Day 27

II.

"Mariposa! Bakit hindi niyo ako ginising kagabi!"

Niyugyug ko pa ang balikat ni Mari habang naglalakad na naman kami paloob ng city sports complex. Dito na naman kasi kami magpapractice dahil bukas na ang araw ng performance bigay todo na to'. Kahapon nga may nahimatay na. Hindi ito alam ng ibang teachers namin kahit pinagbabawalan na kaming magpractice ng gabi.

I even decided to stay the night with Mariposa just to save myself from travelling and chasing the vehicles episode of mine.

How the hell would they think we could perform a cheerdance in a span of two weeks? Ang sarap nilang sapakin. My class is competetive. We always aim for the first place. Sa apat na STEM strand na magpeperform sa PE, ang section namin ang inaabangan ng mga manonood, kahit pa ang taga ibang STEM. They expect the best from us.

"Tanungin mo pa ang dalawang kasama natin girl, hindi ka talaga nagising. Wala kaming choice." Napahikab si Mari at tumingin sa'kin. "They were my cousins by the way."

Napakunot noo ako. What?! Really?

That's new to me. Kung sabagay lumipat na ng skwelahan si James kaya hindi ko alam. Hindi rin kami masyadong close ni Mari dati kaya hindi ko na siya kinausap tungkol kay James. Pakialam ko ba kasi sa kanila dati.

Nagsimula rin agad ang practice namin.

Mabuti naman at nakiayon ang kalangitan dahil hindi na kami pinayagang magpractice sa loob ng city gym. So we decided to have our practice on the track and field. Where the bright full moon helped in illuminating the area.

And the exhausting night begins.

For two hours straight, we are almost catching our breaths and our muscles sore. Pansin ko na nga ring mas lumalala na ang mga pasa ko sa katawan. I've been thrown to the air for how many times at minsan muntikan pa akong hindi masalo. Lagot talaga kami nito kapag may madisgrasya sa amin.

Saglit na nagkaroon kami ng dinner break. Habang kumakain sa gilid ng field ay napalingon ako sa likuran kung saan may chain-linked fence na pumagitan sa amin sa doorway ng gym. There were a few volleyball players talking as they were heading out. Mukhang break din ata nila. They were actually the ones occupying the area. Sa pagkakaalam ko kasi ay mga college students sila mula sa ibang university.

Mabilis kong tinapos ang kinakain ko upang makapagpahinga ako ng saglit. Tumingin ako sa katabi kong si Mariposa na abala sa phone niya. Mukhang kausap na naman niya ang boyfriend niyang espanyol. Hindi ko nga alam kung paano sila nagkakilala.

"Mari, huy. Tapusin mo muna yang kinakain mo."

"Saglit lang."

At hindi na niya ako pinansin habang kumakain siya't nagpho-phone. She's really heads over heels to his boyfriend. Ni hindi pa nga sila nagkikita niyan.

"Huy."

Napalingon ako sa likuran ko at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha. Why is he here?

Jacques' is wearing a plain white shirt, gray sweat pants and a pair of black rubber shoes. Nakasandal siya sa fence at bahagyang hinihila ang buhok ko dahil nakasandal ako rito. Bakit ba ako ang kinukulit niya at hindi ang pinsan niya?

"Bakit ka nandito?"

"Practice." Itinuro niya ang ilang players na labas pasok ng gym. "Why are you two still here this late?"

"Same with yours," sagot ko habang napahikab. Inaantok na ako, nagpopolish pa nga kami ng actions.

Hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya nang biglang umalingawngaw ang boses ng leader namin. Mukhang magsisimula na nga kami.

Hinila ko si Mariposa patayo at dali-daling nagtungo sa mga position namin. Napansin ko pa mula sa fence na nakasandal pa rin doon si Jacques at kumaway pa sa'min. He should look away. It's making me uncomfortable.

"Claudette!"

Halos mapapikit ako nang marinig ko sa malakas na boses ang pangalan ko. Bakit ba siya sigaw ng sigaw?! Why is it my name?

"Good luck!"

I raised my middle finger before turning my head to our female leader who had this shocked expression. Napailing siya at bumalik sa pagiging strikto ang mukha niya. This time her attention seems to be directed to me.

"Stop slacking Claudette!"

"How the hell would I slack?!" Hindi ko mapigilan na hindi magalit dahil pang ilang beses na namin ginagawa ang stunt. My back is hurting for goodness sake. Ginagawa ko naman ang makakaya ko. I'm not once a gymnast for nothing.

Napansin kong mukhang mainit ang ulo ng leader namin at mukhang ako ata ang pinagdidiskitahan. The hell is her problem?

I once again did the scorpion position, for some reason my feet started shaking. Nanginginig na ang kamay ni Brent! He's my base for goodness sake!

Tuluyan akong nawalan ng balanse hanggang sa marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko.

I was falling.

Nasalo ako ng mga spotter pero tumama na ang ulo ko sa field. I instantly felt dizzy as my body's also aching all over. What the heck just happened?

"Claudette!"

Nakadapa pa rin ako sa field habang hawak ko ang ulo ko. Lumapit sa akin ang mga spotter at si Brent. They were looking very worried. Dahan-dahan akong napaupo dahil masakit ang likuran ko.

"Sorry! I'm sorry. Nangangalay na talaga ang mga kamay ko. I—"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Brent at agad na tumayo habang hawak ang gilid ng ulo ko. It hurts like hell. Kasalanan ito ni Luisa. We're not cheerleading experts! Obviously my classmates can't tolerate longer lifts. Kung may galit siya sa akin. Ako lang ang harapin niya.

She's acting a brat. Sabagay rich kid nga naman.

Lumapit ako kay Luisa na nakatayo lang at nakatulala. Inalis ko ang kamay ko sa ulo ko at ipinakita sa kaniya. I could barely even hold myself.

"Pwede na akong umuwi, hindi ba?"

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at agad na nagtungo sa gilid ng fence kung saan nakasandal ang bag namin. My gaze were a bit hazy and it seems like I'm walking slowly and swaying. 

I heard footsteps running from the other direction as I was picking my things with one hand. Napatingin ako sa pintuan ng gym at agad na nagtagpo ang mga mata namin ni Jacques. His shirt was wet maybe because he was playing inside.

Napailing ako at napatitig sa bag ko. My eyes. My eyesight is getting bad.

I heave a deep breath just to get my senses back to senses and tried to stand.

"Claudette!"

I heard Mariposa's voice but before I could even shift my body to her direction, I had lost my balance. Mabuti nalang ay may sumalo sa akin kung hindi mukhang madadagdagan itong sugat ko.

Agad na hinawakan ni Mari ang ulo ko at nanghihina ko itong tinapik papalayo habang nakasandal ako sa kung sino man itong sumalo sa akin. I just can't hold myself up.

"Bumalik ka na. I'll still perform tomorrow, I promise."

"You're freaking bleeding, Claudette!" Sa tono ng boses ni Mariposa ay hindi ko alam kung galit ba siya o nag-aalala. Maybe both. "Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo ng ganiyan. Kuya!"

"Get me an ice pack first. Ako na ang bahala sa kaniya."

That voice, it' Jacques.

"Can I talk to your leader?"

Napahawak ako sa laylayan ng shirt niya. "Huwag kang magkakamaling isumbong kami sa mga teachers, Jacques." I closed my eyes as I rest my head on his chest and slowly his arms were wrapped around my hips. He just needed to support my body as I was about to lose my conciousness.

"Sir Estrella." It was Luisa's voice seems to be running to our direction. Sir Estrella? He's a freaking teacher?

He secured his hands around me and whispered, "Don't worry, I won't."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top