagi tungkol dito pero lagi akong walang matinong sagot. Nagulat nalang ako na isang araw wala na silang tanong at balik na sila sa normal. As if Commander Aiden's not frequenting the store.

Umalis agad ako sa shop na hindi na pinapansin si commander. Is this how commander should act? Why is he so different from the stories people tell? 

"We can ride a horse to Silas?"

Halos nakayuko na akong maglakad sa gitna ng Melian. I just walk past by the fountain, ang bahagi ng Melian na napakaraming tao. Of course there are people who saw us. Kung kaya't hanggang maaari ay hindi ko inaangat ang mukha ko dahil mukha ito ni Sandra. I can't revert back to my form baka may makakilala pa sa akin.

"Diana?"

Diretsyo lang ang lakad ko hanggang sa makarating kami malapit sa Blue Apple Tavern and Brothel. Nasa itaas ito ng isang mababaw na bangin kung kaya't madali itong makita. Habang tinatanaw ito mula sa ibaba ay agad akong nakaramdam ng pagka-irita.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Commander Aiden na napatigil na rin sa paglalakad. 

"All I know about you is that you're the current commander and the future general." Humakbang ako papalapit sa kaniya at inangat ang tingin ko sa kaniya. "I'm sorry if this might offend you but I know that you've had many experiences with woman so come on, stop following me. We could see the brothel from here. Go. Enjoy your philandering fantasies there. Wala akong maibibigay sa'yo."

Iniwan ko na siya roon at nagsimulang maglakad. Magdidilim na ang paligid. Hindi pa iniilawan ang mga tanglaw na nasa gilid ng daan kung kaya't alam ko sa sarili ko na maaabutan na naman ako ng kadiliman sa daan.

Nakaabot ako sa Koa kung saan ngayon ay medyo may liwanag na ang mga daan. I wonder what that commander think about what I said? Hindi naman siguro ako sumubra.

"Diana."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. I wasn't shocked because it's him but because of his tone, it was threatening.

Hindi ako lumingon kung hindi ay napatigil lang ako sa paglalakad. I didn't dare looked at him. How would I? I probably went overboard with what I said.

A warm arms embraced my waist from the back, leaning his forehead at my shoulders. "I have been waiting. I thought I'm done with you but I miss you. I miss you so much."

Memories started appearing in my head. Memories that I didn't know existed. 

~~~~~

I saw myself in the mirror holding a bouquet of garden roses. Wearing a long beige dress. I looked pretty descent. 

"Diana! Hindi ikaw ang ikakasal bumaba ka na!"

I rolled my eyes and immediately went downstairs. Maaga kaming aalis ng Ibera para dumalo sa isang kasalan na magaganap sa palasyo. Pinsan ni mama ang ikakasal ngayon kung kaya't imbitado kami.

"Bakit may dala kang rosas? Bride ka ba? Mukha kang tanga."

"Shut up, kuya."

Sumakay kami sa barkong patungo sa Melian at pagdating roon ay sumakay kami sa isang karwahe patungong palasyo. Weddings are mostly held in the palace so it isn't unusual.

Buong seremonya lang akong nakangiti at manghang-mangha sa ikakasal. Kuya Denzel even tease me about it but I don't care. Pakiramdam ko gusto ko nalang maikasal. 

"Paalala lang Diana kaka diseotso mo pa lang." Bahagya pang kinatok ni kuya ang ulo ko habang naglalakad kami palabas ng palasyo. Kakatapos lang ng kasal. "Stop that kind of imagination."

I rolled my eyes again.

Napagdesisyonan kong mag-ikot muna sa palasyo. There are areas that's open to public so I roam around. May nakita akong matandang babaeng nakatingin lang sa nakabukas na entrance ng palasyo. It was an entrance closed to the public. Sacred ceremonies are held there. Like coronations, granting titles and royal weddings. 

"Anong sadya niyo rito?"

"Ah? Gusto ng apo kong maging mas mataas na opisyal ng palasyo. Granting titles will be held here."

Napatango-tango ako. Napatingin rin ako sa entrance at saka pa lang napagtanto na sobrang ganda pala sa loob nito.

"Gusto kong maikasal diyan," wala sa sarili kong sambit

"Pwede naman iha. You could either marry the prince or marry someone with official with higher ranking. Katulad ng mga General, Commander at mga Captain."

"May kilala kayo? Pakilala niyo naman ako," pabiro kong saad sa matandang babae. Ewan ko ba at mukhang ang sigla-sigla ko ata.

"Oh, he's here." Biglang kumaway ang matandang babae sa isang direksyon at tumingin sa akin. "You could marry him someday."

Napatingin ako sa lalaking pawisan na patakbong lumapit sa amin. Strands of his blond hair sticks on his forehead. Magulo ang buhok niyang dumating sa amin. He was also wearing an armor of a knight. For real? Mukhang magkasing edad lang naman kami ang agad niya namang maging kawal. Does he even have a life?

"I'm Aiden. Aiden Simmons."

I figured out he's 3 years older than me. Halos kada linggo kami kung magkita. Ang lola niya ay nakipagkilala na sa mga magulang ko. Like wow. Am I to be wedded?

"Do you want to get married, Aiden?"

"Probably?" Umupo si Aiden sa tabi ko habang nakaupo kami sa bench na nasa harapan ng entrance ng palasyo. Sa lugar kung saan gusto ko makasal.

"Anong klaseng sagot 'yan."

"It depends who am I going to marry of course. Kung ikaw bakit hindi?"

I smiled at him. "So it's a yes."

"Yes. I'm going to marry you."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya akala ko nagbibiro lang siya. "Seryoso ka?! Hindi nga?!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "I've known you for a year and I'm sure we'll be having your dream wedding." Itinuro niya ang entrance sa harapan namin. "I'll be a commander starting tomorrow."

Halos hindi ako mapakali nang hinatid niya ako noong hapon na iyon sa barko patungong Ibera. I didn't know that would be my last memory with him. 

An unpleasant storm happened on our way back to Ibera. The ship wrecked. A lot fell, including me. Fortunately, I survived. However, I lost some of my memories after waking up a week later. My memories with him were the ones I lost the most.

~~~~~

Hindi ko maalis ang mga kamay ko sa ulo ko habang unti-unting iniintindi ang ala-ala ko. I forgot him. I forgot the man I'd love.

"Kung kailan nating bumalik sa uno. Babalik tayo sa uno, Diana." He still haven't let go of me. "Your memories. I would wait for your memories to come back so we could add the new ones. I'm just glad to have you back."

I could fell my heart beating faster than usual, my eyes started to shed and emotions rummaging all over me. Bigla ko nalang naramdaman ang pamilyar na pakiramdam noong tatlong taon na ang nakararaan. I did indeed love him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top