Day 29

I. Apollo(new) Cyrus(ex)

I saw how Paul and Veda had become together. While I—I'm still stuck on this unfortunate lovelife. Looking on it outside the frames, we actually looked perfect. Other's perspective will either see us be perfect or very bad. There's nothing in between.

Cyrus and I both met on an audition to become an actors and actresses. May naganap kasing audition sa city two years ago. We met there and here we are almost two years together.

"Veda!" I waved my hand after seeing Veda outside the main campus. Napasobra ata kaming tatlo sa loyalty award at kahit sa college ay same school pa rin kami. Though we are on different courses. I'm taking BEEd, Veda's taking BS Psychology while Paul's taking Civil Engineering.

"Naks! Saan ka galing ha? May date ka ano? Ayiee," bungad na asar sa akin ni Paul nang makalapit ako sa kanila. Siniko naman siya agad ni Veda na umiinom ng buko juice.

"Sa wakas nandito ka na, Melee." Agad akong inakbayan ni Apollo na kanina pa ata naging third wheel sa dalawa to'. He's Paul's classmate and we're also part of the same drama club for almost three years. "Ang harot ni Paul."

"Maghanap ka na kasi." Natatawang saad ko sa kaniya at inalis ang pagkakaakbay niya. "Ikaw nalang ang walang jowa rito."

"Ayoko yung isa lang diyan ang gusto kong maging jowa," pabiro niyang saad na siyang ikinabuga ng inumin ni Veda. "Huy, Veda? Ayos ka lang?"

"Taena ka Apollo para kang tanga." Inabutan siya ni Paul ng panyo. "May jowa yang tao jusmeyo."

"Trust me. She doesn't understand. Hindi ba Melee?"

Napataas ako ng kilay na siyang ikanatawa nilang tatlo. Pasensya naman loading lang. Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi nila. Parang sila talaga ang mga tanga.

"Pasalamat ka't wala si Sera dito at baka nabatukan ka na. Ang loading mo masyado."

Sera's studying somewhere in Luzon. May scholarship kasi siyang tinanggap. We still have contact with each other. Sana all nga naman may scholarship. Ang gaganda ng buhay nila.

"Saan ba tayo pupunta?"

Mabilis akong lumayo kay Apollo at naglakad sa tabi ni Veda. Tinaasan niya ako ng kilay pero nagpanggap lang ako na hindi ko ito napansin. For goodness sake makakasalubong namin ang ilang estudyante mula sa kabilang university. Specifically, Cyrus' classmates.

Ayokong may makarating na naman na usap-usapan kay Cyrus. Though I think they still haven't noticed me yet. Tumigil kasi sila sa isang kainan.

Kakabati lang namin ni Cyrus kanina baka may mga siraulo na naman siyang kaklase na gagawa ng isyu sa akin. One wrong move of mine at malalagotan na naman ako nito.

I remember just a week ago they accused me with cheating. May kalampungan raw akong ibang lalaki sa park. They didn't know our drama club were shooting a short film. My partner that time was Apollo. Baka kung ano na namang isipin nila lalong lalo na't kasama ko ngayon si Apollo. The same man they were accusing me flinging with.

"Ayos ka lang Melee?" Siniko ako ni Veda habang naka angkla ang braso ko sa kaniya. My eyes still focused on those people's back. Hindi pa sila lumilingon. Hindi pa nila ako nakikita. "Anong nangyayari sa'yo?"

"Please tell Paul to walk with Apollo." I need him away from Veda kailangan niyang tumabi kay Apollo.

"Ha? Bakit?"

"May gagawin ako sa kanila. Bilis. Papakita ko mamaya." Mahina akong tumawa at hiniling na sana hindi mahalata nina Paul.

Siniko ni Veda si Paul at saglit itong kinausap ni Veda bago ito lumapit kay Apollo. Tuluyan rin namang nagkausap ang dalawa. They were laughing and I saw Apollo's face turning red. What a great coincidence.

Tamang-tama at dadaan na kami sa kumpulan ng mga kakilala ni Cyrus.

"Girls! Dali picture!" Sigaw ko at itinapat ang phone ko kay Paul at Apollo. "Ang harot niyo!"

I saw the confusion in Veda's face. Si Paul at Apollo naman ay madaling nakasabay sa sinasabi ko at agad na nagbabakla-baklaan. These two were really reliable.

"Darling Paul!"

"Ang sagwa niyo jusmeyo." Veda can't help but laugh for these two masculine guys walking as if they're on the runway or something.

Agad kong ibinaba ang phone ko at kunwari tinitignan ang mga litratong kuha ko pero ang mga mata ko talaga ay nandoon sa mga repleksiyon nila mula sa nakaparadang motor. Napansin kong tila nagtatalo sila nang makadaan na kami.

Pumasok kaming apat sa isang boutique at agad akong napabuntong hininga. They're finally out of sight. Mabuti nalang at magkakasama kaming apat. Natyempuhan na ngayon ang araw na mamimili kami nina Paul at Apollo ng ilang damit na susuotin namin sa play ngayong valentines.

Si Veda lang naman kasi sa aming apat ang hindi kasali sa drama club kaya pinasama na namin. Mabuti nalang at sabay kaming tatlo ng vacant time.

"Anong gimmick iyon ha?" Paul asked with seriousness in his tone. "Good thing we picked it up instantly. Ang galing talaga natin diba Ap—Apollo?"

Nakita namin na may hawak ng dress si Apollo at itinatapat ito sa katawan niya. It was too short for him. Mukhang sinasayad na naman ata siya.

"Apollo!"

Veda was laughing on how Apollo just looked stupid with the dress. Alam naman kasi naming mas straight pa sa ruler itong isang to'. Ang dami na nga niyang pinakilig na babae lalo na sa club namin.

"Geez, ang k-kj niyo." Ibinalik niya sa rack ang damit at tumayo sa gilik ko. "I have an idea why you did that. Let's talk about it later."

Kinabahan ako sa sinabi ni Apollo kung kaya't agad akong nagtungo sa mga rack at naghanap na mga dress na maaaring suotin namin sa play. Alam kong madali siyang nakakahalata pero hindi ko alam na agad niyang mapapansin. Is that why he choose to play along?

Kung pwede ko pa lang na patagalin ang oras ay pinatagal ko na. Kinakabahan ako na kausapin si Apollo.

Napadaan ako sa salamin at napansin ang tila naburang bahagi ng make up sa leeg ko.

No way, akala ko ba hindi iyon basta-basta na nabuburang concealer?

Nagmamadali akong nagbayad sa mga pinamili namin. I had to go to the bathroom. Wala pa talagang banyo ang boutique na pinasukan namin. Kung minamalas nga naman.

"May I borrow her for a while?" Hinila na ako ni Apollo sa kung saan habang bitbit ko ang mga damit na pinamili namin. "Let's talk right now."

"Ano ba? Apollo! Bitawan mo ako!" Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Nasa labas na pala kami ng boutique. Napalingon ako sa kung saan ko huling nakita ang mga kaklase ni Cyrus, they're still there.

"Let's talk about your shits, Melee." Hinawakan niya ang kamay ko at agad na idinampi sa leeg ko ang kabila niyang kamay na may panyo, erasing the make up covering my neck. "I'm not dumb, Melee. Live in na kayo?"

Umiwas ako ng tingin. Cyrus and I were already living together for almost three months. And those three months shits happened.

"We're adults." Kinuha ko sa kamay niya ang panyo at maayos na pinunasan ang leeg ko. "Aksidente lang itong nasa leeg ko."

"Hindi ako bulag, Melee. Alam ko kung anong pasa ang sinasakal at alin ang aksidente. Why are you protecting him?!"

"It's none of your bussiness."

Bakit ba siya nakikisali sa problema ng may problema. Dahil ba wala siyang sariling lovelife kaya nakikisawsaw sa akin? He could immediately have one if he wants to but he didn't.

"Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga Melee o bulag?" Dismayado niyang tanong sa akin. Alam nating dalawa kung gaano ka cheater ang lalaking iyan.

Apollo knows Cyrus better than those lovebirds. Minsan na kasi silang nagkasuntukan dahil nahuli kami ni Cyrus na magkasama. For goodness sake it's even for a campaign.

"Kung makaasta siya sa'yo parang alagang aso na kinakadena bilang simbolo ng pagmamahal. Binabakuran ka niya pero siya itong sobrang daming babae."

I glared at him. "Huwag mong ipaalala."

"See?! You know! Why did you even stay with him? Just look at your bruises and yourself Melee. Hindi ko maatim na ginaganiyan ka niya." He just sounded so worried.

"Well, ako kaya ko," walang pag aalinlangan kong saad. "So stoo giving me that advices."

Napabuntong hininga si Apollo at bahagyang ginulo ang buho ko. "Okay fine. But whatever happens I'll be right here. Sa susunod na saktan ka pa niya ay gaganti na talaga ako."

Napakunoy noo ako sa pinagsasabi niya. Ano namang kinalaman niya sa problema ko kay Cyrus? Chismoso ba siya?

"Bakit?"

Bahagyang napatigil si Apollo at napailing-iling. "You really are clueless."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top